Nang magising si Arielle ay nasa loob na siya ng kanyang silid at nakahiga sa kanyang kama. Sa tabi niya ay nakaupo si Bret at Kim na puno ng pag-aalala ang mga mukha. Maging ang dalawang maid niya ay nasa loob din ng kanyang silid at nag-aalala rin sa kanya. "Are you okay now?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Bret, hinawakan nito ang isa niyang kamay at pagkatapos ay pinisil ng marahan."Ano ba kasi ang nangyari sa'yo?" wika naman ni Kim na nakaupo sa paanan niya.Sa halip na sumagot ay napaiyak siya ng mahina. Masakit ang dibdib niya na may kasamang guilt. Dahil sa kanya kaya namatay ang mag-asawang Cabagan. Kung hindi sana niya pinuntahan sila at tinanong tungkol sa nangyaring aksidente sa mga magulang niya ay buhay pa sana sila t tahimik na naninirahan sa lugar nila. It's all her fault.Hinayaan lamang siya nila na umiyak at ilabas ang anumang nagpapabigat sa kanyang dibdib. Ilang minuto rin siyang tahimik na umiyak. Ang iyak niya ay naging hikbi na lang hanggang sa tuluyan na si
Sa loob ng isang malaking bahay ay may lalaking nakaupo sa wheelchair at nakatalikod sa lalaking kausap nito."Patawad, pero hindi ko nakuha ang cellphone sa bahay ng babaeng iyon, Boss," paumanhin ng lalaki na walang iba kundi ang taong nanloob sa bahay ni Arielle."Simpleng bagay pero hindi mo nagawa!" galit na sigaw ng lalaking nakaupo sa wheelchair. Ito ang lalaking nag-utos na patayin ang mag-asawang nakasaksi sa nangyaring aksidente sa mga magulang ni Arielle. At ang pagkatao ng lalaking ito ay misteryoso."Patawad, Boss. Kung nabigo man ako na makuha ang cellphone ay hindi ako mabibigo na patayin siya," pangako nito."Siguraduhin mo na sa pagkakataong ito ay hindi ka na mabibigo dahil kapag muli kang pumalpak ay ako ang papatay sa'yo. Maliwanag?""Yes, Boss!" mabilis na sagot ng lalaki bago naglakad palabas ng silid nang paika-ika. May iniindang sakit ito sa katawan dahil tinamaan ito ng baseball na hawak ni Arielle at nahulog pa sa hagdan.Paglabas ng kanyang tauhan ay napakuy
Kahit malungkot ang mag-isa ay pinilit ni Arielle na makayanan iyon. Kahit natatakot siya na baka paglabas niya ng silid niya ay may taong naghihintay sa kanya sa labas para patayin siya ay pilit niyang tinatagan ang kanyang loob.Tinawagan niya si Kim kung puwede siyang samahan muna sa bahay niya ngunit nasa malayong probinsiya pala ito at nagsasagawa ng medical mission. Wala siyang ibang tao na matawagan kaya lalo lamang siyang nakadama ng lungkot.Dahil hindi siya makatulog kaya lumabas siya sa terrace para magpahangin at magpa-antok. Napakunot ang noo niya nang makita ang pamilyar na kotse na nakaparada malapit sa tapat ng gate ng bahay niya. Kinabahan siya nang matandaan niyang iyon din ang kotse na nakita niyang nakaparada sa tapat ng kotse niya kanina nang magtungo siya sa cellphone repair shop. Siguro ay nagmamanman sa kanya ang sakay ng kotse na iyon at naghihintay lamang ng pagkakataon na makapasok sa bahay niya para patayin siya. Sa takot ay dali-dali siyang nagbalik sa lo
