Share

Chapter 67

Penulis: NewAuthor
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

Naging bisita ni Arielle si Bret nang araw na iyon. Kadarating pa lamang ng kaibigan niya mula sa ibang bansa at agad siyang binisita nito para kamustahin ang kalagayan niya. Alam nitong wala na siyang katulong sa bahay kaya nag-take out na lamang ito ng pagkain para sa kanilang lunch. Hindi niya kasi nasabi sa kaibigan niyang si Gun ang nagluluto ng pagkain niya sa bahay.

"I'm sorry at ngayon lang kita nadalaw, Arielle. Muntik na nga akong hindi makabalik ng bansa dahil ayaw akong payagan ng aking grandpa. At alam mo ba na gusto niya sa susunod na magbakasyon siya rito ay magpakasal na raw tayo," pagbabalita ni Bret sa kanya habang pareho silang nakaupo sa sofa.

"Kasal? Ikakasal na kayong dalawa?" Biglang sinundot ng ibayong sakit ang dibdib ni Gun nang marinig ang sinabi ni Bret kaya hindi niya napigilan ang sumabat sa usapan ng dalawa. Nakatayo lang kasi siya malapit sa kanila dahil ayaw niyang iwan si Arielle na si Bret lamang ang kasama. Wala na siyang tiwala kahit kaibigan pa it
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 68

    Magkahalong kaba at inis ang nararamdaman ni Arielle habang nakaharap sa lahat ng board members na puro mga shareholders ng kompanya niya. Kinakabahan siya dahil baka nakahanap na naman ng butas ang mga taong kontra sa kanyang pamamalakad sa kompanya. At the same time ay naiinis siya dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya makuha-kuha ng lubusan ang tiwala nila. Kung hindi lamang mabait ang mga magulang niya ay hindi nila hinayaan na may ibang tao na bumili ng stocks ng kompanya dahil hindi naman sila nangangailangan ng shareholders. Malaki ang kinikita ng kompanya dahil sa magandang pamamalakad ng kanyang ama. Kung walang shareholders ay wala sana siyang problema ngayon. Gustuhin man niyang sapilitang bilhin ang kanilang maliliit na share sa kompanya ay hindi sasapat ang kanyang pera. Ngunit kung ibebenta niya ang lupa at bahay at iba pang mga ariarian na iniwan sa kanya ng mga magulang niya ay sobra-sobra pa iyon na pambayad sa mga shares ng board members. Ngunit ayaw niyang

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 69

    Pinasadahan ni Arielle ang kanyang hitsura sa harapan ng salamin. May date siya ngayon kay Eric Montilla, pamangkin ng isa sa mga shareholders ng kompanya niya. Kinausap siya ni Mr. Montilla dahil nirereto nito sa kanya ang anak na lalaki ng kapatid nito. Gusto sana niyang tanggihan na makipag-blind date sa pamangkin nito ngunit naisip niya kapag tinanggihan niya ito ay iisipin nito na hindi niya kinokonsidera ang suggestion ni Mr. Agaston.Walang mawawala sa kanya kung pagbibigyan niya si Mr. Montilla kaya pumayag na rin siya. Alam naman niya na kahit sino pa ang maging ka-blind date niya ay hindi siya maiin-love sa kanila dahil may ibang tinitibok na ang puso niya.Pagkatapos pasadahan ng huling tingin ang kanyang sarili at nakitang maayos naman ang suot niya ay nagdesisyon na siyang lumabas sa kanyang silid. Bumaba siya sa sala kung saan naroon si Gun at naghihintay sa kanya. Napakunot ang noo nito at napasimangot habang nakatingin sa kanya at naglalakad pababa sa hagdan."What's

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 70

    Akala ni Arielle ay sisitahin ni Eric si Gun dahil tumayo ito sa kinauupuan at mukhang nagalit sa ginawang pag-inom niang huli sa wine na dapat ay sa kanya. Ngunit tumayo lamang si Eric at tinapunan ng matalim na tingin si Gun na wala namang pakialam kahit tadtarin ito sa tingin ng ka-datr niya."It's okay. Just give me another one," sabi niya kay Eric. Walang kibong naupo na lamang ulit ang lalaki pagkatapos ay tumawag ng waiter at humingi ng isa pang baso. Nilagyan nito ng wine at sa pagkakataong ito ay siya na ang tumanggap. Natikman na ni Gun ang wine at okay naman ito kaya ibig sabihin ay safe na inumin niya.Magmula nang ma-poison siya sa restaurant na kinainan nila ay palagi nang tinitikman ni Gun ang kahit anong pagkain na isinusubo niya sa kanyang bibig kapag ito ay hindi niluto mula sa bahay niya. Hinahayaan lamang niya ito dahil ataw na rin niyang ma-hospital ulit. Maliban sa masyadonh hassle kasi abala sa trabaho niya ay ayaw din niya sa amoy ng sa loob ng hospital."Cheer

