Third Person's Point of ViewHalos hindi magkamayaw si Taylor na matapos na ang araw para pumunta ulit sa condo ng mag-ina niya. Ngiting-ngiti siya at halos gusto nalang sumigaw sa saya. Kahit yung mga taong nakakasalubong niya at ang mga taong dumadaan ay napapatingin na sa kanya, napapangiwi na tila nawe-werduhan na sa kanya."I will make sure I'll do my best to win you back, my little family. Hindi ko hahayaang masayang ang ilang buwan na pagsunod-sunod ko sa inyo. Hinding-hindi ako susuko at pagbubutihin ko pa lalo," wika ni Taylor sa sarili bago matatag at malakas ang loob na pumasok na sa mansyon.Ang tila halos mainat-inat na labi ni Taylor dahil sa ngiti ay mabilis na nawala nang madatnan ang fiancee niya kasama ang ina niya na nasa may salas na. Kaagad siyang napapatikhim para makuha na ang atensyon ng mga ito.Kaagad na lumapit si Taylor sa dalawa at saka yumuko nang kaunti para magbigay ng galang sa dalawang babaeng nasa harapan. Kahit pa naiinis siya kay Melanie ay nirespe
Third Person's Point of View"Ikaw, hindi mo ba ako bibigyan ng morning kiss?" nakangisi nang wika ni Taylor na siyang bahagyang ikinatigil na ni Kirstie sa paglalakad.Nginiwian niya ang lalaki at ipinakita ang kamao niya. "Suntok, gusto mo?" nagbibirong wika ni Kirstie sa lalaki. Ang akala niya ay mawawala na ang ngisi sa labi nito pero mas lalo lang lumaki ang ngisi sa labi nito, bagay na siyang labis na niyang ipinagtataka."What are you smirking at?" tila nagmamalditang wika ni Kirstie na siyang mahinang ikinatawa na ni Taylor."Come on. Don't try to play with me. Halos mapaungol ka na nga sa mga halik ko kahapon tapos ngayon ay mandidiri ka? Come on, give me a morning kiss," nakangising wika ni Taylor na siyang ikinasinghap na ni Kirstie sa kabulgaran na sinasabi ng lalaki.Bumaba ang paningin niya sa anak na ngayon ay nagtataka nang nagpalipat-lipat ang paningin sa kanilang dalawa. Huli namang na-realize ni Taylor ang ginagawa niya dahil nagsalita na ang anak nila sa tabi niya.
Third Person's Point of ViewMabilis na lumipas ang oras at araw at sa lahat ng mga pagkakataon na iyon ay naroon palagi si Taylor sa condo unit ng mag-ina niya. Pinayagan na siya ni Kirstie na manligaw pero hindi pa ang matulog sa condo unit nito kaya pupunta siya roon sa umaga at uuwi sa gabi. Iyon palagi ang routine niya."Good morning! Breakfast is ready!" bibong wika ni Taylor sa mag-ina niya na ngayon ay pupungas-pungas pang naglalakad sa gawi niya.Sa umaga, kapag nakarating na sa condo ay magluluto na kaagad siya para kapag magising na ang mag-ina niya ay maliligo nalang ito at maghahanda para sa skwelahan at sa trabaho nito."Good morning," mahinang bati ni Kirstie sa kanya. Wala pang kasamang kiss pero sasapat na iyon para kay Taylor. Isasaan pa ba at makukuha din niya iyon kalaunan."Punta ka na sa cafè mo? Tara. Hatid na kita," malambing na wika ni Taylor na mabilis na napapatayo nang makita na ang paglabas ni Kirstie sa kuwarto nito."Si Kristen? Nasaan na?" pagtatanong n
Third Person's Point of View"Anong meron guys? May nakaligtaan ba kami ni bebe Allyson?" mapaglarong tanong ni Rachel nang makapasok sa cafè at makaupo na sa isang upuan na tila ay isa itong bahay na pagtatambayan niya.Napatimpi lang si Kirstie at hindi na sinagot ang kaibigan bagay na siyang ikinatimpi na ni Rachel sa isang tabi. Imbes na magmaldita ay si Jessa na ang hinarap ni Rachel para magtanong."Anong meron, Jes? Hindi ako sinasagot ng bruha kaya ikaw na ang sumagot para sa kanya."Mabilis na napataas ang kilay ni Rachel nang makita na ang paghagikhik ni Jessa sa harap niya. Si Kirstie na nakita iyon ay napapasagitsit nalang."Binati ko lang siya kanina. Sabi ko pa ay good mood siya dahil nandito si Sir Taylor, nagalit naman bigla. Ayon, sinisante ako. E, alam ko nalang pababalikin din niya ako kaya hindi ako naniwala at tinawanan lang siya. Ayon, nagalit na sa 'kin. Sinisira ko raw ang umaga niya," pagsusumbong ni Jessa na siyang ikinatimpi nalang ni Kirstie sa isang tabi.
