3rd Person POVNakaupo ang magkapatid na Drake at Andrew habang mga nakabungisngis ang mga tao sa paligid dahil sa kanilang dalawa. Inaayos ni Andrew ang kanyang nagusot na polo shirt dahil sa pagpupumiglas kanina sa mga taong humarang at pumigil sa kanya bago pa man siya nakapasok ng sasakyan. Si Drake naman ay napapailing na lang sa kinahinatnan nilang magkapatid. Nang tumakbo sila ni Andrew ay napigilan sila ng mga lalaking nakatambay malapit sa kanilang sasakyan. Si Drake ay hindi na naglaban ngunit si Andrew ay pilit na nagpumiglas ngunit sa bandang huli ay wala na rin itong nagawa kundi ang kumalma at sumunod sa mga lalaki upang bumalik sila sa terrace.Pinaupo nila ang magkapatid sa upuang yari sa kawayan.Nasa harapan nila ang lalaking may hawak ng balisong kanina na si kapitan habang umiiling iling ito.“Bakit ga ang mga areh eh nagtatakbo?” tanong ng babaeng katabi nito na si aling Nimfa.“Aba’y malay ko sa mga areh.., pagkatatanga eh.” wika ni Kap.Nagtawanan na naman an
Drake POV “Sigurado ka ga? Wala ng bawian yan ha.” paninigurado ni kapitan Carding sa aming dalawa ni Andrew. Nasa terrace na ulit ako ngayon. Bumalik ako rito upang magprisinta na ako na lang ang papalit sa umalis na player. Hindi naman tumutol si Andrew at agad itong pumayag dahil mahilig naman itong maglaro ng basketball. Pareho kaming varsity ng basketball noong high school. Hindi na nga lang namin ito naituloy sa kolehiyo dahil maaga kaming hinasa sa negosyo. Ganun pa man ay libangan na naming dalawa ang magbasketball kapag may bakanteng oras kami. “Baka ho kung ano pang mangyari sa asawa ko kahahanap, buntis pa naman yun.” katwiran ko. Isa pa ay ayaw kong magkaroon ng pagkakataon na mapalapit si Mutya sa dati nitong manliligaw. Hindi ko talaga nagustuhan ang narinig ko mula kay Dante. Kumulo ang dugo ko kanina ng marinig na patay na patay pala ang Marco na yun sa aking asawa at ang malala ay dati pala itong crush ni Mutya…, pero dati pa yun. Ako na ang mahal ni Mutya ngay
3rd Person POV “Sige at isuot nyo na iyan kung tutuloy kayo."wika ni kap sa magkapatid.Patuloy si Andrew sa pag inspeksyon sa loob ng plastic bag. “Bakit ho may diaper?"tanong ni Andrew.Hawak nito ang piraso ng damit na kasama sa isusuot nila. “Tanga bloomer yan. Pinaka panty nyo na yan.Para di sumilip ang betlog nyo.” ani kap. Napanganga ang dalawang magkapatid at natigilang napatingin kay kapitan. “Ano naduduwag na kayo? Ang lalaking tao nyo,mga wala pala kayong bayag.” “Kaya nga ayaw naming magsuot nito dahil may mga bayag kami.”pikon na pikon si Andrew sa mga oras na ito. Nagulat si Drake sa reaction ng kapatid.Ngayon lang niya ito nakitang napikon.Ito palagi ang alaskador but this time ay parang nawala ang pasensya ng kapatid. Eto lang pala ang kahinaan ni Andrew, ang masaling ang p@gkalalaki nito. Samantalang si Drake ay wala nang ibang pagpipilian pa kundi ang isuot ang damit na ibinigay sa kanila. Ang mahalaga sa ngayon ay hindi magalit si Mutya at the same time he will
