Home / Romance / The Billionaire's Baby Maker / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of The Billionaire's Baby Maker: Chapter 31 - Chapter 40

62 Chapters

Chapter 31

KATHNISSE'S POV Nagising akong nagmamadaling bumangon dahil naduduwal ako. Agad akong pumasok sa banyo at sumuka roon, pakiramdam ko ay pati laman loob ko ay lalabas sa bunganga ko. Nang matapos akong magsuka ay napaupo ako sa sahig at napasandal. Medyo masakit ang ulo ko kaya hinilot ko ang sintido ko. "Ano bang nagyayari sa akin?" Mahinang bulong ko. Kahapon ay ganito rin ang nangyari sa akin. Ang akala ko lang ay ina-acid ako kaya pinagsawalang bahala ko lang. Nangunot ang noo ko. Mahigit isang buwan na akong hindi dinadatnan. Napatayo ako at kumuha ng tatlong pregnancy test kit. Kailangan kong makasigurado. Sinunod ko ang nasa instructions at nag-antay ng 2 minutes bago tingnan ang tatlong PT. Ito na yata ang pinakamahabang dalawang minuto ng buhay ko. Napaupo ako sa toilet bowl ng makita kong may tig dalawang linya ang PT. Nanginginig ang kamay kong tinitigan ito ng paulit-ulit. "B-buntis na ako." Mahinang sabi ko. May tumulong luha sa mata ko. Sa wakas buntis
last updateLast Updated : 2024-05-27
Read more

Chapter 32

Kathnisse's POV Nakaupo ako ngayon sa couch at nakahalumbaba. Gusto kong kumain ng singkamas at langka pero ayaw kong ipabili sa iba. "Bahala na nga!" Sabi ko at tumayo. Kinuha ko ang wallet ko at pasimple akong bumaba para walang may makakita sa akin. Sa likod ako dumaan at mabuti nalang at walang bantay doon kaya nakalabas ako. Nagtago ako sa malaking puno para hindi ako makita ng mga tauhan ni Alejandro. Saktong may dumaan na taxi kaya pinara ko ito at mabilis na sumakay. Alam kong mapapagalitan ako ni Alejandro kapag nalaman niyang umalis ako ng hindi nagpapaalam pero gusto kong kumain ng langka at singkamas. Pwede ko namang ipag-utos iyon pero gusto kong ako mismo ang bibili. Ayaw ko kapag iba ang bibili ng langka at singkamas. Ilang linggo na akong nakakulong lang sa bahay ni Alejandro, ilang beses na akong sumubok na magpaalam para lumabas pero ayaw niya kahit na may kasama pa ako. Ang mga gusto kong kainin ay pinapabili niya sa iba pero pagkarating naman no'n sa aki
last updateLast Updated : 2024-06-05
Read more

Chapter 33

Kathnisse's POV Nanlamig ako. Kaya pala may kakaiba akong nararamdaman sa kanya nang una ko pa lang siyang nakita, may masama pala itong balak sa akin. "Boss!" Sabay na bati ng dalawa sa kanya. "Kathnisse. Tsk! Tsk!" Naiiling na sabi nito at kinuha ang upuan at umupo sa gilid ng kama. "B-bakit...bakit ako nandito, Kyle?" Naiiyak na tanong ko. Nakita ko itong ngumisi at pinalabas ang dalawang tauhan niyang pumasok kanina. "You're here because I want to." Anito. "Wala akong kasalanan sa 'yo! Ni hindi nga kita kilala!" "That's right. Wala kang kasalanan sa akin pero si Alejandro Vautier meron." He grin. Nagulat ako sa sinabi niya. "H-hindi kita maintindihan, kung si Alejandro ang may kasalanan sa 'yo bakit ako ang nandito?" "Hmm? Because you're important to him?" Tumawa ito. "Nagkakamali ka yata. Hindi iyan totoo." Napailing ako. Totoo naman. Hindi ako importante kay Alejandro. Bakit niya naisip na importante ako kay Alejandro? "Really? Kaya pala bantay sarad
last updateLast Updated : 2024-06-06
Read more

