Home / Romance / Wanted Father of my Child / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Wanted Father of my Child: Chapter 11 - Chapter 20

60 Chapters

A sweet Feelings Develop

Bleu's POV:Nasa labas ako ngayon ng classroom ni Dave, nasa section Alpha siya at hindi katulad ko na palipat-lipat ng classroom, apat sa subject ni Dave ay nasa iisang classroom lang kaya mabilis lang siya habapin. Inaantay kong matapos klase niya para makausap siya kasi simula nung nag walk out siya sa bahay namin 'di ko na nakita, busy ako kakaharot kay Ampa kaya nakalimutan kong nagtatampo pala sa akin lalaking 'to T_TNaupo ako doon sa bench malapit at kaharap ng classroom niya, nakikita kong nagpapaalam na 'yung Professor nila. 'Yung tiyan ko mag 3-three months na kaya hindi na ako nagsusuot ng medyo fit na damit, mostly oversized na damit kasi mahahalata mo na talaga 'yung bulk ng tiyan ko, okay lang sana kung malaki ako kasi mapagkakamalan na bilbil lang 'yun pero kasi 'yung bulk ng tiyan ko ay hindi nababagay sa katawan ko. Napapansin na nga ng mga kaibigan ko ang pag-iiba ng style ng pananamit ko eh. Sabi nila ang rami raw nagbabago sa akin tapos kung anu-ano nalang nira
last updateLast Updated : 2024-03-19
Read more

Stole Kiss

Dave's POV:Nasa mall ako ngayon, it's Thursday at dapat ay may pasok ako but I skipped it. Banas na banas na ako Kay Denise na halos araw-araw nagpapapansin sa akin simula nung hiwalayan ko siya dahil sa ginawa niya kay Bleu. I kinda liked Denise but I can't tolerate her actions, masyado siyang selosa. 'Yung pag-away niya kay Bleu is not the first time, she have done that with other girls. I'm so fed up with her, tulad ngayon... She keeps calling me, kakapalit ko lang ng number the other day because of her. I blocked her number kaya gagamit siya ng ibang number para matawagan ako, the heck is that? I can't even avoid her as much as I want to sa University kasi iisang section lang kami. Napadaan ako sa Blue Magic, sa hindi nakakaalam it's a shop full of stuffed toys, usy teddy bear. Nahagip kasi ng mga mata ko 'yung human sized na teddy bear na kulay light blue. Naalala ko, Bleu used to have one, kulay rosas ata 'yun pero naiwan niya sa probinsya kasi masyadong malaki. Reminds
last updateLast Updated : 2024-03-19
Read more

My boy bestfriend knows my secret

Bleu's POV:"Good morning class.", bati ni Ampa sa lahat nang pumasok siya sa loob ng classroom, as usual kahit Hindi sabay-sabay ay binati rin naman siy nga lahat. "Kumusta ang lahat? Parang kahapon lang ay midterm exam natin but then there comes another one in the next two weeks. My subject is not that hard, tamang aral lang at pagbabasa. Now, spread out, one seat apart... Surprise quiz, everyone before I continue the discussion we had last meeting."Lahat ata kami napanganga, isa na ako doon sa nag panic putek, anong surpirse quiz pinagsasabi niya? 'Di kami nainform T_T Bobo, surprise quiz nga. "I want everyone to spread out quietly, do it now."Napahilamos ako sa mukha ko, Ampa as a Professor is still scary, nakakalimutan ko talaga most of the time na may relasyon kami 'pag nagtuturo siya. Napatingin ako kay Eric tapos nakatingin rin sa akin ang gaga hahaha hindi uso study eh. "Walang lilingon sa katabi o sa paligid, sa oras na may mahuli ako, i'll deduct your score."Saba
last updateLast Updated : 2024-03-19
Read more