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 71

    Napalunok si Arielle nang bumaba ang tingin niya sa mapupulang mga labi ni Gun. Lihim siyang nagdarasal na sana ay lumayo na ito sa kanya dahil baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili at bigla na lamang niyang kabigin ang batok nito at halikan ng mariin sa mga labi. "I'm a-awake now," mahina ang boses na wika niya kay Gun. "Oh, yeah," his short response. Ngunit hindi man la ito nag-abalang palakihin ang distansiya sa pagitan nila. Hindi ito lumayo sa kanya at nanatiling nakatitig pa rin sa mukha niya na parang kinakabisa nito ang bawat detalye ng kanyang mukha."Oh, yeah." Hindi niya alam kung bakit niya ginaya ang sinabi nito. Hindi kasi nagpa-function ang kanyang utak kaya hindi siya makapag-isip ng maayos. Ang tanging naiisip lamang niya ay ang mapula nitong mga labi at ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.Lihim siyang napamura sa kanyang isip nang makita niyang bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi na medyo nakaawang pa ng bahagya. Mas lalong naging eratiko ang tib

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 72

    Mataas na ang araw nang magising si Arielle. Pagmulat niya ng mga mata ay nakita niya si Gun na nakayakap sa kanya habang natutulog at may bahagyang ngiti na makikita sa gilid ng mga labi nito. Hindi niya mapigilan ang mapangiti nang maalala ang mga nangyari nang nakaraang gabi. Gun took her virginity on the sofa of her house. Pagkatapos may mangyari sa kanila sa sofa ay binuhat siya ni Gun at dinala sa loob ng kanyang silid. At sa kuwarto niya ay hindi niya mabilang kung ilang ulit silang nagtalik hanggang sa pareho silang nakatulog sa sobrang pagod. Tirik na tuloy ang araw nang magising siya kaya wala na siyang balak na pumasok pa sa opisina nang araw na iyon.Nakangiting hinaplos niya ang makinis na mukha ni Gun. Wala siyang makapang pagsisisi sa kanyang dibdib na ito ang pinili niya para pag-alayan ng kanyang kalinisan. She loves him. At nararamdaman din niyang mahal din siya ni Gun.Nagulat siya nang biglang hinawakan ni Gun ang kamay niyang humahaplos sa pisngi nito at pagkatap

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 73

    "Pagbigyan mo nang maka-blind date ang anak ko, Miss Simpson. Who knows magkagustuhan kayong dalawa at maging maging in-laws pa tayo." Ito na ang pangatlong beses na pinakiusapan siya ni Mr. Tuvalya na pumayag na makipag-blind date sa anak nito. Nabalitaan kasi nito na hindi naging maayos ang blind date niya sa pamangkin ng isa pang shareholders kaya naman katulad ng ibang mga shareholders ay kinausap siya at subukang makipag-blind kung hindi sa anak, nakababatang kapatid, ay pamangkin naman."Okay fine. I will meet your son, Mr. Tuvalya. Ngunit hindi ko ipinapangako na magiging maayos ang date ko sa kanya. Hindi natin alam baka maging katulad sa last blind date ko ang mangyari sa amin ng anak mo," sagot niya sa kay Mr. Tuvalya para tigilan na nito ang pangungulit sa kanya. Alam naman niya na hindi rin niya ito magugustuhan tulad ng nangyari sa unang blind date niya lalo pa at may unawaan na sila ni Gun.Ayaw niyang makaramdam ng insecurities si Gun kapag palagi siyang makikipag-blin

