Mangiyak-ngiyak kong pinunasan ang aking luha sa pisngi at maging sa mata. Kanina pa kasi ako nahihilo. Idagdag mo pa ang pagsusuka ko na mas lalong nagpasama sa aking nararamdaman. "Ariana," Nanlamig ako at gulat na lumingon sa pinanggalingan ng boses. Nasa pintuan siya ng aking kwarto at sa likuran niya si Kuya Enzo. Ni hindi ko napansin ang pagbukas nila sa pintuan ng kwarto ko. "Papa..." mahina kong tugon. Seryuso ang kanyang mukha pati na rin ang kay Kuya Enzo."Hindi ka na naman daw papasok?" Mariin na sabi nito. Marahas akong lumunok pagkatapos ay nagbaba ng ulo. "M-masama po ang pakiramdam ko Papa." Halos bulong na sabi ko. "Parati na lang masama ang pakiramdam mo. Ni hindi ka na nakakapasok sa school. Ano? Aaksayahin mo ang perang pinagpapaaral ko sa'yo?!" Dumagundong ang galit ni Papa sa buong sulok ng aking kwarto. Nangatal ang labi ko. Napaiyak ako. Masama na nga ang pakiramdam ko mas lalo pa itong nadagdagan. "P-papasok na po ako, Papa...." Tumayo ako sa pagkaka
Makailang ulit akong bumuntong-hininga. Panay ang tingin kaliwat-kanan lalo na sa elevator na nasa sulok sa aking kanang bahagi. Panay rin ang tingala ko sa pintuan kahit na alam kong wala namang magbubukas nito.Kanina pa ako nakaupo at nakasandal sa pintuan sa labas ng condo unit ni Ivan. Wala akong mapuntahan. Naisip ko na humingi sa kanya ng tulong. At isa pa...Bahagya akong ngumiti habang hinihimas ang maliit kong tiyan.Pinanghahawakan ko ang sinabi ni Ivan na kung sakaling mabuntis ako ay pananagutan niya ako.Nangilid ang luha ko. Kumurap-kurap ako. Kumibot ang aking labi. Ayoko ng isipin ang pagtakwil sa akin ni kuya at papa. Sumasama lang ang aking kalooban. Ang bigat sa dibdib isipin na ginawa ko ang lahat para sa kanila kahit na ayaw ko pero ito pa ring sitwasyon ang kahahantungan ko. Na kahit anong gawin ko, para sa kanila, balewala pa rin ako. Na wala pa rin akong kwenta. Na kahit marami na akong nagawa para sa kanila, kamalian ko pa rin ang nakikita nila.Muli akong na
"Riella!" Malakas kong tawag sa makulit na bata. Kanina ko pa siya hinahanap. Namalengke lang ako saglit pagbalik ko wala na siya sa bahay.Ang bata talaga na 'yon!"Ang yabang mo, ah! Wala ka namang Papa!" Napatigil ako sa paghahanap at lumingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Bayolente akong lumunok ng makita si Riella. Nakatalikod siya sa gawi ko kaharap ang tatlo pang bata na babae. Sa hinuha ko ay kasing edad niya lamang ang mga ito. Limang taon. "Nagsasabi ako ng totoo." Mahinang sabi ng anak ko. "Ano naman ngayon kung nag-aaway magulang ko! Ikaw nga isa lang magulang mo! Panget ka pa!" Suminghap ako ng itulak ng mga ito si Riella. Napaupo ang anak ko sa semento. Nanikip ang dibdib ko sa nasaksihan. Ngayon ko lamang ito nakita. Nag-aalala tuloy ako na baka lagi nila itong ginagawa kay Riella. "Diyan ka na nga! Hmm!"Mabilis kong pinuntahan si Riella pagkaalis ng mga bata."Riella..." mahinang tawag ko sa kanya nang makarating sa kanyang tapat. Nakayuko ito. Nang mar
"Mama, ang tagal niyo naman, e. Kanina pa ako nag-aantay dito."Hindi ko mapigilan na ngumiti at tumawa sa tinuran ni Riella. Naiimagine ko kasi mula sa kabilang linya ang mukha nitong nakasimangot at ang matambok nitong pisngi na mamula-mula sa inis.Pansamantala ko siyang iniwan muna sa bahay. Nagkaroon kasi ako ng raket ngayong araw ng sabado. Sayang din kasi ang kikitain ko doon. Nagkaroon kasi ng isang party para sa celebration ng pagkapanalo ng bagong Mayor sa lugar namin. Marami ang kailangan na tauhan at nangailangan sila para sa araw na iyon. Isang libo ang bayad sa amin.Hindi pa man tapos ang party ay umuwi na ako. Tapos na rin naman kasi ang eight hours na usapan para sa araw ko.Halos magmadali rin ako sa pag-uwi dahil walang kasama si Riella sa bahay. Umaga pa raw nang umalis si Papa sa kung saan na lumapalop na naman ito pumunta. Samantalang si kuya Enzo naman, ayon kay Riella, umalis ito ng hapon."Malapit na ako,""Bilis, Mama. Lalaro pa ako sa labas."Naningkit ang m