Third Person's Point of View"Kirstie, oh! Pinag-uusapan ka nila!" pagsusumbong pa nga ni Rachel na siyang ikinatawa na nina Allyson at Taylor."Ano naman kung pinag-uusapan nga namin siya? Selos ka lang, e," patutsada ni Allyson na siyang ikinanlaki na ng mga mata ni Rachel."A-Ano? Sinong nagseselos? Bakit ako magseselos? Kainin mo 'yang si Taylor at akin na yung boyfriend mo," pagbibiro ni Rachel na siyang sabay na ikinasagitsit na nina Allyson at Taylor."Dahil diyan sa kamalditahan mo, hindi ka makalapit-lapit sa pinsan mo. Dahil diyan sa kaartehan mo, nahihiya ka ngayon sa pinsan mo. Alam mo Rachel, hindi na kita naiintindihan. Minsan basagulera, kadalasan tanga," patutsada ni Allyson na siyang ikinasinghap na ni Rachel. Napapatayo na ito mula sa kinauupuan at hindi na makapaniwalang nakaturo sa kaibigan."Did you just call me tanga?" hindi makapaniwalang wika ni Rachel na siyang ikinatango lang ni Allyson, tila hindi natinag sa kamalditahan ng kaibigan."Oo? Why wouldn't I call
Third Person's Point of View"Sinong umiiyak? Napuwing ako!" napapasigaw na depensa ni Rachel kahit pa ay kitang-kita naman na umiiyak siya at naluluha.Mabilis na tiningnan nito si Kirstie na siyang gulat na napatingin na sa kaibigan."Hoy, Kirstie! Bakit ang daming alikabok nitong cafè? Napuwing pa ako!" umaaktong naiinis na wika ni Rachel na siyang ikinatimpi na ni Kirstie sa kinauupuan."Gaga! Kita mo na ngang halos kumikinang na ang bawat sulok dahil sa linis ng cafè, nagawa mo pang gumawa ng depensa na wala namang kuwenta!" patutsada ni Allyson na siyang ikinasama lang ng tingin ni Rachel."Kirstie ka? Kirstie ka?" panininghal naman ni Rachel na siyang pekeng ikinangisi lang ni Allyson."Hindi. Allyson ang pangalan ko. Sumasabat ako kasi ang tanga ng mga pinanggagawa mo," asik ni Allyson na siyang ikinaawang na ng bibig ni Rachel sa gulat."Aba't!" Aaringkada pa sana si Rachel laban sa kaibigan nang magsalita na si Allyson, hindi inuurungan ang kaibigan."Ano? Halata na ngang um
Third Person's Point of ViewNapailing-iling si Allyson habang nakatingin sa kaibigan na siyang padabog nang umaalis ng cafè. Napapatawa nalang siya at hindi na alam ang gagawin sa kaibigan na siyang hindi pa mapaamin-amin sa sarili sa kung anong totoong nararamdaman nito."What about on what Rachel did for you?" biglaang pagtatanong na ni Kirstie na siyang naguguluhan na sa lahat at ngayon lang nagkalakas ng loob na magtanong kay Taylor."Yung sa condo. Hindi 'yon coincidence lang. Plano 'yon ni Rachel lahat, kasama si Allyson at yung mga barkada ko. Na-korner ko si Drake these past few days dahil narinig ko siya kaya napaamin na rin. Well, hindi na naman nakakagulat. Alam kong hindi 'yon coincidence lang. Alam kong may nagplano ng lahat. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang makilala kung sino ang nasa likod ng mga planong iyon. Hindi ko inaasahan na si Rachel iyon dahil alam kong galit siya sa akin," paliwanag na ni Taylor na siyang ikinatigil na ni Kirstie. Hindi niya inaasahan ang b