"Arielle!!!" malakas na sigaw ni Gun habang tumatakbo siya palapit sa dalaga. Nang makalapit siya ay kaagad niya itong kinarga at dinala sa loob ng kanyang kotse. Halos paliparin niya ang kotse niya para lamang makaabot sa pinakamalapit na hospital. Pagdating niya sa hospital ay agad siyang sinalubong ng mga doktor nang makita ang kalagayan ni Arielle at itinakbo sa emergency room.Habang nasa loob ng emergency room si Arielle ay abot-abot ang dasal ni Gun sa Diyos na sana ay iligtas nito ang buhay ng dalaga sa panganib.Ilang beses din niyang sinuntok ng malakas ang dingding. Kung nakalapit lamang siya agad sa kanya. Kung nahulaan niya agad na may masamang balak pala ang matandang babae na iyon pati na rin ang lalaking nagpanggap na tumulong sa matandang babae ay hindi sana napahamak si Arielle. Saka lamang siya nakaramdam na may masamang balak ang dalawang kaharap ni Arielle nang makita niyang palihim na nagkatinginan at nag-senyasan ang matandang babae at ang lalaki. Tumakbo siya
Nagawang malampasan ni Arielle ang twenty-four hours critical stage na sinabi ng doktor kaya naging stable na ang kalagayan nito at nailipat na sa isang private room. Sa loob ng mga araw na walang malay si Arielle ay hindi umaalis si Gun sa kanyang tabi. Natatakot ito na baka malaman ng taong nagpapapatay sa dalaga na nakaligtas ito at muling mag-utos ng tao para patayin sa hospital si Arielle.Pagkalipas ng apat na araw na walang malay ay nagising din sa wakas si Arielle. Agad niyang napansin si Gun na nakaupo at nakasandig sa upuan ang likuran habang natutulog at nakahawak sa isa niyang kamay ang isa nitong kamay."Gun," paos ang boses na tawag niya rito. "Gun," ulit niya sa pagtawag sa pangalan nito nang hindi ito nagising sa una niyang pagtawag. Naalimpungatan naman si Gun nang sa wakas ay narinig ang kanyang mahinang tinig. Bigla itong napatayo sa pagkakaupo at bumakas sa mukha ang tuwa nang makitang gising na siya."Thanks, God! You're finally awake after four days of being com
Katatapos pa lamang maligo ni Gun nang gabing iyon nang makatanggap siya ng tawag mula sa kaibigan niyang pulis na si Major Rex David. Ipinaalam nito sa kanya na nahuli na nito ang lalaking sumaksak kay Arielle. Dahil hindi siya puwedeng umalis sa bahay ni Arielle pagkat wala itong kasama sa bahay kaya sinabihan na lamang niya si Rex na dalhin sa bahay ng dalaga ang taong iyon.Pagkatapos niyang makausap sa cellphone ang kaibigan ay binuksan niya ang kanyang app kung saan naka-connect ang monitor ng lahat ng mga CCTV sa buong bahay ni Arielle pati na ang loob ng kuwarto nito. Tanging ang bathroom lamang ng dalaga ang hindi niya kinabitan ng CCTV para may privacy ito. Alam naman ni Arielle na may CCTV sa loob ng silid nito at hindi ito tumutol dahil para rin sa kaligtasan nito kaya niya iyon ginawa. Nang makita niya sa monitor na tila mahimbing na ang tulog ni Arielle ay kinuha niya ang kanyang baril na may silencer at pagkatapos ay lumabas sa kanyang silid para hintayin ang pagdating
Nakasuot lamang ng bathrobe si Claire nang lumabas siya sa terrace ng condo unit ni Tyron. Nakita niyang tahimik itong umiinom ng alak habang nakatingin sa malayo. Nilapitan niya ito at niyakap."What are you thinking, Babe? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" Inamoy-amoy niya ang leeg nito at bahagyang idinikit ang kanyang ilong sa leeg nito. Intensiyon niyang buhayin ang pagnanasa nito. Napasimangot siya nang sa halip na mabuhay ang pagnanasa nito ay nainis pa ito sa kanya. "What's your problem, Tyron? Kahapon ko pa napapansin na ganyan ka. Kapag nilalambing kita ay umiiwas ka. Don't you like me anymore?"Humarap si Tyron sa at huminga ng malalim. "It's not like that, Claire. Naisip ko lang ang taong nagpapapatay kay Arielle maliban sa atin. Mukhang mas malaki ang galit niya kay Arielle at marami siyang tauhan na kumikilos.""Siguro malaki ang atraso ng pinsan ko sa kanya kaya ganoon na lamang ang pagnanais niyang mapatay si Arielle. Sayang nga lang dahil palagi siyang hindi nagt
