Home / Romance / The Billionaire's Baby Maker / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of The Billionaire's Baby Maker: Chapter 41 - Chapter 50

62 Chapters

Chapter 41

After 4 years.... Kathnisse's POV Nakaupo ako ngayon sa isang bench malapit sa garden at nagbabasa ng libro. Sa makalawa na ang graduation namin at isa akong Cum Laude. Lahat ng pagod at hirap ko para makapagtapos ng pag-aaral ay worth it. Makakagraduate na ako at bonus pa na with latin honors. Sa loob ng 4 years ay pagod at puyat ang nilalabanan ko lalo na at isa akong working student. Natuto akong e manage ang oras ko. Kahit pa nga day off ko ay minsan nagtatrabaho pa rin ako para lang ma sustain ko ang mga bayarin ko sa school. Laking pasasalamat ko talaga kay Audrey dahil pinatuloy niya ako sa condo niya at libre na ang lahat, dahil kung hindi, ay baka hirap na hirap akong igapang ang pag-aaral ko. Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito. Agad akong napangiti ng makita kong nagtext si Audrey. "Congrats, Baby Girl! I'm so proud of you. Sasabihan ko mamaya si Sungit." Naiiling akong ngumiti. Sa ilang taong nakalipas kapag nagkikita kami ni Audrey ay paminsan-minsan ay si
last updateLast Updated : 2024-06-21
Read more

Chapter 42

Kathnisse's POV Nandito na kami ngayon ni Chelsea sa A&L Corporation kung saan kami ni recommend ni Ms. Stacey. Tapos na kaming ma interview ni Chelsea at sinabihan kaming maghintay muna rito sa waiting room. Hinawakan ko ang kamay ni Chelsea, halata sa mukha nitong kinakabahan siya. "Relax, Chels." "P-paano kung hindi pa rin tayo rito makuha, Kath? Iniisip ko kasi si Mama. Kailangan ko na talaga ng trabaho at ito lang 'yong may malaking offer." "Be positive, Chels. Kung hindi man tayo makuha rito, marami pa namang ibang company na pwedeng pag-aplayan." Ngumiti ako sa kanya. Nagbuntong-hininga ito, "sayang kasi 'yong malaking sahod, Kath. Malaking tulong 'yon sa amin. Pwede ko na sanang pagpahingahin si Mama sa pagtatrabaho." Sasagot pa sana ako nang pumasok ang assistant ng HR Officer at tinawag kami ni Chelsea. Sumunod kami sa kanya papasok sa isang room. Nagkatinginan kami ni Chelsea at kinakabahang umupo sa silya sa harap ng HR Officer na nag-interview sa amin kanina.
last updateLast Updated : 2024-06-21
Read more

Chapter 43

Kathnisse's POV Mag-dadalawang oras na akong nakaupo lang dito sa desk ko dahil wala namang pinapagawa si Aled sa akin. Hindi na dapat maulit pa ang nangyari kanina. Trabaho ang pinunta ko rito kaya dapat ay maging professional ako or kahit maging civil man lang sa kanya dahil siya ang boss ko. Gusto kong tawagan si Audrey para humingi ng tulong, baka sakaling makumbinsi niya si Aled na ibalik nalang ako sa A&L Corporation, tutal siya naman ang Corporate Secrerary at isa sa malalapit na kaibigan ni Aled, pero naisip kong kailangan ko itong haraping mag-isa. Kaya ko na ang sarili ko. Malamang ay alam na rin ngayon ni Audrey na nagtatrabaho na ako kay Aled ngayon. Nasaan na kaya si Audrey? Baka mamaya ay nandito na rin siya. Napatuwid ako nang upo ng makita kong may papalapit na babae sa akin. "Good morning, Ms. Garcia. I am Cindy Navarro, HR Manager. Ms. Nadine Alcantara called me to tour you around para makilala mo ang mga manager ng bawat department ng company at ako na rin a
last updateLast Updated : 2024-06-21
Read more

