Share

Chapter 2

Author: Aila tan
last update Huling Na-update: 2024-01-30 17:58:30

FEW MONTHS LATER

"Ezrah iha! Akin na nga iyan! Sinabi ko naman sayo na tawagin mo nalang ako kung may kailangan kang gawin hindi ba? Para Ako na ang gagawa para sayo," bahagyang napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni mang Nolan na bigla nalang lumitaw sa kung saan.

Kasalukuyan akong nag wawalis sa malawak na bakuran ng bahay ko...Or should I say bahay namin ni enzo.

"Ayos Lang ho mang Nolan. Gusto ko rin ng may ginagawa ako, Sa ganitong paraan kasi naiiwasan ko ang mag isip ng sobra," malungkot na tugon ko sa kanya at ipinagpatuloy ang pag wawalis ng mga tuyong dahon patungo sa kumpol ng iba pang mga kalat na kanina ko Pa nawalis.

"Hmm! Maiwasan mag isip ng sobra? Kaya ba ganun nalang ang gulat mo ng marinig ako?" Pag kontra niya sa sinabi ko.

Bata Pa Lang ako ay kasama ko na Si mang Nolan kaya naman kilalang kilala na niya ako.

alam Kong alam niya na nag sisinungaling ako nang sabihin Kong hindi ako nag iisip ng sobra, dahil ang totoo ay malalim ang iniisip ko kaya ako nagulat at hindi siya namalayan.

"Akin na Yan, ako na ang magtutuloy," pag agaw niya sa walis na hawak ko kaya wala akong nagawa kundi ang ipaubaya nalang ito sa kanya at maupo na lamang sa kahoy na upuan habang pinanonood siyang ipagpatuloy ang pag lilinis.

Hapon na at ilang sandali nalang ay mag didilim nanaman, bagay na dumadagdag sa bigat ng nararamdaman ko.

Sa tuwing didilim kasi ay wala akong ibang maramdaman kundi ang labis na pighati at kalungkutan.

Ang dilim na bumabalot sa paligid at ang katahimikan na imbes mag bigay sa Akin ng panatag na pakiramdam ay mas lalo lang naghahatid ng takot sa Akin.

Ilang buwan na ang lumipas pero sariwa pa rin sa Akin ang gabing iyon.

Ang gabing nagpabago ng takbo ng buhay ko.

Ang gabing akala ko ay katapusan na ng buhay ko!

Nang gabing iyon ay maswerte akong nakaligtas... Bakit at paano?

Well that's a story for another day.

Basta ilang linggo matapos ang insidenteng iyon ay wala akong nagawa kundi ang umuwi rito sa probinsya kung saan may iniwan sa aking malawak na farm ang yumao Kong mga magulang.

Ang farm na sana ay magiging tahanan namin ni enzo.

Tahanan kung saan sana kami gagawa ng maraming alala, pero lahat ng iyon ay bigla nalang nag laho sa isang gabi lamang!

Simula nang gabing iyon ay hindi ko man Lang nakita ang bangkay niya... Ni hindi ko magawang dumalo sa libing niya para makapagpaalam man Lang sa huling pagkakataon.

Sinubukan kong bumisita noon sa lamay niya ngunit naroon nagmamasid ang mga taong pumatay sa kanya na marahil ay nag aabang sa'kin kaya naman napilitan akong lumayo nalang.

Nabalitaan ko nalang na hanggang ngayon ay iniimbestigahan Pa ang pag kamatay niya.

Kinailangan Kong lumayo kahit na labag sa kalooban ko dahil alam kong hanggang ngayon ay pinag hahanap pa rin ako ng mga taong iyon!

"Ezrah!"

"Ahh!" Gulat na napatayo ako mula sa pag kakaupo ng yugyugin ni mang Nolan ang balikat ko.

Hindi ko namalayan na halos madilim na pala ang paligid at natapos na rin niya ang nililinis ko kanina.

"Pasensya na kung nagulat kita," pag hingi niya ng paumanhin kahit wala naman talaga siyang kasalanan.

Simula kasi ng gabing iyon ay hindi Pa rin ako napapanatag.

Pakiramdam ko ay palagi nalang may nakamasid at nakaambang panganib sa Akin.

