All Chapters of Craving Wealth: The Billionaire's Wife In A Desperate Gambit: Chapter 101 - Chapter 110

194 Chapters

Capitulo Ciento Uno

Nagising si Raphael nang makaramdam ng uhaw. Tinignan niya ang katabing pwesto kung saan natulog ang asawa niya. Wala na roon ang asawa niya. Napatingin siya sa wall clock, alas nueve y media na ng umaga. Malamang sa malamang ay umalis na ang asawa niya para sa trabaho, hindi siya sanay na hindi ito nakikita bago ito umalis ng trabaho.Masyado kasi silang nagkatuwaan magkakaibigan at inabot nang madaling araw. Hindi na nga niya maalala kung ilang bote ng alak ang nainom nila. Matagal-tagal na rin kasi noong huling magsama-sama silang magkakaibigan. Naging abala siya nitong mga nagdaang buwan, kung hindi trabaho ay ang asawa niya ang inaatupag niya.Naghilamos muna siya ay nagsipilyo at nagsuot ng disenteng damit bago bumaba. Sanay kasi siyang naka-boxers lang matulog o ‘di kaya walang saplot. Lalo pa at gabi-gabi silang may extra-curricular activities ng asawa niya. Aayaw-ayaw pa siya sa asawa dati pero ngayon, ngitian lang siya ni Athalia nag-iinit na agad buong katawan niya. Dinaig
last updateLast Updated : 2024-06-21
Read more

Capitulo Ciento Dos

Aminado si Raphael, hindi siya matinong tao. Babaero siya at higit sa lahat gago. At kapag sinabi niyang magtitino na siya, magtitino talaga siya ay may isang salita siya. Nang tumawag si Clarise ay wala na siyang kamunduhang nararamdaman o kung ano sa babae. Matagal na silang tapos lalo na noong sinubukan nitong saktan ang asawa niya.“Why did you call, Clarise?” seryoso niyang tanong, pinisil niya ang tungki ng ilong niya. Tumataas yata ang presyon niya dahil sa pagtawag ng dati niyang sekretarya— dati niya ring babae.“I-I want your help, Raphael.” “You need money?” sarkastiko niyang sambit.“Yeah but there’s more. I-I want to meet you,” pagmamakaawa nito. Hindi niya kailanman lubos maisip anong trip nito. Clarise was an efficient secretary, magaling ito at walang arte. Kahit na masigaw o mamura niya ay tahimik lang ito at bumabawi naman. ‘Yun ang nagustuhan niya rito.“I don’t have time to meet you. Send me your bank details, I will wire you some money. But after this don’t conta
last updateLast Updated : 2024-06-21
Read more

Capitulo Ciento Tres

“Take care. Call me from time to time, okay? I will fetch you later,” aniya nito saka hinalikan siya sa labi.“You too, trabaho ang atupagin mo. H’wag puro alak,” pinaningkita niya pa ng mata ang asawa niya.Raphael is too good to be true these past few days. Halos sampung taon na rin ang nararamdaman niya rito. At ngayon ay parang totoong mag-asawa na sila. Hindi na rin binabanggit ni Raphael ang tungkol sa annulment. Hindi niya itatangging tuwang-tuwa siya sa nangyayari sa pagitan nilang mag-asawa. Kung dati ay halos ‘di siya matignan ng asawa niya sa mata. Ngayon naman ay hindi sila halos mapaghiwalay. Raphael would always cling to her, hindi nga ito nahihiyang lambingin siya kahit nakatingin ang mga kasambahay. If his parents would see them, baka himatayin ang mga ito. Dahil para silang binudburan ng asukal sa tamis.“Athalia,” he called out.Nilingon niya ang asawa, “What?”“What would you do if—” bumuntong hininga ito. “Never mind. You should go!” marahan pa siya nitong tinula
last updateLast Updated : 2024-06-21
Read more

