“Bria, pauwi ka na?”
Nagliligpit na ako ng mga gamit ko sa table upang umuwi nang tawagin ako ni Cella, kaibigan ko. “Oo, eh, ikaw?” balik Kong tanong rito. Ang akala ko ay sasabay na ito kay Sven, ah! “Alam mo, sagutin mo na iyong manliligaw mo para may kasabay ka nang umuwi. Hindi ‘yong ikaw na lang din palagi ang kasama ko,” aning biro ko. Ito na kasi ang routine naming dalawa sa araw-araw, simula pagpasok hanggang sa pag-uwi. Sumimangot naman ang loka na akala mo nasaktan sa sinabi ko. “A-aray! Mukhang sawang-sawa ka na sa pagmumukha ko, friend, ah? Hayaan mo. Last na ‘to dahil kami na ni Sven.” “ Totoo?” “Kita mo ‘to! Kasasabi mo lang na gusto mong magka-boyfriend na ‘ko, tapos ngayon sinabi kong mayroon na, ay, ayaw mo namang maniwala.” Natawa na lang ako dahil mukhang mauubos na yata ang pasensiya ng kaibigan ko. “Wow! Congrats, I'm so happy for you,” bati ko pa. Matagal na rin namang nanliligaw si Sven sa kan’ya, siya lang ‘tong nagpapakipot. “Kuh! So, happy. Saan? Dahil hindi mo na ‘ko makakasama palagi? Uy, hindi! Magiging tatlo na tayo dahil dalawa na kami ni Sven ang kasabay mo.” “Loka! Ginawa mo pa akong third wheel? Tigilan mo nga ‘ko, Cella,” sabing protesta ko dahil ayaw ko namang maka-istorbo sa kanila. “Ayaw mo? Eh, ‘di mag-boyfriend ka na rin para double date!” Inirapan ko na lamang si Cella dahil ni manliligaw nga ayaw ko, boyfriend pa kaya. “Sakit lang sa ulo ‘yan at sa una lang masaya. Thank you na lang!” Tapik ko sa balikat niya. “OA mo! Palibhasa gusto mong tumandang dalaga. Aba ‘y tikim-tikim din ng luto ng Diyos.” Sabay na lang rin kaming nagtawanan nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa loob ng bag. Nang tingnan ko ay si mommy ang tumatawag. “Hi Mom!’’ masiglang bati ko. Bigla ko itong na-miss. Nasa france ako habang sila ay nasa pinas. “Hello, Brianna. Kumusta ka na? Miss na miss na kita,” may himig na lungkot ang boses ni mommy, parang gusto ko na tuloy umuwi. “I miss you, too. Mommy. Soon, magagawan ko na ng paraan para makauwi.” “Sana nga anak. Ikakasal na ang kakambal mo kaya kailangan mo na talagang makauwi,” sabi pa ni mommy. ‘Ikakasal na?’ “Really? Anong nakain niya at gusto nang magpakasal?” Sa dami pa ng gustong gawin ni Lia, biglang gustong magpakasal?” pinagsawalang bahala ko na lamang ang tila pagbigat ng pakiramdam ko. “Yes, anak. His boyfriend proposed to her last night at minamadali na ng lolo mo ang kasal dahil gusto nang magka-apo,” natatawang sabi pa ni mommy. ‘Ikakasal na sila ni Dylan? Sila pap rin kaya?’ “Brianna?” “Ah– Yes, I'm coming. Just send me the details para makapag-file po ako ng leave kahit two weeks lang, mom.” “Good. ‘Wag mo akong biguin anak, umuwi ka talaga!” “Opo. How's Daddy? I-kumusta mo na lang po ako sa kanila ni Lilianna pati kina lolo at lola.” Alam kong may tampo pa rin si daddy dahil sa pag-alis ko noon. Ni minsan ay hindi ako nito kinumusta. “Okay naman ang Daddy mo. Hayaan mo, kapag nakauwi ka na rito ay matutunaw rin ang tampo nun sa iyo. Sige na, anak. Magpahinga ka na ‘t alam kong pagod ka na rin.” Napabuntong-hininga na lamang ako, halos dalawang taon na mula nang pumunta ako rito sa France. Kahit pa sabihin ko kay mommy na gusto ko itong makausap. Palagi raw itong wala kapag tumatawag ako. Alam kong ayaw lang talaga ni daddy kaya hinayaan ko na lang muna. “Friend, okay ka lang? Ang tahimik mo bigla.” “O-oo naman. Si Mommy tumawag, ikakasal na raw si Lilianna kaya kailangan kong umuwi.” “Ha? Invited ka pala?” Natawa na lang ako sa itsura nitong si Cella, kapag wala ‘tong isang ‘to? Paano na lang kaya ako noon? “Sira! Tara na nga, gutom lang iyan!” Hindi ko na siya pinagsalita pa at hinila ko na ito paalis. Ngayon ay nakahiga na ako ngunit hindi dalawin ng antok. Biglang nanariwa sa isip ko