Kaunting kaluskos Lang ay ikinagugulat ko na.

Isa ito sa mga bagay na ikinatatakot ko noon... ang mamuhay na palaging may kinatatakutan.

I am the victim but it sure feels like I am the criminal!

A fugitive on the run!

Bakit kailangang ako ang mag tago habang malayang nakapamumuhay ang masasamang loob na gumawa ng masama?!

This is so unfair!

"Ayos lang ho mang Nolan,Wala naman kayong kasalanan," tipid na ngumiti ako sa kanya habang sinasabayan siya na mag lakad papasok sa bahay.

"Alam Kong mahirap para sayo ang pinagdadaanan mo ngayon at hindi mo deserve ang mamuhay sa takot,kaya Kung kailangan mo ng kausap alam mong nandito lang ako diba?" Puno ng awa ang mga tingin niya sa akin at hindi maiwasang kumawala nanaman ang mga luhang pilit kong sinusupil!

This is ridiculous!

I hate this kind of feeling!

The feeling of being helpless and pitied for!

"Alam ko ho mang Nolan... Salamat po, pero hindi pa ako handang mag kwento ngayon," magalang na sagot ko sa kanya sabay pahid ng luha sa pisngi ko.

Gustuhin ko mang mag open up sa iba tungkol sa nangyari at sa nararamdaman ko ay hindi ko magawa.

Sa tuwing ibubuka ko kasi ang bibig ko at akmang ikukwento ko ang nangyari ay para akong nabibilaukan!

Walang tinig na gustong lumabas sa bibig ko.

Sa tuwing maaalala ko ang nangyari ay nahihirapan akong huminga.

Na tila ba pinipiga ng paulit ulit ang puso ko!

Kaya paano ko naman magagawang ikwento ang lahat?

Kahit na gusto Kong kalimutan nalang lahat ay hindi ko magawa!

Hanggang ngayon ay sariwang sariwa Pa rin sa Akin ang lahat!

Ang mga putok ng baril na tila ba nag islow motion habang isa isang bumabaon sa katawan ni enzo... maging boses ng dalawang lalaki na gumawa nun sa kanya!

Ang nakakatakot na mukha nila habang hinahabol nila ako at pinagbabantaan ang buhay!

Everything is still clear in my mind!

Even the sound of my ragged breath as I run in the midddle of nowhere.

The feeling of being so afraid to die while sharp objects are piercing through my feet but I can't helped but to continue to run for my life!

Lahat nang iyon ay bumabalik sa tuwing susubukan kong ikwento!

"Sigurado ka bang ayos ka lang na mag isa?" Paninigurong tanong ni mang Nolan nang nag pasya na siyang umuwi dahil nga gabi na.

Sa araw lang narito si mang Nolan para tapusin ang mga trabaho sa farm... At dahil nga hindi ako maaaring lumabas ng lumabas ay siya na rin ang bumibili ng mga kailangan ko sa bayan.

Si mang Nolan ang care taker dito simula Pa man noon... Siya ang katiwala ng mga magulang ko at siya na rin lang ang nag iisang pamilya na meron ako bukod kay enzo.

Nang mawala ang mga magulang ko ay kay mang Nolan na naiwan ang pag aalaga ng lahat sa farm lalo na ang trabaho dito dahil may sarili buhay rin ako sa syudad.

Hindi naman kalayuan dito ang bahay niya pero alam kong nag aalala lang siya para sa kaligtasan ko.

Nakakatakot na mag isa pero mas gusto ko na iyon kesa makaabala pa ng iba.

"Mang Nolan... Ilang buwan na ho ninyo akong araw araw tinatanong ng ganyan sa tuwing uuwi kayo," bahagya akong natawa.

It was a force laugh but I make it sound so real.

"Pasensya na, hindi kasi ako komportable na lagi ka nalang mag isa...Alam ko kung paano ka mag luksa at ayokong maulit nanaman ang dati, " napabuntong hininga siya sa pag aalala.

Alam kong tinitukoy niya ay ang panahong namatay ang mga magulang ko at halos gumuho ang mundo ko.

Saksi kasi siya kung gaano iyon kahirap para sa Akin.

"I'll be fine mang Nolan, go home and be with your family," tipid na ngumiti ako sa kanya at tinapik ang balikat niya.

