Share

Chapter 60

Author: NewAuthor
last update Last Updated: 2024-06-07 15:10:20

Katatapos pa lamang maligo ni Gun nang gabing iyon nang makatanggap siya ng tawag mula sa kaibigan niyang pulis na si Major Rex David. Ipinaalam nito sa kanya na nahuli na nito ang lalaking sumaksak kay Arielle. Dahil hindi siya puwedeng umalis sa bahay ni Arielle pagkat wala itong kasama sa bahay kaya sinabihan na lamang niya si Rex na dalhin sa bahay ng dalaga ang taong iyon.

Pagkatapos niyang makausap sa cellphone ang kaibigan ay binuksan niya ang kanyang app kung saan naka-connect ang monitor ng lahat ng mga CCTV sa buong bahay ni Arielle pati na ang loob ng kuwarto nito. Tanging ang bathroom lamang ng dalaga ang hindi niya kinabitan ng CCTV para may privacy ito.

Alam naman ni Arielle na may CCTV sa loob ng silid nito at hindi ito tumutol dahil para rin sa kaligtasan nito kaya niya iyon ginawa. Nang makita niya sa monitor na tila mahimbing na ang tulog ni Arielle ay kinuha niya ang kanyang baril na may silencer at pagkatapos ay lumabas sa kanyang silid para hintayin ang pagdating
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 61

    Nakasuot lamang ng bathrobe si Claire nang lumabas siya sa terrace ng condo unit ni Tyron. Nakita niyang tahimik itong umiinom ng alak habang nakatingin sa malayo. Nilapitan niya ito at niyakap."What are you thinking, Babe? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" Inamoy-amoy niya ang leeg nito at bahagyang idinikit ang kanyang ilong sa leeg nito. Intensiyon niyang buhayin ang pagnanasa nito. Napasimangot siya nang sa halip na mabuhay ang pagnanasa nito ay nainis pa ito sa kanya. "What's your problem, Tyron? Kahapon ko pa napapansin na ganyan ka. Kapag nilalambing kita ay umiiwas ka. Don't you like me anymore?"Humarap si Tyron sa at huminga ng malalim. "It's not like that, Claire. Naisip ko lang ang taong nagpapapatay kay Arielle maliban sa atin. Mukhang mas malaki ang galit niya kay Arielle at marami siyang tauhan na kumikilos.""Siguro malaki ang atraso ng pinsan ko sa kanya kaya ganoon na lamang ang pagnanais niyang mapatay si Arielle. Sayang nga lang dahil palagi siyang hindi nagt

    Last Updated : 2024-06-07
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 62

    Hindi makapaniwala si Arielle na ang babaeng kaharap niya at nakatali sa likuran ng upuan ang dalawang mga kamay ay ang matandang babae na tinulungan niya nang maglaglagan ang mga dala nitong prutas. Hindi na ito matandang babae kundi bata pa. Sa tingin niya ay hindi nalalayo ang mga edad nila. Baka mas matanda lamang ito sa kanya ng ilang taon o di kaya mas bata pa ito sa kanya ngunit pinatanda ang hitsura ng kahirapan. Prosthetic makeup lang pala ang ginamit ng babae para magmukha itong matandang babae at hindi niya pagdudahan na kasabwat ito ng taong nagpapapatay sa kanya.Bahagyang napangisi ang babae nang makita siyang pumasok sa silid na kinaroroonan nito. "Napakasuwerte mo naman talaga, Arielle. Ilang beses na ngang pinagtangkaan kang patayin ay nananatili ka pa ring buhay. Ganoon ba talaga kapag maraming per""Dahil mabait akong tao. Dahil wala akong sinasaktan at tinatapakang tao kaya kinakaawaam ako ng Diyos. Ikaw? Para kumita ng pera ay gagawin mo lahat kahit na alam mong

    Last Updated : 2024-06-07
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 63

