Hindi siya nakagalaw dahil doon, alam niya sa sarili niya na magkasabwat sila ni Tara kung kaya maaaring magkatotoo ang sinabi sa kaniya ng dalawang babae.“Kinuha mo ang anak ko at pinamukang patvy na ito! Pagkatapos itatanggi mo na hindi ikaw ang nagpamukang patvy na si Xandra?! Hindi na ako maniniwala sa kasinungalingan mo! Nang dahil lang naman kay Tanya kaya ako nag titiis makasama ka at anong sinasabi mong propose? Never akong mag popropose sayo dahil kahit matagal na nawala si Xandra siya pa ‘rin ang laman ng puso ko hindi ikaw!”Mas lalong napaiyak si Tara dahil sa kaniyang mga naririnig mula sa lalaki. Todo ang iling niya dito na tila ba matatanggal na ang kaniyang ulo. Pinagsaklop na ‘rin niya ang kaniyang mga kamay at nagmakaawa sa harapan ni Alexander.“N-no, no! Nasasabi mo lang ‘yan dahil galit ka saakin!” iyak na sabi ni Tara. “Isa pa sinabi sakin mismo ni Axel na mag popropose ka saakin kaya mo kami sinama dito sa bakasyon na ‘to!” sabay turo niya kay Axel habang tinit
Samantalang si Angeline naman ay natigilan sa narinig sa anak pero ng ilibot niya ang paningin sa paligid ay mayroong mg amukang hindi familiar sa kaniya.“X-xyra…”Napatingin siya sa asawa ng magsalita ito nang mahina. Hindi siya makapaniwala na nagsalita na ang asawa kung kaya napatingin siya dito at nagtanong.“Sweetheart nakakapagsalita ka na?!” gulat na sabi niya dito ngunit nasa iisang direction lang ang mata ng lalaki.“X-xyra…” muli nitong sabi na siyang ikinatigil na ng tuluyan ni Angeline.Matutuwa na sana siya dahil nakakapagsalita na ang asawa ngunit hindi siya natutuwa sa sinabi nitong pangalan. Dahil doon ay agad siyang lumingon sa tinitignan nito at natigilan siya ng makita si Xyra na siyang unang asawa ng kaniyang kinakasama ngayon.Ilang taon na ang lumipas nang huli niyang makita ito at sa nakalipas na mga taon na iyon ay walang ibang paramdam ang babae. Ang alam niya ay tanggap na nito na wala na silang mag-asawa, ibig sabihin siya ang tumulong kay Xandra kaya naman
“Mom, can you hold the twins for a while?” seryosong sabi ni Xandra na agad ikinatango ni Xyra at lumapit sa mga ito at kinuha ang kambal na umiiyak.Si Xandra ay naglakad palapit kay Tara na ikinaatras nito.“Gusto mo ba ng ebidensya para mapatunayan ang mali mong ginawa?”Napakunot ang noo ni Tara dahil sa sinabing iyon ni Xandra at hindi na nito inantay ang isasagot ng kapatid pagkatapos ay mayroong kinontak sa kaniyang cellphone.Ilang ring lang ay mayroong sumagot sa kabilang linya.“Pumunta ka dito sa emergency room.” Iyon lang ang sinabi ni Xandra at binaba na niya ang tawag.“Ano ‘yan?! Hindi magbabago na ikaw ang rason kung bakit nasa loob si—”*Pak!*Hindi pinatapos ni Xandra si Tara at muli niya itong sinampal.“Huling huli ka na gagawa ka pa ‘rin ng kasinungalingan?” diin na sabi ni Xandra dito.“How dare you slap may daughter?!”Biglang sigaw na sabi ni Angeline at tumakbo sa gawi ni Xandra para sampalin ito pero agad iyong nasalo ni Xandra.“Kung akala niyo po ay katulad
HINDI makapaniwala si Tara ng makita ang dating doktora ni Xandra. Paanong nangyari na naroroon ang babae samantalang ang alam niya ay wala na ito sa bansa katulad na ‘rin ng kanilang napagkasunduan.“S-six years ago po, pumunta si ma’am Tara kasama si ma’am Aimee sa office ko. Tinanong nila ako kung ako ba ang doktora ni Xandra—”“Hindi totoo ‘yan! Wala kaming kinalaman sa bagay na ‘yan! Puro kasinungalingan ‘yan!”Bigla nalamang sumigaw si Aimee na ikinainis ni Iara kung kaya binigyan niya ito ng malakas na sampal na ikinatahimik nito.“Ikaw ba si doktora para sumabat?!” taas boses na sabi nito habang si Aimee ay napaiyak nalang na nakahawak sa pisnge niya na nasaktan.“Galing mo girl ah,” proud na sabi ni Ginrose na natatawa pa. Alam niya kasi n amalakas sumampal si Iara kaya nga ayaw na ayaw niyang makaaway ito.“Dapat lang sa kaniya, ang ingay e.” irap na sagot ni Iara dito.“Tapang ng kaibigan ni Xandra e noh. Mana sa kaniya,” kumentong sabi naman ni Liam sa katabing si Stanlee