"oh siya kung gayon mauna na ako... Tumawag ka kapag may kailangan ka maliwanag?" tila napipilitan niyang sabi sa Akin.

Tumango naman ako sa kanya kaya bagsak balikat nalang na tumalikod siya.

Nang makaalis na siya ay malalim akong bumuntong hinga at isinara ang pinto bago ako tumuloy sa sala at ibinagsak ang katawan ko sa mahabang sofa.

"ugh! Shit!" D***g ko nang makalimutan Kong gawa nga pala sa kahoy ang sofang iyon.

Naiinis na hinihimas ko ang tumama kong balakang nang marinig ko ang mabigat na katok sa pinto dahilan para mag karerahan nanaman ang kung ano sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba!

Saglit akong napako sa kinatatayuan ko at nakiramdam sa paligid.

Hindi Pa ako nag sisindi ng ilaw kaya naman napakatahimik at madilim na ang paligid.

Agad akong napalundag nang muli akong makarinig ng isa pang katok ngunit sa pagkakataong ito ay may boses na iyong kasabay.

Isang mahina at tila nahihirapang boses.

"Tulong...!" aning boses.

Hindi ko alam kung bakit pero kahit takot na takot ako ay hindi ko magawang hindi balewalain ang boses na iyon dahil namalayan ko nalang ang sarili ko na nasa tapat na ng pintuan at dahan dahan na binubuksan iyon.

Nag lalaban man sa utak ko kung bubuksan ko ba iyon o hindi pero tila may sarili isip ang kamay ko dahil ngayon ay bukas na iyon.

Isang sugatan at nanghihinang lalaki ang nakaharang doon!

Ang isang kamay niya ay nakatukod sa hamba ng pinto bilang suporta at ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa dibdib niyang duguan.

Ang puso ko na sobrang kaba kanina ay mas lalo pang nadagdagan ng sipatin ko ang kabuuan niya!

Halos pikit ang Mata niya sa sobrang pamamaga at marami rin siyang tinamong sugat sa mukha.

Ang buong katawan niya ay nababalot ng dugo na animoy ipinaligo niya iyon.

"P-pakiusap tulungan m-mo ak-ko..." Hirap na usal niya habang tila hinahabol ang hininga.

Dumako naman ang tingin ko sa dibdib na hawak niya at kita ko roon ang tatlong tila tama ng bala ng baril dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko!

Muli nanamang bumalik sa akin ang alaala ng gabing iyon.

Pakiramdam ko may kung anong tumarak sa dibdib ko dahilan para mag sikip ang pag hinga ko.

Nasapo ko rin ang dibdib kong naninikip at bahagyang napaatras dahil sa takot.

I won't help this man!

Siguradong sangkot siya sa kung anong masama and I can't be around this kind of people especially after what happened to my fiance!

Nag hahabol pa rin ako ng hininga nang nag angat siya ng tingin sa Akin... Mga tingin na tila ba nag susumamo pero hindi ako matitinag!

Akmang isasara ko na sana ang pintuan nang bigla nalang siyang humandusay sa harap ko.

"Dyos ko po! Anong nangyari?!" Boses ni mang nolan na nagpabalik sa Akin sa ulirat!

Mabilis na binuhat niya ang walang Malay na lalaki habang ako ay hindi Pa rin magawang mag salita.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni mang Nolan sa akin at mabilis na wala sa sarili naman akong tumango.

"Sino ang taong ito?" Tanong uli niya sa Akin habang iniakbay niya ang lalaki sa balikat niya.

"H-hindi ko po alam! basta Nalang siyang lumitaw... Ilayo na ninyo ang taong iyan dito!" Utos ko kay mang Nolan ngunit tinignan lang niya ako na tila hindi makapaniwala.

"Pero mamamatay ang taong ito kapag Hindi natin siya tinulungan!" Katwiran ni mang Nolan dahilan para mapaisip ako.

Siguradong may hindi magandang dala ang taong ito pero hindi ko naman nga siya pwedeng hayaan nalang na mamatay!

"Fine! Let's get him inside," napipilitang pagpayag ko.

Mabilis namang kumilos si mang Nolan habang inaalalayan ko siya na dalhin ang lalaki sa isang bakanteng kwarto.