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 74

    Agad na dumilim ang mukha ni Pancho nang walang paalam na tinikman ni Gun ang lahat ng pagkain na nasa ibabaw ng mesa. At tila sinasadya ni Gun na inisin ang lalaki dahil ipinakita pa nito kay Pancho na sarap na sarap ito habang nginunguya ang pagkaing isinubo. Maging ang mamahaling red wine ay hindi rin nakaligtas sa panlasa ni Gun. Tinikman nito ang red wine at pagkatapos ay nang-iinis na nginitian si Pancho."It's all safe and delicious, Arielle. Puwede ka nang kumain," nakangiting sabi ni Gun sa kanya.Masyadong awkward ang ginagawa ni Gun na pagtikim ng mga pagkain at inumin bago niya kainin ngunit para rin naman sa kaligtasan niya kaya nito iyon ginagawa kaya tiniis na lamang niya ang nararamdamang pagkailang.Okay lang naman sa kanya na tikman ni Gun ang lahat ng mga pagkain bago niya kainin ngunit hindi iyon nagugustuhan ng kahit sinong taong nakakasama niyang kumain sa restaurant. Hindi naman kasi nila naiintindihan ang sitwasyon niya kaya sila nao-offend samantalang si Gun n

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 75

    Napag-alaman ni Hailey na hindi pala si Pancho Tuvalya ang kanyang naka-blind date kundi ibang lalaki. Mabuti na lamang tumawag si Mr. Tuvalya kay Gun dahil hindi siya makontak at agad na ipinaalam sa lalaki ang nangyari. Binugbog daw ng tatlong hindi nakilalang mga lalaki si Pancho at ngayon ay nasa hospital. Late na nalaman ni Mr. Tuvalya ang nangyari sa anak nito dahil natawagan lamang ito ng hospital nang magkamalay ang anak.Nang malaman naman ni Mr. Tuvalya ang nangyari sa anak nito ay agad itong tumawag sa kanya para i-inform ngunit dahil hindi siya makontak kaya sa cellphone ni Gun na lamang ito tumawag at ipinaalam ang nangyari sa anak nito. Nang malaman naman iyon ni Gun ay agad na siya ang pumasok sa isip nito dahil nasa loob siya ng silid kasama ang isang peke pala na anak ni Mr. Tuvalya. Ayon kay Gun ay eksaktong pagbukas nito ng pintuan ay sasaksakin na siya ng hawak na tinidor ng pekeng Pancho Tuvalya kaya agad na binunot nang una ang baril nitong nasa baywang at bina

Bab terbaru

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 98-END

    "Yes. I will marry you, Gabriel," naluluhang sagot ni Arielle sa marriage proposal sa kanya ni Gabriel. Bakit pa siya magpapakipot gayong gustong-gusto naman niyang magpakasal at maging asawa si Gabriel?Lumarawan sa mukha ni Gabriel ang labis na saya nang marinig ang sagot niya. Niyakap siya nito ng mahigpit at binuhat pagkatapos ay inikot-ikot sa labis na kasiyahan.Pagkatapos nilang masiguro na hindi na makakawala pa sina Tyron at Claire sa mga kasong isinampa nila laban sa kanila ay saka sila nagdesisyon na magpakasal. Masayang-masaya si Arielle dahil sa wakas ay magiging mag-asawa na sila ni Gabriel. Isang araw bago ang kasal nila ni Gabriel ay bigla niyang naalala ang cellphone ng kanyang mga magulang. Sa dami ng mga nangyari ay nakalimutan na niya ang cellphone na ipina-repair niya. Umalis siya sa bahay niya at nagtungo sa cellphone repair shop. "Akala ko po ay hindi niyo na babalikan ang cellphone ipina-repair mo, Ma'am. Hindi na rin kita nagawang kontakin dahil nawala ang

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 97

    "Gabriel Adamson! Ano ang ginagawa mo rito sa bahay ko?" galit na tanong ni Tyron kay Gabriel na sinagot naman ng huli ng isang malakas na suntok sa sikmura. Naluhod sa sahig si Tyron habang napapaubo. Ang mga tauhan naman nito ay agad na napatulog nina Harold kasama sina Tres, Dos, at Six.Nilapitan siya ni Gabriel at agad na kinalas ang pagkakatali niya sa gilid ng hagdan pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit. "I'm sorry. I'm almost late. I'm almost lost you again."Niyakap din niya ito ng mahigpit. Napaiyak siya dibdib nito ngunit hindi dahil sa takot kundi sa saya na nakita niya itong muli. Miss na miss na niya ito ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili na magpakita sa kanya. Gusto niya kapag muli siyang humarap kay Gabriel ay tapos na siya sa mga dapat niyang gawin."Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong niya nang kumalas siya sa pagkakayakap kay Gabriel."It's Mr. Sanchez that told me you're going to come here to chase some dogs inside your house," nakangiting sagot nito

