Share

Chapter 71

Penulis: NewAuthor
last update Terakhir Diperbarui: 2024-06-11 15:56:14

Napalunok si Arielle nang bumaba ang tingin niya sa mapupulang mga labi ni Gun. Lihim siyang nagdarasal na sana ay lumayo na ito sa kanya dahil baka hindi niya mapigilan ang kanyang sarili at bigla na lamang niyang kabigin ang batok nito at halikan ng mariin sa mga labi.

"I'm a-awake now," mahina ang boses na wika niya kay Gun.

"Oh, yeah," his short response. Ngunit hindi man la ito nag-abalang palakihin ang distansiya sa pagitan nila. Hindi ito lumayo sa kanya at nanatiling nakatitig pa rin sa mukha niya na parang kinakabisa nito ang bawat detalye ng kanyang mukha.

"Oh, yeah." Hindi niya alam kung bakit niya ginaya ang sinabi nito. Hindi kasi nagpa-function ang kanyang utak kaya hindi siya makapag-isip ng maayos. Ang tanging naiisip lamang niya ay ang mapula nitong mga labi at ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

Lihim siyang napamura sa kanyang isip nang makita niyang bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi na medyo nakaawang pa ng bahagya. Mas lalong naging eratiko ang tib
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 72

    Mataas na ang araw nang magising si Arielle. Pagmulat niya ng mga mata ay nakita niya si Gun na nakayakap sa kanya habang natutulog at may bahagyang ngiti na makikita sa gilid ng mga labi nito. Hindi niya mapigilan ang mapangiti nang maalala ang mga nangyari nang nakaraang gabi. Gun took her virginity on the sofa of her house. Pagkatapos may mangyari sa kanila sa sofa ay binuhat siya ni Gun at dinala sa loob ng kanyang silid. At sa kuwarto niya ay hindi niya mabilang kung ilang ulit silang nagtalik hanggang sa pareho silang nakatulog sa sobrang pagod. Tirik na tuloy ang araw nang magising siya kaya wala na siyang balak na pumasok pa sa opisina nang araw na iyon.Nakangiting hinaplos niya ang makinis na mukha ni Gun. Wala siyang makapang pagsisisi sa kanyang dibdib na ito ang pinili niya para pag-alayan ng kanyang kalinisan. She loves him. At nararamdaman din niyang mahal din siya ni Gun.Nagulat siya nang biglang hinawakan ni Gun ang kamay niyang humahaplos sa pisngi nito at pagkatap

    Terakhir Diperbarui : 2024-06-11
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 73

    "Pagbigyan mo nang maka-blind date ang anak ko, Miss Simpson. Who knows magkagustuhan kayong dalawa at maging maging in-laws pa tayo." Ito na ang pangatlong beses na pinakiusapan siya ni Mr. Tuvalya na pumayag na makipag-blind date sa anak nito. Nabalitaan kasi nito na hindi naging maayos ang blind date niya sa pamangkin ng isa pang shareholders kaya naman katulad ng ibang mga shareholders ay kinausap siya at subukang makipag-blind kung hindi sa anak, nakababatang kapatid, ay pamangkin naman."Okay fine. I will meet your son, Mr. Tuvalya. Ngunit hindi ko ipinapangako na magiging maayos ang date ko sa kanya. Hindi natin alam baka maging katulad sa last blind date ko ang mangyari sa amin ng anak mo," sagot niya sa kay Mr. Tuvalya para tigilan na nito ang pangungulit sa kanya. Alam naman niya na hindi rin niya ito magugustuhan tulad ng nangyari sa unang blind date niya lalo pa at may unawaan na sila ni Gun.Ayaw niyang makaramdam ng insecurities si Gun kapag palagi siyang makikipag-blin

    Terakhir Diperbarui : 2024-06-11
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 74

    Agad na dumilim ang mukha ni Pancho nang walang paalam na tinikman ni Gun ang lahat ng pagkain na nasa ibabaw ng mesa. At tila sinasadya ni Gun na inisin ang lalaki dahil ipinakita pa nito kay Pancho na sarap na sarap ito habang nginunguya ang pagkaing isinubo. Maging ang mamahaling red wine ay hindi rin nakaligtas sa panlasa ni Gun. Tinikman nito ang red wine at pagkatapos ay nang-iinis na nginitian si Pancho."It's all safe and delicious, Arielle. Puwede ka nang kumain," nakangiting sabi ni Gun sa kanya.Masyadong awkward ang ginagawa ni Gun na pagtikim ng mga pagkain at inumin bago niya kainin ngunit para rin naman sa kaligtasan niya kaya nito iyon ginagawa kaya tiniis na lamang niya ang nararamdamang pagkailang.Okay lang naman sa kanya na tikman ni Gun ang lahat ng mga pagkain bago niya kainin ngunit hindi iyon nagugustuhan ng kahit sinong taong nakakasama niyang kumain sa restaurant. Hindi naman kasi nila naiintindihan ang sitwasyon niya kaya sila nao-offend samantalang si Gun n

