Buhay si Virvin 👻
[Yuri]“Sigurado ka ba na dadalo ka kahit hindi ka nila inimbita?” Tanong ni Red. May pag aalala sa mukha nito ngayon habang hawak ang kamay niya. Narito sila ngayon sa loob ng kotse. Nasa tapat na sila ng hotel kung saan gaganapin ang party ni Vera. Gusto sana niyang isama si Red pero alam niya mas lalo lang sasama ang loob ng mga kaibigan niya.May susunod pa naman.Ang kailangan niyang gawin ngayon ay pabanguhin ang pangalan ng nobyo niya sa mga ito. At subukan na ipaliwanag ulit ang totoo.“Don’t worry, Red. Kaibigan ko sila. May tampo man sila o galit sa akin ngayon ay hindi nila ako kayang tiisin.” Gano’n naman ang magkakaibigan. Nagkakatampuhan, at nagkakasamaan ng loob paminsan-minsan. Pasasaan ba at maiintindihan din siya ng mga ito.Pumikit siya at gumanti ng halik sa nobyo ng siilin nito ng halik ang labi niya.“Tsk. You’re too beautiful to attend the party. Look at your lips,” dumila si Red sa sariling labi na parang natatakam at nakukulangan pa sa halikan nila. “Masyadon
[Yuri]Dahil hindi maalis sa isip niya ang sinabi ni Wilson ay hindi niya napansin na bumangga siya sa isang babae.Kumunot ang noo niya habang pinapasadahan nang tingin ang kabuohan nito.Bakit parang pamilyar ito sa kanya? Teka, saan nga ba niya ito nakita? “Naku, pasensya na.” Hingi niya nang paumanhin ng muli na naman siyang mabangga.Napangiwi siya. Kung saan-saan kasi siya nakatingin.Inalis niya ang mga gumugulo sa isip niya. Mabuti pa ay hanapin na lang niya sina Nikka at Vera. Nang makita niya sina Vera at Nikka ay agad niya itong nilapitan. Halatang hindi ito nagulat ng makita siya. Mukhang inaasahan talaga ng dalawa na darating siya.“Happy birthday, Vera.” Nakangiting inabot niya ang isang mamahaling wine na nakabalot rito. Alam naman kasi niya kung gaano ito kahilig sa alak. At alam din niya na isa ito sa gusto nitong matanggap na regalo. Matagal silang magkaibigan kaya kilalang-kilala niya ang babaeng ito.“T-thank you.” Pa-ismid na sabi nito sabay talikod. Pero hindi na
[Yuri]Kanina pa siya nakatitig na hikaw na hawak. Kanino kaya ito? Paano ito napunta sa kotse ni Red? Ibig bang sabihin ay mayro’ng babae na kasama si Red kagabi bago siya nito puntahan sa hospital?Pero sino?Mahina niyang kinutusan ang sarili. “Wag ka ngang mag isip nang kung ano-ano, Yuri. Mahal ka ni Red kaya magtiwala ka sa kanya.” Aniya sa sarili.Agad na tinago niya ang hikaw nang pumasok si Red. Mas mabuti siguro kung itanong niya na lang sa binata ang gumugulo sa utak niya. Wala siyang malalaman kung puro siya duda.“Re—““Wait, sweeety.” Agad na kinuha nito ang cellphone at saka siya iniwan para sagutin ito.Natigilan siya. Ngayon lang sumagot si Red ng tawag na kinailangan pang lumayo sa kanya. Mukhang hindi nito gusto na marinig niya ang pakikipag usap nito sa tumawag.Tumayo siya mula sa kama. Mali siguro itong gagawin niya pero hindi niya mapigilan ang pagbangon ng kuryusidad. Sinundan niya si Red hanggang sa office nito. “Ay yawa!” Napahawak siya sa dibdib ng pagtulak