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 96

    Pag-alis ni Arielle sa bahay ni Gabriel ay nag-rent muna siya sa isang maliit na condo unit pagkatapos ay inayos niya ang kanyang mga papeles papuntang ibang bansa. Pinakilos niya ang kanyang pera at sa tulong ng kanyang Uncle Edgar ay agad na naayos ang kanyang passport pati na rin US visa. Pagkatapos ng halos isang buwan na paghihintay ay nakalipad siya patungong Amerika para ipabalik ang kanyang mukha sa pamamagitan ng plastic surgery.Sa isang sikat na plastic surgeon siya nagpa-opera ng kanyang mukha. Pagkalipas ng two weeks nang dumating siya sa America ay isinailalim siya sa isang operasyon. Apat na oras ang itinagal ng operasyon sa mukha niya. Nang magising siya ay nababalot na ng benda ang buo niyang mukha.At pagkatapos naman ng dalawang Linggo ay inalis na ng doktor ang benda sa kanyang mukha. Naiyak siya nang makitang naibalik na sa dati ang hitsura ng kanyang mukha. Kahit maliit na bakas ng malaking peklat sa kanyang mukha ay wala na kaya sobrang laki ng pasasalamat niya

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 95

    Nang magising si Arielle ay wala na sa tabi niya si Gabriel. Napangiti siya ng matamis nang maalala ang mainit nilang pagtatalik. Ngunit naglaho ang ngiti niya at napalitan ng pag-aalala dahil baka iniisip ni Gabriel na east to get siya dahil kakakilala pa lamang nila ay ibinigay na niya agad ang kanyang sarili sa kanya. Aaminin niya na ang tingin talaga niya kay Gabriel ay si Gun at hindi lang siya maalala nito. Matagal na silang magkakilala kaya naman hindi siya nagdalawang isip na ibigay ang kanyang sarili sa kanya sa pangalawang pagkakataon. Iniisip kais niya na iisang tao lamang silang dalawa. Huminga siya ng malalim at pilit na inalis sa kanyang isip ang pag-aalalang naramdaman niya. Bumangon siya sa kama at tiningnan ang oras sa wall clock. Alas kuwatro ng hapon pa lang pala. Akala niya ay gabi na pero hindi pa pala.Bumaba siya sa kama at nagtungo sa banyo para maligo. Hindi na siya nag-abala pang isuot ang mga nahubad niyang damit dahil mag-isa lang naman siya sa kanyang s

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 94

    Inamin ni Arielle ang buong katotohanan kay Gabriel tungkol sa itinatago niyang sekreto. Wala siyang itinago maliban sa part na nag-time travel siya papunta ssa nakalipas habang unconscious siya. Akala niya ay magagalit ito sa kanya dahil nagsinungaling siya sa kanya ngunit dumilim lamang ang mukha nito matapos malaman ang lahat at muli siyang kinarga papasok sa kanyang silid. "Don't move. Kukuha lang ako ng ice at gamot para hindi na masyadong mamaga at mawala ang kirot ng paa mo," sabi sa kanya ni Gabriel bago ito lumabas ng silid. Ilang minuto lamang itong nawala at pagbalik ay may dala na itong tray na may laman na isang basong tubig, gamot, at dalawang icepack. "Here. Take this medicine to reduce the pain."Para siyang masunuring bata na sinunod ang sinabi ni Gabriel sa kanya."Hindi mo ba ako palalayasin dahil nagsinungaling ako sa'yo, Boss?" hindi niya napigilang tanong matapos niyang inumin ang gamot.Mula sa paa niyang nilalapatan nito ng icepack ay umangat sa kanyang mukha