    Terakhir Diperbarui : 2024-06-11
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 75

    Napag-alaman ni Hailey na hindi pala si Pancho Tuvalya ang kanyang naka-blind date kundi ibang lalaki. Mabuti na lamang tumawag si Mr. Tuvalya kay Gun dahil hindi siya makontak at agad na ipinaalam sa lalaki ang nangyari. Binugbog daw ng tatlong hindi nakilalang mga lalaki si Pancho at ngayon ay nasa hospital. Late na nalaman ni Mr. Tuvalya ang nangyari sa anak nito dahil natawagan lamang ito ng hospital nang magkamalay ang anak.Nang malaman naman ni Mr. Tuvalya ang nangyari sa anak nito ay agad itong tumawag sa kanya para i-inform ngunit dahil hindi siya makontak kaya sa cellphone ni Gun na lamang ito tumawag at ipinaalam ang nangyari sa anak nito. Nang malaman naman iyon ni Gun ay agad na siya ang pumasok sa isip nito dahil nasa loob siya ng silid kasama ang isang peke pala na anak ni Mr. Tuvalya. Ayon kay Gun ay eksaktong pagbukas nito ng pintuan ay sasaksakin na siya ng hawak na tinidor ng pekeng Pancho Tuvalya kaya agad na binunot nang una ang baril nitong nasa baywang at bina

    Terakhir Diperbarui : 2024-06-11
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 76

    Pagdating ng hapon ay inaasahan ni Arielle na susunduin siya ni Gun gaya ng ipinangako nito sa kanya. Ngunit sa halip na si Gun ang dumating ay si Amanda ang sumundo sa kanya at isinama siy sa isang restaurant para makapag-usap sila ng maayos.Sa una ay reluctant siyang sumama kay Amanda ngunit may nagbubulong sa kanya na sumama sa babae kaya sa huli ay pinili niyang sumama.Pagkapasok nila sa restaurant at maupo sa bandang sulok na bahagi ay agad siyang tinanong ni Amanda kung ano ang gusto niyang kainin ngunit tumanggi siya. Hindi naman siya sumama sa kanya para kumain kundi para malaman kung ano ang nais nitong sabihin sa kanya."Well, hindi kita pipiliting um-order. For sure, hindi ka rin naman makakakain pagkatapos ng mga matutuklasan mo tungkol sa tunay na pagkatao ni Gun." Amanda gave her a mysterious smile."Anong ibig mong sabihin?" Bigla siyang kinabahan. May itinatago ba sa kanyang si Gun? Sa halip na sagutin ang tanong niya ay inilapag ni Amanda sa ibabaw ng mesa ang isan

    Terakhir Diperbarui : 2024-06-11
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 77

    Hindi nagtagal ay dumating sa bahay ni Arielle si Gun. Ipang beses itong kumatok at nagmakaawa na buksan niya ang pintuan at kausapin niya ngunit hindi niya ito pinagbigyan. Siguro sinabi na ni Amanda kay Gun na alam na niya ang itinatago nitong sekreto kaya naman agad siyang pinuntahan nito para patuloy na bilugin ang kanyang ulo. Ngunit kung iniisip nito na paniniwalaan pa niya ang mga sasabihin nito ay nagkakamali ito. Pagod na pagod na siyang maniwala sa mga taong manloloko."Arielle! Please talk to me! Hayaan mo naman akong makapagpaliwanag!" patuloy na sigaw ni Gun sa labas ng pintuan. Tila hirap na hirap ang boses nito ngunit batid niyang bahagi lamang iyon ng drama nito maniwala siya at patuloy na mapaikot sa palad nito kaya hindi lumambot ang puso niya sa kanya.Mula sa pagkakadapa sa sofa ay tumayo siya at lumapit sa tapat ng pintuan. "Umalis ka na, Gun. Ayaw na kitang makita pang muli. Magmula sa oras na ito ay pinuputol ko na ang anumang relasyon mayroon tayo. Kaya huwag n