"Sino ka ba talaga?! Ano bang kailangan mo sa'kin? Ibalik mo ang anak ko. Nagmamakaawa ako sa'yo..." Patuloy ang pag-iyak at hikbi ko. Ilang minuto akong napatulala sa magulong bahay namin kanina hanggang sa may tumawag sa akin. Kakaiba ang boses nito. Malaki. Malaking boses kung magsalita. Pero hindi ko mawari pero sadyang may kakaiba sa kanyang boses. Nag-eeo 'yon. Malakas na malakas ang kabog sa aking dibdib. Hindi ako mapakali. Bukod sa takot at kaba na baka may gawin siyang masama sa anak ko, pinangungunahan ng kakaibang kaba ang dibdib ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko... "I want to see you, let's have a video call." Nangangatog man ang mga binti ko, nagawa kong makapaglakad at hanapin ang laptop ni kuya Enzo. Nanginginig na ang kamay na pinindot ang button sa laptop. A call coming from the unknown caller shows in the whole screen of the laptop. Nagtaka ako. Kakapindot ko palang ng laptop pero bigla kaagad na lumitaw ang tawag sa screen. Paanong wala naman akong naban
"P-pero, bakit ako?" Utal na sabi ko.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nawala ang takot sa akin. Sa halip, bigla akong nalungkot. Naninikip ang dibdib ko sa lungkot. Pakiramdam ko, may isang taong nawala sa akin.Napalunok ako. Nanunuyo ang lalamunan ko at parang may kung ano ang nakabara dito.Matiim na tumitig sa akin ang lalaki. Nagbaba ako ng ulo. Bahagya ko pang hinawakan ang aking dibdib kung saan nakalagay ang puso. Namimigat ito. Parang hindi ako makahinga."Malalaman mo rin kung bakit ikaw kapag nagawa mo na ang mga ipapagawa ko sa'yo, kapag napasa akin na ang mga taong 'yon."Nag-angat ako ng ulo. "Sino ba sila? Anong kinalaman ko sa kanila.""Haist!"Nataranta ako at nanlaki ang mga mata nang bigla nitong itinapon ang baril na hawak."Ang ayoko sa lahat, 'yung maraming tanong. Kung ayaw mong may hindi akong maganda na gawin sa anak mo, tumahimik ka at sundin ang mga ipagagawa ko sa'yo!"Mangiyak-ngiyak akong tumango sa kanya. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa pagsi
Kaya ko 'to!Mabilis kong sinundan si Andrew nang makita ko siyang umalis papunta sa CR. Pasuray-suray ito kung maglakad. Lasing na lasing na ito. Mas lalo akong natakot. Nag-antay ako sa labas ng CR.Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung ano ang kailangan ng lalaking 'yon sa Andrew na ito.Mukha namang hindi mayaman ang matanda na ito. Mas mukha siyang lasenggero. So ano ang makukuha niya? Hindi ko maintindihan.Umayos ako ng tayo nang makita ko siyang lumabas sa Cr. Bawat hakbang nito, mas lalo akong kinakabahan sa mga gagawin ko. Tumikhim ako nang makalapit siya sa gawi ko.Nag-angat ito ng ulo. Nginitian ko siya ng mapang-akit. Halos ngumiwi ako sa pagkapilit nito pero parang hindi ito alintana ng matanda dahil nakuha pa nitong lumunok.Tila nagulat siya sa presensya ko. Ang gulat sa mukha nito ay napalitan ng isang ngisi. Umayos ito ng tayo."Ariana..."Natigilan ako. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ako makahinga. Bigla akong natakot sa pagbanggit nito sa pangala