[Yuri] Pinuntahan niya si Red sa office nito subalit wala ito. Nang tumawag siya sa Villa ay sinabi rin ni manang na wala ito doon. Naluluhang binaba niya ang cellphone. “Manong, hindi mo na ako kailangan ihatid.” “Pero, Ma’am, ang bilin ni Sir ay—“ Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng matanda at lumabas na nang kotse. Agad na tinawagan niya si Jessie. “Yuri—“ “Magkita tayo, Jessie.” Putol niya rito. “Huwag mong sasabihin sa akin na wala ka dito sa Maynila, Jessie. A-alam kong narito ka.” Agad na binaba niya ang tawag matapos sabihin rito kung saan sila magkikita. Pagdating sa coffe shop ay inayos niya ang sarili. Hindi niya gustong makita ng kaibigan na galing siya sa pag iyak. Napahawak siya sa dibdib ng may bigla na lang umupo sa katapat niyang upuan. Ito ang babae na balot na balot ang buong katawan. Ito ang madalas niyang makita saan man siya magpunta. Muntik nang malaglag ang panga niya nang magsalita ito. “Riri…” “J-jessie?” Hindi makapaniwalang bulalas niya ng a
“Kumilos na siya. Ano tara na?” Tanong ni Nickolas bago humithit nang sigarilyo at bumuga ng usok nito. “Putangina. Nasaan na ba si Zandro?” Mainit ang ulong tanong ni Red nang mapansin na wala ang gag0ng kaibigan. “Nagpapaputok pa yata.” Tumatawang biro ni Miguel. “Ngising-ngisi ah. Mukhang hindi ka na tigang after 12 years.” Pang aasar ni Nickolas. Mabilis na umiwas si Nickolas nang paputukan ito ng bala ni Miguel. “Fvck you, fvcker! Tsk. Nagsalita ang tinigang ng ex-wife — shit!” Mura ni Miguel ng gantihan ito ng putok ni Nickolas. “Putangina!” Magkakasabay na mura nilang magkakaibigan ng may magpaulan ng bala sa mga ito. Si Jessie, namamaga ang mata nito habang nakatingin ng masama kay Red. Tila wala ito sa sarili ngayon habang may hawak na baril— Baril na galing pa kay Red. “Red! A…ano pa ang hinihintay natin dito? Iligtas na natin si Yuri! M-mamamatay na ako sa pag aalala sa kanya!” Halos maghalo ang luha at sipon ng dalaga sa kaiiyak. “Kahit saan nila dalhin si Yuri a
[Yuri]H-hindi! Sigurado na namamalikmata lang siya! Wala na si Virvin. Patay na ito at kitang-kita iyon ng dalawa niyang mata! Tiyak na kung ano-ano lang ang nakikita niya dahil sa masama nang sobra ang loob niya at nasa panganib siya ngayon.“Babe!” Nanlaki pa lalo ang mata niya nang sa mismong harapan niya ay hinalikan ni Nikka si Virvin sa labi. A-ano ang ibig sabihin nito? Babe? Ibig bang sabihin ay hindi multo si Virvin ngayon na nasa harapan niya? At may relasyon ang dalawa?No! Tiyak na kasama ito sa guni-guni niya! Hindi totoo ang nakikita niya— Nakulong ang daíng niya sa loob ng bibig ng makatikim ng sampal mula kay Nikka. Sa sobrang lakas nito pakiramdam niya ay matatanggal ang ulo niya sa kanyang katawan.Nanlilisik na tumingin ito kay Virvin. “Tama na? Bakit, ayaw mo siyang makitang nasasaktan?” Sa sobrang talim ng tingin nito ay parang humihiwa iyon sa dibdib niya. Bakas ang pagkasuklam sa boses nito…At para iyon sa kanya. ‘Ano ba ang nagawa ko sa’yo, Nikka?’ Gusto n
[Yuri] “Tama ka ng narinig, Yuri. Ang kuya mo ang may kasalanan kung bakit ka nasa ganitong sitwasyon. Malaki ang atraso niya sa amin. Sa oras na magpakita siya ay hindi namin siya bubuhayin.” Galit na galit na wika ni Virvin. Ang kapatid nga niya ang kailangan nito at hindi si Red! Pinaghirapan? Ano ang ibig nitong sabihin na itinakas ng kuya niya ang perang pinaghirapan ng grupo nito— Natigilan siya. Naalala niya ang kinuwento ng kuya niya, ang pagnanakaw ng mga ito kasama ang isang grupo ng mga magnanakaw sa mga Gabrielle. K-kung gano’n ay isa si Virvin sa mga taong kasama ng kuya niya sa pagnanakaw? Parang sasabog ang utak niya sa mga rebelasyon na nalaman niya. Sobrang bigat ng dibdib niya. Binalingan ni Virvin ang lalaki na kadarating lang. “Dalhin na ang babaeng ‘yan, aalis na tayo.” Nakangising bumaling si Nikka sa kanya. “Sige lang, Yuri. Umiyak ka lang habang buhay ka pa… sa oras na magpakita ang kapatid mo ay ibabaon namin kayong magkapatid sa ilalim ng lupa. Di’ba