Malayo ang hospital dito at siguradong hindi aabot ang taong ito roon... Mabuti nalang at may medical background si mang Nolan kahit papaano.

Assistant veterinarian dati si mang Nolan bago siya nag pasya na iwanan ang propesyon para tulungan nalang si dad sa farm at kahit pa hayop ang ginagamot niya noon kahit papaano ay nagawa parin niyang gamutin ang lalaki.

Hindi ko alam kung bakit pero ang bigat bigat ng loob ko na pinapanood siyang gamutin ang lalaki!

hindi ko maalis sa isip ko na sana ay nag karoon din ng ganitong pagkakataon si enzo... Sana ay may tumulong rin sa kanya noon!

Pero wala!

Kaugnay na kabanata

  • Coincidentally Fated   Chapter 3

    "Mang Nolan, hindi ba mas maganda ho atang dinala nalang ninyo ang taong iyan sa hospital, kapag namatay yan sa atin problema pa natin ang taong iyan!" naiiling na sabi ko kay mang Nolan habang magkaharap kaming nag kakape sa mesa habang parehong nakatanaw sa hindi kilalang lalaki sa kwarto.Masyado na akong maraming problema at iniisip para dumagdag pa ang lalaking iyan at mag paalaga! I don't even know him! Ilang araw na siyang nandito at walang malay, at hindi ko alam kung magigising Pa ba siya o hindi na.at kung hindi na nga siya magising ay paniguradong magiging problema Pa namin siya! Maging si mang Nolan ay ilang araw na ring hindi umuuwi para lang samahan akong bantayan ang taong ito.Masyado na siyang nagiging abala sa ibang tao! "Sa kalagayan niya ngayon paniguradong hindi kakayanin ng katawan niya ang bumiyahe palabas rito, mas malaki Pa ang tsansa na mabuhay siya rito, at isa pa stable naman ang kondisyon niya kaya huwag kang masyadong mag alala," sagot ni mang Nolan

    Huling Na-update : 2024-01-30
  • Coincidentally Fated   Chapter 4

    "Oh maaga ka yatang gumising ngayon... Hindi ka nanaman ba makatulog? Hanggang ngayon ba ay dinadalaw ka pa rin ng mga bangungot mo?" Bungad na tanong ni mang Nolan sa Akin pag karating niya.Dala niya ang balde, gamit panlinis at mga lalagyan marahil ng pagkain ng mga manok na malamang na napakain na niya ngayon.Malungkot akong napabuntong hininga sa tanong niya, Malamang ay sobrang haggard na nga talaga ng hitsura ko para mapansin niya ang kakulangan ko sa tulog kahit malayo pa lang siya! "Oho mang Nolan... Kanina pa akong madaling araw nagising at hindi ko na magawang makatulog ulit, " makasimangot na sagot ko sabay pahampas kong winalis ang mga nakakalat na dahon habang nanunulis ang nguso ko. Bahagya lang siyang napabuntong hininga sa sagot ko... Alam kong hindi na bago sa kanya ang marinig iyon.Simula kasi nang umuwi ako rito at simula nang gabing iyon ay hindi na ako makatulog ng maayos, madalas na managinip ako ng hindi maganda dahilan para hindi na uli ako makatulog.Sa tu

    Huling Na-update : 2024-02-01
  • Coincidentally Fated   Chapter 5

    Tila kinakalabog ang dibdib ko sa sobrang kaba at takot ng mahigpit na hawakan ng lalaki ang kamay ko.Hindi ko inaasahang sa ilang araw na pamamalagi niya rito ay ngayon pa talaga siya magigising.Bakit ngayon pa kung kailan wala si mang Nolan?! paano kung may gawin siyang masama sa akin? Ang nakakatakot at nanlilisik na tingin niya ay mas lalo pang nag patindi ng sindak na nararamdaman ko! Pakiramdam ko ay umiikot ang paningin ko sa pag kahilo at sa bilis ng tibok ng puso ko! hindi ko na magawang huminga ng maayos... Yun marahil ang dahilan kung bakit tila mabubuwal ako sa kinauupuan ko."SINO KA?!!" pag uulit niya sa tanong kanina pero hindi ko pa rin magawang mag salita.He caught me off guard!Pinakatitigan niya ako sa mata kaya naman mas tumitindi pa ang takot na nararamdaman ko! "I-UH--" hindi ko magawang mag salita dahil sa takot pero kailangan kong kalmahin ang sarili ko.Hindi ako magpapasindak sa taong ito kahit na sino pa siya!this is my house at wala siyang karapata

