Lahat ng Kabanata ng THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO ): Kabanata 51 - Kabanata 60

98 Kabanata

Chapter 51

Mahigit limang minuto bago sabay na bumalik sa kanilang mga upuan sina Tyron at Claire. Pagbalik nila ay pareho na silang nakangiti na parang walang nangyari. Lihim na lamang na napaismid si Arielle dahil alam niyang pinipigilan lamang nila ang galit nila para sa kanya.Bumalik ang sigla sa mesa nila at muli silang nagkuwentuhan."Arielle, I have a question for you," tanong sa kanya ni Lilac. Mukhang hindi pa siya tapos sa pagtatangkang ipahiya siya. "Of course, you can ask me anything that you want to know," nakangiti niyang sagot sa babae. Akala siguro nito ay aatrasan niya ang tanong nito.Ngumiti si Lilac sa kanya na para bang nakakasigurado ito na mapapahiya siya sa itatanong nito sa kanya."I heard that you hired a bodyguard to protect you fell in love with him. Wala na bang ibang lalaki at pati ang isang hamak na bodyguard ay pinatulan mo?"Biglang tumalim ang tingin niya kay Lilac. Wala siyang pakialam kung nakikita man ng mga dati niyang kaklase ang masamang tingin niya sa
Magbasa pa

Chapter 52

Bahagya na lamang nanginginig ang katawan ni Arielle habang nakaupo siya sa loob ng kotse ni Gun. Hindi siya nakatanggi nang ipilit nitong sumakay siya sa kotse nito. Hindi niya inalam pa kung kotse ba iyon ng bagong boss nito o kotse ng girlfriend nito.Mag-isa lamang siya sa loob ng sasakyan dahil saglit na lumabas si Gun. Hindi na siya nagtanong kung saan ito pupunta. Naging sunod-sunuran na lamang siya sa binata.Makalipas ang mahigit limang minuto ay pumasok na si Gun sa loob ng kotse dala ang isang maliit na paper bag na may tatak ng isang sikat na drug store."Here. Drink this para kumalma ang sarili mo at tumigil ang panginginig ng katawan mo. You look terrified." Iniabot nito sa kanya ang isang maliit at malamig na bottled water.Pakiramdam niya ay uhaw na uhaw siya kaya naubos niya ang laman ng bottled water. Tama nga si Gun. Medyo kumalma nga ang pakiramdam niya at lumuwag ang kanyang dibdib. "T-Thank you," mahina ang boses na pasasalamat niya kay Gun. Nahihiya siya rito d
Magbasa pa

Chapter 53

"I'm sorry, Bret. I'm really sorry for what Gun did to you. Hindi ko inaasahan na gagawin niyo ito sa'yo," nakangiwing paumanhin ni Arielle sa kaibigan niya habang nilalapatan niya ng icepack ang panga nito na agad nagkaroon ng pasa. "Paano ko ipapaliwanag sa grandpa ko kung bakit may malaking pasa ang aking jaw? Grabe naman kasi magselos ang boyfriend mo, Arielle. Bigla na lang nanununtok ng walang pasabi. At ang lakas pa ng suntok niya, my gosh. Na-dislocate yata ang panga ko. Boksingero ba siya?" Mangiyak-ngiyak na wika nito sa kanya.Iniisip ni Bret na kaya ito sinuntok ni Gun ay dahil sa nagseselos ito sa kanya ngunit nagkakamali ito. Sinabi ni Gun kung bakit nito sinuntok ang kaibigan niya ngunit hindi siguro iyon napansin at narinig ni Bret dahil sa sobrang pagkagulat sa ginawa ng dati niyang bodyguard."Sabihin mo sa grandpa no na kaya ka nagkaroon ng pasa sa mukha ay dahil napaaway ka. Nakita mo kasi ang isang babae na binabastos kaya hindi mo napigilan ang sarili mo na ipag
Magbasa pa