kung bakit ako nagdesisyon na umalis ng Pilipinas. After kung makapagtapos ng pag-aaral ay isang taon muna akong namalagi sa probinsya at nakahanap naman agad ako ng trabaho pansamantala. Sa lumipas na isang taon na iyon ay hindi ko pa rin makalimutan si Dylan. Umaasa akong magkikita kaming muli kung kaya't isa rin iyon sa pasya kong sa probinsya na muna ako mamamalagi dahil baka isang araw ay bigla kaming magkita. Subalit nabigo lamang ako. Hanggang sa isang araw ay natuloy na akong lumuwas ng Maynila dahil Birthday ni daddy. “Happy birthday, Daddy,” bati ko at yumakap pa ako rito nang mahigpit. Kulang na kulang ang mga panahong dinadalaw nila ako ni mommy kina lola sa probinsya. “Thank you, anak. Sobrang saya ko at buo na tayo ngayon,” maluha-luha pang sabi ni daddy. “Dito na lang po, ako. Hindi na ako aalis at gusto ko pong bumawi sa inyo.” Pinahid ko ang luha sa ‘king mga mata dahil hindi ko namalayan pati ako ay umiiyak na. “Sure, anak. Pati sina Lolo at Lola mo ay dito na lang din siguro dahil alam kong mag-alala ka sa kanila.” Habang nag-uusap kami ni Daddy ay narinig ko ang boses ni Lilianna. Hindi niya pa alam na lumuwas kami kaya balak ko pa sana itong i-surprised kung kaya't nagpaalam ako kay daddy at nagtago na muna ako sa pull area. “Love, dito ka na muna, okay? Papahatiran kita ng drinks kay Manang.” “Okay. I'm fine here, sabay na tayong bumati sa daddy mo,” dinig ko sabi ng alaking may boritonong boses. tanging ang boses lang ni Lia ang kilala ko. ‘Love? May boyfriend na pala si Lia?’ Mga sampong minuto na ang lumipas at hindi pa yata nakabalik si Lia kaya nagpasya akong silipin ang boyfriend niya. Na-curious ako kung g’wapo ba ito. Ngunit tila na estat’wa ako sa aking nakita. Hindi ako maaaring magkamali sa taong ‘to! “D-Dylan…”Hahakbang na sana ako upang puntahan si Dylan at kausapin nang may kamay na humila ng braso ko pabalik. “Saan ka pupunta, Bria?” “Lia?” Ang paraan nang titig sa akin ni Lia ay tila magkahalong inis at galit na hindi ko alam kung bakit? Hindi ba siya masaya na narito ako sa birthday ni daddy?“Yes, saan ka pupunta? Bakit narito ka?” Hindi ko na lang pinansin ang pagkamaldita nito. “A-ah… Su-surpresahin sana kita, eh!” “Talaga? Well, I'm not surprised, Bria!”Nangunot ang noo ko! Bakit ba siya ganito?“Lia? Ano ba ‘ng nangyayari sa iyo? Hindi kita maintindihan.”“Follow me!” Pagtalikod niya ay agad naman akong sumunod hanggang sa makarating kami sa k’warto niya. “Nakita mo ba ‘yong boyfriend ko?” tanong niya agad sa akin na tinanguan ko naman. “Siya nga pala, paano mo nakilala si Dylan?” tanong ko. Inaamin kong may kirot sa puso ko nang sabihin niya sa harap kong boyfriend niya na ito. Ang tagal kong hinintay si Dylan tapos ito pa ang malalaman ko. “Ah, iyan ba? Siya lang naman a
Kalalapag lang ng eroplano at sa wakas. After 2 years ay nakauwi na rin ako. Nag-message na ako kay mommy na nakating na ako at hindi na rin ako nagpasundo dahil isang maleta lang naman ang dalawa ko. 1 week lang ang leave ko dahil wala naman akong balak na matagal pa. Tumuloy ako sa condo unit ni Cella, pinapaupahan niya ito at dahil nakalipat na umano ang nangupahan ay inalok niya na doon na lamang ako tumuloy. Ayaw ko rin na maglagi sa bahay. ‘Pero, baka naman nagbago na talaga siya?’ Bukas na raw ang kasal nila kaya mamayang gabi na lamang ako uuwi sa bahay, gusto ko na munang matulog dahil med’yo makirot ang ulo ko. Nang magising ako ay agad na akong nag-asikaso upang makauwi na. Pagdating ko ay namangha ako sa ginawa nilang decorations. Mukhang pinaghandaan talagang mabuti. Agad na namataan ng mga mata ko si lola kaya nagmadali akong lapitan ito at tinakpan ng aking dalawang palad ang mga mata nito. “Apo ko?” Napangiti ako dahil nakilala ako agad ni lola. “Ang daya naman!