[Yuri]Nahintatakutan si Nikka na nagsalita. “B-babe, sa likuran na lang tayo dumaan. Sigurado na hindi pa sila nakakarating doon. Mas ligtas kung do’n tayo dadaan—“ Natigil ito sa pagsasalita ng makarinig sila ng malakas na sigaw.“Walang hiya ka!!! Papatayin kita!!!” Umalingawngaw ang malakas na boses ni Jessie sa paligid. Narito si Jessie! Hindi niya mapigilan ang maluha. Narito rin ba si Jessie para iligtas siya? Mas lalo tuloy bumigat ang dibdib niya sa naisip. Sa kabila ng ginawa niya ay nagawa pa rin nitong sumuong sa panganib. Sa kabila ng pagdududa niya at pananakit sa damdamin nito ay dumating pa rin ito.“Ahhh! Bitiwan mo akong babae ka!” Tili ni Nikka ng mahila ni Jessie ang buhok nito. “B-babe, tulungan mo ako!!!” Hingi nito ng tulong kay Virvin. Subalit hindi ito pinakinggan ng binata, umatras ito ng dahan-dahan nang hindi inaalis ang baril na nakatutok sa sintido niya. Takot na takot ito na malingat at mamatay sa isang kisapmata lang.“V-Virvin, wag mo akong iwan, ahhh
“You may kiss the bride!” Lahat ay pumalakpak matapos halikan ni Alaric ang asawa nitong si Pamela. Maliban kay Red na wala ang atensyon sa kinakasal, dahil ang mata nang binata ay nakatuon sa babaeng nakaagaw nang kanyang atensyon. Agad pansin ang morenang balat nang dalaga. Matangos ang maliit na ilong, bilugan ang mata na bumagay sa maliit nitong mukha. Walang pilat ang makinis nitong balat. Bawat galaw nang mapula at makipot nitong labi ay siya namang alon nang kanyang lalamunan. Is she good when it comes to kissing? Pinilig ni Red ang ulo. Bigla ang paggagalawan nang kanyang panga. Maisip pa lang nang binata na mayro’n nang nakauna sa kanya na maangkin ang labi nito ay tila nag iinit ang dugo niya. Sa reception. Napahawak ang binatang doktor sa labi nang makita kung paano kumibot ang mapulang labi nang dalaga habang kausap ang asawa nang groom. Namumula ang mata nang dalaga sa sobrang tuwa para kaibigan nito. “Masaya ako para sa’yo, Pamela.” Bati nang dalaga sa kaibigan.
[Yuri]Malakas na singhap ang kumawala sa labi niya nang magising siya. Agad na nilibot niya nang tingin ang paligid. Mukhang nasa hospital siya.Tumingin siya sa mainit na bagay na pumisil sa kamay niya. Si Red, nakatingin sa kanya habang hawak ang kamay niya. “R-Red…” Agad na nag unahan sa pagpatak ang luha niya. Hindi na niya napigilan ang pagbuhos ng emosyon sa kanyang dibdib.Sana panaginip lang ang lahat— Pero alam niyang totoo ang lahat nang nangyari. Wala na ang kaibigan niya, wala na si Nikka.“A-ang sakit, Red!” Sa tuwing maaalala niya ang pagbaril nito sa ulo ay nahihirapan siyang huminga sa sakit. Parang dinudurog ang dibdib niya.Akala niya handa na siyang mawala ito, o kalimutan ito bilang kaibigan niya, pero hindi pa rin pala. Sa kabila nang ginawa nito ay mayro’n pa rin itong puwang sa puso niya. Mahirap burahin ang pagkakaibigan nila dahil sa tagal nang pinagsamahan nilang dalawa.Hinayaan siya ni Red na umiyak sa bisig nito. Alam nito kung gaano siya nasasaktan ngay
