Share

Chapter 84

Pagkaalis nina Tyron at Claire sa xbn niya ay nagmamadaling umakyat si Arielle papunta sa kuwarto ng lalaki. Sinubukan niyang buksan ang pintuan ng silid ngunit natuklasan niyang naka-locked pala iyon. Natitiyak niyang sa kuwarto nito nakatago ang mga hinahanap niyang papeles.

Gusto niyang makita kung ano ang pinanghahawakan ni Tyron kaya nakumbinsi nito ang board na ito ang gawing CEO ng kompanya niya.

"Anong ginagawa mo sa harapan ng silid ni Tyron, Arielle?"

Nagulat siya nang marinig niya ang boses na iyon ni Lucy ngunit mabuti na lamang nakatalikod siya sa babae kaya hindi nito nakita ang pagkagulat sa mukha niya. Lihim siyang humugot ng malalim na hininga bago malungkot na humarap sa kapatid ni Tyron.

"Gusto kong pumasok sa room namin dahil baka sakaling may maalala ako kapag nasa loob ako ng kuwarto namin. Pero naka-locked pala ang pintuan kaya hindi ako makapasok," sabi niya kay Lucy.

Napaismid si Lucy sa kanya. "Kapag umaalis si Tyron ay inila-locked niya ang pintuan ng sil
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status