Kalalapag lang ng eroplano at sa wakas. After 2 years ay nakauwi na rin ako. Nag-message na ako kay mommy na nakating na ako at hindi na rin ako nagpasundo dahil isang maleta lang naman ang dalawa ko. 1 week lang ang leave ko dahil wala naman akong balak na matagal pa.
Tumuloy ako sa condo unit ni Cella, pinapaupahan niya ito at dahil nakalipat na umano ang nangupahan ay inalok niya na doon na lamang ako tumuloy. Ayaw ko rin na maglagi sa bahay. ‘Pero, baka naman nagbago na talaga siya?’ Bukas na raw ang kasal nila kaya mamayang gabi na lamang ako uuwi sa bahay, gusto ko na munang matulog dahil med’yo makirot ang ulo ko. Nang magising ako ay agad na akong nag-asikaso upang makauwi na. Pagdating ko ay namangha ako sa ginawa nilang decorations. Mukhang pinaghandaan talagang mabuti. Agad na namataan ng mga mata ko si lola kaya nagmadali akong lapitan ito at tinakpan ng aking dalawang palad ang mga mata nito. “Apo ko?” Napangiti ako dahil nakilala ako agad ni lola. “Ang daya naman! Hindi naman po muna kayo nagulat,” kunwaring nagtatampo kong sabi. “Na-miss kita, Brianna. Ang ganda-ganda mo naman apo ko.” Yumakap ako kay lola dahil sobrang na-miss ko rin talaga sila ni lolo. “Nasaan po sina Mommy?” “Ay tara sa loob. Siguradong matutuwa sila ‘t narito ka na.” Naka-akbay ako kay lola habang ito naman ay nakayapos sa katawan ko. Grabe, ang ganda ng palibot. Parang ito rin noon ang pangarap ko kapag ikinasal ako eh! “Lucy! Narito na si Brianna!” “Brianna… Ikaw ba talaga iyan? Naku! Ang anak ko.” Sinalubong ako ni mommy nang mahigpit na yakap. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko nag-uunahang magsipatakan. Parang nakaramdam ako ng bigat sa dibdib na mukhang naipon ko lamang sa loob ng dalawang taon. “Mommy,” tanging nasambit habang umiiyak. Ramdam ko naman na panay ang halik ni mommy sa ulo ko. “Shhh…tahan na, welcome back. Anak.” “Uhh… Na-teary eyed naman ako sa tagpo ninyo, mom.” Heto na ang kakambal kong magaling! “Narito na ang kapatid mo, Lilianna. Dapat ay masaya ka dahil dalawang taon siyang nawalay sa atin,” sabi naman ni mommy. “Yeah. I know, right? Sino ba ‘ng may gusto na umalis noon? Hindi ba at siya?” “Lilianna!” “Okay, okay, relax. It's my wedding tomorrow. So, my dear sister. Welcome back,” sabi pa nito na may pekeng ngiti bago umakyat. ‘Akala ko pa naman ay nagbago na siya!’ Kinaumagahan ay nagulat ako dahil sa uma-alingawngaw ang boses ni daddy. Dito na kasi ako nakatulog dahil nag-usap kami ni daddy at nagkaayos na rin sa wakas. Tila nabunutan ako ng tinik nung mga sa dibdib ko at ang sarap sa pakiramdam. Pagtingin ko sa wall clock ay alas sais pa lang ng umaga at ang kasal ni Lilianna ay ala una pa ng hapon. Nagsuot ako ng robe bago lumabas upang tingnan ang nagaganap sa labas. “Walang hiya iyang anak mo, Lucy! Bakit niya nagawa ang bagay na ito?! Binigyan niya pa tayo ng kahihiyan!” “Anton! Kumalka, please. Tatawagan ko si Lilianna.” “Paanong kakalma? Iyong anak mo tumakas sa araw ng kasal, pakakalmahin mo ako?! “Mom, Dad? What's going on here? Why are you shouting?” “Hay naku, Brianna. Ang magaling mong kapatid, ayun! Umalis nang walang paalam at iiwanan tayo ng kahihiyan!” “W-what? Saan naman daw po siya pupunta? God! How about the wedding? Ready na ang lahat ‘di po ba?” Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng kakambal ko at naisipang mag-run away bride. “Ito, para sa iyo iyan! Basahin mo!” Inabot sa akin ni dad ang isang sulat galing umano ito kay Lilianna para sa akin. Pagkakuha ko nun kay daddy ay minadali ko na iyong basahin. Dearest Bria, Brianna, I know that you will hate me after you read this. That's why I am really sorry but I have my reason. Please, Brianna. Do my part, just continue the wedding as you are the bride. Isipin mo na lang na kasal mo talaga iyan! I owe you a lot for this, promise babawi ako. I love Dylan but I have my dream too. Nagawa mo naman na ang gusto for the past two years kaya hindi naman siguro masama na gawin ko rin iyong akin. Try to pretend that you are Lilianna. Dylan didn't know that I have you, my twin. I'll promise to be back soon. Do your best, okay? I'm sorry. –Lia Parang hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang mga nabasa ko sa sulat ni Lilianna. “No! It can't be, Lilianna. No way!” Nanginginig ako sa sobrang galit ngayon! Sobra-sobra na ‘tong pabor na gustong mangyari ni Lia. Hindi ako papayag! “Bakit anak? Ano ang nakalagay sa sulat?” Kinuha ni daddy ang sulat sa kamay ko at binasa. “This is bullsh*it!” nilakumos ni daddy ang sulat. Ang laking problema ang iniwan ni Lia sa amin. “Lucy, saan ba nagmana iyang anak mo na iyan sa katigasan ng ulo? Ano ba ‘ng akala niya sa mga tao rito? Ipapakasal niya ba naman si Brianna sa mapapangasawa niya!” “Hindi ko rin alam, Anton. Lahat naman ng hiningi niya binigay natin sa kan’ya.” Maging si mommy ay umiiyak na rin. Hindi biro itong ginawa ni Lilianna. Kaya tumayo ako upang magbihis. Ibabalik ko siya rito! “Saan ka pupunta, Brianna?” “Ibabalik ko ang babaeng iyon dito, Mom. Sa ayaw at sa gusto niya!” “‘Wag na! Masasayang lamang kayo ng oras. Matalino iyong lintik na batang iyon, kita niyo ngang umalis siya nang may sulusyon sa iniwan niyang problema.” Pigil sa akin ni daddy. “At ano, Dad? Ako? Papayag kayong ikasal ako sa dapat ay pakakasalan ni Lia, gano'n ba?” “Anak, wala na tayong ibang choice. Mapapahiya lang tayo.” “Paano naman ako, Mom? Dad? Sasaluhin niyo na naman ba si Lilianna?” Parang gusto sumabog ang hinanakit ko sa nangyari noon sa pagitan namin ni Lia. Tapos ito na naman ngayon! “Brianna, hindi kita pipilitin anak. Ikaw ang bahala kung ano desisyon mo. Mauna na ako sa kuwarto, gusto ko nang ymagpahinga.” Ngunit natigilan kami pareho ni mommy sa sinabi ni daddy. Bagsak ang balikat nitong nagpaalam sa amin. Parang tinutusok ang puso ko ng sandamakmak na karayum na makita kong gano'n kalungkot si daddy. Pailing-iling pa ito habang naglalakad paakyat ng hagdan. “Pag-isipan mo anak, sundan ko lang ang daddy mo. Sabihan mo ‘ko agad kung ano ang desisyon mo, okay?” Yumakap muna si mommy bago ako nito iwan. Gulong-gulo ang utak ko sa mga nangyayari. Dapat nasa France ako ngayon kasama ang kaibigan kong si Cella at masayang nagtatrabaho eh! May ilang oras pa ako upang makapag-isip. “Sigurado ka ba ba sa desisyon, Brianna?” malungkot na tanong ni daddy sa akin. Nakabihis na ito dahil mauuna na sila sa simbahan. “Yes, Dad. Mas lamang pa rin po kayo sa akin. Hindi ko po kayang mailagay kayo sa alanganin,” sabi ko. Pinisil ni daddy ang palad