Chapter 34

Audrey's POV Tahimik lang kaming lahat na nakatingin kay Alejandro. Ang mga mata nito ay walang kabuhay-buhay at ang mga titig nito ay parang tumatagos sa telepono niya. Kathnisse is in danger and we don't know kung nasaan siya. "Alejandro." Tawag ko sa kanya pero parang wala itong narinig. Umupo ito at napatulala sa kawalan. I bit my lower lip. Uminit ang mga mata ko pero pinigilan kong umiyak. Nakita kong hinawakan ni Damian sa balikat si Alejandro. I saw Alejandro's tears roll down on his cheeks. Umiiyak ito ng nakatulala. Nag-iwas ako ng tingin. This man. His wife died because of Kyle's father, and now, Kathnisse and their unborn child are in danger because of Kyle. Putang inang mga Madrigal 'to! I gritted my teeth and clenched my fist. I calmed my self. Halos hindi na ako makahinga sa galit. We need to save Kathnisse from him dahil kung hindi, I don't know what will happen to Alejandro. "Brother, we're here, okay? We will help." Ellias tapped Alejandro's shoulder per
last updateLast Updated : 2024-06-07
Read more

Chapter 35

3rd Person's POV Mabilis na pinapatakbo ni Damian ang kotse papunta sa malapit na hospital, busina ito nang busina para gumilid ang mga nauna sa kanila. "Sir! We have a patient, please bigyan niyo kami ng daan!" Sigaw ni Audrey. May gumigilid naman pero nahihirapan pa rin silang makalusot. "Kathnisse, open your eyes.." Napamura sa isipan niya si Damian. Maraming dugo na ang nawala sa babae at kinakailangan na nilang madala kaagad sa hospital si Kathnisse. "Damian! Bilisan mo!" Sigaw ni Audrey. May nakitang patrol car si Damian at namumukhaan niya ang nasa frontseat kaya binusinahan niya ito ng paulit-ulit. "Inspector Perez! We have a patient! Please help us!" Sigaw ni Damian ng mababa nito ang bintana ng kotse. "Attorney!" Sigaw ng police at ni on kaagad ang sirena ng police car. Napatulala si Alejandro ng makita niyang nakapikit na ang mga mata si Kathnisse at nabitawan na nito ang kamay niya. This can't be. No! "B-baby..hey, you're just sleeping, right?" Pa
last updateLast Updated : 2024-06-07
Read more

Chapter 36

Kathnisse's POV Nasa isang malapad na hardin ako ngayon na punong-puno ng bulaklak. Ang malamig na hangin ay dumadampi sa balat ko at nililipad ang buhok ko. "Nasaan ako?" Takang tanong ko. Ang alam ko ay nasa hospital pa ako, doon muna ako magpapagaling at may psycologist na magche-check sa akin baka na trauma ako at sa pagkawala ng baby namin. So far okay naman na ako. Hindi ko na masyadong naiisip ang nangyari sa akin noong nakidnap ako. May mga times lang na malungkot ako dahil tuwing kinakapa ko ang t'yan ko ay wala akong maramdaman na kahit ano at umiiyak ako. Naglakad-lakad ako hanggang sa may makita akong malaking puno. Umupo ako sa ilalim ng puno at pinagmasdan ang payapang paligid. Napalingon ako ng may narinig akong mahinang tumatawa. "Hi, Mama!" Nakangiting bati ng cute na baby sa akin. Nagulat ako dahil sa tinawag ako nitong Mama. Baka akala lang ng bata ay ako ang Mama niya. "Hello, wala ka bang kasama? Nasaan ang Mama mo?" Ngumiti ito sa akin at umupo sa
last updateLast Updated : 2024-06-08
Read more

Chapter 37

Alejandro's POV Tinitigan ko ang laman ng basong hawak ko at ang bote ng whisky na nasa tabi nito. Wala ng laman ang bote. Tumayo ako para kumuha sana ng panibagong bote ng alak ng nakaramdam ako ng hilo. "Fuck! I'm drunk!" I sat in the couch at sinandal ang likod ko. I closed my eyes. "Damn it! Why are you always in my mind?" Minulat ko ang mga mata ko at napailing. It's been almost 2 weeks since I last saw her and I feel empty inside. Kinuha ako ang maliit na box at tinitigan ang laman nito. "You should at least keep my gift." Malungkot akong napangiti. When I saw this necklace when I was in Malaysia, siya kaagad ang naalala ko. Nagmadali akong umuwi kahit may trabaho akong maiiwan just to be with her on her birthday. I don't know, I just want to make her happy. Mariin akong napapikit. Nawalan na ako ng ganang magtrabaho. Nandito nalang ako palagi sa kwartong ito. I wanted to see her but I can't break my promise to her. Ako ang may kasalanan ng lahat ng nangyari sa k
last updateLast Updated : 2024-06-11
Read more