    Palabas sa condo niya sina Tyron at Claire nang bigla silang salubungin ng mga pulis na pinangungunahan ni Major Rex David na kaibigan ni Gun. "Ano ang ibig sabihin nito? Bakit ninyo ako hinuhuli? Ano ang kasalanan na nagawa ko sa batas?" nagpapanic na tanong ni Tyron sa mga pulis habang nilalagyan ng posa ang mga kamay nito."Inaaresto ka namin sa salang pagtangkang pagpatay kay Miss Arielle Simpson. Malaya kang kumuha ng abogado mo, Mr. Delavin. At tandaan mo na lahat ng mga salitang lalabas sa bibig mo ay maaari naming gamitin laban sa'yo kaya sa presinto ka na lamang magpaliwanag," matigas ang boses na wika ni Rex bago inutusan ang mga kasamahang pulis na dalhin sa presinto si Tyron."Wait! Wait! Hindi niyo puwedeng dalhin ang boyfriend ko! Hindi ako papayag!" malakas ang boses na wika naman ni Claire, humarang ito sa daraanan ni Tyron at mahigpit na hinawakan sa braso ang huli "Kung hindi mo kami hahayaan na makaalis ay mapipilitan akong sampahan ka ng obstruction of justice,"

    Last Updated : 2024-06-07
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 64

    Halos umaga na nakatulog si Arielle dahil sa kakaisip sa lalaking tumawag sa kanya kagabi. Although ilang segundo lamang niya itong nakausap ngunit pakiramdam niya ay pamilyar sa kanya ang boses nito. Para bang ilang beses na niyang narinig ang tinig nito ngunit hindi naman niya matandaan kung saan niya narinig ang boses nito.Dahil halos umaga na siya nakatulog kaya late siyang bumangon sa kama. Wala siyang ganang pumasok sa trabaho kaya tinawagan niya ang secretary niya to cancel all of her appointments for two days. Ngunit sinabihan niya na kapag may importanteng client ay tawagan agad siya.Bago siya lumabas ng kanyang silid ay naligo muna siya para fresh na siyang tingnan. Pagbaba niya sa sala ay naabutan niyang nakaupo si Gun sa sofa habang nagbabasa ng magazine."Good morning," mahina ang boses na bati niya nang makalapit siya kay Gun at naupo sa katapat ng inuupuan nito."Mukhang napasarap ang tulog mo kaya na-late ng gising," nakangiting kausap ni Gun sa kanya."No. Halos uma

    Last Updated : 2024-06-07
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 65

    It was a busy day. Maraming inasikasong trabaho si Arielle sa kompanya kaya halos latang-lata na siya habang nakaupo sa upuan at nagbibiyahe sila pabalik sa bahay niya. May isang malaking client na nakuha siya ngunit naagaw naman ng kalaban niyang kompanya, Adamson Real Estate and Developer. Ang kompanya kung saan si Jacob ang ang Vice-president ngunit ngayon ay acting CEO ng kompanya dahil nasa nagpapagamot pa raw ang CEO ng kompanya na pinsan nito. Nakuha na niya ang bidding ngunit bigla na lamang umatras ang client at pagkatapos ay nalaman na lamang niya na nakuha na ito ng pinakamatinding kalaban niya sa negosyo. Nasayang lamang ang effort na pinagpaguran niya at ng kanyang team para lamang makuha ang bidding na tinawag niyang "million project". "Are you okay, Arielle?" hindi nakatiis na tanong ni Gun sa kanya. Siguro ay napansin nito ang pagod at haggard niyang hitsura."I'm down today. I feel frustrated," sagot niya kay Gun. "My company won the bidding for that project. Pagkat

    Last Updated : 2024-06-07
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 66

    Mahigpit ang pagkakakuyom ni Gun sa kanyang mga kamao habang nakaupo sa upuan sa labas ng emergency room. Gusto niyang suntukin ang dingding gaya ng ginawa niya noon ngunit ayaw niyang mag-alala si Arielle kapag nakita nitong may sugat ang mga kamay niya. Last time na ginawa niya iyon ay nagalit at nag-alala sa kanya ang dalaga. Pinapangako siya na hindi na niya sasaktan ang kanyang sarili kapag nalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay niya.Halos maglagutukan na ang mga ugat sa kanyang mga kamay sa higpit ng pagkakakuyom ng mga kamao niya at nagtatagis ang kanyang mga ngipin. Sinisisi niya ang kanyang sarili kung bakit nasa bingit ng kamatayan na naman ang buhay ni Arielle. Kung naging attentive lang sana siya, kung hindi sana niya ito iniwan ay baka hindi ito nangyari sa kanya. Kapag may masamang mangyari kay Arielle ay hinding-hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili.Nang makita niyang may lumabas na doktor mula sa emergency room ay agad siyang tumayo at nilapitan ito."Are the p

    Last Updated : 2024-06-07
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 67

