Brielle’s POV “Tell that you are jealous, I will kiss you in front of her,” he whispered, dahilan kaya mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. “No. Bakit naman ako magseselos?” Pilit kong nilalabanan ang matalim niyang pagtitig sa akin. “I’m not jealous,” pagdidiin ko sa huling salita. “Let’s go back to our room. Medyo malamig dito sa labas.” Hinawakan niya ang braso ko at pinagsiklop ang mga kamay namin. Sinubokan kong bawiin ang kamay ko sa kaniya kasi naiilang ako sa mga ginagawa at pinapakita niya sa akin, pero ayaw niyang bitawan ang aking kamay. Mas lalo niya lang hinigpitan ang paghawak. Nang makabalik na kami sa kwarto namin, doon niya pa lang binitawan ang kamay ko. Nagpunta kaagad ako sa kama ko at nagtago sa ilalim ng kumot. “Maliligo ka ba? I’ll shower first,” rinig kong sabi ni Mark. Hindi ako sumagot. Nakahawak lang ako sa dibdib ko kasi ang bilis-bilis pa rin ng pagtibok ng puso ko. Bakit naman ako kinakabahan ng ganito katindi? “Brielle,” he uttered.
Last Updated : 2024-12-07 Read more