Home / Romance / Your Hero Your Lover ( Tagalog ) / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Your Hero Your Lover ( Tagalog ): Chapter 51 - Chapter 60

78 Chapters

Chapter 51

Mutya POVUnti unti kong iminulat ang aking mga mata. Agad kong nakita si Andrew na nakatayo sa bandang paanan ko.“Anong nangyari?” tanong ko sa kanya. Nang makita nya akong gising ay agad itong lumapit sa akin.“Wala bang masakit sayo?” tanong nito.“May sakit ba ako?” nag-aalala ako na baka may sakit ako kaya ako dinugo.“Buntis ka Mutya, 10 weeks na ang baby mo.”Natigilan ako sa narinig. Hindi ko malaman kung anong mararamdaman. Kakaibang damdamin ang sumibol sa puso ko. Buntis ako? Ibig sabihin may baby sa loob ng tyan ko? Mommy na ako?Hindi ko alam. Dyos ko, muntik ng may mangyari sa baby ko. Nang maisip ko yun ay napapikit ako at napaiyak.“Gusto mo bang tawagan ang asawa mo?”“Hindi!” galit kong sabi. Nagulat ito sa naging reaksyon ko.“Wala siyang karapatang malaman. Muntik na niyang patayin ang anak ko.” bumalot ang matinding galit sa loob ko ng maalala ang nangyari. Yung baby ko muntik nang masaktan.“Ano bang nangyari? Bigla ka na lang nawala sa phone kaya pinuntahan aga
last updateLast Updated : 2024-07-24
Read more

Chapter 52

Drake POVNakahinga ako ng maluwag na sabihin ng doktor na hindi napahamak ang bata sa sinapupunan ni Audrey. Bahagyang nawala ang bigat na nararamdaman ko ng mga oras na yun. Parang puputok ang utak ko dahil sa mga nangyari. Litong lito na ako sa sitwasyon ko ngayon.Si Mutya, siguradong galit na galit ito sa akin. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mukha at mga mata. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Napakalambing ni Mutya ngunit ubod din ito ng taray kapag nagalit. Kapag nagkakatampuhan kami at nagagalit siya ay nagtatago muna ako ng ilang oras at kapag alam kong malamig na ang ulo nito ay saka ko na siya lalapitan upang lambingin. Galit na galit siya sa akin ngayon at kung lalapitan ko siya agad ay baka bugbugin ako nito lalo na at matindi ang kasalanang nagawa ko sa kanya. Ngayon nga ay kumikirot na ang pisngi ko na sinuntok niya kanina. Kasalanan ko rin na hindi ko agad sinabi sa kanya. Ang nais ko sana ay ayusin muna ang problema
last updateLast Updated : 2024-07-24
Read more

Chapter 53

Audrey POVPara akong tinamaan ng kidlat sa narinig ko. Hindi si Drake ang ama ng ipinagbubuntis ko? Alam ko na malaki ang posibilidad na hindi siya ang ama dahil isang beses lang niya ako nagalaw ng walang proteksyon ngunit umasa ako na si Drake na lang sana. Kailangan ko si Drake at dahil hindi ko makuha ang puso nito ay umasa ako na ang anak ko ang magiging tulay upang hindi siya mawala sa buhay ko. Ang anak ko rin sana ang pwedeng maging daan upang muli kong makuha si Drake at kung hindi man ay patuloy pa rin niya akong suportahan. Sa isang modelling show ko unang nakita si Drake. Ang kompanya ng mga ito ang sponsor sa event kaya dumalo si Drake. Nangingibabaw ang angkin nyang kagwapuhan kahit pa may mga lalaking modelo na naroroon. Maging ang mga kasamahan kong mga modelo ay lantaran ang pagpapakita ng interest dito. Ano pa nga ba ang hahanapin mo bukod sa gwapo na ay ubod pa ng yaman. Ang problema nga lang ay sobrang nakakaintimidate ang dating nito dahil napakasuplado. Kilala
last updateLast Updated : 2024-07-24
Read more

