"Mama, ang tagal niyo naman, e. Kanina pa ako nag-aantay dito."Hindi ko mapigilan na ngumiti at tumawa sa tinuran ni Riella. Naiimagine ko kasi mula sa kabilang linya ang mukha nitong nakasimangot at ang matambok nitong pisngi na mamula-mula sa inis.Pansamantala ko siyang iniwan muna sa bahay. Nagkaroon kasi ako ng raket ngayong araw ng sabado. Sayang din kasi ang kikitain ko doon. Nagkaroon kasi ng isang party para sa celebration ng pagkapanalo ng bagong Mayor sa lugar namin. Marami ang kailangan na tauhan at nangailangan sila para sa araw na iyon. Isang libo ang bayad sa amin.Hindi pa man tapos ang party ay umuwi na ako. Tapos na rin naman kasi ang eight hours na usapan para sa araw ko.Halos magmadali rin ako sa pag-uwi dahil walang kasama si Riella sa bahay. Umaga pa raw nang umalis si Papa sa kung saan na lumapalop na naman ito pumunta. Samantalang si kuya Enzo naman, ayon kay Riella, umalis ito ng hapon."Malapit na ako,""Bilis, Mama. Lalaro pa ako sa labas."Naningkit ang m
Huling Na-update : 2024-03-14 Magbasa pa