Mutya POVKanina pa nagsimula ang laro ngunit hanggang ngayon ay parang hindi pa rin ako makapaniwala sa napapanood. Hindi matanggal tanggal ang kamay sa aking bibig. Wala naman silang ibang pupuntahan dito kundi ako kaya kung paano nila ako natunton ay isang kwestyon sa akin, ngunit ang makitang nakasuot pambabae ang mga ito lalo na si Drake ay mas malaking katanungan. Kahit galit ako dito at parang gusto kong matawa. Ako ang nahihiya para sa kanya.Hindi ganito ang Drake Rufino na kilala ng mga tao na initimidating, powerful, suplado at masungit na tinitingala ng marami. Kaya ganun na lang ang gulat ko sa ginagawa ngayon ni Drake lalo na at napakarami ng nanonood.Hindi magkamayaw sa pagsigaw at pagtawa ang mga taong nanonood ng laro. Parang gusto ko tuloy matunaw sa kinauupuan dahil ako ang nahihiya para sa magkapatid. Ang lalaking tao pa naman nila kaya mas kapansin pansin sila kumpara sa ibang mga naglalaro. Bago magsimula ang laro kanina ay mukhang alanganin pa ang magkapatid
Mutya POV Ako ang pinakahuling bumaba ng sasakyan. Nakita kong hinihintay akong bumaba ni Drake sa labasan ng jeep at akmang aalalayan nya ako dahil inabot nito ang kamay nya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. Bumaba akong mag-isa at nilagpasan siya. “Babe, kausapin mo naman ako!” may pagsusumamo ang boses nito. Nakasunod siya sa aking likuran. Nang marinig ko ang boses ni Drake ay mas nabwisit ako sa kanya. Bait baitan pa siya ngayon. Binilisan ko ang aking paglalakad. Nilagpasan ko na ang aking mga kasamahan. Gusto kong makapasok agad sa bahay dahil pakiramdam ko anuman oras ay masisigawan ko na si Drake. Ayaw ko namang mangyari yun dahil ayaw kong pag pyestahan kami ng mga makakarinig. Habang binibilisan ko ang aking paglalakad ay binibilisan din ni Drake ang paghabol nito sa akin. Inabutan niya ako sa labas ng terrace at hinawakan ako sa kamay. “Babe parang awa mo na, kausapin mo naman ako. Please!” anito at walang pakialam sa mga tao sa paligid. Hindi siya nahihiya
3rd Person POVUmagang umaga pa lang ay puno na ng hagalpakan ang kabahayan ni kapitan Carding. Pinagtatawanan ng mga ito ang nangyari kagabi. Nabisto kasi nila kung anong nangyari sa mag-asawa dahil lumabas si Mutya ng kwarto na galit na galit habang habol habol ito ni Drake.Pagdating nila ng salas ay pinaghahampas ni Mutya ng tinelas ang asawa na panay naman ang ilag para hindi tamaan habang pinamumumura siya ni Mutya at paulit ulit na tinawag na manyak.Nasaksihan yun ng mga nag-iinuman kagabi at mga tanod na naka toka kagabi sa barangay hall. Kaya ngayong umaga ay yun agad ang paksa ng usapan.Nakangising umiiling iling si Andrew habang nakikinig sa usapan ng mga ito habang nagkakape sa terrace at nanonood ng mga nagkokondisyon ng manok. Si Drake naman ay hindi nagsasalita at mukhang nasanay na rin sa pagiging palabiro ng mga taga baryo.“Ayan napala mo, kahit nga ako eh napaniwala mong lasing ka. Ano ka ngay-on? Outside de kulambo ka tuloy.” tumatawang sabi ni kap.Napakamot na
Mutya POV “Ayan ang listahan ha, magpasama ka na lang sa asawa mo.” Inabot ni kuya Carding ang listahan ng mga pamimilihin sa palengke. Kaaalis lang ni Tintin para pumasok sa school. Si ate Nimfa naman ay biglaang nagpa-anak kaya ako na lang naisipang utusan ni kuya Crading na mamili ng groceries. Si Andrew na lang ang uusapin kong magdrive para sa akin. Ayoko ngang sumakay sa kotse ni Drake. Kadiri yung loob noon. Baka simula ng umalis ako ay palaging sakay dun sa Audrey. Hinanap ko si Andrew. Sigurado naman akong nasa labas ito at nakikipag-usap sa mga nakatambay dun. Pagdating ko sa terrace ay naabutan kong masinsinang nag-uusap ang magkapatid. Mamaya na lang ako babalik kapag wala na ang asungot sa tabi nito. Tatalikod na sana ako ng marinig kong tawagin ni Andrew ang pangalan ko. “Mutya… May kailangan ka ba?” anito. Muli akong humarap sa kanya. “Pwede mo ba akong ipagdrive sa palengke?” tanong ko sa kanya. Nagkatinginan pa ang magkapatid. Naisip kong baka binilinan na ni ku