“Kunin mo ang huli sa anak ni Xandra at palitan ng patvy na sanggol. Palabasin mo na anak ko siya,”Rinig nila na sabi ni Tara sa CCTV at doon habang inilalagay ang bag na dala ni doktora ngayon ay binuksan iyon kung saan naglalaman ng malaking halaga ng pera. Ngunit katulad ng sabi ni doktora hindi siya pumayag at doon na nila narinig ang pagbabanta nito.“N-no! No stop it! Stop the video! Stop it!”Pagwawalang sabi ni Tara habang si Aimee naman ay tuluyan nang napasalampak sa sahig dahil tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa. Wala na, kulong sila. Kitang-kita ang kanilang muka sa CCTV na iyon at lahat ng pinag-usapan nila.Siguradong kulong sila pagkatapos niyon.Habang si Tara naman ay walang pumapansin sa kaniya. Nang matapos ang video ay kaagad na lumapit si Xandra dito at muli itong sinampal.*Pak!*“Nagawa mong magpanggap na buntis tapos kukunin mo ang anak ko para ipalabas na anak niyo ni Alexander? Ano ba ang ginawa kong mali sa’yo? Nung dumating kayo ng mommy mo sa buhay nami
“W-WHAT?!”Gulat na sabi ni Ysa na agad lumapit kay Xandra at pabalang itong hinarap sa kaniya.“Ang kapal ng muka mo para mag desisyon sa apo ko samantalang wala kang kinalaman sa kaniya! Oo ikaw ang nagsilang sa kaniya pero legally si Tara ang ina!”Dahil sa sinabing iyon ni Ysa ay nabuhayan si Tara. Tuluyan ng kinalimutan ang pag-uusap nila ni Xandra kanina.“T-tama! May karapatan pa ‘rin ako sa anak ko! Ako pa ‘rin ang ina ni Tanya ngayon kaya wala kang karapatan sa kaniya!”“Hindi tama ‘yan!” sigaw na sabi ng ina ni Xandra ngunit dinuro lang siya ni Angeline.“Shut up! Labas ka sa usapang ito Xyra!”Hindi nagustuhan ni Xandra ang ginawa nito sa kaniyang ina kung kaya inalis niya ang kamay na nakaduro dito.“H’wag mong ganyanin ang mommy ko!” sigaw na sabi ni Xandra na lalong ikinagalit ni Angeline.“Wala ka talagang modo na bata ka!”Sasampalin sana siya nito ng mayroong pumigil dito at iyon ay walang iba kundi si Alexander.“A-alexander, hijo…” utal na banggit ni Angeline ng mak
NAKIKITA ni Xandra sa muka at ramdam niya na tinuturing nga ni Tara na tunay na anak ang kaniyang anak ngunit hindi magbabago ang katotohanan. Masama ang ginawa nito sa kaniya at sa pamilya niya, hindi naman mangyayari ang lahat ng iyon kung hindi niya kinuha ang anak.Hindi naman siya ituturing na ina ni Tanya kung hindi niya ito pinamukang anak niya. Siya dapat ang nasa kalagayan nito ngayon. Hindi nga niya alam kung matatanggap ba siya ni Tanya bilang ina lalo pa’t alam niya na mahal ‘din nito si Tara.Nagpupumiglas pa ‘rin si Tara ngunit wala na siyang magawa at ganon ‘din ang mommy nito at mommy ni Alexadner. Si Aimee naman ay tila suko na sa mga nangyayari at tahimik lang itong sumusunod sa mga guards.“Wait!”Bigla niyang sabi na ikinatigil ng mga ito. Naglakad siya papunta sa kaniyang ama na nasa wheelchair at niyakap ito.“I’m sorry daddy kung hindi ko sinabi na kasam ako si mommy. Ayaw ko lang masaktan ulit si mommy,”Bulong niya dito at pagkatapos ay humiwalay na siya dito
DAHIL sa kaniyang narinig mula kay Tara, lahat ng iniisip niya tungkol sa dating asawa ay biglang nawala. Ultimo ang inis niya dito ay nawala dahil ang lahat pala ay isang malaking kasinungalingan. Ngunit kahit na ganon, kung tatanggapin niya ang inaalok sa kaniya ng lalaki anong susunod na mangyayari?Matagal na silang wala at hindi niya alam kung malaki ba nag pinagbago ng lalaki. Paano kung bumalik ang pagiging babaero nito? Paano kung umiyak nanaman siya ng dahil sa lalaki at ayaw na niyang mangyari iyon.Kung siya ang papipiliin ay gusto nalang niyang makasama ang mga anak at mamuhay ng tahimik. Isa pa hindi sila magkasundo ng ina nito. Paano nila mapapangatawanan nag pagiging mag asawa kung in anito mismo ang ayaw sa kaniya?Oo maipagtatanggol siya nito pero hanggang kailan? Lalo na ngayon na nalaman niya na ito pala ang dahilan kung bakit naipalabas na siya ay patvy na.“Alexander, sorry pero hindi ko matatanggap ang alok mo.”Napakunot ang noo ni Alexander dahil sa sinabing iy