Ako si Derie May Vegaz, 20 taong gulang, Ulilang Lubos at kasalukuyan na nagtratrabaho bilang isang florista sa isang kilalang flowershop sa lugar namin. Ipinanganak akong bulag mula pa noong pagkabata ko kaya kahit kailan ay hindi ko nasilayan ang mga mukha ng magulang ko. Namatay ang inay ko noong ako ay ipinanganak. Ang tatay ko lang ang nakasama ko at nagpalaki sa akin. Si Angelito Vegaz, isang mangingisda. Sa pamamagitan ng pangingisda ay itinaguyod niya ang pag-aaral ko. Bagamat hindi ko nakikita ang klase ng buhay na mayroon kami, alam ko at ramdam ko na mahirap lang kami. Kahit na dalawang beses lang kami nakakakain ng ama ko sa isang araw at minsan ay natutulog kami ng kumakalam ang sikmura, masaya pa rin kami ng itay. Palagi niyang sinasabi sa akin na balang araw ay papabor din sa amin ang tadhana. Ang importante raw ay magkasama kami. Mahal na mahal ko ang itay ko dahil palagi niyang pinaparamdam sa akin ang kaniyang pag-aalaga. Hindi ko man nakikita pero ramdam
Last Updated : 2024-05-20 Read more