    Huling Na-update : 2024-02-02
  • Coincidentally Fated   Chapter 6

    "Haaahhh morning," nag hihikab na bati ko kay mang Nolan nang maabutan ko siyang nag hahain ng almusal sa kusina.Maaga pa pero hindi na naman ako makatulog kaya nag pasya na akong bumangon at maghanap nalang ng pag kakaabalahan para magpalipas ng maghapon.Malamang ay magiging boring nanaman ang araw na ito,like always!"Oh sumabay kana sa aming mag agahan," yaya naman sa akin ni mang Nolan at ipinaghila ako ng upuan.Sa Amin?Doon ko lang napansin ang estrangherong lalaking ginamot namin na prenteng nakaupo sa hapag kainan.At home lang ang peg?It's been 3 days already simula noong umalis siya at ibinalik ulit siya ni mang Nolan dito... He looks so much better now compare to how he looks when he first came here."Hmmm feeling better already?" Tanong ko sa lalaki habang nag hahalo ako ng kapeng tinimpla ni mang nolan para sa akin. Hindi ako komportableng nandun siya pero kailangan kong mag initiate ng small talk para hindi naman nakakailang na kumain kasama siya!Isa pa gusto ko rin

    Huling Na-update : 2024-02-03
  • Coincidentally Fated   Chapter 7

    halos maalog ang utak ko sa bilis ng pag lingon ko nang magulat ako sa pagtikhim ng estrangherong lalaki. What's this estranged man doing here?Agad kong pinahid ang mga luha ko kahit na hindi ko alam kung mahahalata ba niyang luha iyon gayong nasa tubig naman ako."Anong ginagawa mo rito?Are you spying on me?!" Mataray na tanong ko nang kalmahin ko ang sarili ko.Inilublob ko ng mas malalim ang sarili ko hanggang sa ulo ko nalang ang litaw sa tubig... Para naman hindi niya makitang wala ako halos saplot sa katawan.Mahirap na lalo't hindi ko siya ganun kakilala. "Hmm... ofcourse not! I just wanted to apologize about earlier,is it a bad time?" he said in a calm tone.para siyang maamong tupa na wala ni bakas ng magaspang na pag uugali na ipinakita niya kanina at nang nagdaang araw! Kaya naman pala niyang maging mahinahon pero bakit siya sumigaw kanina?kaya naman pala niyang maging magalang pero bakit kailangan pa niyang maging bastos?! "You think?" Mataray na balik ko sa kanya hab

    Huling Na-update : 2024-02-04
  • Coincidentally Fated   Chapter 8

    "EZRAHHHH!!! E!! EZRAH!!!" gulat na naibaba ko ang paa kong nakapatong sa center table at agad na napatayo nang makarinig ako ng malakas na tinig na isinisigaw ang pangalan ko.Abala ako sa pag gagantsilyo para magpalipas ng mag hapon pero nasira ang ginagawa ko dahil sa gulat! I admit, I'm a little jumpy this past few months... Pakiramdam ko kasi ay laging may mga taong handang manakit sa akin kaya palagi nalang akong magugulatin at alerto. kaunting kaluskos lang ay napapabalikwas na agad ako para tignan iyon. Agad na inilapag ko ang ginagantsilyo ko sa mesa para sumilip sa labas ng bintana.Hinawi ko ang kurtinang nakalagay doon para makita ko kung sino ang taong tumawag sakin at nakahinga ako ng maluwag nang makita na ang madaldal na anak lang pala iyon ni mang Nolan...Nora. "Hoy loka pag buksan mo ako!" Utos niya sa akin na akala mo ay siya ang may ari ng bahay tsaka namaywang pa sa tapat ng bintana kung saan ako nakasilip kaya naman mabilis kong isinara iyon para magtungo sa p

