[Yuri]Nalukot ang mukha ni Jessie ng makita ang suot niya. “Really, Riri? Iyan ang susuotin mo sa date? Kulang nalang sabihin mo na ayaw mong sumama.” Umiling-iling na lumakad ito para pumunta ng cabinet, nang makakita ng isang kulay dilaw na bestida ay hinagis ito ng kaibigan sa kanya. “Try that one, bagay na bagay sa’yo!” Hindi pa ito nakuntento, nilagyan pa siya nito ng manipis na makeup sa mukha. “Perfect! Siguradong matutulala sayo si Howard kapag nakita ka!” Tuwang-tuwa at napapalakpak na wika nito. Habang hinihintay na magbihis ito ay inabala muna niya ang pagsagot sa mga costumers na nagtatanong tungkol sa mga product nila.Habang naglalakad palapit kina Howard at Enrile ay pasimple siyang siniko ni Jessie. “Ngumiti ka naman, Riri. Wag mo naman ipahalata na napipilitan ka lang.” mahinang bulong nito na tanging sila lang ang nakakarinig.Nang makita sila ng dalawang binata ay agad sila nitong binati. “Hi, Jes, Riri! Gaganda natin ngayon, ah!” Masiglang bati ni Enrile.”“Mat
Last Updated : 2024-03-26 Read more