Chapter 54

Drake POV Matapos kong pagmumurahin si Audrey sa telepono ay initsa ko ang aking cellphone sa kama sa sobrang galit. Tatapusin ko lang itong problema ko kay Mutya at babalikan ko siya. Sisiguraduhin kong pagsisisihan nya na nakilala niya ako. Ibabalik ko sa kanya lahat ng problemang idinulot niya sa akin. Doble pa sa ginawa niya sa amin ni Mutya. Muli kong binalikan ang pagbubuklat ng mga gamit ni Mutya ngunit wala akong makitang kahit anong palatandaan kung saan ko siya pwedeng hanapin. Bumalik ako sa dati niyang kwarto at isa-isang binuksan lahat ng drawer at closet sa loob. Maging ang mga drawer sa loob ng banyo ay pinagbubuksan ko rin ngunit wala talaga akong makita. Nilapitan ko ang maleta sa gilid ng kama at binuksan ko rin yun. Ngunit wala naman itong laman. Muli kong dinayal ang number ni Mutya at nagbabakasaling bukas na ito at sagutin ang tawag ko ngunit bigo pa rin ako. Pinanghihinaan na ako ng loob at nanlalambot akong napahiga sa sahig. Ilang sandali rin akong nakatinga
last updateLast Updated : 2024-07-24
Read more

Chapter 55

Andrew POV Even though I’m still studying medicine, I was trained at a young age to work in the hospital, as part of my preparation to eventually take over our family business in the medical field. Normal na para sa aking ang mga eksena sa emergency rooms but last night was a total nightmare, it was an absolute disaster. It was a different story, my brother was the one they rushed to the ER. Katatapos ko lang silipin ang isang branch ng hospital sa Lipa City na pagmamay-ari ng aming pamilya. Dumiretso na agad ako isa pang hospital sa San Juan upang bisitahin ang bagong Dialysis machine na binili ni dad. I parked my car near the emergency room. Kabababa ko pa lang ng sasakyan ay kita ko nang hindi magkaintindihan ang mga staff habang sinasalubong ang mga bagong dating na ambulansya. Since, normal na sa akin ang ganitong tagpo ay kalmado akong lumapit. Papasok na sana ako ng hospital nang matanaw ko ang pasyenteng nakaratay sa stretcher. Hindi ako pwedeng magkamali, that man lying
last updateLast Updated : 2024-07-24
Read more

Chapter 56

Andrew POV Nasa Japan ako ng mamatay si Lucas at nang maoperahan sa mata si kuya. Matagal nang naka schedule ang pagpunta ko sa Japan upang mag-aral ng 6 months. Bago ako umalis at kinausap ko na si Dr. Noriega about kay Mutya at Lucas. Inutos ko rin na itago ang CCTV noong mga araw na nakaconfine si Lucas at palabasin na sira iyon, ganun din at record nito sa hospital. Ayaw kong mag-iwan ng kahit anong bakas na pwedeng magturo sa kaniya kay kuya. Ako ang gumastos sa lahat ng nagastos nito sa hospital. Nag-iwan ako 25k pesos para kay Mutya bago ako umalis at ipinaabot ko yun kay Dr. Noriega nung nasa hospital pa si Mutya. Balak ko pang dagdagan ulit yun ng mas malaki para hindi na mamroblema si Mutya sa financial. Susuportahan ko ang pag-aaral niya hanggang sa maisayos na ang buhay nito ngunit hindi ko inaasahan na bigla na lang nawala si Mutya na parang bula bago ko pa man masimulan ang aking plano. Walang nakakaalam kung saan ito nagtungo. Mali ang address na inirehistro nito sa
last updateLast Updated : 2024-07-24
Read more

Chapter 57

Andrew POV Maayos na ang lagay ni kuya Drake at mahinahon na rin ito ngayon kahit wala na ang epekto ng pangpakalma. Nakinig naman ito sa akin ng sabihin kong kumain muna siya. Panay ang tanong nito kung may balita na raw ba sa asawa niya. Sinabi kong huli itong nakita sa mansion. Nabalitaan ko mula sa driver namin na dumaan si Mutya sa bahay at umalis din agad. Knowing my parents, parang anak na nila si Mutya, hindi nila ito pababayaan. Bumalik kami sa condo na tinutuluyan ko. Binuksan ko ang aking laptop sa harapan ni kuya at sinimulan kong i-play ang kopya ng CCTV. “Nabanggit mo daw kay Lucas kung saan ka nagttrabaho. Ipinagtapat sa akin ni Mutya na sinundan ka niya dito sa Maynila dahil hindi niya matanggap na wala na si Lucas. Dahil nasa sayo ang mga mata ng kuya nya kaya ginusto niyang mapalapit sayo. Pakiramdam daw niya ay kasama niya ang kaniyang kapatid kapag nakikita niya ang mga mata mo. Nang malaman ko yun hinanap ko agad ang kopya ng CCTV and the video I’m about to
last updateLast Updated : 2024-07-24
Read more

