Nasa tapat na ng gate ng bahay niya si Arielle ay malakas pa rin ang tahip ng kanyang dibdib. Siguro ay alam na ng taong nagpapapatay sa kanya na wala na ulit siyang bodyguard kaya naman sinasamantala nila ang pagkakataon na maisakatuparan ang maitim nilang balak sa kanya.Gusto man niyang mag-hired ng panibagong bodyguard ay natatakot siya. Baka ang makuha niyang bodyguard ay siya palang hired killer na papatay sa kanya. Ilang minuto siyang nakaupo lamang sa loob ng kanyang kotse na para bang wala siyang balak na lumabas o di kaya ay ipasok sa loob ng gate ang kotse niya. Napaigtad siya sa kinauupuan niya nang bigla na lamang may kumatok ng malakas sa labas ng bintana mg kotse. Napakunot ang noo niya nang makitang ang pinsan niya."Ano naman kaya ang kailangan sa akin ng babaeng ito? Ang kapal ng mukha niya para magpakita pa sa akin," naiinis na bulong niya sa kanyang sarili bago kinuha ang kanyang bag at lumabas ng kotse."Hi, Arielle!" nakangiting bati sa kanya ni Claire na para b
Pagmulat ng mga mata ni Arielle ay ang puting kisame agad ang una niyang nakita. Hindi na niya kailangan pang magtanong kung nasaan siya dahil agad naman niyang naamoy ang gamot sa paligid ng kinaroroonan niya. Napansin din niya ang oxygen na nakakabit sa kanyang bibig. Maingat niyang tinanggal ang kung anu-anong aparatus na nakakabit sa kanyang katawan bago naupo sa hospital bed.Sino ang nagdala sa kanya sa hospital? Imposibleng sina Tyron at Claire ang nagdala sa kanya sa hospital dahil natitiyak niyang imbes dalhin siya sa hospital ay ililibing na lamang siya nila ng buhay. Nasa ganoon siyang posisyon nang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang doktor na walang iba kundi ang kaibigan niyang si Kim."Oh my God! Sa wakas ay nagising ka na rin, Arielle!" Patakbong lumapit sa kanya si Kim at niyakap siya ng mahigpit. "Alam mo na labis akong nag-alala sa'yo? Apat na buwan kang comatose at hindi namin alam kung kailan ka magigising."Bigla niyang naitulak ang kaibigan niya nang marini
"Arielle is awake," mahina ang boses na wika ni Claire habang nakatitig sa kanya ang nanlalaki nitong mga mata samantalang si Tyron naman ay nakatitig lamang sa kanya at hindi nagsasalita. Parehong namumutla ang mga mukha nila na parang nahuli sila sa akto na may ginagawang kasalanan."Yes. She is finally awake," sagot ni Kim kay Claire bago kumunot ang noo ng kaibigan niya. "Bakit parang hindi kayo natutuwa na makitang nagkamalay na ang kaibigan ko? How about you, Tyron! Hindi ka ba masaya na gising na ang asawa mo? Alam mo ba na nagkaroon siya ng amnesia? Hindi niya ako maalala so I bet mas lalong hindi ka niya maalala."Saka lamang tila nakahinga ng maluwag ang dalawa nang marinig ang sinabi ni Kim. Kahit late reaction na ay masayang ngumiti si Tyron at Claire pagkatapos ay sabay siyang nilapitan nilang dalawa para yakapin."I'm sorry, Arielle. Nabigla lang kami nang makitang gising ka na pero masaya ako," ani Claire na siyang naunang yumakap sa kanya. Nang pakawalan siya nito ay s