Officially

Bleu's POV:Galing ako sa CR kasi naghanap ako ng ipupunas ko kay Dave, pagbalik ko ay napansin kong naka open 'yung phone ko kaya cheneck ko 'yun. May missed call akong tatlo galing kay Ampa, ba't siya tumawag? Binaba ko 'yung bowl na may maligamgam na tubig at pampunas kay Dave saka tinawagan ko 'yung number ni Ampa at hindi pa nag-riring ay sinagot niya agad. "Love? Ba't ka napatawag?", tanong ko. [Are you home yet?], tanong niya. Tinignan ko si Dave. "Hindi pa, nasa condo ako ngayon ng kaibigan ko."[Condo? Ginagawa mo diyan? Anong oras na...] Napakamot ako sa batok ko. "Yung sabi ko kanina na emergency? 'Yung kaibigan ko kasi, lasing na lasing, kailangan ko alalayan pauwi galing doon sa isang club."Natahimik 'yung kabilang linya ng ilang segundo kaya napatingin pa ako sa phone ko kung naputol 'yung tawag pero hindi naman. "Love?"[Lalaki?]"Oo, 'wag kang mag-alala, we've been friends for years... I'm safe."Natahimik ulit sa kabilang linya. [Where are you right now?]Si
last updateLast Updated : 2024-03-19
Read more

His back

Nag-ayos lang ako ng konti pagkatapos ay tumungo na sa bahay ni Ampa, pinaalam ko sa kanya na papunta na ako tapos gulat nalang ako andun siya sa labas ng gate inaantay ako. "Para kang nag-aantay ng ayuda diyan.", sabi ko sa kanya nang makababa ako sa taxi. Napatingin siya sa dala-dala ko. "What's this?", tanong niya pagkatapos niyang kunin sa akin 'yun, inamoy niya 'yun... "Adobo?", hula niya at tumango ako. "Luto ko para sayo.", nakangisi kong sabi tapos kinindatan siya. 'Yung mukha niya parang pinipigilan niyang ngumiti, ang arte ah. "Is this why it took you long to get here?"Binuksan niya 'yung gate ng bahay niya at pinauna ako ng pasok, ako 'yung nagsara ng gate kasi dala-dala niya 'yung paper bag na naglalaman nung adobo. "Oo, tampo ka pa niyan na natagalan ako?""When did I? 'Di ako nagtampo noh, that is not so my style."Ang haba rin ng pride, ayaw pa aminin. Nagmamadali siyang pumasok sa bahay niya, nakalimutan niya ng kasama niya ako eh. Pagpasok ko, andun na siya
last updateLast Updated : 2024-03-19
Read more

Slightly intimate

Dave's POV: Iniwasan ko si Bleu, nagtatampo ako na wala naman kaming tinatagong sekreto noon pero parang sa maliit na panahon lang na dumaan ay ang laki ng pinagbago niya.Sa totoo lang, kaya siguro hindi napapansin ng ibang tao sa paligid niya na buntis siya katulad ni Manang Cynthia ay dahil palagi nilang nakikita si Bleu, katulad ko... Kung hindi ko pa nakita sa drawer niya 'yung pregnancy tests niya ay 'di ko malalaman at aakalaing tumataba lang tiyan niya.Napatingin ako doon sa kulay asul na human-sized teddy bear sa kama ko. Oo, tinuloy ko ang pagbili ng teddy bear na 'yan, hindi ko maibigay kay Bleu dahil sa pag-aaway namin.Kahit matagal ko ng gusto si Bleu, I have no plans to court her o jowain siya o kung ano mang tawag niyo diyan. Sa tagal naming magkaibigan ni Bleu, 'yung feelings ko minsan nawawala at may times bumabalik, it's not that deep anymore... Mahalaga lang talaga sa akin si Bleu, pareho kaming nag-iisang anak kaya we found comfort sa isa't-isa kaya rather than
last updateLast Updated : 2024-03-19
Read more

Understanding

Bleu's POV:"Manang, half day lang ako ngayon kaya sasamahan kita.", kausap ko kay Manang sa kabilang linya. [Naku iha, 'wag ka ng mag-abala, kaya ko naman.]Natuwa ako kay Manang. "Okay lang talaga Manang, no worries. Deretso nalang ako sa Mall para doon na tayo magkita."Mag gro-grocery kasi ngayon si Manang, noon kasi sinasamahan ko siya lagi tapos lately since palagi kong kasama si Ampa ay 'di ko na siya na sasamahan, babawi lang. Binaba ko na 'yung tawag nang tapos na kami mag-usap ni Manang. Wala si Ampa ngayon sa University kasi Thursday tapos may lakad raw siya. Lately, parang may rumors na kumakalat about Ampa sa University, napapansin ko rin 'yung mga tingin ng ibang estudyante sa kanya tapos may halong bulong. Mukha namang walang pake si Ampa kaya hindi na ako naki-chismis no. Nagpunta ako ng CR kasi naiihi ako, mag-aayos rin ako konti bago pumunta ng Mall. "Ahhhhhhh 'di talaga ako makapaniwala. Kainggit naman!""Wala namang confirmation, 'wag kang maniwala tapos w
last updateLast Updated : 2024-03-19
Read more