Third Person's Point of ViewNatapos ang maghapon na hindi nakapagconcentrate si Kirstie. Nakatambay lang kasi si Taylor sa gilid habang ang tingin ay nasa kanya lang, bagay na siyang malaking ikinailang niya. Kaya noong tumatak ang oras ng uwian ng anak niya ay doon na siya nakahinga nang maluwag. Tila yata ay natigil ang paghinga niya kanina noong nanatiling nakatitig si Taylor sa kanya. Mabuti nalang at tumatak na ang alas kuwatro. Ibig sabihin no'n ay makakawala na siya sa paninitig ni Taylor sa kanya."Comedia, ikaw na ang bahala sa cafè," habilin ni Kirstie sa empleyado na siyang mabilis na ikinasaludo nito."Copy, Ma'am!" bibong wika nito at tila ay doon na naalala ni Kirstie ang naging eksena nila kanina. Napapasagitsit lang siya sa dalaga at saka niya ito inismiran.Nang makalabas ay pinagbuksan na siya ni Taylor sa kotse. Akmang pipigilan na naman niya ang lalaki gaya nang ginawa niya kanina nang mauna na itong magsalita."Let me, okay? Nakakahiya naman na nandito ako tapos
Third Person's Point of ViewNag-aalala man sa mga posibleng mangyayari sa susunod na mga araw ay hindi na nagpatinag sina Kirstie at Taylor. Nagpatuloy sila sa relasyon nila at hindi nila hinahayaan ang relasyon nila na siyang maapektuhan sa kung anumang nasa paligid nila. Masakit para kay Taylor na hindi boto ang ina niya sa babaeng pinakamamahal niya, pero hindi naman niya ito mapipilit kaya hinayaan na niya ang ina. Umaasa nalang siya na sana ay darating ang araw na boto na ito kay Kirstie at hindi na sila kokontrahin pa, lalo na ang relasyon nila.Doon nga, sa hinaba-haba ng prosisyon ay dumating na nga ang inaantay ng lahat. Ang maikasal sina Kirstie at Taylor.Pamahiin ng kasal na hindi pupuwedeng magkita ang groom at ang bride, pero iba ang ginawa ni Taylor. Siya mismo ang nagdrive sa bridal car na sana ay nasa simbahan na siya at naghihintay nalang sa pagdating ni Kirstie sa harapan ng simbahan."Hoy, okay lang ba talagang ikaw ang nagda-drive sa akin? Alam mo naman na bawal
Third Person's Point of View"Anong meron? Ba't nagkakasiyahan yata kayong lahat dito?"Kung kanina ay halos mapuno ng kantyawan at tawanan ang cottage na inukupa nila, ngayon ay halos napipi naman silang lahat dahil ni isang tunog ay wala silang ginawa.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Mrs. Miller sa lahat at doon ay peke nang napapatawa, bagay na siyang ikinangiwi na ng iba."Taylor, anak. Nagbakasyon ka pala kasama ang mga barkada mo at mukhang may nagaganap na handaan, bakit hindi mo manlang inimbita ang sarili mong ina?" pangongompronta na ni Mrs. Miller na siyang ikinatayo na ni Taylor."Ma, tama na. Tara na sa labas. Do'n tayo mag-usap---"Hindi paman tapos sa sasabihin si Taylor ay sumingit na si Mrs. Miller, tila pilit na sinisingit ang sarili sa ginagawa ng mga ito sa naturang cottage."Hindi, e. Bakit hindi mo manlang ako nagawang naimbitahan na magbakasyon, Taylor? Kahit si Melanie na siyang fiancee mo nalang ang isinama mo pero kahit siya ay hindi mo naimbitahan," pangongom