    Naging bisita ni Arielle si Bret nang araw na iyon. Kadarating pa lamang ng kaibigan niya mula sa ibang bansa at agad siyang binisita nito para kamustahin ang kalagayan niya. Alam nitong wala na siyang katulong sa bahay kaya nag-take out na lamang ito ng pagkain para sa kanilang lunch. Hindi niya kasi nasabi sa kaibigan niyang si Gun ang nagluluto ng pagkain niya sa bahay."I'm sorry at ngayon lang kita nadalaw, Arielle. Muntik na nga akong hindi makabalik ng bansa dahil ayaw akong payagan ng aking grandpa. At alam mo ba na gusto niya sa susunod na magbakasyon siya rito ay magpakasal na raw tayo," pagbabalita ni Bret sa kanya habang pareho silang nakaupo sa sofa."Kasal? Ikakasal na kayong dalawa?" Biglang sinundot ng ibayong sakit ang dibdib ni Gun nang marinig ang sinabi ni Bret kaya hindi niya napigilan ang sumabat sa usapan ng dalawa. Nakatayo lang kasi siya malapit sa kanila dahil ayaw niyang iwan si Arielle na si Bret lamang ang kasama. Wala na siyang tiwala kahit kaibigan pa it

    Last Updated : 2024-06-07
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 68

    Magkahalong kaba at inis ang nararamdaman ni Arielle habang nakaharap sa lahat ng board members na puro mga shareholders ng kompanya niya. Kinakabahan siya dahil baka nakahanap na naman ng butas ang mga taong kontra sa kanyang pamamalakad sa kompanya. At the same time ay naiinis siya dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya makuha-kuha ng lubusan ang tiwala nila. Kung hindi lamang mabait ang mga magulang niya ay hindi nila hinayaan na may ibang tao na bumili ng stocks ng kompanya dahil hindi naman sila nangangailangan ng shareholders. Malaki ang kinikita ng kompanya dahil sa magandang pamamalakad ng kanyang ama. Kung walang shareholders ay wala sana siyang problema ngayon. Gustuhin man niyang sapilitang bilhin ang kanilang maliliit na share sa kompanya ay hindi sasapat ang kanyang pera. Ngunit kung ibebenta niya ang lupa at bahay at iba pang mga ariarian na iniwan sa kanya ng mga magulang niya ay sobra-sobra pa iyon na pambayad sa mga shares ng board members. Ngunit ayaw niyang

    Last Updated : 2024-06-07

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 98-END

    "Yes. I will marry you, Gabriel," naluluhang sagot ni Arielle sa marriage proposal sa kanya ni Gabriel. Bakit pa siya magpapakipot gayong gustong-gusto naman niyang magpakasal at maging asawa si Gabriel?Lumarawan sa mukha ni Gabriel ang labis na saya nang marinig ang sagot niya. Niyakap siya nito ng mahigpit at binuhat pagkatapos ay inikot-ikot sa labis na kasiyahan.Pagkatapos nilang masiguro na hindi na makakawala pa sina Tyron at Claire sa mga kasong isinampa nila laban sa kanila ay saka sila nagdesisyon na magpakasal. Masayang-masaya si Arielle dahil sa wakas ay magiging mag-asawa na sila ni Gabriel. Isang araw bago ang kasal nila ni Gabriel ay bigla niyang naalala ang cellphone ng kanyang mga magulang. Sa dami ng mga nangyari ay nakalimutan na niya ang cellphone na ipina-repair niya. Umalis siya sa bahay niya at nagtungo sa cellphone repair shop. "Akala ko po ay hindi niyo na babalikan ang cellphone ipina-repair mo, Ma'am. Hindi na rin kita nagawang kontakin dahil nawala ang

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 97

    "Gabriel Adamson! Ano ang ginagawa mo rito sa bahay ko?" galit na tanong ni Tyron kay Gabriel na sinagot naman ng huli ng isang malakas na suntok sa sikmura. Naluhod sa sahig si Tyron habang napapaubo. Ang mga tauhan naman nito ay agad na napatulog nina Harold kasama sina Tres, Dos, at Six.Nilapitan siya ni Gabriel at agad na kinalas ang pagkakatali niya sa gilid ng hagdan pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit. "I'm sorry. I'm almost late. I'm almost lost you again."Niyakap din niya ito ng mahigpit. Napaiyak siya dibdib nito ngunit hindi dahil sa takot kundi sa saya na nakita niya itong muli. Miss na miss na niya ito ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili na magpakita sa kanya. Gusto niya kapag muli siyang humarap kay Gabriel ay tapos na siya sa mga dapat niyang gawin."Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong niya nang kumalas siya sa pagkakayakap kay Gabriel."It's Mr. Sanchez that told me you're going to come here to chase some dogs inside your house," nakangiting sagot nito