After three days ay pinayagan na si Arielle na ma-discharge sa hospital. Sinamahan siya ni Kim pauwi sa bahay niya dahil day off nito nang araw na iyon. Ngunit nang papasok na si Kim sa kotse ni Tyron which is her car, kasi lahat naman ng mga sasakyan na ginagamit ni Tyron ay siya ang bumili. Papasok na sana si Kim sa kotse nang bigla itong pinigilan ni Tyron."At bakit naman hindi ako puwedeng sumama sa bahay niya Tyron? Ito lang ang araw na available ako dahil dalawang Linggo akong mananatili sa malayong probinsiya para sa medical mission ng hospital namin. Pagbalik ko naman ay kasama ako sa limang doktor na ipapadala sa Amerika para sa isamg close door training. So ngayong araw lamang ang time na makakasama ko siya," ani Kim, halatadong inis ito kay Tyron."Don't be upset, Dr. Kim. Dadalhin ko lamang siya sa isang lugar na tanging kaming dalawa lamang ang nakakaalam. Bakasakaling may maalala siya kapag dinala ko siya sa lugar na iyon. And besides, hindi ka naman forever na mawawala
Pagdating nina Arielle at Tyron sa bahay ay naabutan nila ang ina at kapatid nitong nakaupo sa sofa at nanunuod ng movie. Agad na napasimangot ang dalawa nang makita siya."Hi, Mom. Lucy. Arielle is back," kausap ni Tyron sa ina at kapatid nito pagkatapos ay binalingan naman siya. "Arielle, they are my Mom, Cynthia and my younger sister, Lucy.""Mabuti naman at gumaling ka na, Arielle. Ilang buwan din na kami ni Lucy ang naglilinis ng buong bahay. Pero ngayong nandito ka na ay makakapagpahinga na kami," nakataas ang kilay na kausap sa kanya ni Cynthia, ang ina ni Tyron.Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang kanyang sarili. Gusto kasing tumaas ng kanyang dugo ngayong kaharap niya ang dalawang babaeng nagpahirap din sa kanya."Bakit po kayo ang naglilinis ng bahay? Wala ba tayong maid? Ang laki ng bahay ko at may-ari pa ako ng malaking kompanya tapos wala akong maid sa bahay ko?" tanong niya kay Cynthia. Nais niyang ipamukha sa ina ni Tyron na siya ang may-ari ng bahay na iyon. A
Pumayag si Tyron sa kagustuhan ni Arielle na mag-iba ng silid. Sa maliit na guestroom siya natulog dahil ang dating silid niya noong wala pa siyang asawa ay si Lucy na ang umuukopa at ang malaking guestroom ng bahay niya ay si Cynthia naman ang natutulog. Kahit na maliit ang silid niya ngayon ay mas gusto niyang doon na lamang matulog kaysa katabi sa higaan ang isang demonyo.Nang gabing iyon ay hindi agad siya nakatulog. Umupo siya sa harapan ng vanity mirror at tiningnan ang peklat sa kanyang mukha. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao. Kung ano ang ginawa ni Claire sa kanya ay iyon din ang gagawin niya sa mukha nito. Umangat ang kamay niya at hinaplos ang peklat sa kanyang pisngi. Habang nakikita niya ang peklat na iyon ay palaging magniningas ang apoy ng pagkamuhi sa kanyang dibdib.Nagpasya siyamg maligo para mapreskuhan ang kanyang buong katawan. Apat na buwan siyang comatose kaya apat na buwan din siyang hindi naligo. Halos dalawang oras din siyang nanatili sa loob ng banyo ba
Pagkaalis nina Tyron at Claire sa xbn niya ay nagmamadaling umakyat si Arielle papunta sa kuwarto ng lalaki. Sinubukan niyang buksan ang pintuan ng silid ngunit natuklasan niyang naka-locked pala iyon. Natitiyak niyang sa kuwarto nito nakatago ang mga hinahanap niyang papeles. Gusto niyang makita kung ano ang pinanghahawakan ni Tyron kaya nakumbinsi nito ang board na ito ang gawing CEO ng kompanya niya. "Anong ginagawa mo sa harapan ng silid ni Tyron, Arielle?" Nagulat siya nang marinig niya ang boses na iyon ni Lucy ngunit mabuti na lamang nakatalikod siya sa babae kaya hindi nito nakita ang pagkagulat sa mukha niya. Lihim siyang humugot ng malalim na hininga bago malungkot na humarap sa kapatid ni Tyron."Gusto kong pumasok sa room namin dahil baka sakaling may maalala ako kapag nasa loob ako ng kuwarto namin. Pero naka-locked pala ang pintuan kaya hindi ako makapasok," sabi niya kay Lucy.Napaismid si Lucy sa kanya. "Kapag umaalis si Tyron ay inila-locked niya ang pintuan ng sil