Chapter 54

"You're drinking again, Gun. Ano na naman ba ang problema mo?" tanong ni Jacob nang pumasok ito sa bahay niya at nakitang umiinom siya ng alak habang nakaupo sa sala.Mabigat ang kalooban niya dahil nalaman niyang nobyo na ni Arielle ang kaibigan nitong si Bret. Hindi niya alam kung ano ba ang nakita nito sa lalaking iyon gayong sa tingin niya ay hindi siya nito kayang ipagtanggol. Maliban sa guwapo nitong hitsura ay mukha naman itong gay. Ni hindi nga ito lumaban nang sinuntok niya kagabi "Boyfriend na ni Arielle ang kaibigan niyang si Bret. Nakita ko sila sa restaurant na kinainan namin ni Amanda kagabi. Narinig kong ipinakilala siya ni Bret sa lolo nito," kuwento niya kay Jacob matapos humugot ng malalim na hininga para gumaan ang nagsisikip niyang dibdib.Napahugot din ng malalim na hininga si Jacob at napapailing na lumapit sa kanya. "Give up on her, Gun. Marami pa namng babae diyan. Hindi lamang si Arielle ang babae kaya natitiyak kong mai-in love ka p sa mas better na babae. O
Magbasa pa

Chapter 55

Nang magising si Arielle ay nasa loob na siya ng kanyang silid at nakahiga sa kanyang kama. Sa tabi niya ay nakaupo si Bret at Kim na puno ng pag-aalala ang mga mukha. Maging ang dalawang maid niya ay nasa loob din ng kanyang silid at nag-aalala rin sa kanya. "Are you okay now?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Bret, hinawakan nito ang isa niyang kamay at pagkatapos ay pinisil ng marahan."Ano ba kasi ang nangyari sa'yo?" wika naman ni Kim na nakaupo sa paanan niya.Sa halip na sumagot ay napaiyak siya ng mahina. Masakit ang dibdib niya na may kasamang guilt. Dahil sa kanya kaya namatay ang mag-asawang Cabagan. Kung hindi sana niya pinuntahan sila at tinanong tungkol sa nangyaring aksidente sa mga magulang niya ay buhay pa sana sila t tahimik na naninirahan sa lugar nila. It's all her fault.Hinayaan lamang siya nila na umiyak at ilabas ang anumang nagpapabigat sa kanyang dibdib. Ilang minuto rin siyang tahimik na umiyak. Ang iyak niya ay naging hikbi na lang hanggang sa tuluyan na si
Magbasa pa

Chapter 56

Sa loob ng isang malaking bahay ay may lalaking nakaupo sa wheelchair at nakatalikod sa lalaking kausap nito."Patawad, pero hindi ko nakuha ang cellphone sa bahay ng babaeng iyon, Boss," paumanhin ng lalaki na walang iba kundi ang taong nanloob sa bahay ni Arielle."Simpleng bagay pero hindi mo nagawa!" galit na sigaw ng lalaking nakaupo sa wheelchair. Ito ang lalaking nag-utos na patayin ang mag-asawang nakasaksi sa nangyaring aksidente sa mga magulang ni Arielle. At ang pagkatao ng lalaking ito ay misteryoso."Patawad, Boss. Kung nabigo man ako na makuha ang cellphone ay hindi ako mabibigo na patayin siya," pangako nito."Siguraduhin mo na sa pagkakataong ito ay hindi ka na mabibigo dahil kapag muli kang pumalpak ay ako ang papatay sa'yo. Maliwanag?""Yes, Boss!" mabilis na sagot ng lalaki bago naglakad palabas ng silid nang paika-ika. May iniindang sakit ito sa katawan dahil tinamaan ito ng baseball na hawak ni Arielle at nahulog pa sa hagdan.Paglabas ng kanyang tauhan ay napakuy
Magbasa pa

Chapter 57

Kahit malungkot ang mag-isa ay pinilit ni Arielle na makayanan iyon. Kahit natatakot siya na baka paglabas niya ng silid niya ay may taong naghihintay sa kanya sa labas para patayin siya ay pilit niyang tinatagan ang kanyang loob.Tinawagan niya si Kim kung puwede siyang samahan muna sa bahay niya ngunit nasa malayong probinsiya pala ito at nagsasagawa ng medical mission. Wala siyang ibang tao na matawagan kaya lalo lamang siyang nakadama ng lungkot.Dahil hindi siya makatulog kaya lumabas siya sa terrace para magpahangin at magpa-antok. Napakunot ang noo niya nang makita ang pamilyar na kotse na nakaparada malapit sa tapat ng gate ng bahay niya. Kinabahan siya nang matandaan niyang iyon din ang kotse na nakita niyang nakaparada sa tapat ng kotse niya kanina nang magtungo siya sa cellphone repair shop. Siguro ay nagmamanman sa kanya ang sakay ng kotse na iyon at naghihintay lamang ng pagkakataon na makapasok sa bahay niya para patayin siya. Sa takot ay dali-dali siyang nagbalik sa lo
Magbasa pa