Chapter 58

Mutya POV Katatapos ko lang maligo dahil kanina pa nanlalagkit ang aking katawan dahil sa sobrang init sa biyahe lalo na pagdating ko dito sa bahay. Nasanay na ako na palaging naka-aircon sa condo. Samanatalang dito sa bahay namin ay wala man lang kuryente. Palibhasa ay matagal na akong hindi umuuwi kaya siguro pinutulan na kami ng linya ng kuryente. May poso sa likod ng bahay kaya dun ako kumuha ng tubig na ipinanligo ko. Maging sa tubig dito ay naninibago na rin ako. Bukod sa may konting lasa at napakalamig pa. Sa condo kasi ay heated ang tubig na ginagamit ko. Kailangan ko na ulit sanayin ang sarili ko sa ganitong buhay. Hinanap ko ang lampara at kandila para magamit ko mamayang gabi kapag dumilim na. Napansin kong malinis sa loob ng bahay. Napangiti ako, parang alam ko na kung sino ang naglilinis nitong bahay habang wala ako. Sigurado akong si Tintin yun, ang aking bestfriend. Biglang bumuksan ang pintuan and speaking of, mabilis na nakapasok si Tintin. “Mutya!” tumitiling sabi
last updateLast Updated : 2024-07-24
Read more

Chapter 59

Mutya POV “Sakto dating mo, sa makalawa ang fiesta sa bayan.” ani Tintin. Nakahiga na kami sa kama nito at matutulog. “Oo nga noh, ngayon ko lang din narealized. Last year kamamatay lang ni kuya kaya hindi ako nakapunta para manood ng basketball” malungkot kong saad. “Sayang nga, last year eh hindi na nga sumali ang barangay natin sa liga at kulang ba ga. Wala si kuya Lucas. Ayaw nilang sumaleh at kalungkot daw. Tapos ngay-on… ay mukhang hindi na rin sasaleh, at kulang ng tatlong players.” wika ni Tintin. “Bakit naman ayaw, sayang taon-taon kasali barangay natin. Favorite pa naman ni kuya yun sa lahat ng palaro.” wika ko. Taon taon ay may paliga ng basketball tuwing fiesta sa bayan para sa mga lalaking nasa edad na 18 years old pataas. Isang araw lang gaganapin ang liga. Friendly competition na parang naging tradisyon na ito sa bayan nila. Sa lahat ng palaro ay ang basketball na pa-liga ni Mayor ang pinakamasaya at dinarayo sa lahat. Laging sumasali si kuya Lucas dito, marami siy
last updateLast Updated : 2024-07-24
Read more

Chapter 60

Drake POV Bagsak ang aking balikat na lumabas ng mansion. Ngayon ay hindi ko na alam kung saan magsisimula. Tanging ang imbestigador ko na lang ang maasahan ko. Atleast ngayon alam na namin ang apelyido ni Lucas at Mutya kaya mas mabilis na namin silang mahahanap. Pasakay na ako ng sasakyan ng marinig kong tinatawag ako ni Andrew. Nilingon ko siya at nagmamadali itong lumapit sa akin. Nakangiti ito at iniabot sa akin ang isang papel. “Today is your lucky day.” anito. Kinuha ko ang papel at isang address sa Batangas ang nakasulat. Hindi pa man niya kinukumpirma ay parang nahuhulaan ko na kung kaninong address ito. Tumahip ang aking dibdib habang nakatitig ako sa papel. “She's back at her place in Batangas.” pagkukumpirma ni Andrew. Napapikit ako at abot langit ang aking sayang nararamdaman sa mga oras na to. Hindi ako nagdalawang isip na sumakay agad sa sasakyan. ‘Wait, I need a copy of her address, alangan namang ikaw lang pumunta dun.” wika ni Andrew bago pa man ako makasakay.
last updateLast Updated : 2024-07-24
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status