Third Person's Point of ViewMatapos mapaglinaw ang lahat ay tila nawala ang mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib nina Kirstie at Taylor. Naging mas magaan ang pakiramdam nila at tila ay mas naging malinaw ang nararamdaman nila para sa isa't isa, hindi kagaya noon na kahit na ano pang pilit nilang pagkumbinsi sa sarili nilang mahal nila ang isa't isa ay alam nilang may parte sa mga puso nila ang may pagdududa. Tila may kulang. Tila may pangamba na kahit pilitin man nilang baliwalain ay pilit namang sumasagi sa isipan nila. At ngayong wala na ang nakadagang bagay na iyon ay hindi nalang maiwasan ng dalawa ang maging masaya para sa isa't isa."Good morning, love," nakangiting wika ni Taylor nang magsimulang gumalaw si Kirstie sa tabi niya. Kanina pa siya nakatitig sa fiancee niya at ngayon ngang nagigising na ito ay sinalubong na niya ito ng magandang pagbati sa umaga."Mmm, morning," pag-ungol ni Kirstie habang nakapikit parin ang dalawang mga mata.Napangisi si Taylor at pinatakan
Third Person's Point of View"Bakit nandito ka pa sa may balcony? Malamig na dahil masyado nang malalim ang gabi. Baka sipunin ka pa, alam mo namang huling araw na natin bukas dito sa Siargao, dapat sulitin na natin bukas," wika pa ni Taylor na nakayakap na ngayon sa likuran ni Kirstie.Napapasandal naman sa dibdib ang babae at saka ay humilig na doon. Malalim pa siyang napapabuntong-hininga bagay na siyang ikinatingin na ni Taylor sa kanya."Bakit ang lalim ng buntong-hininga mo? May problema ka ba?" kapagkuwan ay pagtatanong ni Taylor sa fiancee na siyang magiging asawa na niya sa susunod na buwan."Wala. Naiisip ko lang. Kung hindi tayo nagkahiwalay, siguro ay matagal na tayong buo. Siguro ay marami na tayong anak," nakatawang wika ni Kirstie na siyang ikinangisi naman ni Taylor sa likuran niya."Kung 'yan ang iniisip mo, pupuwede pa naman tayong humabol. 'Wag kang mag-alala, kahit ipagsunod-sunod ko pa iyan," mapaglarong wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.
Third Person's Point of View"Taylor, anong ginagawa mo? May kausap pa ako," ani Kirstie na siyang mabilis na ikinatigil na ni Taylor sa paglalakad."What? Mas gusto mong kausap ang lalaking 'yon kaysa ang makasama ako?" tila nagtatampong wika ni Taylor na siyang ikinatawa nalang ni Kirstie."Ano bang nangyayari sa 'yo? Nahihiya lang ako sa tao kasi biglaan mo akong hinila. Nakakahiya. Baka masabihan tayong mga walanghiya," nakatawang wika ni Kirstie.Binitawan ni Taylor ang kamay ng nobya at naglakad na paalis nang hindi ito kasama."Oh, edi bumalik ka ro'n. Kausapin mo ang lalaking 'yon. Mas gusto mo 'yong makasama kaysa sa 'kin, 'di ba?" nagtutunog pagtatampo pa nga na wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.Sinundan niya ang lalaki at saka ay hinawakan na ang kamay nito. "Sasama na po," nakangiting wika ni Kirstie na siyang ikinairap naman ng lalaki na tila ay nagmamaldita na parang bading."Hindi, do'n ka na. Mas pinipili mo siya, 'di ba?"Hindi na nakinig pa
Third Person's Point of View"Where's Taylor? Nakita niyo?" pagtatanong ni Kirstie sa mga kaibigan niyang kanina pa kumakain sa restaurant. Magkatabi silang natulog kagabi pero nagulat nalang siya nang hindi na mahagilap pa ang nobyo pagkagising niya."Bakit mo hinahanap? Baka may ginagawa lang. Para ka namang bata. Hindi mo lang nakita ng ilang minuto, hinahanap mo na kaagad. Bata ka? Bata ka? Hindi ka makaka-kilos kapag wala siya?" prankang wika ni Rachel at nagmamaldita na sa kanya na siyang labis na ikinagulat ni Kirstie."Anong nangyayari sa 'yo? Parang nagtatanong lang, e. Hindi ba ako puwedeng magtanong? Bakit nagmamaldita ka na?" naiinis nang wika ni Kirstie na siyang ikinaismid nalang ng kaibigan. Nilapitan niya ito at pabirong kinurot sa leeg na siyang mabilis na ikinaigik ni Rachel."Tsk! Kung hindi lang 'to para sa---"Hindi na nakapagtapos pa sa sasabihin si Rachel nang biglaan na siyang tinampal ni Allyson sa bibig, bagay na siyang gulat na ikinatingin ng dalawa sa gawi