[Yuri]Dumating si Red!Walang pagsidlan ang kaligayan sa puso niya dahil dumating ito para iligtas siya. Kahit delikado, dumating pa rin ito.Lumamlam ang mata ni Red nang magkasalubong sila ng tingin. Pero ang lamlam sa mga mata nito ay agaran na nawala nang makita ng binata ang dugo na umaagos sa leeg niya.Marahas na napalunok sina Virvin at Nikka nang makita kung paano dumilim ng sobra ang ekspresyon ni Red. Maging siya ay napalunok. Sumigid sa kanilang kalamnam ang nakakatakot na awra nito. Nakakatakot!Wala pa itong ginagawa subalit dama na nila ang bagsik nito.Ang tapang sa mukha ng dalawa kanina lang ay nawala. Ang kamay ni Virvin ay mas lalong nanginig dahilan para mas lalong dumiin ang patalim nito sa kanyang leeg.Dumating si Miguel, malaki ang ngisi nito. Samantalang si Tres at Jack ay hindi maipinta ang mukha. Nakasuot ng masikip na bestida ang dalawa, sa sobrang sikip ay punit na ang harapang bahagi ng bestida, nakasuot din ang dalawa ng wig na pula.Napapitlag sina Vi
[Yuri]“Mamaya kayo sa amin, beybi gerls!” Pinigilan niya ang masuka ng mag-flying kiss pa ang dalawang lalaki sa kanina ni Jessie bago umalis.Kumuyom ang kamay niya ng marinig ang matinis na halakhak ni Nikka, animo’y tuwang-tuwa itong makita na tila asong ulvl ang mga kasama nito at nakahanda silang lantakan mamaya pagbalik ng dalawa.Nang pumuwesto sina Virvin at Nikka sa upuang nakaharap sa gawi nila ni Jessie ay pumikit siya agad at nagkuwanri na tulog. “Ohh, V-Virvin, ohhh lick me more!” Malakas na unġol ni Nikka.Mga walanghiya! Nagawa pang mag-sex kahit na narito sila ni Jessie. Hindi niya akalain na ganito ka-cheap si Nikka.‘Mamatay sana kayo sa sarap!’ “Babe, ano ang ginagawa mo?” Natigil si Nikka sa paghithit ng sigarilyo at kunot ang noo na bumaling kay Virvin. Katatapos lang magtalik ng dalawa. Ngumisi si Virvin matapos ilagay sa bag na dala nito ang laman na pera at alahas ng mga bag nila Tonyo at Manuel, ang parte ng dalawa.“Aalis na tayo habang wala sila! Hindi n
[Yuri] Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ni Jessie. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag dahil may malay na ito. Mabuti na lang din at kinalagan siya nina Virvin kanina bago sila sumakay rito. Mas mapapdali nga naman kung nakakalakad siya ng maayos kesa ang magkatumba-tumba siya dahil sa pagkakatali sa kanyang kamay at paa. “J-Jessie,” Niyakap niya ito. Para itong lantang gulay ngayon. Halata na nanghihina ito dahil sa mga sugat na natamo. Kapag tumagal pa sila at hindi nakatakas ay baka maubusan na ito ng dugo. Agad na pinilig niya ang ulo ng sumagi sa isip niya ang pwedeng mangyari rito. Kung mag iisip siya ng gano’n ay lalo lang siyang paghihinaan ng loob. Naalala niya ang kuya niya. Kamusta kaya ito? Paano kung hindi ito masaklolohan at madala agad sa hospital? “Y-Yuri, I-I’m sorry. H-hindi ko pala kaya naging pabigat pa ako sa inyo ni Red. I-imbis na makatulong ay n-naging pasanin lang ako.” Nanghihina at lumuluha na usal ni Jessie. Kada bitaw nito ng salita ay napapang
[Yuri]Naalala niya ang malabong panaginip na madalas na dumalaw sa kanya noon. Hindi pala isang panaginip ang eksenang iyon… kundi totoo!“N-napakasama niyo, Virvin! Napakasama niyong magkapatid!” Hindi lang ang magulang niya ang pinatay ng mga ito. Maging ang kuya Dino niya, ang magulang at ang kapatid ni Red!Hindi lang ang pamilya niya ang biktima, maging ang pamilya ni Red.Lalo na si Red!Lahat ng sisi ay ibinuhos niya sa binata, pati ang kuya niya ay si Red din ang sinisi sa pagkamatay ng kakambal nito, pero wala pala itong kasalanan!“K-kuya!” Napahiyaw siya ng biglang barilin pa ito ni Virvin sa dibdib. “K-kuya! Walanghiya ka! N-napakasama mo talaga!” Sinugod niya ito, pero dahil nakatali ang paa at kamay niya ay wala siyang nagawa. Natumba pa siya kaya tumama ang mukha niya sa malamig na sahig. Sakto na bumagsak siya paharap sa kinaroroonan ng kapatid. Binalot ng pag aalala ang dibdib niya ng makita kung paano umagos ang masaganang dugo sa katawan ng kapatid niya. “K-k-kuy
