Third Person's Point of ViewNatapos ang maghapon na hindi nakapagconcentrate si Kirstie. Nakatambay lang kasi si Taylor sa gilid habang ang tingin ay nasa kanya lang, bagay na siyang malaking ikinailang niya. Kaya noong tumatak ang oras ng uwian ng anak niya ay doon na siya nakahinga nang maluwag. Tila yata ay natigil ang paghinga niya kanina noong nanatiling nakatitig si Taylor sa kanya. Mabuti nalang at tumatak na ang alas kuwatro. Ibig sabihin no'n ay makakawala na siya sa paninitig ni Taylor sa kanya."Comedia, ikaw na ang bahala sa cafè," habilin ni Kirstie sa empleyado na siyang mabilis na ikinasaludo nito."Copy, Ma'am!" bibong wika nito at tila ay doon na naalala ni Kirstie ang naging eksena nila kanina. Napapasagitsit lang siya sa dalaga at saka niya ito inismiran.Nang makalabas ay pinagbuksan na siya ni Taylor sa kotse. Akmang pipigilan na naman niya ang lalaki gaya nang ginawa niya kanina nang mauna na itong magsalita."Let me, okay? Nakakahiya naman na nandito ako tapos
Third Person's Point of ViewMabilis na namang lumipas ang araw. Gayunpaman ay ibang saya ang naging dulot no'n kay Taylor. Mas naging open sa kanya ang mag-iina niya sa kanya lalo na si Kirstie na noon ay halos iwasan siya at naiilang pa sa pagsama-sama niya. Mag-iisang buwan palang siyang nanligaw ulit kay Kirstie pero malaki na ang kaibahan no'n sa buhay niya at sa buhay nilang mumunting pamilya. At masaya si Taylor doon. Iba ang kasiyahang dulot ng mag-ina sa buhay niya kaysa noon na halos nakatunganga siya kapag walang ginagawa."We're here! Pasok na po ako, mama, papa!" bibong wika pa nga ni Kristen bago pinatawan ng halik ang mga magulang sa kanya-kanyang pisnge.Nang makalabas na nga ang anak ay sabay na napapasilay ang mga ngiti sa labi nila ni Kirstie."Ang bibo ng anak nating 'yon, Kirstie," nakangising wika ni Taylor na siyang ikinangiti narin ni Kirstie."Natin," naging wika niya sa sarili habang hindi na matanggal-tanggal ang ngiti sa labi niya. "Kaysarap pakinggan," nag
Third Person's Point of ViewNgiting-ngiti si Taylor nang makarating sa studio. Nauna nang bumaba si Kirstie sa kanya at hindi na niya pinigilan pa ang nililigawan dahil alam niyang namiss nga nito ang mga ka-banda niya."Dude, bakit ang tagal mo? Kanina pa mainit ang ulo ni manager---"Hindi na natapos pa sa sasabihin si Drake nang makita kung sino ang bagong dating."Kirstie?" nagugulantang na wika ng banda. Si Taylor naman na siyang kakapasok lang ay doon na napapangisi sa mga kasama."Namiss niya raw kayo---"Hindi na nakapagtapos si Taylor nang apakan na ni Kirstie ang paa niya. Napadaing siya at sinamaan ng tingin ang babae na ngayon ay nginingitian na ang mga kabanda niya."Sumama lang ako sandali. Manonood ako. Okay lang naman 'yon, Macy, 'di ba?" paalam pa ni Kirstie sa manager na siyang mabilis naman na ikinangiti nito."Of course. Mas maigi nga iyon para magseryoso na ang isa r'yan na palagi nalang tumatakas sa practice ng banda," pagpaparinig pa nga ni Macy kay Taylor na s
