All Chapters of LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND: Chapter 391 - Chapter 400

428 Chapters

CHAPTER 391

"Ang laki ng rancho nila, Kuya," wika ni John habang nililibot ang paningin sa paligid. "Dito ba natutong mangabayo si Beverly?""Yes... Ako ang nagturo sa kanya kung paano mangabayo," pagbibida niya."Kaya pala natatalo niya ako sa karera. Magaling na pala talaga siyang mangabayo," napangiti na din sya sa komento ni John.Pag-park niya ng kotse ay nakita niyang nakaabang na sina Jonie, Tita Beth, at Tito Gregore sa labas ng bahay. Wala roon ang dalawa niyang kaibigan, sina Ken at Clark. Hindi niya alam kung nasaan ang mga ito dahil hindi pa rin sumasagot sa mga text at tawag niya.Bumaba sila ni John sa kotse. Agad niyang nginitian ni Jonie, ngunit blangko lang ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.Damn! sigaw ng isip niya. Ang hirap naman nito."Hi, Jonie, Tita Beth, Tito Gregore," bati niya sa tatlo. Humalik siya sa pisngi ni Tita Beth at Jonie, ngunit hindi pa rin siya pinapansin ng mga ito."What are you doing here, James? Hindi mo ba alam na hindi ka na welcome dito?" maldi
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more

CHAPTER 392

********** BEBE's POV: Tumutulo ang luha niya habang nakatingin sa bintana ng kanyang kwarto. Narinig niyang may malalakas na boses na parang nagbabangayan sa labas kaya napatingin siya. Nagulat siya nang makitang si James ang naroon at ang kapatid nitong si John. Hindi niya alam pero biglang sumaya ang puso niya nang makita ulit ang binata.Ano ang ginagawa ni James at John dito? Pumunta ba sila para sa akin? tanong niya sa sarili.Gusto niyang bumaba at salubungin ang mga ito pero pinigilan niya ang sarili. Mukhang galit ang pinsan at ang tiyahin niya habang nakikipag-usap kina James kaya tinuon niya nang maigi ang atensyon sa pinag-uusapan ng mga ito.“Jonie, please, please believe me. Mahal ko ang pinsan mo. Hindi ko na siya sasaktan... promise!”Narinig niyang wika ni James sa harap ng pinsang si Jonie at kay Tita Beth at Tito Gregore. Ang sarap pakinggan pero alam niyang hindi mangyayari iyon dahil may asawa na ito.Oo... unti-unti na niyang naalala ang mga nangyari sa kanya s
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

CHAPTER 393

JAMES'POV: Ilang buwan din ang tinagal nila sa Pilipinas, pero hindi talaga sila nagkita ni Bebe. Baka nga wala na ito sa Pilipinas dahil lahat na lang ng posibleng lugar na maaaring puntahan nito ay napuntahan na niya, pero hindi niya talaga nakita.Nagmamatigas si Jonie... hindi talaga sinabi kung nasaan si Bebe. Maging ang mga kaibigan niyang sina Ken at Clark ay walang naitulong sa kanya. Ayaw siyang kampihan, wala siyang makuhang sagot sa mga ito.Kumuha din siya ng private investigator para ipahanap si Bebe pero wala talaga. Pakiramdam niya ay hinaharang ito ni Jonie para wala siyang makuhang lead sa kinaroroonan ni Bebe. Kaya napagdesisyunan nilang bumalik na lang sila sa Scotland ni John dahil lumalala na ang kalagayan ng mommy nila.Kaya eto siya... mahigit isang taon nang pariwara ang buhay niya. Wala na siyang kwenta. Maging ang mga negosyo nila ay inasa na niya kay John. Ayaw na niyang mabuhay.“Kuya! Tama na nga yang pag-iinom mo. Lagi ka na lang lasing, hindi na makakab
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

