Amelia's Point Of View."N-napakulong mo na ba iyong mga kaaway mo?" tanong ko sa kaniya."Iyong iba, naipakulong ko na. Kaso iyong iba, malakas ang kapit sa autoridad at may mga connection kaya nahihirapan ako," saad niya.Malakas akong bumuntong hininga at tumango. "Actually, hindi ito iyong unang beses na nangyari sa akin iyong nangyari kanina," biglang wika ko at napalingon naman siya sa akin."What do you mean?" kunot-noong tanong niya at binalik ang tingin sa daan."Katulad mo, may mga kaaway din si Dad sa kompanya at madalas talaga akong nadadamay," pag-kwento ko, hindi ako makapaniwalang sinasabi ko ang bagay na ito sa kaniya. Sa taong malaki ang galit ko. "Madalas ding napagtatangkaan ang buhay ko, noon ay walang akong pakialam. Pero ngayon, takot na takot ako dahil kapag nawala ako hindi ko na makakasama pa ang mga anak ko."Malaki rin ang pakiramdam ko na ang mga kaaway ni Dad ang dahilan kung bakit namatay si Mom, wala ng sinasabi sa akin si Dad tungkol sa case ni Mom kaya
Last Updated : 2024-06-24 Read more