Third Person's Point of View"Anong pinag-uusapan niyo ni manager habang nagpa-practice kami?" biglaang pagtatanong ni Taylor na siyang ikinapula na ng mukha ni Kirstie. Pilit niyang kinakalimutan ang sinabi ni Macy kanina pero heto si Taylor at tila ay pinapaalala iyon sa kanya."Oh? Bakit namumula ka? Nagtatanong lang naman ako kung ano ang pinag-usapan niyo ah?" Nanliliit ang mata ni Taylor at saka tinitigan si Kirstie na ngayon ay mabilis nang napapasagitsit, bagay na siyang ikinahalakhak na ni Taylor."Don't worry. Kung hindi ka naman komportableng pag-usapan iyon ay hindi kita pipilitin," wika pa ni Taylor na siyang ikinahinga na niya nang maluwag. Ganoon nalang ang gulat ni Kirstie nang may idinagdag pa si Taylor sa naunang sinabi."Pero ano nga ba ang pinag-usapan niyo kanina? Bakit parang namumula ka?" mapanuksong wika pa nga ni Taylor na siyang ikinasama na ng tingin ni Kirstie."Joke lang. Hindi ka naman mabiro," nakatawang wika ni Taylor na siyang nagpaikot lang sa mata ni
Third Person's Point of View"Anong ginagawa mo rito? Gabi na, ah? At bakit basa ka?" sunod-sunod na pagtatanong ni Kirstie nang madatnan si Taylor na nakatayo sa may labas ng condo niya na basang-basa sa ulan.Umaktong nanginginig si Taylor sa lamig. "Hindi mo ba ako papapasukin?" wika pa nito na siyang ikinairap na niya sa ere.Mabilis na pumasok si Taylor at nakangisi nang umupo sa sofa. Pero nang makita ang pagtaas ng kilay ni Kirstie sa kanya ay doon na nawala ang ngising nakapaskil sa labi niya."Bakit ba basang-basa ka? Sa'n ka ba nagpunta matapos mo kaming naihatid? May kinikita kang iba? Kaya ba basa ka?" wika pa nito na tila ay pinaghihinalaan siya na siyang mabilis na ikinailing-iling na niya."Wala. Wala akong kinikitang iba. May pinuntahan kasi ako sandali kaya nabasa ako. Kaya ayon, naisipan ko nang pumunta rito."Bago paman magtanong si Kirstie ng iba ay mabilis na siyang napapatayo, ang tingin ay nasa may banyo na."Ligo muna ako. Baka magkasakit ako, sige ka, wala nan
Third Person's Point of ViewSi Kirstie na nakita ang dahan-dahang pagtanggal ni Taylor sa tuwalyang nasa may baywang nito ay mabilis nang nanlaki ang mga mata niya."Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tila hindi na mapag-ibsan ng kaba na wika ni Kirstie na tila ay natataranta na sa kung anumang naiisip ni Taylor na gawin sa harapan niya.Si Taylor naman na siyang nakita na ang pagkataranta ni Kirstie at ang paglunok nito na tila ay taliwas ang anumang sinasabi nito ay doon na napapaangat ang sulok ng labi niya.Handa na siyang tanggalin at tuluyang bitawan ang tuwalyang nakapulupot sa baywang niya nang biglaang sumulpot ang anak nila mula sa kuwarto."Mama! Papa!" biglaang pagsasalita ni Kristen na siyang halos ikinataranta nina Taylor at Kirstie. Nagkandakuba si Taylor sa pagtakip sa sandata niyang alam niyang hindi pupuwedeng makita ng anak niya at si Kirstie naman ay natatarantang napapeke ng ubo. Palihim niyang sinamaan ng tingin si Taylor na ngayon ay hindi na makaangal dahil ma
Third Person's Point of View"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" mahinang panininghal ni Kirstie sa lalaki na siyang hindi naman nakinig sa kanya at napapangisi lang."What do you think? I'm going to take you to heaven," makahulugang wika ni Taylor na siyang bahagyang ikinalunok nalang ni Kirstie.Napapapikit siya at hindi hinayaan ang sariling magpatalo sa pagnanasa ng katawan niya."Ibaba mo ako---""Do you want me to take you right here? Kung saan makikita ng anak natin ang ginagawa natin kapag nagising siya sa pag-iyak mo sa sarap na makukuha mo maya-maya?" bulgar ang bibig na wika ni Taylor na siyang ikinasinghap nalang ni Kirstie."Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" naiinis nang wika ni Kirstie sa lalaki.Napapataas naman ang sulok ng labi ni Taylor. "I told you, I'm going to take you to heaven," simpleng sagot nito na siyang ikinasagitsit nalang ni Kirstie."Hindi kita pinatulog dito sa condo ko para gawin lang ang gusto mo, Taylor," naiinis na wika ni Kirstie. Ganoon nalang an
