“PAANO ka napunta dito?”Biglang nawala ang hilo at sakit ng ulo ni Xandra ng makita si Tanya sa tapat ng kaniyang pintuan. Noong una akala niya namamalikmata lang siya at dala ng hang over ngunit ng marinig niya ang boses nito sigurado siyang ito si Tanya.Si Tanya naman ay ganoon ‘rin, hindi niya inaasahan na makikita niya doon ang tita Xandra. Agad na pumasok sa isip niya ang kaniyang dalawang kuya, malamang na ang dalawa ang may kagagawan niyon. Kaya naman pala nag aya biglaan ang daddy niya na mag out of town.Pero dahil na ‘rin lihim lang ang tungkol sa kaniyang tita Xandra, nang maalala niya iyon ay dali-dali niyang hinila papasok sa silid nito ang tita.“Tanya what are you doing?” gulat na tanong ni Xandra habang si Tanya naman ay mabilis na sinarado ang pintuan.Nang mailock iyon ay agad siyang lumingon sa kaniyang tita at nagsalita, “Tita, bakit po kayo nandito?”Nagtaka si Xandra sa tanong na iyon ng bata ngunit sinagot nalang niya ito.“Nandito kami para magbakasyon, bukod
Huling Na-update : 2024-06-26 Magbasa pa