Chapter 38

Kathnisse's POV Mag-iisang buwan na ako rito sa hospital at naghihilom na ang sugat ko. After 2 days ay pwede na akong lumabas. Nakahiga ako ngayon sa kama at nakatingin sa bintana. Pagkatapos naming mag-usap ni Aled ay hindi na siya ulit nagpakita sa akin, tinupad niya ang sinabi niya. Palagi namang nandito si Audrey para bantayan ako at pino-provide ang mga kailangan ko. Kahapon ay nagulat ako dahil binisita ako ng mga kaibigan ko, hindi ko sila na contact kaya wala silang alam sa nangyari sa akin. Sinabi nila sa akin ay may tumawag daw sa kanila at sinabi ang nangyari sa akin kaya napagpasyahan nilang sabay nila akong bibisitahin sa hospital. Masaya akong nakita at nakasama ko ulit ang mga kaibigan ko. Kahit papaano ay gumaan ang bigat na nararamdaman ko. Nagkamustahan kami at iniyakan nila ang pagkawala ng anak ko. Napalingon ako ng may narinig akong kumatok sa pintuan, pagkatapos no'n ay bumukas ito at may pumasok na dalawang tao. Lalaki at babae, siguro ay nasa late 40'
last updateLast Updated : 2024-06-11
Read more

Chapter 39

Kathnisse's POV Tahimik lang kaming nakaupo sa couch. Kanina pa siya nakayakap lang sa akin at ayaw akong bitawan. Hinayaan ko nalang siya dahil wala naman akong ibang magagawa para gumaan ang nararamdaman niya. Nakarinig ako ng katok mula sa pinto at maya-maya ay nakita kong pumasok ang mag-asawang Vautier. Kaagad na napatingin si Mrs. Vautier sa anak at naiiyak na ngumiti. "Aled, nandito ang parents mo." Wika ko. Narinig ko itong mahinang umingos bago kumalas sa pagyakap sa akin at napatingin sa mga magulang niya. Hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako patayo. Sumunod naman ako at lumapit sa mga magulang niya. "Mom...Dad, this is Kathnisse." Pagpapakilala nito sa akin nang makatayo siya.Bahagyang ngumiti si Aled ng mapakilala niya ako sa mga magulang niya. Yumakap ang Mommy niya sa akin, "thank you at pumunta ka." Naiiyak na sabi ni Mrs. Vautier. Ngumiti ako sa Mommy ni Aled nang kumalas ito sa pagyakap sa akin. Ngumiti rin ang Daddy ni Aled sa akin at niyakap ako
last updateLast Updated : 2024-06-12
Read more

Chapter 40

Kathnisse's POV Linggo ngayon at day off ko sa trabaho. Sinundo ako ni Audrey sa bahay para maghakot ng mga gamit ko dahil simula ngayon ay dito na ako sa condo niya titira. "Thank you po, Kuya." Ani Audrey sa mga tumulong sa amin para e akyat dito sa condo niya ang mga gamit ko. Nang nakaalis na ang mga humakot ng gamit ko ay napatingin ako sa loob ng condo. Kulay itim at gray ang pintura nito. Kompleto na sa gamit at malinis na rin ito. Kung hindi ko lang alam na kay Audrey ang condo na ito ay iisipin kong lalaki ang may-ari nito base sa pintura at color ng mga furnitures at appliances. Ang naalala ko kasi ay mahilig si Audrey sa light colors dahil 'yon daw ang bagay sa kanya. "I bought some cooking tools kasi alam kong mahilig kang magluto. Bago ang oven mo." Ani Audrey. "Bumili ka pa talaga?" Gulat na tanong ko. Tumango ito sa akin at ngumiti, "minsan pupunta ako rito para matikman ulit ang luto mo." Mahina itong tumawa. "Gumastos ka pa talaga. Salamat, Audrey." Nahi
last updateLast Updated : 2024-06-21
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status