Capitulo Ciento Quatro

“Hey,” bati niya sa asawang nakasandal sa kotse nito at tulala. Hindi pa rin tumalima ang asawa niya. Mukhang hindi pa rin nito pansin ang presensya niya. Tumingkayad siya at hinalikan ito sa pisngi, doon niya lang nakuha ang atensyon nito.“Oh,” gulat na wika nito. "You are here," pilit na ngumiti ito at hinalikan siya sa labi saka niyakap.“Marumi pa ako. I just got out of work,” mas lalong humigpit ang yakap nito sa kanya.“Nah. We will just take a shower,” aniya nito saka hinalikan na naman siya sa labi.Pansin niyang may bumagabag sa asawa niya. Walang kislap sa mga mata nito at ang maya't mayang pagkunot ng noo nit. Nais niyang magtanong pero ayaw niyang pangunahang asawa niya. Baka magalit na naman ito sa kanya at imbes na magpatuloy ang maayos nilang pagsasama. She is being cautious, kinukonsensiya na nga si ni Maricel na umamin sa asawa niyang naaalala na niya lahat. Pinangungunahan siya ng takot, baka lumayo ito sa kanya ulit— she can't afford to lose him this time.“How wa
last updateLast Updated : 2024-06-24
Read more

Capitulo Ciento Cinco

“Raphael!” galit niyang wika, panay kasi ang tunog ng cellphone nito kahit alas diyes na ng gabi. “Hmm?” ungol nito saka niyakap siya. “God! Raphael please lang answer your damn phone baka itapon ko 'yan,” pananakot niya at sinulyapan ang cellphone ng asawa niya na kanina pa tumutunog. “What?” wala sa sariling wika nito. “Kung hindi mo sasagutin ang tawag na 'yan ako ang sasagot niyan!” iritado niyang wika, inaantok pa siya dahil pagod na pagod siya sa sunod-sunod na operasyong ginawa. “Shit!” he cursed and removed his hand around her waist, inabot nito ang cellphone at binuksan iyon. Hinayaan na niya ang asawa at gusto niyang bumalik sa pagtulog. Ngunit dali-daling tumayo ang asawa niya. Nagmamadali itong kumilos, nagtungo sa walk-in closet nila. Papikit-pikit pa siya pero inaagaw ng kuryusidad ang utak niya. Rinig niya ang kalabog sa kilos ng asawa niya. Saglit pa ay lumabas ito at bihis na bihis kaya napaupo siya. “Where are you going?” hindi niya mapigilang tanong,
last updateLast Updated : 2024-06-26
Read more

Capitulo Ciento Seis

“Uso talaga ngayon ang kabitan ano?” komento ng kapwa niyang doctor na si Jean.Hindi siya umimik, wala siyang lakas makipagchismisan, ang dami niyang iniisip. Parang sasabog na ang utak niya. Dalawang linggo nang hindi umuuwi ang asawa niya sa main mansion— kung saan sila kasalukuyang namamalagi. Tinotoo nga ng asawa niya ang pagiging abala nito. Paminsan-minsan ay tumatawag ito at nagtetext pero hanggang doon lang. Hindi pa ito umuuwi simula noong huli niya itong nakita. Ang siste, dalawang linggo na rin siyang wala sa mood. Lahat ay sinusungitan niya. Ang isa pang malaking problema niya ay uuwi na sa katapusan ng buwan si ang Lolo ni Raphael, kabilin-bilinan pa naman nito na pareho silang mag-asawa na umuwi sa mansyon. Si Raphael na hindi niya mahagilap kung saan lupalop ito ng mundo. Siya naman itong dalawang linggo nang namamalagi sa hospital. Halos akuin na niya lahat ng trabaho o operasyon para maging okupado ang isipan niya at mailayo sa kalungkutang dala nang hindi pag-uwi n
last updateLast Updated : 2024-06-26
Read more

Capitulo Ciento Siete

“Ano ba?” hindi niya mapigilang singhal sa asawa nang bigla siya nitong tinulak papahiga sa kama nang makapasok sila sa silid nila.“What is wrong with you, Raphael?”Hindi ito sumagot, basta na lamang nitong hinubad ang suot na damit. Nagmamadali itong tanggalin ang suot na sinturon, nakanganga lang siya habang pinagmamasdan ang asawa. Sumampa ito sa kama, nadadaganan siya nito. Mariin siya nitong tinitigan.“What is wrong with me? I am fucking mad, Athalia. Malayo ako sa 'yo pero hindi ibig sabihin no'n maaari kang angkinin ng iba.”“Nababaliw ka na!”“I am fucking crazy Athalia. Wala pa 'kong ginagawa, baliw na ako. Kaya h'wag mong hintayin na may gawin ako. I will not stay still when someone is touching my property,” angil nito.Huminga siya ng malalim, hindi niya maarok ang pinupunto ng asawa niya. Dati wala naman itong pakialam kung may lumapit sa kanya. Mas gusto nga nitong may lumalandi sa kanya.“Hindi ako kagaya mo na kung sino na lang ang babae!”“Wala akong ibang babae,” m
last updateLast Updated : 2024-06-26
Read more