Mutya POVDali dali akong tumayo at lumabas ng kwarto. Nadatnan ko si Drake sa kusina nag-aasikaso ng lamesa. May mga pagkain dun. Babalik na sana ako sa kuwarto ng mapalingon ito sa direksyon ko at ngumiti.“Kain ka na babe. Bumili ako ng dinner natin.” alok nito sa akin.Hindi ako tanga para hindi maunawaan kung anong nangyayari. Kinidnap ako ni Drake sa tulong ni Andrew. Kaya pala kakaiba ang ikinikilos ni Andrew kanina paglabas nito ng hospital. Naaalala ko pa na habang may kausap naman ito sa telepono ay bigla na lang akong inantok, hindi na ako magtataka na may ginamit itong pampatulog sa akin. Marami siyang koneksyon sa hospital at madali lang sa kaniya ang makakuha ng pampatulog. Kung paano ay hindi ko alam. Oh… at si kuya Carding nga pala, siguradong kakutsaba rin nila ito, kunyari pang pinabibili niya ako sa palengke na never nitong ipinagawa sa akin. Bilib din naman ako sa magkapatid na mabilis nila itong nakasundo at napapayag na makipag kutsabahan kay Drake. Siguro ay pin
Mutya POV Matapos umalis kaninang umaga ay muli na namang bumisita ngayong hapon ang pamilya ni Drake. Nadatnan sila ng pamilya ni kuya Carding na bumiyahe pa mula sa Batangas. Finally ay nakilala ng pamilya ni Drake ang mga taong parang pamilya ko na. Magiliw na inistima ni mommy Agatha ang pamilya nina Tintin. Ang don Antonio na kilala kong nakaka-intimida ay ibang iba ang ipinakita sa kanila. Nakikipagbiruan pa ito kay kuya Carding. Nagulat ako na may side palang ganun ang aking byenan. Sa kanya nga siguro nakamana si Drake. Suplado pero kung kikilalanin mo ay napakababa ng loob. Mukhang napagsabihan na si Gigi na magbehave dahil napakatahimik nito at halatang pigil na pigil sa pagsasalita. Kabalikataran naman ni Tintin na kanina pa nakatingin kay Andrew. Nakalimutan na yata nito na ako ang binibisita niya. Kapansin pansin naman na hindi kinakausap ni kuya Carding ang aking bayaw. Iwas na iwas kasi ito kay Andrew. Lumapit si Tintin sa crib at sinilip si baby Luke. Sinipat sipat
Mutya POV Buong pagmamahal kong pinagmamasdan ang aking mag-ama. Kapapanganak ko lang kagabi. Buhat buhat ni Drake ang baby namin. Titig na titig ito sa mukha ni baby habang ipinaghehele. Bawat facial expression na gagawin ng anak namin ay mangingiti si Drake at amuse na amuse sa nakikita. Bawat details ay pinagmamasdan niya. Hindi pa rin bumabalik ang memorya nito. Simula ng ikwento ko sa kanya ang tungkol kay kuya Lucas ay ilang beses ko pa yung inulit ulit na ikwento hanggang sa makabisado na niya ang bawat detalye at siniguro kong nauunawan din niya kung gaano kahalaga na dumating siya sa buhay ko. Iniligtas ko nga siya sa sunog ngunit iniligtas naman nya ako sa matinding kalungkutan ng buhay. Hindi ko alam kung anong mangyayari pag balik ng kanyang memorya. Ang mahalaga, kahit ngayon lang ay maramdaman ni Drake kung gaano kaimportante na dumating siya sa buhay namin ni kuya. Nakikita ko rin ngayon kung gaano niya kamahal ang aming anak at malaking tulong din ito upang marealiz