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 96

    Pag-alis ni Arielle sa bahay ni Gabriel ay nag-rent muna siya sa isang maliit na condo unit pagkatapos ay inayos niya ang kanyang mga papeles papuntang ibang bansa. Pinakilos niya ang kanyang pera at sa tulong ng kanyang Uncle Edgar ay agad na naayos ang kanyang passport pati na rin US visa. Pagkatapos ng halos isang buwan na paghihintay ay nakalipad siya patungong Amerika para ipabalik ang kanyang mukha sa pamamagitan ng plastic surgery.Sa isang sikat na plastic surgeon siya nagpa-opera ng kanyang mukha. Pagkalipas ng two weeks nang dumating siya sa America ay isinailalim siya sa isang operasyon. Apat na oras ang itinagal ng operasyon sa mukha niya. Nang magising siya ay nababalot na ng benda ang buo niyang mukha.At pagkatapos naman ng dalawang Linggo ay inalis na ng doktor ang benda sa kanyang mukha. Naiyak siya nang makitang naibalik na sa dati ang hitsura ng kanyang mukha. Kahit maliit na bakas ng malaking peklat sa kanyang mukha ay wala na kaya sobrang laki ng pasasalamat niya

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 95

    Nang magising si Arielle ay wala na sa tabi niya si Gabriel. Napangiti siya ng matamis nang maalala ang mainit nilang pagtatalik. Ngunit naglaho ang ngiti niya at napalitan ng pag-aalala dahil baka iniisip ni Gabriel na east to get siya dahil kakakilala pa lamang nila ay ibinigay na niya agad ang kanyang sarili sa kanya. Aaminin niya na ang tingin talaga niya kay Gabriel ay si Gun at hindi lang siya maalala nito. Matagal na silang magkakilala kaya naman hindi siya nagdalawang isip na ibigay ang kanyang sarili sa kanya sa pangalawang pagkakataon. Iniisip kais niya na iisang tao lamang silang dalawa. Huminga siya ng malalim at pilit na inalis sa kanyang isip ang pag-aalalang naramdaman niya. Bumangon siya sa kama at tiningnan ang oras sa wall clock. Alas kuwatro ng hapon pa lang pala. Akala niya ay gabi na pero hindi pa pala.Bumaba siya sa kama at nagtungo sa banyo para maligo. Hindi na siya nag-abala pang isuot ang mga nahubad niyang damit dahil mag-isa lang naman siya sa kanyang s

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 94

    Inamin ni Arielle ang buong katotohanan kay Gabriel tungkol sa itinatago niyang sekreto. Wala siyang itinago maliban sa part na nag-time travel siya papunta ssa nakalipas habang unconscious siya. Akala niya ay magagalit ito sa kanya dahil nagsinungaling siya sa kanya ngunit dumilim lamang ang mukha nito matapos malaman ang lahat at muli siyang kinarga papasok sa kanyang silid. "Don't move. Kukuha lang ako ng ice at gamot para hindi na masyadong mamaga at mawala ang kirot ng paa mo," sabi sa kanya ni Gabriel bago ito lumabas ng silid. Ilang minuto lamang itong nawala at pagbalik ay may dala na itong tray na may laman na isang basong tubig, gamot, at dalawang icepack. "Here. Take this medicine to reduce the pain."Para siyang masunuring bata na sinunod ang sinabi ni Gabriel sa kanya."Hindi mo ba ako palalayasin dahil nagsinungaling ako sa'yo, Boss?" hindi niya napigilang tanong matapos niyang inumin ang gamot.Mula sa paa niyang nilalapatan nito ng icepack ay umangat sa kanyang mukha