Chapter 44

Kathnisse's POV 7:30 pa lang nang umaga ay bumabyahe na ako para kung ma traffic man ako ay hindi ako mali-late. Almost 3 weeks na akong nagtatrabaho sa kompanya ni Aled at buong araw ay nakaupo lang ako dahil wala akong ginagawa bukod sa mag-remind sa kanya ng mga schedules niya araw-araw. Saktong 8:20 ay nakaupo na ako sa desk ko. Ni open ko ang laptop at nagcheck ng emails. Sinunod kong binuksan ang ipad at tiningnan ang schedule niya for today, may meeting siya with a client mamayang 10:00 A.M. sa isang 5 star hotel. Pagkatapos kong ma check ang schedule niya ay hinayaan kong nakaopen ang ipad habang sinusuklay ko ang mahaba kong buhok. Hanggang bewang ko na pala ito. Napatayo ako nang makita kong naglalakad si Aled. May dala itong isang paper bag. Seryoso lang ang mukha nito habang naglalakad. Para itong modelo kung maglakad. "Good morning, Mr. Vautier." Bati ko sa kanya. Huminto ito sa tapat ng desk ko at inabot ang paper bag sa akin. Nagtataka ko naman itong tiningnan
last updateLast Updated : 2024-06-21
Read more

Chapter 45

Kathnisse's POV Sa araw-araw na pumapasok ako sa trabaho ay iniiwasan ko si Aled, pero sadyang makulit ito. Palagi itong nakakahanap ng rason para makasama ako. Sa halos lahat ng meetings niya ay palagi niya akong kasama at ang kinaiinis ko pa ay wala talaga akong ginagawa rito bukod sa e remind ang schedule niya araw-araw at samahan siya sa mga meetings niya sa loob at labas ng kompanya niya. Lampas tatlong buwan na ako rito at pakiramdam ko ay pinapaswelduhan lang ako rito para umupo sa labas ng opisina niya. Kinuha ko ang phone ko at nagreply sa text ni Chelsea kung sasama raw ba ako sa nightout nila ng mga officemates niya sa Sabado. "Hindi ako mahilig sa ganyan, Chel. Enjoy kayo. Huwag kang magpapakalasing." Reply ko sa kanya. Mabilis kasing malasing si Chelsea at wala naman ako roon para alalayan siya. Ni text ko nalang din siya na tawagan niya nalang ako kapag kailangan niya ako para masundo ko siya. Inayos ko na ang bag ko at bababa na ako para maglunch. Uunahan ko n
last updateLast Updated : 2024-07-01
Read more

Chapter 46

Kathnisse's POV Ilang araw na akong umiiwas may Aled, hindi na rin ito sumasama sa akin sa pagkain sa cafeteria tuwing lunch dahil saktong nasa labas ito at may ka meeting. Pero kahit pa hindi ko na kasama si Aled ay may mga malisyosong mga mata pa ring nakatingin sa akin, at minsan ay napapansin ko silang nagbubulong-bulungan kapag nasa paligid ako. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang pinag-uusapan nila o imahinasyon ko lang 'yon. Halos mag-iisang linggo na ang pangyayaring nasaksihan nila rito sa cafeteria pero hindi pa rin iyon mamatay-matay. Parang hindi pa naman nakakaabot kay Aled dahil mukhang hindi niya naman alam ang kumakalat na chismis rito sa kompanya niya tungkol sa akin. "I need to go." Ani Aled. Aalis na ito papunta sa isang restaurant kung saan ito may ka meet up na potential client at investor. "Okay, Sir." Mahinang wika ko habang ang mga mata ko ay nasa screen ng computer lang. May ginagawa kasi akong report. "Are you avoiding me?" "No, Sir." Ani ko
last updateLast Updated : 2024-07-01
Read more

Chapter 47

Kathnisse's POV Napakurap ako at napatitig sa mga mata ni Aled. Naramdaman ko ang pagdampi ng daliri niya sa pisnge ko. Nawalan ito ng balanse kaya mabilis ko siyang sinalo. "Sir! Ang bigat mo!" Mahina itong tumawa, "really? Hmm." Pinilit nitong tumayo ng tuwid habang inaalalayan ko siya papasok sa loob kahit hirap na hirap ako. Pinaupo ko ito sa couch, pero humiga ito at tumitig sa akin. "Bakit ka naglasing? At paano mo nalamang dito ako nakatira?" Habol na hininga kong sabi. Napaluhod ako sa sahig para kausapin siya. "I'm not drunk, Baby. I'm just...hmm...tipsy." Anito. Hindi lasing pero halos hindi na makatayo! "Ipapasundo nalang kita rito, sino ang pwede kong tawagan?" "No, no. I want to stay here." "Hindi pwede. Umuwi ka na sa inyo." Pagpupumilit ko. "Bakit ka nakipagkita roon sa lalaki?" Nakapikit matang tanong nito. "Kaibigan ko lang 'yon at gusto niya akong ilibre ng lunch," paliwanag ko sa kanya, "teka nga. Nagdrive ka ba ng lasing?" "Hmm. No. Suma
last updateLast Updated : 2024-07-01
Read more