Mutya POV Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa opisina ni Drake ay napansin ko na agad na wala ang painting ng mga mata ni kuya Lucas. Narito kasi ako ngayon upang dalhan siya ng pagkain na niluto ko para sabay na rin kaming mag lunch. Nasa meeting pa siya at ayon sa sekretarya nito ay malapit na raw yung matapos. Naglakad lakad ako upang hanapin yung painting ko dahil baka inilipat lang ni Drake yun ng pwesto. Napaigtad ako ng biglang may yumakap sa akin. “Kanina ka pa baby ko?” malambing na wika ni Drake. Kung dati ay babe, ngayon ay baby na nya ako kung tawagin. Humarap ako sa kanya at dinampian siya ng halik sa labi. As usual, nakakaalala man o hindi.., ay hindi sapat sa kanya ang dampi lang. Binigyan niya ako ng mahaba at mainit na halik. “Nasaan yun painting ko?” tanong ko agad sa kanya pagkatapos nya akong halikan. Naglumikot ang mga mata ni Drake na parang nahuling may ginawang kasalanan. Kumalas ito sa akin at umupo sa kanyang swivel chair. Tinapunan ko lang siya ng
Drake POV Nagpapasalamat ako at reliable ang aking sekretarya. Hindi naging mahirap para sa akin na ipagpatuloy ang pagtatrabaho dahil naipaliwanag nya sa akin ng malinaw ang lahat ng mga kailangan kong malaman. “Sir, 6:30 na po, hindi pa ba kayo uuwi?” tanong ng sekretarya ko. Bahagya akong natawa rito. “Ano ako, senior citizen maagang matulog? Mauna ka na, pag-aaralan ko lang ito. ” I said sarcastically. “Baka hintayin kayo ng asawa nyo, usually 5pm umaalis na kayo, minsan mas maaga pa, sinusundo nyo siya sa school.” Parang bigla akong nabalisa dahil sa sinabi nito. Tumayo ako at inayos ang aking gamit at humakbang papalabas ng kwarto. Agad akong nagdrive papalayo ng building. While driving I begin to wonder what in the world am I doing right now? Is it because of my wife? Nah, that’s not me. That’s the lame Drake who’s obsessed with his wife. Pinihit ko ang manibela at iniba ang ruta ng aking pupuntahan. Later, I found myself at Darren’s bar. “What are you doing here?
3rd Person POVMainit nilang pinagsaluhan ang magdamag. Para kay Mutya habang tumatagal ang kanilang pagniniig ay nararamdaman niya ang pagbabalik ng kanyang asawa. Hindi man siya naaalala nito ay wala pa rin itong ipinagkaiba sa paraan kung paano siya nito angkinin.For Drake, having sěx with young wife, whom he barely knew, was a completely different experience but his body reacts to her like it recognizes her in bed. It went on all night and it was way better than anyone else he’d been with. He’s totally surprised that he can’t get enough of her.Kung ibang babae lang ito ay nagbibihis na siya sa mga oras nato and ready to leave the place pero ngayon ay siya pa itong nakayakap sa nakatalikod na hub0t hubad nitong katawan at ngayon ay himbing na himbing sa pagtulog dahil sa pagod…, dahil ilang ulit niya itong inangkin buong magdamag.“So, ito ba ang pinagdaraan ko bago ako nagka-amnesia?” tanong niya sa sarili dahil narealized niya na simula pa sa hospital hanggang ngayon, his wife h
Drake POVDali daling pinulot ni Mutya ang mga prutas at isa-isang inilagay sa loob ng basket. Lumapit si Darren upang tulungan sana ito.“You should probably head out, Darren. It's getting late.” saad ko.“Kadarating ko lang, pinapaalis mo na ako? Alas dos pa lang ng hapon.” wika ni Darren at nagpoprotestang tumingin sa akin. Sinalubong ko siya ng nagbabantang tingin. In the end, napailing na lang si Darren at makahulugang napangiti.“May amnesia ka na nga’t lahat, seloso ka pa rin.” nakangising winika nitoNapakunot ang aking noo nang maalala na ganitong ganito rin ang sinabi Andrew sa akin kanina. Palihim kong pinalapit si Darren. Humakbang nga ito papalapit ngunit ang mga mata naman ay nakamasid pa rin kay Mutya na abala pa rin sa paglimot ng mga prutas.“Gusto mong dukutin ko yang mga mata mo!” mariin kong sabi sa kaibigan ko. Napatawa lang ito at umiling iling na lumapit sa akin.“ I need a serious answer from you. Seloso ba talaga ako?” pabulong na tanong ko kay Darren. Bahagya