Hindi makapaniwala si Arielle na ang babaeng kaharap niya at nakatali sa likuran ng upuan ang dalawang mga kamay ay ang matandang babae na tinulungan niya nang maglaglagan ang mga dala nitong prutas. Hindi na ito matandang babae kundi bata pa. Sa tingin niya ay hindi nalalayo ang mga edad nila. Baka mas matanda lamang ito sa kanya ng ilang taon o di kaya mas bata pa ito sa kanya ngunit pinatanda ang hitsura ng kahirapan. Prosthetic makeup lang pala ang ginamit ng babae para magmukha itong matandang babae at hindi niya pagdudahan na kasabwat ito ng taong nagpapapatay sa kanya.Bahagyang napangisi ang babae nang makita siyang pumasok sa silid na kinaroroonan nito. "Napakasuwerte mo naman talaga, Arielle. Ilang beses na ngang pinagtangkaan kang patayin ay nananatili ka pa ring buhay. Ganoon ba talaga kapag maraming per""Dahil mabait akong tao. Dahil wala akong sinasaktan at tinatapakang tao kaya kinakaawaam ako ng Diyos. Ikaw? Para kumita ng pera ay gagawin mo lahat kahit na alam mong
"Yes. I will marry you, Gabriel," naluluhang sagot ni Arielle sa marriage proposal sa kanya ni Gabriel. Bakit pa siya magpapakipot gayong gustong-gusto naman niyang magpakasal at maging asawa si Gabriel?Lumarawan sa mukha ni Gabriel ang labis na saya nang marinig ang sagot niya. Niyakap siya nito ng mahigpit at binuhat pagkatapos ay inikot-ikot sa labis na kasiyahan.Pagkatapos nilang masiguro na hindi na makakawala pa sina Tyron at Claire sa mga kasong isinampa nila laban sa kanila ay saka sila nagdesisyon na magpakasal. Masayang-masaya si Arielle dahil sa wakas ay magiging mag-asawa na sila ni Gabriel. Isang araw bago ang kasal nila ni Gabriel ay bigla niyang naalala ang cellphone ng kanyang mga magulang. Sa dami ng mga nangyari ay nakalimutan na niya ang cellphone na ipina-repair niya. Umalis siya sa bahay niya at nagtungo sa cellphone repair shop. "Akala ko po ay hindi niyo na babalikan ang cellphone ipina-repair mo, Ma'am. Hindi na rin kita nagawang kontakin dahil nawala ang
"Gabriel Adamson! Ano ang ginagawa mo rito sa bahay ko?" galit na tanong ni Tyron kay Gabriel na sinagot naman ng huli ng isang malakas na suntok sa sikmura. Naluhod sa sahig si Tyron habang napapaubo. Ang mga tauhan naman nito ay agad na napatulog nina Harold kasama sina Tres, Dos, at Six.Nilapitan siya ni Gabriel at agad na kinalas ang pagkakatali niya sa gilid ng hagdan pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit. "I'm sorry. I'm almost late. I'm almost lost you again."Niyakap din niya ito ng mahigpit. Napaiyak siya dibdib nito ngunit hindi dahil sa takot kundi sa saya na nakita niya itong muli. Miss na miss na niya ito ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili na magpakita sa kanya. Gusto niya kapag muli siyang humarap kay Gabriel ay tapos na siya sa mga dapat niyang gawin."Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong niya nang kumalas siya sa pagkakayakap kay Gabriel."It's Mr. Sanchez that told me you're going to come here to chase some dogs inside your house," nakangiting sagot nito