Third Person's Point of ViewGanoon nalang ang panlalaki ng mga mata ni Kirstie nang muli siyang sinunggaban ng halik ni Taylor.Mas mapusok kaysa kanina.Mas mainit kaysa sa paglalaro nila ng apoy kanina. Mas mabagsik kaysa sa halikan nila kanina.Napapapikit nalang si Kirstie at tumugon na sa mga halik. Mas hinigpitan niya pa ang pagkakayapos niya sa leeg ng lalaki para mas palalimin pa ang halik sa ganoong paraan.Sa ilang minuto nilang paghahalikan ay naramdaman ni Kirstie ang kamay ni Taylor na kung saan-saan na napapakapit. Ipinaglandas nito ang isang kamay sa likuran niya at ang isang kamay naman ay nasa likuran ng ulo niya para mas palalimin ang halik, bagay na siyang mas lalo lang na nagpainit sa katawan nila.Ganoon nalang ang pag-ungol ni Kirstie nang mapansing mula sa likuran niya ay napunta na ang kamay ni Taylor sa ilalim ng t-shirt niya. At nang matagpuan nga nito ang matagal na nitong hinahanap ay doon na mas napapaungol si Kirstie.Naramdaman niya ang ekspertong pagm
Third Person's Point of ViewNag-aalala man sa mga posibleng mangyayari sa susunod na mga araw ay hindi na nagpatinag sina Kirstie at Taylor. Nagpatuloy sila sa relasyon nila at hindi nila hinahayaan ang relasyon nila na siyang maapektuhan sa kung anumang nasa paligid nila. Masakit para kay Taylor na hindi boto ang ina niya sa babaeng pinakamamahal niya, pero hindi naman niya ito mapipilit kaya hinayaan na niya ang ina. Umaasa nalang siya na sana ay darating ang araw na boto na ito kay Kirstie at hindi na sila kokontrahin pa, lalo na ang relasyon nila.Doon nga, sa hinaba-haba ng prosisyon ay dumating na nga ang inaantay ng lahat. Ang maikasal sina Kirstie at Taylor.Pamahiin ng kasal na hindi pupuwedeng magkita ang groom at ang bride, pero iba ang ginawa ni Taylor. Siya mismo ang nagdrive sa bridal car na sana ay nasa simbahan na siya at naghihintay nalang sa pagdating ni Kirstie sa harapan ng simbahan."Hoy, okay lang ba talagang ikaw ang nagda-drive sa akin? Alam mo naman na bawal
Third Person's Point of View"Anong meron? Ba't nagkakasiyahan yata kayong lahat dito?"Kung kanina ay halos mapuno ng kantyawan at tawanan ang cottage na inukupa nila, ngayon ay halos napipi naman silang lahat dahil ni isang tunog ay wala silang ginawa.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Mrs. Miller sa lahat at doon ay peke nang napapatawa, bagay na siyang ikinangiwi na ng iba."Taylor, anak. Nagbakasyon ka pala kasama ang mga barkada mo at mukhang may nagaganap na handaan, bakit hindi mo manlang inimbita ang sarili mong ina?" pangongompronta na ni Mrs. Miller na siyang ikinatayo na ni Taylor."Ma, tama na. Tara na sa labas. Do'n tayo mag-usap---"Hindi paman tapos sa sasabihin si Taylor ay sumingit na si Mrs. Miller, tila pilit na sinisingit ang sarili sa ginagawa ng mga ito sa naturang cottage."Hindi, e. Bakit hindi mo manlang ako nagawang naimbitahan na magbakasyon, Taylor? Kahit si Melanie na siyang fiancee mo nalang ang isinama mo pero kahit siya ay hindi mo naimbitahan," pangongom