Sweetie

Bleu's POV:Nasa ospital ako ngayon kasi sinamahan ko si Manang Cynthia magpa-check up kasi lately nga diba? Nahihirapan siyang tumae hahahah 'di ko dapat pagtawanan pero kasi last time nung sa Mall sabi niya hindi sanay pwet niya if hindi raw sa bahay pero pag-uwi namin noon nahihirapan pa rin siya. Sinabihan ko na siya na pacheck up na namin pero palaging na po-postpone tapos finally since wala akong pasok ay ngayon na namin ginawa. Palakad-lakad ako sa kung saang sulok ng ospital kasi kausap ni Manang 'yung doctor, naghahanap talaga ako ng vending machine kanina pa pero 'di ko makita. Pwede naman ako magtanong eh kaya lang nahihiya ako, shuta. "Ayun!", tuwang-tuwa kong sabi sabay napaturo pa doon sa vending machine. Syempre kahit na-excite akong makita 'yung vending machine ay hindi ako tumakbo baka madulas ako. Paglapit ko sa vending machine ay may nakasabay ako, I was quite surprise nang makita sila."Kevin? Ba't nasa ospital kayo?", tanong ko sa kanya sabay napayuko ng ting
last updateLast Updated : 2024-03-20
Read more

Unexpected

Bleu's POV:Andito na naman kami ni Ampa sa resto ng kaibigan niya para kumain, 'pag kinasal kami chossss advance? Hahaha pero 'yun nga, kung ikakasal kami sino 'yung taga-luto? Palagi kaming dito kumakain pero ngayon ko lang napansin na walang pangalan 'yung resto ng kaibigan niya. Matagal ko ng napapansin nabibilang lang sa kamay 'yung mga kumakain dito and it might be because na nasa tagong lugar 'yung resto, kaya nga dito ako lagi dinadala ni Ampa, hindi ba siya nalulugi? Masarap 'yung mga pagkain, I can guarantee that. Isa pa, ilang ulit na nakwento ni Ampa sa akin 'yung kaibigan niya pero never ko pang nakita once. "Hindi ba nalulugi kaibigan mo kasi nasa tagong lugar 'tong restaurant niya? Walang masyadong kumakain.", tanong ko kay Ampa. Doon kami nakaupo ulit sa table kung saan kami noong first time naming punta dito, nag-aantay sa order namin. "He doesn't care.", sagot ni Ampa. "Huh? Ano 'yun trip niya lang?", natatawa kong sabi pero tumango si Ampa kaya natigilan ako..
last updateLast Updated : 2024-03-20
Read more

His Sick

Bleu's POV:It's Friday today, kahit walang nagbabantay sa 1st subject ay tahimik ang lahat, it's the subject under Ampa. Hindi ko alam kung dahil nasanay sila na ganito katahimik 'pag subject ni Ampa o dahil nalulungkot ang lahat dahil nung Tuesday pala ang huling araw na makikita nila si Zane. Nalaman ng lahat ngayon lang na supposedly ngayon ang last day ni Ampa sa pagtuturo dito sa University kasi babalik na si Mrs.Rodriguez next week pero dahil may importanteng lakad raw si Ampa kaya hindi siya nakapunta. Hindi ko rin alam ang tungkol dito, pati ako nagulat kasi wala namang nasabi sa akin si Ampa tungkol dito, hindi niya rin sinabi sa akin kung saan lakad niya. He was a strict one pero may matututunan ka talaga sa klase niya. Ramdam ko 'yung lungkot ng mga kaklase ko, pati ako ay nakakaramdam ng lungkot kahit magkikita pa naman kami ni Ampa kasi nga mag-jowa kami, ba't ba nalulungkot rin ako? May pinasagot lang sa amin sa subject niya at makakalabas na agad ang kung sino ma
last updateLast Updated : 2024-03-21
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status