MABILIS na lumipas ang maghapon, dumating ang oras para mag bantay si Xandra sa kaniyang anak. Sa totoo lang hindi niya alam kung paano niya haharapin si Alexander dahil sa pag halik nito kanina.Siya ‘yung nahihiya imbes na si Alexander!“Mommy are you okay?”Napatingin si Xandra sa kaniyang anak na si Axel ng magtanong ito. Hindi niya napansin na napatulala na pala siya dahil sa kaniyang iniisip.“Okay lang si mommy, iniisip ko lang kambal niyo. Sana magising na siya,” ngiting sabi niya sa dalawa.Magkasama kasi si Axel at Xander.“Mommy, magigising ‘din po si Tanya. Ramdam po namin,” Sabi sa kaniya ni Xander na siyang ikinangiti lalo nito at niyakap ang dalawa.Dinama niya ang pagyakap sa kambal. Sa sunod sunod na nangyayari ngayon kailangan niya talaga ng yakap ng mga ito.“Nga pala may sasabihin si mommy,”Ngunit maya maya ay humiwalay ‘din siya sa mga ito at nagsalita.“Kapag nagising si Tanya, merong sasabihin si mommy okay?”“Ano naman po ‘yun mommy?” tanong ni Axel na ikinataw
Terakhir Diperbarui : 2024-07-15 Baca selengkapnya