ko bilang pasasalamat at simpat’ya. “Thank you so much, anak. Ikaw ang nalayo sa tabi nami pero ikaw pa ang gumagawa nito para sa amin. Pasensiya ka na, anak, ha?” Pinigalan kong maiyak. “Daddy, tama na. Masisira iyong make-up ko, oh! Baka mamaya mas lalong hindi matuloy ang kasal dahil baka magbago ang isip ni Dylan.” Pareho naman kaming natawa ni dad. Mukhang na-imagine niya rin yata ang ibig kong sabihin. “Ayaw mo nun? E ‘di libre ka na.” “Malabo po iyon mangyari!” “Sige na, anak. Good luck. Tuloy ang plano mamaya, okay?”Naroon na sina mommy at daddy sa simbahan habang ako ay palabas pa lang ay paalis pa lang. Sobrang ganda ng wedding gown na ‘to. Hindi na rin kailangan mag-adjust sa sukat dahil saktong-sakto lang talaga ito sa akin nang isuot ko. Ang sabi nina mommy ay konti lang daw ang may alam na kambal kami ni Lia at ang alam ng iba ay hindi na talaga ako umuuwi kila mommy. Habang ang magaling kong kakambal ay talagang tinago na ako. Ano ba ang mayroon sa akin at ayaw niyang ipalaam na nag-e-exist ako? “Grabe, ma’am. Parang kang Royal Princess sa wedding gown mo iyan, bagay na bagay,” sabi pa nang nag-ayos sa akin. “Hindi naman siguro, pero agree akong maganda iyong gown.” Ngiti ko.Sumakay na ako sa bridal car patungong simbahan. Kumakabog ang dibdib ko sobra! Hindi ko man lang nabalitaan si Cella sa nangyari sa buhay ko ngayong araw. Nang makarating ako sa simbahan ay agad nang pinaalam ng organizer upang magready na ang lahat. At doon, dahan-dahan magbukas ang tarangkahan ng simbahan kasun
“Are you okay, hmmn?” mahinang sabi ni Dylan. Sakay kami ng bridal car patungong reception. Ewan ko ba, bakit parang pakiramdam ko mas liksinad'ya Niya maging gano'n ang boses. Ang hot at sexy nang dating nun. Lalong din itong dumikit sa akin at hindi ako manhid sa kung ano man ang gusto nitong iparating. “O-okay, lang. Ikaw ba? Okay ka naman?” “Uhuh! What if– ‘Wag na lang tayo tumuloy sa reception, love? malambing na tanong niya pa. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan na ako hanggang singit! Diyos ko!“Ah– Ano ka ba, hindi puwede. Nakakahiya sa mga bisita natin.” Humalik pa siya sa pisngi ko. My gosh! ‘Wala pang kahit sino ang nakahalik sa akin tapos ito lng!“Puwede bang umusog ka na muna? Ang init Kasi,” sabi ko. Hindi ako mapalagay na ganito’y sobrang lapit niya sa akin, baka hindi ako makapagtimpi at bigwasan ko na talaga ‘to! Tila nagtatakang pa ako nitong tinitigan. “Why? Malakas naman iyong aircon, love. wait palakasan ko iyon aircom–”“‘Wag na! Okay lang ako. Umusog ka na lan
“Dad, tuloy pa ba? Paano?” “Sobrang maraming tao anak. T’saka nakakahiya sa mga bisita, sa ibang araw na lang kaya?” Napabuntonghininga ako dahil iyon din ang inaalala ko. Pero paano ako makakatakas kay Dylan mamayang gabi? Hindi pa ako handa na isuko ang bataan ko! “Pero iyong honeymoon ang inaalala ko, Dad. Hindi naman ako papayag ng gano'n,” maktol ko kay daddy. Parang ayaw ko na nga lang bumalik dun sa loob kung puwede lang eh! “Ikaw na lang ang bahala, anak. Pasensiya ka na talaga,” sabi pa nito. “Sige, ako na po ang bahala mamaya. Pumasok na lang po kayo ro’n sa loob. “You okay now?” tanong ni Dylan nang makabalik na ako. Hindi pa rin ito kumakain at mukhang hinintay pa ako. Ang mga bisita naman ay abala na sa pagkain nila. “Yeah, Thank you. Bakit hindi ka pa kumakain?”“Hinintay kita. Ayaw kong kumain nang hindi kita kasabay,” malambing na sabi nito. Ngumiti naman ako at nag-umpisa nang sumadok ng kakainin nang biglang inagaw nito ang servings spoon sa kamay ko at siya na