    Terakhir Diperbarui : 2024-06-11
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 78

    Nasa tapat na ng gate ng bahay niya si Arielle ay malakas pa rin ang tahip ng kanyang dibdib. Siguro ay alam na ng taong nagpapapatay sa kanya na wala na ulit siyang bodyguard kaya naman sinasamantala nila ang pagkakataon na maisakatuparan ang maitim nilang balak sa kanya.Gusto man niyang mag-hired ng panibagong bodyguard ay natatakot siya. Baka ang makuha niyang bodyguard ay siya palang hired killer na papatay sa kanya. Ilang minuto siyang nakaupo lamang sa loob ng kanyang kotse na para bang wala siyang balak na lumabas o di kaya ay ipasok sa loob ng gate ang kotse niya. Napaigtad siya sa kinauupuan niya nang bigla na lamang may kumatok ng malakas sa labas ng bintana mg kotse. Napakunot ang noo niya nang makitang ang pinsan niya."Ano naman kaya ang kailangan sa akin ng babaeng ito? Ang kapal ng mukha niya para magpakita pa sa akin," naiinis na bulong niya sa kanyang sarili bago kinuha ang kanyang bag at lumabas ng kotse."Hi, Arielle!" nakangiting bati sa kanya ni Claire na para b

    Terakhir Diperbarui : 2024-06-11
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 79

    Pagmulat ng mga mata ni Arielle ay ang puting kisame agad ang una niyang nakita. Hindi na niya kailangan pang magtanong kung nasaan siya dahil agad naman niyang naamoy ang gamot sa paligid ng kinaroroonan niya. Napansin din niya ang oxygen na nakakabit sa kanyang bibig. Maingat niyang tinanggal ang kung anu-anong aparatus na nakakabit sa kanyang katawan bago naupo sa hospital bed.Sino ang nagdala sa kanya sa hospital? Imposibleng sina Tyron at Claire ang nagdala sa kanya sa hospital dahil natitiyak niyang imbes dalhin siya sa hospital ay ililibing na lamang siya nila ng buhay. Nasa ganoon siyang posisyon nang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang doktor na walang iba kundi ang kaibigan niyang si Kim."Oh my God! Sa wakas ay nagising ka na rin, Arielle!" Patakbong lumapit sa kanya si Kim at niyakap siya ng mahigpit. "Alam mo na labis akong nag-alala sa'yo? Apat na buwan kang comatose at hindi namin alam kung kailan ka magigising."Bigla niyang naitulak ang kaibigan niya nang marini

    Terakhir Diperbarui : 2024-06-11

Bab terbaru

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 98-END

    "Yes. I will marry you, Gabriel," naluluhang sagot ni Arielle sa marriage proposal sa kanya ni Gabriel. Bakit pa siya magpapakipot gayong gustong-gusto naman niyang magpakasal at maging asawa si Gabriel?Lumarawan sa mukha ni Gabriel ang labis na saya nang marinig ang sagot niya. Niyakap siya nito ng mahigpit at binuhat pagkatapos ay inikot-ikot sa labis na kasiyahan.Pagkatapos nilang masiguro na hindi na makakawala pa sina Tyron at Claire sa mga kasong isinampa nila laban sa kanila ay saka sila nagdesisyon na magpakasal. Masayang-masaya si Arielle dahil sa wakas ay magiging mag-asawa na sila ni Gabriel. Isang araw bago ang kasal nila ni Gabriel ay bigla niyang naalala ang cellphone ng kanyang mga magulang. Sa dami ng mga nangyari ay nakalimutan na niya ang cellphone na ipina-repair niya. Umalis siya sa bahay niya at nagtungo sa cellphone repair shop. "Akala ko po ay hindi niyo na babalikan ang cellphone ipina-repair mo, Ma'am. Hindi na rin kita nagawang kontakin dahil nawala ang

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 97

    "Gabriel Adamson! Ano ang ginagawa mo rito sa bahay ko?" galit na tanong ni Tyron kay Gabriel na sinagot naman ng huli ng isang malakas na suntok sa sikmura. Naluhod sa sahig si Tyron habang napapaubo. Ang mga tauhan naman nito ay agad na napatulog nina Harold kasama sina Tres, Dos, at Six.Nilapitan siya ni Gabriel at agad na kinalas ang pagkakatali niya sa gilid ng hagdan pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit. "I'm sorry. I'm almost late. I'm almost lost you again."Niyakap din niya ito ng mahigpit. Napaiyak siya dibdib nito ngunit hindi dahil sa takot kundi sa saya na nakita niya itong muli. Miss na miss na niya ito ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili na magpakita sa kanya. Gusto niya kapag muli siyang humarap kay Gabriel ay tapos na siya sa mga dapat niyang gawin."Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong niya nang kumalas siya sa pagkakayakap kay Gabriel."It's Mr. Sanchez that told me you're going to come here to chase some dogs inside your house," nakangiting sagot nito

