"Hindi ka seryoso," Bulong ko, sinusubukan na intindihin ang kanyang mga sinabi.Tulad ng sinabi ko, kilala ko si Gabe at alam kong hindi ito isang pagbabanta lamang. Dahil dito, kailangan ko pa din siguraduhin, kasi kung tutuusin, itong si Lilly ang pinag uusapan natin. Hindi lang siya ang anak ko, kundi pati ang buhay ko. Hindi ako papayag na kunin niya siya sa akin. Siguradong papatayin ako nito."Mukha ba akong nagbibiro?" Tanong niya habang nakatingin sa akin ang mga mata niya. "Masisigurado ko sayo na seryoso ako, Harper."Naramdaman mo na ba na tinamaan ka, kahit walang nangyari? Yan ang nararamdaman ko ngayon. Isang multo ang tumama, sa mismong bituka ko. Pinilit kong huminga sa sakit. Hindi ko kayang mawala ito sa ngayon, kahit na wala akong ibang gusto kundi ang masira, umiyak at sumpain si Gabriel hanggang sa impyerno.“Bakit mo ginagawa ito?” Tanong ko na malapit ng umiyak. “Hiniwalayan mo ako at pinalayas mo ako, Gabriel. Umalis ako, tulad ng gusto mo at hindi na kita
Baca selengkapnya