Pag-alis ni Arielle sa bahay ni Gabriel ay nag-rent muna siya sa isang maliit na condo unit pagkatapos ay inayos niya ang kanyang mga papeles papuntang ibang bansa. Pinakilos niya ang kanyang pera at sa tulong ng kanyang Uncle Edgar ay agad na naayos ang kanyang passport pati na rin US visa. Pagkatapos ng halos isang buwan na paghihintay ay nakalipad siya patungong Amerika para ipabalik ang kanyang mukha sa pamamagitan ng plastic surgery.Sa isang sikat na plastic surgeon siya nagpa-opera ng kanyang mukha. Pagkalipas ng two weeks nang dumating siya sa America ay isinailalim siya sa isang operasyon. Apat na oras ang itinagal ng operasyon sa mukha niya. Nang magising siya ay nababalot na ng benda ang buo niyang mukha.At pagkatapos naman ng dalawang Linggo ay inalis na ng doktor ang benda sa kanyang mukha. Naiyak siya nang makitang naibalik na sa dati ang hitsura ng kanyang mukha. Kahit maliit na bakas ng malaking peklat sa kanyang mukha ay wala na kaya sobrang laki ng pasasalamat niya
Nang magising si Arielle ay wala na sa tabi niya si Gabriel. Napangiti siya ng matamis nang maalala ang mainit nilang pagtatalik. Ngunit naglaho ang ngiti niya at napalitan ng pag-aalala dahil baka iniisip ni Gabriel na east to get siya dahil kakakilala pa lamang nila ay ibinigay na niya agad ang kanyang sarili sa kanya. Aaminin niya na ang tingin talaga niya kay Gabriel ay si Gun at hindi lang siya maalala nito. Matagal na silang magkakilala kaya naman hindi siya nagdalawang isip na ibigay ang kanyang sarili sa kanya sa pangalawang pagkakataon. Iniisip kais niya na iisang tao lamang silang dalawa. Huminga siya ng malalim at pilit na inalis sa kanyang isip ang pag-aalalang naramdaman niya. Bumangon siya sa kama at tiningnan ang oras sa wall clock. Alas kuwatro ng hapon pa lang pala. Akala niya ay gabi na pero hindi pa pala.Bumaba siya sa kama at nagtungo sa banyo para maligo. Hindi na siya nag-abala pang isuot ang mga nahubad niyang damit dahil mag-isa lang naman siya sa kanyang s
Inamin ni Arielle ang buong katotohanan kay Gabriel tungkol sa itinatago niyang sekreto. Wala siyang itinago maliban sa part na nag-time travel siya papunta ssa nakalipas habang unconscious siya. Akala niya ay magagalit ito sa kanya dahil nagsinungaling siya sa kanya ngunit dumilim lamang ang mukha nito matapos malaman ang lahat at muli siyang kinarga papasok sa kanyang silid. "Don't move. Kukuha lang ako ng ice at gamot para hindi na masyadong mamaga at mawala ang kirot ng paa mo," sabi sa kanya ni Gabriel bago ito lumabas ng silid. Ilang minuto lamang itong nawala at pagbalik ay may dala na itong tray na may laman na isang basong tubig, gamot, at dalawang icepack. "Here. Take this medicine to reduce the pain."Para siyang masunuring bata na sinunod ang sinabi ni Gabriel sa kanya."Hindi mo ba ako palalayasin dahil nagsinungaling ako sa'yo, Boss?" hindi niya napigilang tanong matapos niyang inumin ang gamot.Mula sa paa niyang nilalapatan nito ng icepack ay umangat sa kanyang mukha
Mabilis na tumakbo si Arielle papunta sa hagdan at habang tumatakbo siya ay isinisilid niya ang cellphone niya sa bulsa ng suot niyang pantalon."Bumalik ka, Arielle!" narinig niyang sigaw ni Tyron sa kanya. Hindi siya lumingon at dere-deretso lamang siyang tumakbo pababa. Ngunit sa malas ay biglang natapilok ang kanang paa niya noong nasa ikalimang baitang ng hagdan siya mula sa baba. Napasigaw siya nang gumulong siya pababa ng hagdan. Kahit na nasaktan siya sa pagkakahulog sa hagdan ay mabilis pa rin siyang tumayo. Ngunit bigla siyang napaupo dahil sumigid ang kirot sa kanang paa niya, iyong nadulas niyang paa. Nag-alala siya na baka malapit na sa kanya si Tyron kaya lumingon siya sa taas ng hagdan. Ngunit paglingon niya ay sinalubong siya ng malakas na sampal mula kay Tyron na nakalapit na pala sa kanya. Sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya ay napaupo siya sa sahig."Akala mo ay makakatakas ka sa amin, Arielle? Nagkakamali ka. Dahil hindi namin hahayaan na makaalis ka dala ang
