“Bria, pauwi ka na?” Nagliligpit na ako ng mga gamit ko sa table upang umuwi nang tawagin ako ni Cella, kaibigan ko. “Oo, eh, ikaw?” balik na tanong ko rito. Ang akala ko ay sasabay na ito kay Sven, ah! “Alam mo, sagutin mo na iyong manliligaw mo para may kasabay ka nang umuwi. Hindi ‘yong ikaw na lang din palagi ang kasama ko,” aning biro ko. Ito na kasi ang routine naming dalawa sa araw-araw simula pagpasok hanggang sa pag-uwi. Sumimangot naman ang loka na akala mo nasaktan sa sinabi ko. “A-aray! Mukhang sawang-sawa ka na sa pagmumukha ko, friend, ah? Hayaan mo. Last na ‘to dahil kami na ni Sven.” “ Totoo?” “Kita mo ‘to! Kasasabi mo lang na gusto mong magka-boyfriend na ‘ko, tapos ngayon sinabi kong mayroon na, ay, ayaw mo namang maniwala.” Natawa na lang ako dahil mukhang mauubos na yata ang pasensiya ng kaibigan ko. “Wow! Congrats, I'm so happy for you,” bati ko pa. Matagal na rin namang nanliligaw si Sven sa kan’ya, siya lang ‘tong nagpapakipot. “Kuh! So, happy.
Huling Na-update : 2024-05-30 Magbasa pa