Third Person's Point of ViewMatapos mapaglinaw ang lahat ay tila nawala ang mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib nina Kirstie at Taylor. Naging mas magaan ang pakiramdam nila at tila ay mas naging malinaw ang nararamdaman nila para sa isa't isa, hindi kagaya noon na kahit na ano pang pilit nilang pagkumbinsi sa sarili nilang mahal nila ang isa't isa ay alam nilang may parte sa mga puso nila ang may pagdududa. Tila may kulang. Tila may pangamba na kahit pilitin man nilang baliwalain ay pilit namang sumasagi sa isipan nila. At ngayong wala na ang nakadagang bagay na iyon ay hindi nalang maiwasan ng dalawa ang maging masaya para sa isa't isa."Good morning, love," nakangiting wika ni Taylor nang magsimulang gumalaw si Kirstie sa tabi niya. Kanina pa siya nakatitig sa fiancee niya at ngayon ngang nagigising na ito ay sinalubong na niya ito ng magandang pagbati sa umaga."Mmm, morning," pag-ungol ni Kirstie habang nakapikit parin ang dalawang mga mata.Napangisi si Taylor at pinatakan
Third Person's Point of View"Bakit nandito ka pa sa may balcony? Malamig na dahil masyado nang malalim ang gabi. Baka sipunin ka pa, alam mo namang huling araw na natin bukas dito sa Siargao, dapat sulitin na natin bukas," wika pa ni Taylor na nakayakap na ngayon sa likuran ni Kirstie.Napapasandal naman sa dibdib ang babae at saka ay humilig na doon. Malalim pa siyang napapabuntong-hininga bagay na siyang ikinatingin na ni Taylor sa kanya."Bakit ang lalim ng buntong-hininga mo? May problema ka ba?" kapagkuwan ay pagtatanong ni Taylor sa fiancee na siyang magiging asawa na niya sa susunod na buwan."Wala. Naiisip ko lang. Kung hindi tayo nagkahiwalay, siguro ay matagal na tayong buo. Siguro ay marami na tayong anak," nakatawang wika ni Kirstie na siyang ikinangisi naman ni Taylor sa likuran niya."Kung 'yan ang iniisip mo, pupuwede pa naman tayong humabol. 'Wag kang mag-alala, kahit ipagsunod-sunod ko pa iyan," mapaglarong wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.
Third Person's Point of View"Taylor, anong ginagawa mo? May kausap pa ako," ani Kirstie na siyang mabilis na ikinatigil na ni Taylor sa paglalakad."What? Mas gusto mong kausap ang lalaking 'yon kaysa ang makasama ako?" tila nagtatampong wika ni Taylor na siyang ikinatawa nalang ni Kirstie."Ano bang nangyayari sa 'yo? Nahihiya lang ako sa tao kasi biglaan mo akong hinila. Nakakahiya. Baka masabihan tayong mga walanghiya," nakatawang wika ni Kirstie.Binitawan ni Taylor ang kamay ng nobya at naglakad na paalis nang hindi ito kasama."Oh, edi bumalik ka ro'n. Kausapin mo ang lalaking 'yon. Mas gusto mo 'yong makasama kaysa sa 'kin, 'di ba?" nagtutunog pagtatampo pa nga na wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.Sinundan niya ang lalaki at saka ay hinawakan na ang kamay nito. "Sasama na po," nakangiting wika ni Kirstie na siyang ikinairap naman ng lalaki na tila ay nagmamaldita na parang bading."Hindi, do'n ka na. Mas pinipili mo siya, 'di ba?"Hindi na nakinig pa
Third Person's Point of View"Where's Taylor? Nakita niyo?" pagtatanong ni Kirstie sa mga kaibigan niyang kanina pa kumakain sa restaurant. Magkatabi silang natulog kagabi pero nagulat nalang siya nang hindi na mahagilap pa ang nobyo pagkagising niya."Bakit mo hinahanap? Baka may ginagawa lang. Para ka namang bata. Hindi mo lang nakita ng ilang minuto, hinahanap mo na kaagad. Bata ka? Bata ka? Hindi ka makaka-kilos kapag wala siya?" prankang wika ni Rachel at nagmamaldita na sa kanya na siyang labis na ikinagulat ni Kirstie."Anong nangyayari sa 'yo? Parang nagtatanong lang, e. Hindi ba ako puwedeng magtanong? Bakit nagmamaldita ka na?" naiinis nang wika ni Kirstie na siyang ikinaismid nalang ng kaibigan. Nilapitan niya ito at pabirong kinurot sa leeg na siyang mabilis na ikinaigik ni Rachel."Tsk! Kung hindi lang 'to para sa---"Hindi na nakapagtapos pa sa sasabihin si Rachel nang biglaan na siyang tinampal ni Allyson sa bibig, bagay na siyang gulat na ikinatingin ng dalawa sa gawi