CHAPTER 394

“Wow, Kuya, ang pogi mo ah!” wika ni John pagdating niya galing barber shop.Napangiti siya dahil nanibago ang mga ito sa kanya. Bagong gupit at ahit kasi siya. Nasa hapag kainan ang mga magulang nila kasama si John. Mas malakas na rin nang kaunti ang ina niya at ipinagpapasalamat niya iyon.“James, anak. I’m glad na nagpagupit at nag-ahit ka na din sa wakas. You’re back to your old self.” sabi ng ama niya.“Napaisip-isip ko, Dad na baka lalo akong hindi pansinin ni Bebe sakaling magkita kami doon.” puno ng pag-asang sagot niya.Nang malaman niyang tinawagan siya ni Clark para maging ninong sa anak nina Ken at Jonie ay nabuhayan siya ng loob. Mabuti na lang at hindi naman masyadong malalim ang sugat niya sa pulso noong naglaslas siya. Hindi niya rin alam kung bakit niya iyon nagawa.... marahil ay sa sobrang kalasingan at desperasyon. Pero ngayon ay may kaunting pag-asa siyang nakikita... at doon siya kakapit.“Kailan ang alis mo, Kuya? Pwede ba akong sumama?” tanong ni John.“Wag na
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

CHAPTER 395

Kinabukasan ay maaga siyang bumiyahe papunta ng Pampanga. Samu’t saring emosyon ang pumapasok sa utak niya.Paano kung hindi siya ulit papasukin ng mga Miller? Paano kung andoon si Bebe? Ano ang magiging reaksyon nito kapag makita siya? Paano kung wala naman doon si Bebe kaya siguradong malulungkot siya...Ang daming pumapasok sa utak niya... litong-lito na siya.Pagdating niya sa gate ng rancho ay tumigil muna siya.“Sir James, andito pala ulit kayo...”“Mang Karding...” bati niya. Tumigil siya doon at naghintay kahit pa nakabukas naman ang gate. Nahihiya kasi siya sa guard dahil ang huling punta niya doon ay hindi siya pinapasok.“Pasok na po kayo, Sir,” sabi nito.“H-Hindi mo ba muna sila tatawagan sa loob?” nagtatakang tanong niya.“Hindi na po, Sir. Bilin na ni Sir Ken na padating ka.”“Ahm, ganun ba... Sino-sino po ang nasa loob na, Kuya?” nahihiyang tanong niya sa sekyu.“Andoon na po si Sir Clark kasama si Ma’am Fe na dumating. Ang mga staff ni Sir Ken na sina Alex at Calvin,
last updateLast Updated : 2024-12-19
Read more

CHAPTER 396

Pagkatapos ng binyag ay nagpaalam na siya sa mag-asawa.“Oh, bakit aalis ka na? Ang aga pa ah...”“Ahm, may pupuntahan pa kasi ako... Hindi naman ako magtatagal dito sa Pilipinas kaya aasikasuhin ko muna ang mga negosyo habang andito ako,” pagsisinungaling niya.“Ano ba naman 'yan, bro! Minsan na nga lang tayong magkita, tapos nagmamadali ka pa? Pwede bang ipagpabukas mo na 'yan?” wika ni Ken.Wala naman siyang magawa kundi pumayag sa gusto ng mga ito. Pinagbigyan pa niya ng kaunting panahon ang mga kaibigan hanggang sa umuwi na siya. Hindi na siya pinigilan ng mga ito dahil lasing na rin ang lahat. Alalay lang siya sa pag-inom dahil wala siyang planong matulog doon sa rancho. Mas gusto niyang mapag-isa at matulog sa bahay niya sa Baguio.May halos tatlong oras siyang bubunuin sa biyahe pauwi ng Baguio pero parang wala lang sa kanya iyon. Mas gusto niya ang long drive para makapag-isip-isip siya. Medyo inaatok na rin siya dahil sa nainom niya pero kaya pa naman niya. Pinandar niya ang
last updateLast Updated : 2024-12-19
Read more

CHAPTER 397

Lihim niyang pinagmamasdan si Bebe. Halatang galing pa ito ng airport dahil hindi pa ito nakabihis. Ang mga maleta nito ay nakakalat din sa sahig."Ahm... Kumain ka na ba? Ipaghahanda kita," natatarantang tanong niya.Sa sobrang pagka-excite niya na makita si Bebe ay hindi man lang niya ito natanong kung nakakain na. Mag-aalas tres na iyon ng umaga at mukhang pagod din si Bebe mula sa biyahe."H-hindi pa... May pagkain ba diyan?""Ahm, oo naman. Gusto mo gawan kita ng sandwich? Pasensya ka na ha, di pa kasi ako nakapag-grocery. Kakarating ko lang din dito galing Scotland... dito din ako dumiretso." paliwanang nya."K-kung alam ko lang na dadating ka din dito, sana nag-grocery ako ng lahat ng paborito mo," nahihiyang wika niya. Nakatingin lang si Bebe sa kanya at bigla ding namula pero hindi ito nagsalita. "Ahm, eh teka ha... Gagawa ako ng sandwich. Gusto mo ba ng kape o hot choco?""K-kape na lang.""Ahh... Sige, wait ka lang diyan. Magpahinga ka muna. Dalhin ko na lang ang sandwich
last updateLast Updated : 2024-12-20
Read more