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 96

    Pag-alis ni Arielle sa bahay ni Gabriel ay nag-rent muna siya sa isang maliit na condo unit pagkatapos ay inayos niya ang kanyang mga papeles papuntang ibang bansa. Pinakilos niya ang kanyang pera at sa tulong ng kanyang Uncle Edgar ay agad na naayos ang kanyang passport pati na rin US visa. Pagkatapos ng halos isang buwan na paghihintay ay nakalipad siya patungong Amerika para ipabalik ang kanyang mukha sa pamamagitan ng plastic surgery.Sa isang sikat na plastic surgeon siya nagpa-opera ng kanyang mukha. Pagkalipas ng two weeks nang dumating siya sa America ay isinailalim siya sa isang operasyon. Apat na oras ang itinagal ng operasyon sa mukha niya. Nang magising siya ay nababalot na ng benda ang buo niyang mukha.At pagkatapos naman ng dalawang Linggo ay inalis na ng doktor ang benda sa kanyang mukha. Naiyak siya nang makitang naibalik na sa dati ang hitsura ng kanyang mukha. Kahit maliit na bakas ng malaking peklat sa kanyang mukha ay wala na kaya sobrang laki ng pasasalamat niya

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 95

    Nang magising si Arielle ay wala na sa tabi niya si Gabriel. Napangiti siya ng matamis nang maalala ang mainit nilang pagtatalik. Ngunit naglaho ang ngiti niya at napalitan ng pag-aalala dahil baka iniisip ni Gabriel na east to get siya dahil kakakilala pa lamang nila ay ibinigay na niya agad ang kanyang sarili sa kanya. Aaminin niya na ang tingin talaga niya kay Gabriel ay si Gun at hindi lang siya maalala nito. Matagal na silang magkakilala kaya naman hindi siya nagdalawang isip na ibigay ang kanyang sarili sa kanya sa pangalawang pagkakataon. Iniisip kais niya na iisang tao lamang silang dalawa. Huminga siya ng malalim at pilit na inalis sa kanyang isip ang pag-aalalang naramdaman niya. Bumangon siya sa kama at tiningnan ang oras sa wall clock. Alas kuwatro ng hapon pa lang pala. Akala niya ay gabi na pero hindi pa pala.Bumaba siya sa kama at nagtungo sa banyo para maligo. Hindi na siya nag-abala pang isuot ang mga nahubad niyang damit dahil mag-isa lang naman siya sa kanyang s

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 94

    Inamin ni Arielle ang buong katotohanan kay Gabriel tungkol sa itinatago niyang sekreto. Wala siyang itinago maliban sa part na nag-time travel siya papunta ssa nakalipas habang unconscious siya. Akala niya ay magagalit ito sa kanya dahil nagsinungaling siya sa kanya ngunit dumilim lamang ang mukha nito matapos malaman ang lahat at muli siyang kinarga papasok sa kanyang silid. "Don't move. Kukuha lang ako ng ice at gamot para hindi na masyadong mamaga at mawala ang kirot ng paa mo," sabi sa kanya ni Gabriel bago ito lumabas ng silid. Ilang minuto lamang itong nawala at pagbalik ay may dala na itong tray na may laman na isang basong tubig, gamot, at dalawang icepack. "Here. Take this medicine to reduce the pain."Para siyang masunuring bata na sinunod ang sinabi ni Gabriel sa kanya."Hindi mo ba ako palalayasin dahil nagsinungaling ako sa'yo, Boss?" hindi niya napigilang tanong matapos niyang inumin ang gamot.Mula sa paa niyang nilalapatan nito ng icepack ay umangat sa kanyang mukha