Pagkatapos pakalmahin ang kanyang sarili ay nagpasya si Arielle na magtungo na sa mall at mamili ng mga gamit niya. Hindi siya dapat magpaapekto sa mga ganoong klaseng salita dahil pinili niya na huwag munang ipabalik ang dati niyang mukha para palagi niyang maalala na dapat ay hindi siya mag-give up at ipagpatuloy niya ang plano niyang paghihiganti. Malapit na siya sa mall na pupuntahan niya nang bigla niyang naalala ang kanyang Uncle Edgar. Kung ang lahat ng mga nangyari na kasama niya si Gun ay hindi pala totoo, ibig sabihin ay buhay pa ang Uncle Edgar niya. Dahil hindi naman ito namatay bago siya na-comatose.Sa halip na dumiretso siya sa mall ay nag-u-turn siya at nagdrive papunta sa kompanya niya. Ngunit hindi siya maaaring lumapit sa building dahil baka may makakilala sa kanya na mga staff niya lalo na sina Tyron at Claire. Nag-park siya ilang metro ang layo mula sa building ng kompanya niya at sinigurado niya na hindi mapapansin ng dalawa ang kanyang kotse Bumaba siya sa ko
"Yes. I will marry you, Gabriel," naluluhang sagot ni Arielle sa marriage proposal sa kanya ni Gabriel. Bakit pa siya magpapakipot gayong gustong-gusto naman niyang magpakasal at maging asawa si Gabriel?Lumarawan sa mukha ni Gabriel ang labis na saya nang marinig ang sagot niya. Niyakap siya nito ng mahigpit at binuhat pagkatapos ay inikot-ikot sa labis na kasiyahan.Pagkatapos nilang masiguro na hindi na makakawala pa sina Tyron at Claire sa mga kasong isinampa nila laban sa kanila ay saka sila nagdesisyon na magpakasal. Masayang-masaya si Arielle dahil sa wakas ay magiging mag-asawa na sila ni Gabriel. Isang araw bago ang kasal nila ni Gabriel ay bigla niyang naalala ang cellphone ng kanyang mga magulang. Sa dami ng mga nangyari ay nakalimutan na niya ang cellphone na ipina-repair niya. Umalis siya sa bahay niya at nagtungo sa cellphone repair shop. "Akala ko po ay hindi niyo na babalikan ang cellphone ipina-repair mo, Ma'am. Hindi na rin kita nagawang kontakin dahil nawala ang
"Gabriel Adamson! Ano ang ginagawa mo rito sa bahay ko?" galit na tanong ni Tyron kay Gabriel na sinagot naman ng huli ng isang malakas na suntok sa sikmura. Naluhod sa sahig si Tyron habang napapaubo. Ang mga tauhan naman nito ay agad na napatulog nina Harold kasama sina Tres, Dos, at Six.Nilapitan siya ni Gabriel at agad na kinalas ang pagkakatali niya sa gilid ng hagdan pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit. "I'm sorry. I'm almost late. I'm almost lost you again."Niyakap din niya ito ng mahigpit. Napaiyak siya dibdib nito ngunit hindi dahil sa takot kundi sa saya na nakita niya itong muli. Miss na miss na niya ito ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili na magpakita sa kanya. Gusto niya kapag muli siyang humarap kay Gabriel ay tapos na siya sa mga dapat niyang gawin."Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong niya nang kumalas siya sa pagkakayakap kay Gabriel."It's Mr. Sanchez that told me you're going to come here to chase some dogs inside your house," nakangiting sagot nito