Third Person's Point of ViewNang matapos ang kapagod-pagod na gabing iyon ay halos hindi na bumangon si Kirstie sa higaan niya yakap-yakap si Taylor na ngayon ay nakangiti nang nakatitig sa maganda niyang mukha. Tulog na tulog pa siya kanina pero naalimpungatan siya nang maramdamang kanina pa may nakatitig sa kanya. Nang mapagtantong si Taylor iyon base sa amoy nito ay hindi na siya nagmulat pa ng mata para kumpirmahin iyon dahil halatang-halata naman kung sino na ang tumititig sa kanya nang ganoon."Alam kong maganda ako," mahinang wika ni Kirstie na napapaungol na habang niyayakap pa nang mahigpit ang lalaki na siyang mahina nang ikinahalakhak nito."Alam ko. Kaya nga napapatitig ako, e, kasi ang ganda mo," pambubula pa ni Taylor na siyang ikinangiwi nalang ni Kirstie habang nakapikit parin ang mga mata.Napatawa si Taylor at hindi na napigilan pa ang sariling patakan ng halik ang labi ng nobya na siyang mabilis na ikinamulat na nito. Napapatawa siya na siyang nagpanguso nalang kay
Third Person's Point of ViewNapadaing si Kirstie nang pagkapasok nila sa loob ng kuwartong inukupa nila ay deritsahan na siyang sinunggaban ng halik ni Taylor na tila ba ay uhaw na uhaw ito sa labi niya. Ilang ulit na itong nangyari sa kanila ngunit parang hindi parin nauumay ang lalaki sa katawan niya."Taylor," mahinang pag-ungol ni Kirstie sa pangalan ng nobyo na siyang busy naman sa paggalugad sa labi niya.Naramdaman niya ang malamig na pader ng hotel room pero hindi iyon alintana ni Kirstie dahil sa pag-i-init ng katawan niya sa halikang ginagawa nila ni Taylor.Nang hawakan ni Taylor ang puwetan niya ay kaagad niyang nakuha ang gusto nitong gawin. Mabilis niyang ipinulupot ang mga braso niya sa may leeg ng binata at pati narin ang dalawang hita niya na alam niyang kanina pa inaasahan ni Taylor na gawin niya.Mas lalong lumalim ang halikan nila. Sa pagkalunod ni Kirstie sa labi ni Taylor ay hindi na niya namamalayang nasa may sofa
Third Person's Point of ViewMabilis na napahalakhak si Taylor nang makita ang naging reaksyon ni Kirstie sa mukha nito. "What? Don't tell me you're blushing at that? Bakit? Hindi ka narin ba makapag-antay na masolo ako?" mapaglaro at mapanuksong wika ni Taylor na siyang mabilis nang ikinasagitsit ni Kirstie."Umayos ka nga!" namumula ang pisngeng wika pa ni Kirstie na siyang palihim nalang na ikinatawa ni Taylor."Tara," pag-aaya pang muli ni Taylor."Saan?""Magpapainit nga---"Napapasagitsit nalang si Kirstie at saka ay nauna nang umalis. Bumalik sila sa kuwarto para magbihis nang swimwear. Ayaw naman ni Kirstie na deritsahang makita ng iba ang katawan niya kaya nagsuot nalang siya ng see-through na dress para tatanggalin nalang niya iyon kapag nasa pool na sila.At nang makalubog na nga sa malamig na tubig ng pool ay napapikit nalang si Kirstie sa sarap ng pakiramdam na iyon. May mangilan-ngilan na naliligo sa pool pero hindi iyon alintana kay Taylor para gawin ang gusto niyang g