Chapter 58

"Arielle!!!" malakas na sigaw ni Gun habang tumatakbo siya palapit sa dalaga. Nang makalapit siya ay kaagad niya itong kinarga at dinala sa loob ng kanyang kotse. Halos paliparin niya ang kotse niya para lamang makaabot sa pinakamalapit na hospital. Pagdating niya sa hospital ay agad siyang sinalubong ng mga doktor nang makita ang kalagayan ni Arielle at itinakbo sa emergency room.Habang nasa loob ng emergency room si Arielle ay abot-abot ang dasal ni Gun sa Diyos na sana ay iligtas nito ang buhay ng dalaga sa panganib.Ilang beses din niyang sinuntok ng malakas ang dingding. Kung nakalapit lamang siya agad sa kanya. Kung nahulaan niya agad na may masamang balak pala ang matandang babae na iyon pati na rin ang lalaking nagpanggap na tumulong sa matandang babae ay hindi sana napahamak si Arielle. Saka lamang siya nakaramdam na may masamang balak ang dalawang kaharap ni Arielle nang makita niyang palihim na nagkatinginan at nag-senyasan ang matandang babae at ang lalaki. Tumakbo siya
Magbasa pa

Chapter 59

Nagawang malampasan ni Arielle ang twenty-four hours critical stage na sinabi ng doktor kaya naging stable na ang kalagayan nito at nailipat na sa isang private room. Sa loob ng mga araw na walang malay si Arielle ay hindi umaalis si Gun sa kanyang tabi. Natatakot ito na baka malaman ng taong nagpapapatay sa dalaga na nakaligtas ito at muling mag-utos ng tao para patayin sa hospital si Arielle.Pagkalipas ng apat na araw na walang malay ay nagising din sa wakas si Arielle. Agad niyang napansin si Gun na nakaupo at nakasandig sa upuan ang likuran habang natutulog at nakahawak sa isa niyang kamay ang isa nitong kamay."Gun," paos ang boses na tawag niya rito. "Gun," ulit niya sa pagtawag sa pangalan nito nang hindi ito nagising sa una niyang pagtawag. Naalimpungatan naman si Gun nang sa wakas ay narinig ang kanyang mahinang tinig. Bigla itong napatayo sa pagkakaupo at bumakas sa mukha ang tuwa nang makitang gising na siya."Thanks, God! You're finally awake after four days of being com
Magbasa pa

Chapter 60

Katatapos pa lamang maligo ni Gun nang gabing iyon nang makatanggap siya ng tawag mula sa kaibigan niyang pulis na si Major Rex David. Ipinaalam nito sa kanya na nahuli na nito ang lalaking sumaksak kay Arielle. Dahil hindi siya puwedeng umalis sa bahay ni Arielle pagkat wala itong kasama sa bahay kaya sinabihan na lamang niya si Rex na dalhin sa bahay ng dalaga ang taong iyon.Pagkatapos niyang makausap sa cellphone ang kaibigan ay binuksan niya ang kanyang app kung saan naka-connect ang monitor ng lahat ng mga CCTV sa buong bahay ni Arielle pati na ang loob ng kuwarto nito. Tanging ang bathroom lamang ng dalaga ang hindi niya kinabitan ng CCTV para may privacy ito. Alam naman ni Arielle na may CCTV sa loob ng silid nito at hindi ito tumutol dahil para rin sa kaligtasan nito kaya niya iyon ginawa. Nang makita niya sa monitor na tila mahimbing na ang tulog ni Arielle ay kinuha niya ang kanyang baril na may silencer at pagkatapos ay lumabas sa kanyang silid para hintayin ang pagdating
Magbasa pa
PREV
1
...
45678
...
10
DMCA.com Protection Status