"Ito, inumin mo muna,"Tinanguan ko siya kasabay ng pag-abot ko sa mineral water na inabot niya. Nagbaba ako ng ulo. Hindi ko siya magawang tignan.Tila nagbabaga ang bawat titig niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit ang itsura niya sa akin.Kung naiinis siya dahil napagod sa paghabol sa akin, edi sana hindi na lang siya sumunod.Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang gilid ng parke. Dinala niya ako dito matapos namin makaalis sa lugar na iyon."A-ano nga palang ginagawa mo doon?" Pagbasag ko sa katahimikan."Obvious ba? Edi may niraid." Iritang sabi niya.I pouted. Oo nga naman. Ano nga naman ang gagawin ng isang Police sa gano'ng lugar? Pero pwede naman magbar siya, hindi ba?Bahagya akong napasulyap sa suot niya. Nakauniform ito pang-Police. Mabilis ko ring iniwas ang paningin sa kanya. Mas lalo atang bumatak ang katawan niya?Bahagya akong umiling at pilit na iniwasan ang lumingon at humanga sa kanya. Lalo kasi siyang gumwapo at lumaki ang katawan.Bayolente a
THE GOVERNOR'S FAKE WIFE"Bitawan niyo ako!" Pilit nagpupumiglas si Elaina sa mga tao na gustong dumukot sa kanya. Kalalabas niya lamang sa trabaho sa mall bilang isang sales lady. "Malaki ang utang mo kay, boss. Nararapat lamang na magbayad ka." ngumisi ang lalaki na nasa kanyang harapan. Dalawa sa mga ito ang nakahawak sa bawat braso niya habang ang tatlo ay pinalilibutan siya. Nakaitim ang mga ito ng tuxedo. Malalaki ang katawan na masasabing mong batak na batak sa gym. Para silang men in black sa itsura at ayos nila. "Nagkakamali kayo! Hindi ako ang taong iyon. Nag-aaksaya kayo ng oras sa'kin."Hindi pinakinggan ng mga ito si Elaina at hinila na lamang papunta sa kanilang itim na ban. Sa takot ni Elaina, nakagat niya ang isang may hawak sa kanya habang ang isa naman ay sinapa sa pagkalalaki nito. "Habulin niyo! Mapapatay tayo ni Boss kapag hindi natin siya nadala!"Nagsisigaw ang mga ito. Mabilis siyang tumakbo palayo sa mga ito. Bumalik si Elaina sa loob ng mall at pumunta sa
IN BED WITH THE WRONG BILLIONAIRE"Malaki ang utang mo sa akin- kayo ng nanay mo. Panahon na siguro para bayaran mo ako." nakangising sabi ni Amanda kay Katarina. "Pero alam mo naman na wala pa akong pambayad sa'yo..." mahinang sabi ni Katarina. "Hindi naman pera ang kapalit ng pagpapagamot ko sa nanay mo. Iba ang gusto kong gawin mo." Amanda. Napapalunok sa kaba na sumagot si Katarina. "Ano?""Alam mo naman na gustong-gusto ko si Mateo. Ang gusto ko. Sirain mo ang relasyon nila ni Aniza. Ang gusto ko, sa darating na bachelor's party ni Mateo, ang araw din mismo na maghihiwalay sila ni Aniza.""Pero mabait na tao si Ma'am Aniza. Hindi ba pwedeng haya-" naputol ang kanyang sasabihin nang sumigaw sa kanyang harapan si Amanda. Labis siyang nagulantang sa pagsigaw nito. Bigla ay natakot siya sa kanyang pinsan. "Tumahimik ka! Don't you ever say that! Wala kang karapatan na sabihin sa akin ang mga dapat kong gawin. Tandaan mo Katarina, malaki ang utang mo sa'kin kaya wala kang karapatan
