Third Person's Point of View"Hindi ka pa ba uuwi?" naiinis nang wika ni Kirstie kay Taylor na ngayon ay kampante nang nakaupo sa may sofa nila sa salas.Napapatingin lang si Taylor sa kanya sandali bago sumandal sa sofa."Saka lang ako aalis kapag aalis narin ang lalaki mo. Malay ko ba kung anong gagawin niyan sa inyo kapag wala na ako rito, 'di ba? Wala akong tiwala sa kanya," naging patutsada ni Taylor na siyang bahagyang ikinausbong ng inis ni Kirstie."Sa inyong dalawa, mas hindi kita pinagkakatiwalaan. Mas may gagawin kang masama sa amin kaysa kay Edward na walang ibang ginawa kundi ang suportahan kami at alagaan ng ilang taon kahit hindi namin iyon sinabi sa kanya," naging asik naman pabalik ni Kirstie na siyang ikinatanga na ni Taylor.Napangiti nalang ng mapait si Taylor at napapayuko na, napatango-tango na parang tanga kahit wala naman siyang sinasabi sa dating kasintahan."Malaki ba ang naging kasalanan ko para mawala lahat ng tiwala mo sa akin, Kirstie?" biglaang wika ni T
Last Updated : 2024-06-27 Read more