CHAPTER 398

"Sweetheart, please wag ka nang umiyak. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak. I know madami na akong kasalanan sa'yo, pero sana mapatawad mo pa ako at bigyan ng isa pang pagkakataon... Pangako ko sa'yo, hindi na kita sasaktan... It's still you that I love, Bebe."Tiningnan siya ni Bebe nang masama habang puno ng luha ang mga mata nito. Wala itong sabi-sabing umalis sa harap niya at agad na pumasok sa kwarto. Naiwan siya roong nakatulala.Nang makahuma ay sinundan niya ito sa kwarto, pero naka-lock na iyon."Bebe, please listen to me! Pinagsisihan ko na ang lahat ng ginawa ko sa'yo. You know that I love you so much, right? Ikaw lang ang babae sa buhay ko... Please, listen to me, sweetheart!" pagsusumamo niya."Leave me alone, James! We're done! Kalimutan mo na ako dahil kinalimutan na kita. Hindi ko na naaalala ang nakaraan natin. Naalala lang kita bilang James na kaibigan ni kuya Ken. Kaya kung ano man ang hinihingi mo ng tawad, wag kang mag-alala dahil hindi ko na yun naaalal
last updateLast Updated : 2024-12-20
Read more

CHAPTER 399

Kinabukasan ay nagising siya na maga pa ang mga mata mula sa pag-iyak. Naglalaro sa isipan niya ang magiging usapan nila ni James. Alam niyang kailangan niyang gawin ito ngunit hindi niya maiwasang kabahan. Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto. Ang akala niya ay nauna siyang magising dahil alas-singko pa lang ata iyon ng umaga at madilim pa ang paligid dahil sa fog. Pero nagulat siya nang makitang nasa kusina na si James at may niluluto na. Naka-shorts lang ito at walang pang-itaas na damit. Marahil ay hindi nito alam na andoon na siya dahil hindi siya nito napansin. Pasimple niya itong pinagmamasdan habang abala sa ginagawa. God, I missed him so much! Kung hindi lang nakigulo si Amber sa relasyon nila ay sila pa sana hanggang ngayon. Pero siguro sadyang hindi sila para sa isa’t isa. Ginawa naman nila ang lahat pero sadyang hindi talaga sila ang nakatadhana. Habang tinitimpla ito ang kape ay tila naramdaman nito ang presensya niya. Nilingon siya nito sa likod. “B-bebe, gising ka
last updateLast Updated : 2024-12-21
Read more

CHAPTER 400

Agad na tumayo si James at lumapit sa kanya at hinawakan siya nito sa kamay. "Bebe, please listen to me... oo, inaamin ko na nagkamali ako at ang pamilya ko sa'yo. Nasaktan ka namin noon pero hindi na natin maibabalik ang panahon... ang pwede ko na lang gawin ngayon ay itama ang pagkakamali at ipakita sa'yo na nagsisisi na ako sa mga nagawa kong kasalanan," nagsusumamong wika nito. "Kung nagdusa ka ay nagdusa din ako! Kung nasaktan kita, mas lalong nasaktan ako dahil inuusig ako ng konsensya ko," dagdag pa ni James. "Please believe me, Bebe... I love you simula noon hanggang ngayon... ikaw lang ang tanging minahal ko." Hindi na niya mapigilan na umiyak. Hindi niya inaakala na sa muli nilang pag-uusap ay ito ang maririnig niya. Hindi ito ang inasahan niyang sagot... hindi niya ito napaghandaan. "Sweetie, don’t cry, please... nasasaktan ako kapag nakikita kang umiiyak. God knows kung saan-saan kita hinanap." "James, please... ayaw ko na muling magulo ang buhay ko... hayaan mo na l
last updateLast Updated : 2024-12-22
Read more
PREV
1
...
383940414243
DMCA.com Protection Status