Pag-alis ni Arielle sa bahay ni Gabriel ay nag-rent muna siya sa isang maliit na condo unit pagkatapos ay inayos niya ang kanyang mga papeles papuntang ibang bansa. Pinakilos niya ang kanyang pera at sa tulong ng kanyang Uncle Edgar ay agad na naayos ang kanyang passport pati na rin US visa. Pagkatapos ng halos isang buwan na paghihintay ay nakalipad siya patungong Amerika para ipabalik ang kanyang mukha sa pamamagitan ng plastic surgery.Sa isang sikat na plastic surgeon siya nagpa-opera ng kanyang mukha. Pagkalipas ng two weeks nang dumating siya sa America ay isinailalim siya sa isang operasyon. Apat na oras ang itinagal ng operasyon sa mukha niya. Nang magising siya ay nababalot na ng benda ang buo niyang mukha.At pagkatapos naman ng dalawang Linggo ay inalis na ng doktor ang benda sa kanyang mukha. Naiyak siya nang makitang naibalik na sa dati ang hitsura ng kanyang mukha. Kahit maliit na bakas ng malaking peklat sa kanyang mukha ay wala na kaya sobrang laki ng pasasalamat niya
Nang magising si Arielle ay wala na sa tabi niya si Gabriel. Napangiti siya ng matamis nang maalala ang mainit nilang pagtatalik. Ngunit naglaho ang ngiti niya at napalitan ng pag-aalala dahil baka iniisip ni Gabriel na east to get siya dahil kakakilala pa lamang nila ay ibinigay na niya agad ang kanyang sarili sa kanya. Aaminin niya na ang tingin talaga niya kay Gabriel ay si Gun at hindi lang siya maalala nito. Matagal na silang magkakilala kaya naman hindi siya nagdalawang isip na ibigay ang kanyang sarili sa kanya sa pangalawang pagkakataon. Iniisip kais niya na iisang tao lamang silang dalawa. Huminga siya ng malalim at pilit na inalis sa kanyang isip ang pag-aalalang naramdaman niya. Bumangon siya sa kama at tiningnan ang oras sa wall clock. Alas kuwatro ng hapon pa lang pala. Akala niya ay gabi na pero hindi pa pala.Bumaba siya sa kama at nagtungo sa banyo para maligo. Hindi na siya nag-abala pang isuot ang mga nahubad niyang damit dahil mag-isa lang naman siya sa kanyang s
Inamin ni Arielle ang buong katotohanan kay Gabriel tungkol sa itinatago niyang sekreto. Wala siyang itinago maliban sa part na nag-time travel siya papunta ssa nakalipas habang unconscious siya. Akala niya ay magagalit ito sa kanya dahil nagsinungaling siya sa kanya ngunit dumilim lamang ang mukha nito matapos malaman ang lahat at muli siyang kinarga papasok sa kanyang silid. "Don't move. Kukuha lang ako ng ice at gamot para hindi na masyadong mamaga at mawala ang kirot ng paa mo," sabi sa kanya ni Gabriel bago ito lumabas ng silid. Ilang minuto lamang itong nawala at pagbalik ay may dala na itong tray na may laman na isang basong tubig, gamot, at dalawang icepack. "Here. Take this medicine to reduce the pain."Para siyang masunuring bata na sinunod ang sinabi ni Gabriel sa kanya."Hindi mo ba ako palalayasin dahil nagsinungaling ako sa'yo, Boss?" hindi niya napigilang tanong matapos niyang inumin ang gamot.Mula sa paa niyang nilalapatan nito ng icepack ay umangat sa kanyang mukha
Mabilis na tumakbo si Arielle papunta sa hagdan at habang tumatakbo siya ay isinisilid niya ang cellphone niya sa bulsa ng suot niyang pantalon."Bumalik ka, Arielle!" narinig niyang sigaw ni Tyron sa kanya. Hindi siya lumingon at dere-deretso lamang siyang tumakbo pababa. Ngunit sa malas ay biglang natapilok ang kanang paa niya noong nasa ikalimang baitang ng hagdan siya mula sa baba. Napasigaw siya nang gumulong siya pababa ng hagdan. Kahit na nasaktan siya sa pagkakahulog sa hagdan ay mabilis pa rin siyang tumayo. Ngunit bigla siyang napaupo dahil sumigid ang kirot sa kanang paa niya, iyong nadulas niyang paa. Nag-alala siya na baka malapit na sa kanya si Tyron kaya lumingon siya sa taas ng hagdan. Ngunit paglingon niya ay sinalubong siya ng malakas na sampal mula kay Tyron na nakalapit na pala sa kanya. Sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya ay napaupo siya sa sahig."Akala mo ay makakatakas ka sa amin, Arielle? Nagkakamali ka. Dahil hindi namin hahayaan na makaalis ka dala ang