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 93

    Mabilis na tumakbo si Arielle papunta sa hagdan at habang tumatakbo siya ay isinisilid niya ang cellphone niya sa bulsa ng suot niyang pantalon."Bumalik ka, Arielle!" narinig niyang sigaw ni Tyron sa kanya. Hindi siya lumingon at dere-deretso lamang siyang tumakbo pababa. Ngunit sa malas ay biglang natapilok ang kanang paa niya noong nasa ikalimang baitang ng hagdan siya mula sa baba. Napasigaw siya nang gumulong siya pababa ng hagdan. Kahit na nasaktan siya sa pagkakahulog sa hagdan ay mabilis pa rin siyang tumayo. Ngunit bigla siyang napaupo dahil sumigid ang kirot sa kanang paa niya, iyong nadulas niyang paa. Nag-alala siya na baka malapit na sa kanya si Tyron kaya lumingon siya sa taas ng hagdan. Ngunit paglingon niya ay sinalubong siya ng malakas na sampal mula kay Tyron na nakalapit na pala sa kanya. Sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya ay napaupo siya sa sahig."Akala mo ay makakatakas ka sa amin, Arielle? Nagkakamali ka. Dahil hindi namin hahayaan na makaalis ka dala ang

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 92

    Maagang nagising si Arielle nang umagang iyon kaya naligo na siya bago lumabas sa silid at bumaba sa sala. Akala niya ay nauna siyang nagising kay Gabriel ngunit hindi pala dahil nasa pangatlong baitang pataas na siya ng hagdan nang makita niyang prenteng nakaupo ang lalaki sa sala at nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Paikot kasi ang hagdan sa bahay nito kaya hindi niya agad nakita na nakaupo ito sa sala.Dahan-dahan siyang umikot para bumalik sa itaas ngunit nakita na siya ni Gabriel at napakunot ang noo nito nang makitang balak niyang bumalik sa itaas."Did you forget something upstairs?" tanong ni Gabriel sa kanya. Bahagya siyang ngumiti at umiling. "Come here."Kinakabahang naglakad siya palapit kay Gabriel. Mabuti na lamang naglagay na siya ng concealer sa peklat niya bago siya bumaba kaya hindi na ulit nakita nito ang malaki at panget niyang peklat."Ano ba ang magiging trabaho ko, Boss?" tanong niya kay Gabriel nang makalapit siya sa harapan nito "Sit down," kausap nito

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 91

    Isinama si Arielle ni Gabriel sa napakalaki nitong bahay. Pagbaba niya sa kotse nito ay natuklasan niyang hindi lang pala si Harold na driver slash bodyguard nito ang palagi nitong kasama kundi may anim pang lalaking maskulado ang pangangatawan ang bumaba naman sa kotseng nakasunod pala sa kanila."Mga tauhan mo sila?" tanong niya kay Gabriel habang nakatingin sa anim na lalaking nakatayo lamang sa tabi ng kotse at tila hinihintay ang pagpasok ni Grabriel sa loob ng bahay."Kung gusto mong magtrabaho sa bahay ko ay huwag ka na lang marami pang tanong," sagot ni Gabriel sa kanya sa seryosong mukha bago ito naglakad papasok sa loob ng bahay."Ang sungit naman ng boss natin, Harold. Para nagtatanong lang naman ako, nagsungit na kaagad," naiiling na sabi niya sa driver ni Gabriel.Natawa naman si Harold nang marinig ang sinabi niya at maging ang anim na lalaking tauhan ni Gabriel ay hindi rin napigilan ang mapangiti. "Ganyan lang 'yan si Boss pero mabait 'yan at galante pa," nakangiting

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 90

    Pangatlong araw ay binalikan ni Arielle ang cellphone ng mga magulang niya na dinala niya sa cellphone repair shop. Pag-alis niya ay hindi na niya kailangan pang i-check kung nasa bahay ba o wala ang mag-ina dahil magmula nang mangyari ang confrontation nila ay iniiwasan na siya ng dalawang babae. Mas pabor iyon sa kanya para makagalaw siya ng maayos. "Pasensiya na kung nagpunta ako sa shop mo kahit na hindi mo pa ako tinatawagan. Masyado lang akong anxious na malaman kung nagawa na ba ang mga cellphone o hindi pa," paumanhin ni Arielle sa may-ari ng repair shop. "Pasensiya na pero hindi ko pa naaayos ang cellphone mo, Ma'am. Tatawagan ko na lang po kayo kapag okay na," nahihiyang sagot ng may-ari ng shop sa kanya. Nakaramdam siya ng magkahalong lungkot at disappointment nang marinig niya ang sinabi ng lalaki. Wala siyang magagawa ngayon kundi ang maghintay kung kailan maaayos ang cellphone. At sana nga ay maayos iyon para naman makita niya kung ano ang mayroon sa loob ng cellp

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status