ACERLON MONTEREALEZKaba, takot, pangamba, pag-aalala, at pagsisisi ang nararamdaman ko. Habang tumatagal ang paglalakad ko, pabilis rin ng pabilis ito.Matapos ang pangyayari sa Restaurant, hinatid ko si Chira sa bahay nila. Saka naman tumawag si Weina na isinugod daw sa hospital si Meira.Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko rin alam kung bakit siya na aksidente. Hindi ko maipaliwanag pero sobra akong nag-aalala sa kanya. Yes, galit ako sa kanya. Oo gusto ko siyang mawala sa landas namin ni Chira pero hindi ko naman gusto na mapahamak siya. Hindi ko gusto at ayokong isipin na may masamang mangyayari sa kanya.Nang makarating ako sa tapat ng emergency room, si Weina kaagad ang nakita ko. Nakaupo siya at nakayuko. Alam kong nag-aalala rin siya kay Meira."W-weina...."Lumingon siya sa akin at bahagyang ngumiti bago tumango. Bakas sa mukha niya ang sobrang pag-iyak dahil sa mugto niyang mga mata."K-kamusta na siya?""Ginagamot pa siya Ser ng doktor," Mahinang tugon ni Weina kay Acerlon
Last Updated : 2024-02-23 Read more