Maagang nagising si Arielle nang umagang iyon kaya naligo na siya bago lumabas sa silid at bumaba sa sala. Akala niya ay nauna siyang nagising kay Gabriel ngunit hindi pala dahil nasa pangatlong baitang pataas na siya ng hagdan nang makita niyang prenteng nakaupo ang lalaki sa sala at nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Paikot kasi ang hagdan sa bahay nito kaya hindi niya agad nakita na nakaupo ito sa sala.Dahan-dahan siyang umikot para bumalik sa itaas ngunit nakita na siya ni Gabriel at napakunot ang noo nito nang makitang balak niyang bumalik sa itaas."Did you forget something upstairs?" tanong ni Gabriel sa kanya. Bahagya siyang ngumiti at umiling. "Come here."Kinakabahang naglakad siya palapit kay Gabriel. Mabuti na lamang naglagay na siya ng concealer sa peklat niya bago siya bumaba kaya hindi na ulit nakita nito ang malaki at panget niyang peklat."Ano ba ang magiging trabaho ko, Boss?" tanong niya kay Gabriel nang makalapit siya sa harapan nito "Sit down," kausap nito
Isinama si Arielle ni Gabriel sa napakalaki nitong bahay. Pagbaba niya sa kotse nito ay natuklasan niyang hindi lang pala si Harold na driver slash bodyguard nito ang palagi nitong kasama kundi may anim pang lalaking maskulado ang pangangatawan ang bumaba naman sa kotseng nakasunod pala sa kanila."Mga tauhan mo sila?" tanong niya kay Gabriel habang nakatingin sa anim na lalaking nakatayo lamang sa tabi ng kotse at tila hinihintay ang pagpasok ni Grabriel sa loob ng bahay."Kung gusto mong magtrabaho sa bahay ko ay huwag ka na lang marami pang tanong," sagot ni Gabriel sa kanya sa seryosong mukha bago ito naglakad papasok sa loob ng bahay."Ang sungit naman ng boss natin, Harold. Para nagtatanong lang naman ako, nagsungit na kaagad," naiiling na sabi niya sa driver ni Gabriel.Natawa naman si Harold nang marinig ang sinabi niya at maging ang anim na lalaking tauhan ni Gabriel ay hindi rin napigilan ang mapangiti. "Ganyan lang 'yan si Boss pero mabait 'yan at galante pa," nakangiting
Pangatlong araw ay binalikan ni Arielle ang cellphone ng mga magulang niya na dinala niya sa cellphone repair shop. Pag-alis niya ay hindi na niya kailangan pang i-check kung nasa bahay ba o wala ang mag-ina dahil magmula nang mangyari ang confrontation nila ay iniiwasan na siya ng dalawang babae. Mas pabor iyon sa kanya para makagalaw siya ng maayos. "Pasensiya na kung nagpunta ako sa shop mo kahit na hindi mo pa ako tinatawagan. Masyado lang akong anxious na malaman kung nagawa na ba ang mga cellphone o hindi pa," paumanhin ni Arielle sa may-ari ng repair shop. "Pasensiya na pero hindi ko pa naaayos ang cellphone mo, Ma'am. Tatawagan ko na lang po kayo kapag okay na," nahihiyang sagot ng may-ari ng shop sa kanya. Nakaramdam siya ng magkahalong lungkot at disappointment nang marinig niya ang sinabi ng lalaki. Wala siyang magagawa ngayon kundi ang maghintay kung kailan maaayos ang cellphone. At sana nga ay maayos iyon para naman makita niya kung ano ang mayroon sa loob ng cellp