Chapter 48

Kathnisse's POV Nagising akong nakahiga na sa kama ko at may kumot. Sa couch ako natulog kagabi, paanong....binuhat niya ako? Napatingin ako sa tabi ko, wala na si Aled doon. Bumangon ako at nagpunta sa banyo, nang wala akong makitang Aled doon ay lumabas ako ng kwarto at sinilip siya sa labas pero wala rin siya roon. Napatingin ako sa orasan, alas nuebe na pala ng umaga. Sabado ngayon at wala akong pasok. "He left already?" Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang phone ko. I received a message from him. "I'm sorry for troubling you. Hindi na mauulit. Thank you for taking care of me." Napabuntong-hininga ako at napaupo sa paanan ng kama. Napahilamos ako ng mukha. Bigla ko na namang naalala ang mga sinabi niya sa akin kagabi. One messaged received from Chelsea.. Kaagad ko itong ni open at binasa. "Hey, Girl! Good morning. Alam mo bang A&L Corporation ang nagsponsor ng full scholarship mo? I heard din na ang may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan mo noon ay ang dating C
last updateLast Updated : 2024-07-01
Read more

Chapter 49

Kathnisse's POV Kinakabahan ako habang nakasakay ako sa elevator, hindi ko alam kung ano ang dapat kung e aakto kapag nagkita kami mamaya ni Aled. Lunes na ngayon at ito ang unang araw na magkikita kami pagkatapos ng gabing nagpunta ito sa bahay. Habang papalapit na ako sa opisina niya ay bumibilis ang tibok lang puso ko. "Relax lang, Kath. Inhale...exhale..." Huminto ako sa paglalakad at pinikit ang mga mata, humugot ako ng malalim na hangin at ibinuga rin ito. Ilang beses ko pa iyong ginawa bago nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating ako sa desk ko ay nagpunas muna ako ng mesa ko at computer. Pagkatapos kong malinis ang desk ko ay ni open ko ang computer at iPad. Ni open ko ang iPad para e check ang schedule niya ngayong araw at nag open din ako ng email sa computer. Kumunot ang noo ko ng mabasa ko ang email ni Ms. Alice, ang Corporate Secretary. Hindi raw papasok si Aled dahil out of the country raw ito at wala pang eksaktong date kung kailan siya babalik. "Hindi ma
last updateLast Updated : 2024-07-10
Read more

Chapter 50

Kathnisse's POV Pasado alas nuebe na ng umaga pero hindi pa dumadating si Aled, ang alam ko ay wala itong meeting sa labas kanina at wala rin akong natanggap na mensahe galing sa kanya na late itong papasok ngayong umaga. Nitong mga nakaraang araw ay palagi silang magkasama ni Maddie. Bumabalik lang ito sa opisina kapag may meeting siya or importanteng pipirmahan na mga papeles. Siguro ay magkasama na naman silang dalawa kaya hindi pa siya nakakapasok ngayong umaga. Napabuntong-hininga ako at napasandal sa upuan ko. I crossed my arms. Pagkatapos niyang sabihin sa akin na mahal niya ako ay isang linggo itong hindi pumasok sa trabaho, pagbalik niya naman ay may kasama na itong ibang babae at narinig ko pa mismo kay Aled na magkasama silang dalawa nang panahong wala si Aled dito. Kailanman ay hindi na na-open ni Aled ang tungkol sa nangyari noong nalasing siya at nagpunta sa condo. Hindi ko na tuloy alam kung totoo bang mahal niya ako. Sa nakikita ko ngayon ay mukhang masaya naman
last updateLast Updated : 2024-07-11
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status