Maaga syang kumilos para makapunta sa bayan. Naisip kasi nya na magluto para sa ina nya. Sinigang, yan ang balak nyang lutuin. Masaya syang namili pero napawi ang ngiti sa labi sa narinig."Talaga busy ang palasyo para sa gaganaping kasalan ng nag iisa at tagapagmana ng Reyna't hari?"Para syang naistatwa sa kinatatayuan nya. Nanuyo ang lalamunan, ibinuka nya ang bibig para sana sumingit sa usapan nila pero para syang pipi na walang lumabas na boses sa bibig nya.Kael"Ay totoo ba yan? Aba sino namang prinsesa ang papakasalan ng prinsipe.""Hindi ko alam at walang nakakaalam pa, pero siguro yung prinsesa don sa timog ang pakakasalan nya.""Paano mo nasabi?""kasi dumaan kani kanina lang ang mahal na prinsipe sakay ng kalesa at maraming hukbong kasama at ang sabi papunta daw sa kaharian sa timog. O di ba!""Ay jusko nakakakilig naman yon."Agad nangilid ang mga luha nya at tumakbo paalis sa kinatatayuan nya. Kahit na tinatawag sya ng tindera ay hindi nya pinansin. Mas binilisan nya ang
Tulala syang nakatingin sa bintana ng bahay nila. Isang buwan na ang nakakaraan ng mangyare ang trahedyang yon. Hanggang ngayon hindi pa rin nya matanggap ang mga pangyayare."A-anak kumain ka na muna..."Hindi nya pinansin ang sinabi ng kinikilalang ina. Nagagalit sya dito dahil nagsinungaling ito sa kanya, pero sa tuwing naiisip nya ang mga bagay na sinakripisyo nito ay nakokonsensya sya sa hindi pagpansin at pagbalewale nya dito. Hindi na rin ito nagtatrabaho sa hari dahil pinaalis ko sya. Wala syang pakialam kung nasigawan nya ang hari. Galit sya dito, Galit sya sa lahat."N-nga pala si k-kael kagagaling dito pero pinaalis ko na rin sya."Umabot sa kanya ang buntong hininga ng ina nya.Agad na pumatak ang mga luha nya na agad nya ring pinunasan.Muling lumukob ang galit sa puso nya nang maalala si kael. Maging ito ay nagsinungaling sa kanya. Isa itong prinsipe, ito rin ang lalaking nakita nya sa room noon maging sa gym. Kaya pala ito naroon ay dahil nandoon ang hari't reyna.Sinun
Will the things be alright?Bumukas ang pinto kaya nagulat sya at nabitawan ang katana. Nalaglag ito sa lab holder ng lamesa. Sakto ang bagsak nito patayo na nakatutok sa kanya. Napalunok sya dahil muntik nang tumama sa kanya."Tamia!" Sigaw mula sa boses na kilalang kilala nya kahit na nakamask ito."K-kael!" Agad akong tumakbo sa kanya at yumakap. "N-nandito ka.."Yumakap ito pabalik sa kanya at hinimas nito ang likod nya. "We need to get out of here.."Tango lamang ang isinagot ko sa kanya."Sa tingin nyo hahayaan ko iyong mangyare?""Mikaela!" Tiim bagang na sambit ni kael "Traydor ka! Hindi ko hahayaang makatakas ka sa kasalanan mo."Ngumisi si Mikaela kay kael at naglabas ng mga katana. Hindi nya alam kung saan nito iyon nakuha. Naglaban ang dalawa, pinaulanan ng mga katana ni mikaela si kael pero agad naman ding naiwasan nito.Nag aalala sya para sa ina nya at sa binata. Please po gabayan nyo po kami.Napamaang sya nang makuha ni kael ang katana kay mikaela at itinapat sa leeg
"At saan mo naman balak pumunta?" Malamig na usal nito na syang ikinamutla nya."S-sino ka?"Bumulong ito sa kanya kasabay ng kung anong itinurok sa kanya dahilan para manlabo ang paningin nya. "Ako si heneral sandro." sabay ngisi nito "Matulog ka muna little bait.." kasabay non ang unti unting pagkawala ng ulirat nya.H-he's sandro...NAGISING sya at napadaing nang makaramdam ng pangangawit saka nya lang napagtanto kung anong itsura nya.Nakatayo sya habang nakatali sa kabilaang gilid ang mga kamay. Pinilit nyang makalas ito ngunit ayaw matanggal ng mga tali."So the little bait is finally awake.""S-sandro..." Sinamaan nya ito ng tingin "Pakawalam mo ako dito!""Why would I? You are my biggest asset, my way to become succeed sa matagal ko ng inaasam...""Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa sumapi sayo!" nginisian nya ito "At kahit kelan hindi ka mananalo sa kung ano mang binabalak mo dahil mag isa ka lang." Mariin nyang usal dito.Ngunit agad na napawi ang ngisi nya sa sinabi nito.
