Third Person's Point of View"How about your upcoming wedding with your fiancee? Ano nang balita ro'n? Ano nang nangyari ro'n? You know I don't want any conflict, Taylor. Ayokong masangkot sa mga gulo. Gusto ko nalang mamuhay ng tahimik. Kaya kung naroon pa ang ideyang ikakasal ka sa fiancee mo, then might as well leave me, Taylor," seryosong wika ni Kirstie na siyang seryoso ring ikinatitig ni Taylor pabalik sa dating kasintahan."I don't have any plan on marrying her, Kirstie. Ikaw lang ang babaeng plano kong pakasalan," wika ni Taylor na siyang ikinataas lang ng kilay ni Kirstie sa dating kasintahan."As if maniniwala ako r'yan sa sinasabi mo. Ang sabi mo pa nga noon ay ikakasal ka na. Parang proud ka pa nga, e. Oh, ano nang nangyari ro'n? 'Wag mong sabihing ginagawa mo na naman kaming pampalipas oras? Makakatikim ka talaga, Taylor!" naging banta ni Kirstie na siyang ikinatawa lang ni Taylor."Ano bang matitikman ko, Kirstie? Mukhang na-e-excite ako, ah?" mapaglarong wika ni Taylor
Last Updated : 2024-07-14 Read more