3rd Person POVSinabi kanina ng doktor kay Drake na may temporary amnesia ito at ang naaalala nya ay ang naganap 2 years ago pa. Kunot ang noo si Drake na nakatingin sa babaeng sinasabi nilang asawa daw niya. Sa isip isip niya ay paano mangyayari yun hindi naman siya ang tipo ng lalaking nakikipag date kahit kanino, asawa pa kaya? He's like the king of one night stands and never goes on second dates. “Seriously, is this some kind of prank? 'Cause it's not funny at all.” irritable tanong ni Drake.Nalilito si Mutya sa kung anong nagyayari sa mga oras na yun. Maging si Andrew ay nagulat din sa nadatnan ngunit madali niyang naintindihan ang nangyayari. “Ano pong nangyayari sa asawa ko?” maluha luhang tanong ni Mutya.Nilingon ni Andrew si Mutya at bumulong.“Doon muna tayo sa labas.” anito kay Mutya at tumingin sa kanyang mga magulang upang ipagpaalam na ilalabas niya muna sa pag-aalalang baka mabigla ito. Inalalayan niya si Mutya para lumabas.“Wait, if she’s my wife, why the hell a
Mutya POVNadatnan ko sina mommy Agatha at don Antonio sa silid kung saan naka confine si Drake. Ni hindi ko na nagawang batiin ang mga ito dahil nagtatakbo na ako sa tabi ni Drake. Tulog na tulog ito. Muli na namang nagpatakan ang aking mga luha ng makita ko siya. Awang awa ako sa kinahinatnan ng aking asawa. Hinalikan ko siya sa labi. Hinagod ng mga daliri ko ang kaniyang buhok at sinuklay suklay yun.Lumapit si Andrew sa akin at inabutan ako ng mauupuan. Umupo ako at agad kong hinawakan ang kamay ni Drake at hinalikan yun. Isinubsob ko ang aking ulo sa higaan nito. Walang tigil ang pagbuhos ng aking mga luha habang nakasubsob ang aking mukha sa higaan.“Andito nako babe, gumising ka na please… Kakainin pa natin yung inihanda mo.” usal ko habang nakapikit ang aking mga mata at walang tigil ang pagdaloy ng aking mga luha.Tahimik lang ang mga magulang ni Drake at hinayaan lang nila ako na ilabas lahat ng bigat sa loob na nararamdaman ko. Nakamasid at nakabantay lang ang mga ito sa am
Mutya POVPara akong nabingi sa narinig at biglang nanginig ang mga tuhod ko. Ni hindi ko na nga naintindihan ang iba pang sinabi ni Andrew. May mga medical term pa itong sinabi na hindi na rumehistro sa utak ko dahil nang sabihin nitong unconscious ngayon si Drake sa hospital ay parang namanhid na ang buong katawan ko.“Noon una akala ng sekretarya nya, malalim lang itong nag-iisip dahil tulala daw ito. He didn’t respond the entire time she was talking to him and she find it strange. He was awake but not responding at all, ilang minuto daw na ganun then bigla na lang siya nag collapse mabuti na lang at naka-upo siya at napasubsob lang siya sa table at hindi bumagsak sa sahig. They sent him to hospital immediately after that. Right now, he is still in an unconscious state.”Tumahimik sandali si Andrew upang siguraduhing okay lang ako. Nakita kasi niyang nanginginig ako.“Okay lang siya diba?” tanong ko na umaasa na sasabihin ni Andrew na okay lang ang asawa ko. Una unahang nagpagpat