Bakit ganito parang lumulutang ang pakiramdam ko? Hinang-hina ako."Doc? Hindi pa rin po nagreresponce ang patay na pusa...""Buwisit ano bang mali? isang linggo na tayo dito pero wala pa rin. Baka mapatay tayo ni heneral Sandro kung hindi pa rin mabuhay ang pusa na 'yan. Akala ko ba nagmatch na ang lahat?""Hindi rin po namin alam kung anong problema.."Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na tinig sa akin.Sino ba sila?Isang linggo? Gano'n katagal ba akong pinapatulog nila? Kada magkakaulirat ako ay saka naman ang pagturok nila sa akin ng pampatulog.Lupaypay na ang katawan ko.Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Sa una'y malabo hanggang sa maging malinaw ang lahat. Nailibot ko ang paningin. Base sa pagmamasid ko nasa isa akong laboratory. Madaming mga machine ang gumagana at maraming mga nakaputi na sa tingin ko ay mga Doctor.Pinilit kong iginalaw ang mga kamay ko ngunit napamaang ako nang may napagtanto ako. Nasa loob ako ng isang lab incubator. Maraming tubo ang naka
Napamulat ako nang makaramdam ako ng may yumuyugyog sa akin. Napatitig ako sa kanya na puno ng luha ang kanyang mukha."T-tamia..." Niyakap niya ako ng mahigpit habang humahagulgol ng iyak. "S-sobra akong nag alala sa'yo."Nangilid ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Mabigat, sobrang bigat na akala mo parang pinipiga ang puso.Pero sino nga ba ang niloloko ko?Alam ko...Alam na alam ko kung ano ito.Napapikit ako ng mariin na ikinatulo ng luha ko.Mikaela...Umalis siya ng pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mukha ko. "Lets finish this game, hmmm?" Hilam ang luhang saad nya sa akin na ikinaiwas ko ng tingin at tumango lamang.Hindi ko siya kayang tignan.MABILIS kaming umalis sa kinapupwestuhan namin. Tumakbo kami para makarating sa templo.Konti pa...Kaunting-kaunti na lang malapit na kami.Nakikita ko na siya.Ang akala namin ay ok na, matatapos na, makakarating din kami subalit napahinto kami nang may limang lalaki na nag-aabang sa amin. Nagsingisian
Napamulat ako nang makaramdam ako ng may yumuyugyog sa akin. Napatitig ako sa kanya na puno ng luha ang kanyang mukha."T-tamia..." Niyakap niya ako ng mahigpit habang humahagulgol ng iyak. "S-sobra akong nag alala sa'yo."Nangilid ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Mabigat, sobrang bigat na akala mo parang pinipiga ang puso.Pero sino nga ba ang niloloko ko?Alam ko...Alam na alam ko kung ano ito.Napapikit ako ng mariin na ikinatulo ng luha ko.Mikaela...Umalis siya ng pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mukha ko. "Lets finish this game, hmmm?" Hilam ang luhang saad nya sa akin na ikinaiwas ko ng tingin at tumango lamang.Hindi ko siya kayang tignan.MABILIS kaming umalis sa kinapupwestuhan namin. Tumakbo kami para makarating sa templo.Konti pa...Kaunting-kaunti na lang malapit na kami.Nakikita ko na siya.Ang akala namin ay ok na, matatapos na, makakarating din kami subalit napahinto kami nang may limang lalaki na nag-aabang sa amin. Nagsingisian