HINDI makapaniwala si Tara ng makita ang dating doktora ni Xandra. Paanong nangyari na naroroon ang babae samantalang ang alam niya ay wala na ito sa bansa katulad na ‘rin ng kanilang napagkasunduan.“S-six years ago po, pumunta si ma’am Tara kasama si ma’am Aimee sa office ko. Tinanong nila ako kung ako ba ang doktora ni Xandra—”“Hindi totoo ‘yan! Wala kaming kinalaman sa bagay na ‘yan! Puro kasinungalingan ‘yan!”Bigla nalamang sumigaw si Aimee na ikinainis ni Iara kung kaya binigyan niya ito ng malakas na sampal na ikinatahimik nito.“Ikaw ba si doktora para sumabat?!” taas boses na sabi nito habang si Aimee ay napaiyak nalang na nakahawak sa pisnge niya na nasaktan.“Galing mo girl ah,” proud na sabi ni Ginrose na natatawa pa. Alam niya kasi n amalakas sumampal si Iara kaya nga ayaw na ayaw niyang makaaway ito.“Dapat lang sa kaniya, ang ingay e.” irap na sagot ni Iara dito.“Tapang ng kaibigan ni Xandra e noh. Mana sa kaniya,” kumentong sabi naman ni Liam sa katabing si Stanlee
Last Updated : 2024-06-30 Read more