[Yuri]Nagising siya ng hindi maramdaman si Red sa tabi niya. “Manang, si Red nasaan ho?” Pupungas-pungas pa na tanong niya.“Naku, ma’am, hindi ba nagpaalam sa inyo? Umalis siya nang makatanggap ng tawag sa telepono.” Sagot ng matanda.“Sige salamat ho.” Tiningnan niya ang wall clock. Alas dyis na pala nang umaga. Nakakainis naman! Hindi siya nagising para lutuan ito ng almusal bago umalis!“Manang, sa susunod pwede ba na pakigising ako ng alas sais? Para makapagluto ako ng almusal at masabayan sa pagkain si Red.” “Ma’am, gigisingin dapat kita ng alas sais dahil alam ko naman na gusto mong malutuan at makasabay si Sir sa pagkain. Pero ang sabi ni Sir ay masyado pang maaga para gisingin ka. Hayaan daw muna na matulog ka. Babalik naman daw siya ng maaga ngayong araw.”Kumunot ang noo niya. “Masyadong maaga? Bakit, anong oras ba siya umalis?” “Six thirty ho, ma’am.” Six thirty?! Napakaaga naman yata! Dalawang linggo na siyang narito. At sa loob ng dalawang linggo na ‘yon ay alas ot
Huling Na-update : 2024-04-15 Magbasa pa