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 93

    Mabilis na tumakbo si Arielle papunta sa hagdan at habang tumatakbo siya ay isinisilid niya ang cellphone niya sa bulsa ng suot niyang pantalon."Bumalik ka, Arielle!" narinig niyang sigaw ni Tyron sa kanya. Hindi siya lumingon at dere-deretso lamang siyang tumakbo pababa. Ngunit sa malas ay biglang natapilok ang kanang paa niya noong nasa ikalimang baitang ng hagdan siya mula sa baba. Napasigaw siya nang gumulong siya pababa ng hagdan. Kahit na nasaktan siya sa pagkakahulog sa hagdan ay mabilis pa rin siyang tumayo. Ngunit bigla siyang napaupo dahil sumigid ang kirot sa kanang paa niya, iyong nadulas niyang paa. Nag-alala siya na baka malapit na sa kanya si Tyron kaya lumingon siya sa taas ng hagdan. Ngunit paglingon niya ay sinalubong siya ng malakas na sampal mula kay Tyron na nakalapit na pala sa kanya. Sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya ay napaupo siya sa sahig."Akala mo ay makakatakas ka sa amin, Arielle? Nagkakamali ka. Dahil hindi namin hahayaan na makaalis ka dala ang

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 92

    Maagang nagising si Arielle nang umagang iyon kaya naligo na siya bago lumabas sa silid at bumaba sa sala. Akala niya ay nauna siyang nagising kay Gabriel ngunit hindi pala dahil nasa pangatlong baitang pataas na siya ng hagdan nang makita niyang prenteng nakaupo ang lalaki sa sala at nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Paikot kasi ang hagdan sa bahay nito kaya hindi niya agad nakita na nakaupo ito sa sala.Dahan-dahan siyang umikot para bumalik sa itaas ngunit nakita na siya ni Gabriel at napakunot ang noo nito nang makitang balak niyang bumalik sa itaas."Did you forget something upstairs?" tanong ni Gabriel sa kanya. Bahagya siyang ngumiti at umiling. "Come here."Kinakabahang naglakad siya palapit kay Gabriel. Mabuti na lamang naglagay na siya ng concealer sa peklat niya bago siya bumaba kaya hindi na ulit nakita nito ang malaki at panget niyang peklat."Ano ba ang magiging trabaho ko, Boss?" tanong niya kay Gabriel nang makalapit siya sa harapan nito "Sit down," kausap nito

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 91

    Isinama si Arielle ni Gabriel sa napakalaki nitong bahay. Pagbaba niya sa kotse nito ay natuklasan niyang hindi lang pala si Harold na driver slash bodyguard nito ang palagi nitong kasama kundi may anim pang lalaking maskulado ang pangangatawan ang bumaba naman sa kotseng nakasunod pala sa kanila."Mga tauhan mo sila?" tanong niya kay Gabriel habang nakatingin sa anim na lalaking nakatayo lamang sa tabi ng kotse at tila hinihintay ang pagpasok ni Grabriel sa loob ng bahay."Kung gusto mong magtrabaho sa bahay ko ay huwag ka na lang marami pang tanong," sagot ni Gabriel sa kanya sa seryosong mukha bago ito naglakad papasok sa loob ng bahay."Ang sungit naman ng boss natin, Harold. Para nagtatanong lang naman ako, nagsungit na kaagad," naiiling na sabi niya sa driver ni Gabriel.Natawa naman si Harold nang marinig ang sinabi niya at maging ang anim na lalaking tauhan ni Gabriel ay hindi rin napigilan ang mapangiti. "Ganyan lang 'yan si Boss pero mabait 'yan at galante pa," nakangiting

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 90

    Pangatlong araw ay binalikan ni Arielle ang cellphone ng mga magulang niya na dinala niya sa cellphone repair shop. Pag-alis niya ay hindi na niya kailangan pang i-check kung nasa bahay ba o wala ang mag-ina dahil magmula nang mangyari ang confrontation nila ay iniiwasan na siya ng dalawang babae. Mas pabor iyon sa kanya para makagalaw siya ng maayos. "Pasensiya na kung nagpunta ako sa shop mo kahit na hindi mo pa ako tinatawagan. Masyado lang akong anxious na malaman kung nagawa na ba ang mga cellphone o hindi pa," paumanhin ni Arielle sa may-ari ng repair shop. "Pasensiya na pero hindi ko pa naaayos ang cellphone mo, Ma'am. Tatawagan ko na lang po kayo kapag okay na," nahihiyang sagot ng may-ari ng shop sa kanya. Nakaramdam siya ng magkahalong lungkot at disappointment nang marinig niya ang sinabi ng lalaki. Wala siyang magagawa ngayon kundi ang maghintay kung kailan maaayos ang cellphone. At sana nga ay maayos iyon para naman makita niya kung ano ang mayroon sa loob ng cellp

DMCA.com Protection Status