Capitulo Ciento Ocho

Lumaki si Raphael na nasa kanya na lahat, hindi man niya hilingin ay kusang ibinibigay sa kanya. Ganoon siya kamahal ng mga magulang niya at lalong-lalo na ang Angkong niya. Pero hindi niya akalain na darating siya sa puntong magkakaroon siya ng anak na hinihiling niya ngunit ang malaking problema ay sa ibang babae. It was his ex-secretary, he got her pregnant during their one-month affair. He had doubts, alam niya ang likaw ng mga babaeng kagaya ni Clarise, mga babaeng makati at hindi mapirme sa isang lalaki. Kaya pagkalabas ng bata ay ipapa-DNA test niya ito. Kaya nagtitiis muna siya sa lahat ng kapritso ng babaeng 'to, labag man sa kalooban niya na mapabayaan ang asawa niya ay kailangan niya. At hindi niya rin alam kung paano sasabihin kay Athalia. Sensitibo ang asawa niya pagdating sa mga bata, lalo pa't nawalan sila ng anak noon kaya hindi niya alam kung paano sasabihin sa asawa at matanggap nito ang bata— kung sakaling sa kanya nga.Pagdating naman sa Lolo niya ay alam niyang t
last updateLast Updated : 2024-06-26
Read more

Capitulo Ciento Nueve

“Max,” mahinang usal niya, ilang oras siyang umiiyak. Magang-maga ang mga mata niya kakaiyak dahil sa walang kwenta niyang asawa.“What? Umiiyak ka ba?” nag-aalalang tanong nito mula sa kabilang linya.Nakasandal siya sa backrest ng upuan, tulala at wala sa sarili. “Hindi naman.”“Did something happen?” nanatili siyang tahimik. Bumuntong hininga si Max. “Fine. I won't force you to answer. Just make sure you are safe, okay? Mahirap na at lapitin ka pa naman ng aksidente.”“I want to take a leave tomorrow, can you cover up for me? I-I will be back after a week. Kahit pa maubos ang leave ko para sa susunod na taon. I really need to leave for a while—”“Calm down, Darling. Subukan kong kausapin ang director para sa leave mo. Just make sure to take care of yourself, okay?”“Thank you, Max.”“I am always here for you, okay? If you want someone to talk to just beep me.”Namatay ang tawag, hudyat na naman iyon para umatungal siya. Nahuli na niya noon ang asawa na nambababae pero iba ngayon, b
last updateLast Updated : 2024-06-27
Read more

Capitulo Ciento Diez

Ilang araw nang nawawala ang asawa niya. Halos mabaliw na siya, he can't contact her phone number. Naglaho na lamang ito na parang bula. Clarise gave birth to a healthy baby boy. Nagdedeliryo pa rin ito na pakakasalan niya. Ngunit wala siyang planong hiwalayan si Athalia. If not Kristal, si Athalia lang ang babaeng kaya niyang pagtiyagaan. “Are you ready for the paternity test?” tanong ng ina niyang si Gabriella. Karga-karga niya ang sanggol sa mga bisig niya. Napatitig siya sa mukha ng bata, ganito rin kaya ang mukha ni Boo kung nabuhay ito? “Mom, do you think if our child was alive. Ganito rin kaya ang itsura niya?” “You mean, Boo?” Tumango siya, kapag kuwan ay hinaplos ang mukha ng sanggol. Payapa ito, walang kamuwang-muwang sa unos na dala nito. “I am sure if he or she was alive, magiging kamukha mo siya. Mahal na mahal ka ng asawa mo, e.” Tinutukoy nito ang pamahiin na kung sino ang mas mapagmahal ay siyang magiging kamukha ng bata. Kung totoo man, he would loved t
last updateLast Updated : 2024-06-27
Read more
PREV
1
...
910111213
...
20
DMCA.com Protection Status