Third Person's Point of ViewNang matapos ang kapagod-pagod na gabing iyon ay halos hindi na bumangon si Kirstie sa higaan niya yakap-yakap si Taylor na ngayon ay nakangiti nang nakatitig sa maganda niyang mukha. Tulog na tulog pa siya kanina pero naalimpungatan siya nang maramdamang kanina pa may nakatitig sa kanya. Nang mapagtantong si Taylor iyon base sa amoy nito ay hindi na siya nagmulat pa ng mata para kumpirmahin iyon dahil halatang-halata naman kung sino na ang tumititig sa kanya nang ganoon."Alam kong maganda ako," mahinang wika ni Kirstie na napapaungol na habang niyayakap pa nang mahigpit ang lalaki na siyang mahina nang ikinahalakhak nito."Alam ko. Kaya nga napapatitig ako, e, kasi ang ganda mo," pambubula pa ni Taylor na siyang ikinangiwi nalang ni Kirstie habang nakapikit parin ang mga mata.Napatawa si Taylor at hindi na napigilan pa ang sariling patakan ng halik ang labi ng nobya na siyang mabilis na ikinamulat na nito. Napapatawa siya na siyang nagpanguso nalang kay
Third Person's Point of ViewNapadaing si Kirstie nang pagkapasok nila sa loob ng kuwartong inukupa nila ay deritsahan na siyang sinunggaban ng halik ni Taylor na tila ba ay uhaw na uhaw ito sa labi niya. Ilang ulit na itong nangyari sa kanila ngunit parang hindi parin nauumay ang lalaki sa katawan niya."Taylor," mahinang pag-ungol ni Kirstie sa pangalan ng nobyo na siyang busy naman sa paggalugad sa labi niya.Naramdaman niya ang malamig na pader ng hotel room pero hindi iyon alintana ni Kirstie dahil sa pag-i-init ng katawan niya sa halikang ginagawa nila ni Taylor.Nang hawakan ni Taylor ang puwetan niya ay kaagad niyang nakuha ang gusto nitong gawin. Mabilis niyang ipinulupot ang mga braso niya sa may leeg ng binata at pati narin ang dalawang hita niya na alam niyang kanina pa inaasahan ni Taylor na gawin niya.Mas lalong lumalim ang halikan nila. Sa pagkalunod ni Kirstie sa labi ni Taylor ay hindi na niya namamalayang nasa may sofa
Third Person's Point of ViewMabilis na napahalakhak si Taylor nang makita ang naging reaksyon ni Kirstie sa mukha nito. "What? Don't tell me you're blushing at that? Bakit? Hindi ka narin ba makapag-antay na masolo ako?" mapaglaro at mapanuksong wika ni Taylor na siyang mabilis nang ikinasagitsit ni Kirstie."Umayos ka nga!" namumula ang pisngeng wika pa ni Kirstie na siyang palihim nalang na ikinatawa ni Taylor."Tara," pag-aaya pang muli ni Taylor."Saan?""Magpapainit nga---"Napapasagitsit nalang si Kirstie at saka ay nauna nang umalis. Bumalik sila sa kuwarto para magbihis nang swimwear. Ayaw naman ni Kirstie na deritsahang makita ng iba ang katawan niya kaya nagsuot nalang siya ng see-through na dress para tatanggalin nalang niya iyon kapag nasa pool na sila.At nang makalubog na nga sa malamig na tubig ng pool ay napapikit nalang si Kirstie sa sarap ng pakiramdam na iyon. May mangilan-ngilan na naliligo sa pool pero hindi iyon alintana kay Taylor para gawin ang gusto niyang g