"Mang Nolan, hindi ba mas maganda ho atang dinala nalang ninyo ang taong iyan sa hospital, kapag namatay yan sa atin problema pa natin ang taong iyan!" naiiling na sabi ko kay mang Nolan habang magkaharap kaming nag kakape sa mesa habang parehong nakatanaw sa hindi kilalang lalaki sa kwarto.Masyado na akong maraming problema at iniisip para dumagdag pa ang lalaking iyan at mag paalaga! I don't even know him! Ilang araw na siyang nandito at walang malay, at hindi ko alam kung magigising Pa ba siya o hindi na.at kung hindi na nga siya magising ay paniguradong magiging problema Pa namin siya! Maging si mang Nolan ay ilang araw na ring hindi umuuwi para lang samahan akong bantayan ang taong ito.Masyado na siyang nagiging abala sa ibang tao! "Sa kalagayan niya ngayon paniguradong hindi kakayanin ng katawan niya ang bumiyahe palabas rito, mas malaki Pa ang tsansa na mabuhay siya rito, at isa pa stable naman ang kondisyon niya kaya huwag kang masyadong mag alala," sagot ni mang Nolan
Last Updated : 2024-01-30 Read more