[Yuri]“Nasa iyo na ang kailangan mo, ngayon pakawalan mo na si Yuri! May usapan tayo, Virvin!” Akmang lalapit ang kuya niya sa kanya ng barilin ito ni Virvin sa binto. “Arhhh!” Napaunġol si Dolan sa sakit.“Kuya!”“Oopsss!” Tinutok nito sa kanya ang baril. “Huwag kang kikilos kung ayaw mong mabaril sa ulo, Yuri.” Nakangising wika ni Virvin. “Magpasalamat ka dahil kailangan kita para makalabas sa lugar na ‘to. Kaya hindi ko muna kayo papatayin. Ngayon, sumama ka sa akin, sundin mo ang bilin ko kung ayaw mong tuluyan ko itong kapatid mo!” “K-kuya…” Nag aalala siya. Gusto niya itong lapitan pero natatakot siya na baka masaktan ito lalo.“W-wala ka talagang kwentang kausap, Virvin! Parehong-pareho kayo ng kapatid mong si Basilyo! Napakasama at mapansamantala kayong tao!” Puno ng poot na tumingin rito si Dolan. “Kayo ang pumatay ang magulang namin! Hindi ko kayo mapapatawad!” Tinawanan lang ni Virvin ang sinabi nito. May mapang uyam na ngumisi pa ito na tumingin sa kapatid niya. “Sa ting
[Yuri]Hindi siya makahinga sa diin ng pagkakasakal ni Virvin ng braso nito sa kanyang leeg. Ramdam niya ang panginginig ng katawan nito sa likuran niya.“Tangina! Masyadong pakialamero ang boyfriend mo! Papatayin ko siya kapag nakatakas ako rito! Papatayin ko siya!” Galit na galit na banta nito.Nang masiguro ng lalaki na walang nakasunod sa kanila ay patulak siya nitony binitawan papasok sa isang silid. Napaluha siya sa sakit ng alisin nito ang nakabusal na tape sa bibig niya.“Subukan mong simigaw pasasabugin ko ang ulo mo!” Nanlalaki ang banta nito sa kanya. “Ganito, Yuri. Kung gusto mo na pareho tayong mabuhay ay sundin mo ang gusto ko. Gusto kong sabihin mo kay Red na huwag magpapaputok.. sabihin mo na mahal mo ako at ayaw mo akong masaktan, sabihin mo na kapag sinaktan niya ako ay magagalit ka kamo! Naiintindihan mo ba ako?!” Nakangising wika pa nito. Akala yata ay susunod siya sa sinabi nito.Nawala ang ngisi sa labi ni Virvin ng tingnan niya ito ng masama. Naging bulag siya s
[Yuri]Nahintatakutan si Nikka na nagsalita. “B-babe, sa likuran na lang tayo dumaan. Sigurado na hindi pa sila nakakarating doon. Mas ligtas kung do’n tayo dadaan—“ Natigil ito sa pagsasalita ng makarinig sila ng malakas na sigaw.“Walang hiya ka!!! Papatayin kita!!!” Umalingawngaw ang malakas na boses ni Jessie sa paligid. Narito si Jessie! Hindi niya mapigilan ang maluha. Narito rin ba si Jessie para iligtas siya? Mas lalo tuloy bumigat ang dibdib niya sa naisip. Sa kabila ng ginawa niya ay nagawa pa rin nitong sumuong sa panganib. Sa kabila ng pagdududa niya at pananakit sa damdamin nito ay dumating pa rin ito.“Ahhh! Bitiwan mo akong babae ka!” Tili ni Nikka ng mahila ni Jessie ang buhok nito. “B-babe, tulungan mo ako!!!” Hingi nito ng tulong kay Virvin. Subalit hindi ito pinakinggan ng binata, umatras ito ng dahan-dahan nang hindi inaalis ang baril na nakatutok sa sintido niya. Takot na takot ito na malingat at mamatay sa isang kisapmata lang.“V-Virvin, wag mo akong iwan, ahhh