Brielle’s POVHindi ko na alam kung paano ko patatahimikin ang bunganga ni Mark. Walang preno ang bunganga siya sa pagsasalita sa akin ng mga pick up lines. Hindi angkop sa edad niya, pero inaamin kong nakaramdam naman ako ng kilig. Hindi pa naman ako ganoon ka-manhid na tao. “Ang papangit ng mga pick up lines mo Pang-Tito ang dating. Well, matanda ka na kasi,” natatawang sabi ko habang nililigpit ang mga pinagkainan namin. “So, mas gusto mo ang mga banat na pang-Daddy?” Tumaas ang isang kilay niya at uminom ng tubig. “Daddy ka naman talaga.” “Tawagin mo akong Daddy kung ‘yan ang tingin mo sa akin. Baby, come to Daddy.”Gusto ko siyang batuhin ng plato, pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Iiyak yata ang araw kapag hindi kami nagbabangayan ni Mark sa tuwing magkasama. “Just kidding. Ang bilis mong mainis. Kaya gustong-gusto kitang asarin,” dagdag niya. “Isang biro mo pa sa akin, makikita mo talaga ang hinahanap mo !” pagbabanta ko. “Manghuhula ka na pala ngayon kasi alam mo k
Last Updated : 2024-12-04 Read more