Naroon na sina mommy at daddy sa simbahan habang ako ay palabas pa lang ay paalis pa lang. Sobrang ganda ng wedding gown na ‘to. Hindi na rin kailangan mag-adjust sa sukat dahil saktong-sakto lang talaga ito sa akin nang isuot ko. Ang sabi nina mommy ay konti lang daw ang may alam na kambal kami ni Lia at ang alam ng iba ay hindi na talaga ako umuuwi kila mommy. Habang ang magaling kong kakambal ay talagang tinago na ako. Ano ba ang mayroon sa akin at ayaw niyang ipalaam na nag-e-exist ako? “Grabe, ma’am. Parang kang Royal Princess sa wedding gown mo iyan, bagay na bagay,” sabi pa nang nag-ayos sa akin. “Hindi naman siguro, pero agree akong maganda iyong gown.” Ngiti ko.Sumakay na ako sa bridal car patungong simbahan. Kumakabog ang dibdib ko sobra! Hindi ko man lang nabalitaan si Cella sa nangyari sa buhay ko ngayong araw. Nang makarating ako sa simbahan ay agad nang pinaalam ng organizer upang magready na ang lahat. At doon, dahan-dahan magbukas ang tarangkahan ng simbahan kasun
“Are you okay, hmmn?” mahinang sabi ni Dylan. Sakay kami ng bridal car patungong reception. Ewan ko ba, bakit parang pakiramdam ko mas liksinad'ya Niya maging gano'n ang boses. Ang hot at sexy nang dating nun. Lalong din itong dumikit sa akin at hindi ako manhid sa kung ano man ang gusto nitong iparating. “O-okay, lang. Ikaw ba? Okay ka naman?” “Uhuh! What if– ‘Wag na lang tayo tumuloy sa reception, love? malambing na tanong niya pa. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan na ako hanggang singit! Diyos ko!“Ah– Ano ka ba, hindi puwede. Nakakahiya sa mga bisita natin.” Humalik pa siya sa pisngi ko. My gosh! ‘Wala pang kahit sino ang nakahalik sa akin tapos ito lng!“Puwede bang umusog ka na muna? Ang init Kasi,” sabi ko. Hindi ako mapalagay na ganito’y sobrang lapit niya sa akin, baka hindi ako makapagtimpi at bigwasan ko na talaga ‘to! Tila nagtatakang pa ako nitong tinitigan. “Why? Malakas naman iyong aircon, love. wait palakasan ko iyon aircom–”“‘Wag na! Okay lang ako. Umusog ka na lan
“Dad, tuloy pa ba? Paano?” “Sobrang maraming tao anak. T’saka nakakahiya sa mga bisita, sa ibang araw na lang kaya?” Napabuntonghininga ako dahil iyon din ang inaalala ko. Pero paano ako makakatakas kay Dylan mamayang gabi? Hindi pa ako handa na isuko ang bataan ko! “Pero iyong honeymoon ang inaalala ko, Dad. Hindi naman ako papayag ng gano'n,” maktol ko kay daddy. Parang ayaw ko na nga lang bumalik dun sa loob kung puwede lang eh! “Ikaw na lang ang bahala, anak. Pasensiya ka na talaga,” sabi pa nito. “Sige, ako na po ang bahala mamaya. Pumasok na lang po kayo ro’n sa loob. “You okay now?” tanong ni Dylan nang makabalik na ako. Hindi pa rin ito kumakain at mukhang hinintay pa ako. Ang mga bisita naman ay abala na sa pagkain nila. “Yeah, Thank you. Bakit hindi ka pa kumakain?”“Hinintay kita. Ayaw kong kumain nang hindi kita kasabay,” malambing na sabi nito. Ngumiti naman ako at nag-umpisa nang sumadok ng kakainin nang biglang inagaw nito ang servings spoon sa kamay ko at siya na
Nakangiti si Dylan nang muling pagmasdan ang kwintas na binili nito para kay Liliana. Second wedding anniversary na kasi nila kaya ito ang naisipan niyang iregalo. Nasa labas na ito ng gate nang namataan nito ang isang sasakyan, nangunot ang noo ni Dylan dahil mukhang may bisita pa yata sila. Ang alam niya ay wala namang nabangit si Lilianna tungkol doon. “Lia, please… ‘Di ba sinabi ko naman sa iyong bigyan mo muna ako ng panahon para makaalis? Hindi madali para sa akin ang gusto mong mangyari,” pakiusap ni Bria kay Lilianna. Ngayong nagbalik na ito mula sa kung saang lupalop man ito nanggaling ay tila laruan lamang si Dylan ngayon na puwede niyang bawin hangga't kailan nito gusto!“At bakit, Bria? Ha? Hulog na hulog ka na ba? Baka nakalimutan mong ako ang tunay na asawa!!” may diing sabi pa ni Lilianna. Alam ni Bria na isang araw ay magbabalik ang kakambal sumabalit hindi siya handa sa biglaang pagdating nito.“It's our second wedding anniversary, for the last time, baka puwedeng ka