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 93

    Mabilis na tumakbo si Arielle papunta sa hagdan at habang tumatakbo siya ay isinisilid niya ang cellphone niya sa bulsa ng suot niyang pantalon."Bumalik ka, Arielle!" narinig niyang sigaw ni Tyron sa kanya. Hindi siya lumingon at dere-deretso lamang siyang tumakbo pababa. Ngunit sa malas ay biglang natapilok ang kanang paa niya noong nasa ikalimang baitang ng hagdan siya mula sa baba. Napasigaw siya nang gumulong siya pababa ng hagdan. Kahit na nasaktan siya sa pagkakahulog sa hagdan ay mabilis pa rin siyang tumayo. Ngunit bigla siyang napaupo dahil sumigid ang kirot sa kanang paa niya, iyong nadulas niyang paa. Nag-alala siya na baka malapit na sa kanya si Tyron kaya lumingon siya sa taas ng hagdan. Ngunit paglingon niya ay sinalubong siya ng malakas na sampal mula kay Tyron na nakalapit na pala sa kanya. Sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya ay napaupo siya sa sahig."Akala mo ay makakatakas ka sa amin, Arielle? Nagkakamali ka. Dahil hindi namin hahayaan na makaalis ka dala ang

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 92

    Maagang nagising si Arielle nang umagang iyon kaya naligo na siya bago lumabas sa silid at bumaba sa sala. Akala niya ay nauna siyang nagising kay Gabriel ngunit hindi pala dahil nasa pangatlong baitang pataas na siya ng hagdan nang makita niyang prenteng nakaupo ang lalaki sa sala at nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Paikot kasi ang hagdan sa bahay nito kaya hindi niya agad nakita na nakaupo ito sa sala.Dahan-dahan siyang umikot para bumalik sa itaas ngunit nakita na siya ni Gabriel at napakunot ang noo nito nang makitang balak niyang bumalik sa itaas."Did you forget something upstairs?" tanong ni Gabriel sa kanya. Bahagya siyang ngumiti at umiling. "Come here."Kinakabahang naglakad siya palapit kay Gabriel. Mabuti na lamang naglagay na siya ng concealer sa peklat niya bago siya bumaba kaya hindi na ulit nakita nito ang malaki at panget niyang peklat."Ano ba ang magiging trabaho ko, Boss?" tanong niya kay Gabriel nang makalapit siya sa harapan nito "Sit down," kausap nito

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 91

    Isinama si Arielle ni Gabriel sa napakalaki nitong bahay. Pagbaba niya sa kotse nito ay natuklasan niyang hindi lang pala si Harold na driver slash bodyguard nito ang palagi nitong kasama kundi may anim pang lalaking maskulado ang pangangatawan ang bumaba naman sa kotseng nakasunod pala sa kanila."Mga tauhan mo sila?" tanong niya kay Gabriel habang nakatingin sa anim na lalaking nakatayo lamang sa tabi ng kotse at tila hinihintay ang pagpasok ni Grabriel sa loob ng bahay."Kung gusto mong magtrabaho sa bahay ko ay huwag ka na lang marami pang tanong," sagot ni Gabriel sa kanya sa seryosong mukha bago ito naglakad papasok sa loob ng bahay."Ang sungit naman ng boss natin, Harold. Para nagtatanong lang naman ako, nagsungit na kaagad," naiiling na sabi niya sa driver ni Gabriel.Natawa naman si Harold nang marinig ang sinabi niya at maging ang anim na lalaking tauhan ni Gabriel ay hindi rin napigilan ang mapangiti. "Ganyan lang 'yan si Boss pero mabait 'yan at galante pa," nakangiting

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 90

    Pangatlong araw ay binalikan ni Arielle ang cellphone ng mga magulang niya na dinala niya sa cellphone repair shop. Pag-alis niya ay hindi na niya kailangan pang i-check kung nasa bahay ba o wala ang mag-ina dahil magmula nang mangyari ang confrontation nila ay iniiwasan na siya ng dalawang babae. Mas pabor iyon sa kanya para makagalaw siya ng maayos. "Pasensiya na kung nagpunta ako sa shop mo kahit na hindi mo pa ako tinatawagan. Masyado lang akong anxious na malaman kung nagawa na ba ang mga cellphone o hindi pa," paumanhin ni Arielle sa may-ari ng repair shop. "Pasensiya na pero hindi ko pa naaayos ang cellphone mo, Ma'am. Tatawagan ko na lang po kayo kapag okay na," nahihiyang sagot ng may-ari ng shop sa kanya. Nakaramdam siya ng magkahalong lungkot at disappointment nang marinig niya ang sinabi ng lalaki. Wala siyang magagawa ngayon kundi ang maghintay kung kailan maaayos ang cellphone. At sana nga ay maayos iyon para naman makita niya kung ano ang mayroon sa loob ng cellp

DMCA.com Protection Status