Nakangiti si Dylan nang muling pagmasdan ang kwintas na binili nito para kay Liliana. Second wedding anniversary na kasi nila kaya ito ang naisipan niyang iregalo. Nasa labas na ito ng gate nang namataan nito ang isang sasakyan, nangunot ang noo ni Dylan dahil mukhang may bisita pa yata sila. Ang alam niya ay wala namang nabangit si Lilianna tungkol doon. “Lia, please… ‘Di ba sinabi ko naman sa iyong bigyan mo muna ako ng panahon para makaalis? Hindi madali para sa akin ang gusto mong mangyari,” pakiusap ni Bria kay Lilianna. Ngayong nagbalik na ito mula sa kung saang lupalop man ito nanggaling ay tila laruan lamang si Dylan ngayon na puwede niyang bawin hangga't kailan nito gusto!“At bakit, Bria? Ha? Hulog na hulog ka na ba? Baka nakalimutan mong ako ang tunay na asawa!!” may diing sabi pa ni Lilianna. Alam ni Bria na isang araw ay magbabalik ang kakambal sumabalit hindi siya handa sa biglaang pagdating nito.“It's our second wedding anniversary, for the last time, baka puwedeng ka
“Bria, pauwi ka na?”Nagliligpit na ako ng mga gamit ko sa table upang umuwi nang tawagin ako ni Cella, kaibigan ko. “Oo, eh, ikaw?” balik Kong tanong rito. Ang akala ko ay sasabay na ito kay Sven, ah!“Alam mo, sagutin mo na iyong manliligaw mo para may kasabay ka nang umuwi. Hindi ‘yong ikaw na lang din palagi ang kasama ko,” aning biro ko. Ito na kasi ang routine naming dalawa sa araw-araw, simula pagpasok hanggang sa pag-uwi. Sumimangot naman ang loka na akala mo nasaktan sa sinabi ko. “A-aray! Mukhang sawang-sawa ka na sa pagmumukha ko, friend, ah? Hayaan mo. Last na ‘to dahil kami na ni Sven.”“ Totoo?” “Kita mo ‘to! Kasasabi mo lang na gusto mong magka-boyfriend na ‘ko, tapos ngayon sinabi kong mayroon na, ay, ayaw mo namang maniwala.” Natawa na lang ako dahil mukhang mauubos na yata ang pasensiya ng kaibigan ko.“Wow! Congrats, I'm so happy for you,” bati ko pa. Matagal na rin namang nanliligaw si Sven sa kan’ya, siya lang ‘tong nagpapakipot. “Kuh! So, happy. Saan? Dahil h
Hahakbang na sana ako upang puntahan si Dylan at kausapin nang may kamay na humila ng braso ko pabalik. “Saan ka pupunta, Bria?” “Lia?” Ang paraan nang titig sa akin ni Lia ay tila magkahalong inis at galit na hindi ko alam kung bakit? Hindi ba siya masaya na narito ako sa birthday ni daddy?“Yes, saan ka pupunta? Bakit narito ka?” Hindi ko na lang pinansin ang pagkamaldita nito. “A-ah… Su-surpresahin sana kita, eh!” “Talaga? Well, I'm not surprised, Bria!”Nangunot ang noo ko! Bakit ba siya ganito?“Lia? Ano ba ‘ng nangyayari sa iyo? Hindi kita maintindihan.”“Follow me!” Pagtalikod niya ay agad naman akong sumunod hanggang sa makarating kami sa k’warto niya. “Nakita mo ba ‘yong boyfriend ko?” tanong niya agad sa akin na tinanguan ko naman. “Siya nga pala, paano mo nakilala si Dylan?” tanong ko. Inaamin kong may kirot sa puso ko nang sabihin niya sa harap kong boyfriend niya na ito. Ang tagal kong hinintay si Dylan tapos ito pa ang malalaman ko. “Ah, iyan ba? Siya lang naman a