Maagang nagising si Arielle nang umagang iyon kaya naligo na siya bago lumabas sa silid at bumaba sa sala. Akala niya ay nauna siyang nagising kay Gabriel ngunit hindi pala dahil nasa pangatlong baitang pataas na siya ng hagdan nang makita niyang prenteng nakaupo ang lalaki sa sala at nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Paikot kasi ang hagdan sa bahay nito kaya hindi niya agad nakita na nakaupo ito sa sala.Dahan-dahan siyang umikot para bumalik sa itaas ngunit nakita na siya ni Gabriel at napakunot ang noo nito nang makitang balak niyang bumalik sa itaas."Did you forget something upstairs?" tanong ni Gabriel sa kanya. Bahagya siyang ngumiti at umiling. "Come here."Kinakabahang naglakad siya palapit kay Gabriel. Mabuti na lamang naglagay na siya ng concealer sa peklat niya bago siya bumaba kaya hindi na ulit nakita nito ang malaki at panget niyang peklat."Ano ba ang magiging trabaho ko, Boss?" tanong niya kay Gabriel nang makalapit siya sa harapan nito "Sit down," kausap nito
Isinama si Arielle ni Gabriel sa napakalaki nitong bahay. Pagbaba niya sa kotse nito ay natuklasan niyang hindi lang pala si Harold na driver slash bodyguard nito ang palagi nitong kasama kundi may anim pang lalaking maskulado ang pangangatawan ang bumaba naman sa kotseng nakasunod pala sa kanila."Mga tauhan mo sila?" tanong niya kay Gabriel habang nakatingin sa anim na lalaking nakatayo lamang sa tabi ng kotse at tila hinihintay ang pagpasok ni Grabriel sa loob ng bahay."Kung gusto mong magtrabaho sa bahay ko ay huwag ka na lang marami pang tanong," sagot ni Gabriel sa kanya sa seryosong mukha bago ito naglakad papasok sa loob ng bahay."Ang sungit naman ng boss natin, Harold. Para nagtatanong lang naman ako, nagsungit na kaagad," naiiling na sabi niya sa driver ni Gabriel.Natawa naman si Harold nang marinig ang sinabi niya at maging ang anim na lalaking tauhan ni Gabriel ay hindi rin napigilan ang mapangiti. "Ganyan lang 'yan si Boss pero mabait 'yan at galante pa," nakangiting
Pangatlong araw ay binalikan ni Arielle ang cellphone ng mga magulang niya na dinala niya sa cellphone repair shop. Pag-alis niya ay hindi na niya kailangan pang i-check kung nasa bahay ba o wala ang mag-ina dahil magmula nang mangyari ang confrontation nila ay iniiwasan na siya ng dalawang babae. Mas pabor iyon sa kanya para makagalaw siya ng maayos. "Pasensiya na kung nagpunta ako sa shop mo kahit na hindi mo pa ako tinatawagan. Masyado lang akong anxious na malaman kung nagawa na ba ang mga cellphone o hindi pa," paumanhin ni Arielle sa may-ari ng repair shop. "Pasensiya na pero hindi ko pa naaayos ang cellphone mo, Ma'am. Tatawagan ko na lang po kayo kapag okay na," nahihiyang sagot ng may-ari ng shop sa kanya. Nakaramdam siya ng magkahalong lungkot at disappointment nang marinig niya ang sinabi ng lalaki. Wala siyang magagawa ngayon kundi ang maghintay kung kailan maaayos ang cellphone. At sana nga ay maayos iyon para naman makita niya kung ano ang mayroon sa loob ng cellp