    Huling Na-update : 2024-02-05
  • Coincidentally Fated   Chapter 9

    "Ikaw nalang kaya," bulalas niya mula sa likuran ko dahilan para mapahinto ako sa paglalakad at mapaawang ang bibig.Nanlaki ang Mata ko at napakurap kurap habang pinoproseso ang sinabi niya. Did I hear him right?!"Come again?" Bigla akong napaharap uli sa kanya para siguruhin kung tama ba ako ng pag kakarinig sa sinabi niya.Alam kong minsan ay nagkakaroon ako ng auditory hallucinations lalo na kapag nalukungkot ako o paranoid sa tuwing sobrang tahimik ang paligid pero mukhang hindi naman ako na gun hallucinate ngayon! "Sabi ko ikaw nalang kaya," pag uulit niya na ikinatanga ko.Literal na napanganga nalang ako sa sinabi niya.Una itinulak niya ako nang ayoko siyang paalisin tapos sinigawan niya ako noong nakaraang araw tapos bastos din niyang tinignan ang dibdib ko tapos ngayon gusto naman niyang paliguan ko siya?! Seriously, saan kumukuha ng lakas ng loob ang lalaking ito sa mga pinagsasasabi niya?Is he retarded or what?!kasi kung may sira siya sa utak malamang ay naintindihan

    Huling Na-update : 2024-02-05
  • Coincidentally Fated   Chapter 10

    Nang mainhanda ko na ang mga gagamitin niya sa paliligo ay mabilis na rin akong sumunod sa banyo dala dala ang maliit na palanggana at bimpo.Nauna na siya sa banyo at kasalukuyan siyang nakaupo sa stool monoblock na dinala ko roon kanina para makaupo siya at hindi gaanong magalaw ang sugat niya habang pinaliliguan ko. I still can't believe that this is happening!I can't believe na sa edad kong ito ay kailangan ko pang magpaligo ng ibang tao! he's the worst! Patuloy lang talaga niyang pinapatunayan na maling mali na pumayag akong tulungan siya noon!Pinatutunayan lang niya na mali na naawa ako sa kanya nang makita siyang naghihingalo na! Kung hinayaan ko nalang kaya siyang mamatay noon,ano kaya?malamang hindi niya ako pinipeste ngayon! malamang tahimik akong nagmumukmok araw araw sa kwarto ko! "Can you help me take this off?" Pakiusap niya habang sinusubukang hubarin ang tshirt niya dahilan para mapairap ako. Hanggang ngayon ay maga pa rin ang mga sugat niya sa dibdib at mara

    Huling Na-update : 2024-02-06

Pinakabagong kabanata

  • Coincidentally Fated   Chapter 40

    Continuation..."Dad I think she's awake! She's mumbling something!" Dinig kong sigaw ng boses ng lalaki pero hindi ko pa iyon lubos na maintindihan.May ears are still ringing and my sight are all blurry!Paulit ulit kong ikinurap kurap ang mga mata ko pero hindi pa rin lumilinaw ang paningin ko!Tanging malabong pigura lamang ng isang lalaki ang nakikita kong nakatayo sa gilid ang naaaninag ko mula sa pag kakahiga.Gusto kong itanong kung sino sya at kung nasaan ako at anong nangyari sa akin pero parang walang boses ang gustong lumabas sa bibig ko.Sobrang tuyo ng lalamunan at bibig ko na halos hindi ko man lang magawang lumunok!"Sige na umalis ka na! Dumiretso ka agad sa safe house at wag na wag ka na uling lalabas! Susunod ako kaagad kapag nasiguro ko nang maayos na ang batang ito," utos ng isa pang tinig ng lalaki bago tuluyang umalis ang unang lalaki!Hindi ko maintindihanang pinag uusapan nila pero may kutob akong may kinalaman iyon sa akin.Pero ano nga bang nangyari sa akin?

  • Coincidentally Fated   Chapter 39

    NAKARAAN"Habulin mo! We can't afford any witness! Papatayin tayo ni boss pag nagkataon!" Sigaw ng isang lalaki sa kasama niya matapos nilang marinig ang nakakabinging pag sigaw ko.Matagal na napako lang ako sa kinatatayuan ko habang nanginginig ang mga kamay na napatutop ako sa bibig ko.May kung anong kilabot ang biglang gumapang sa kabuuan ng katawan ko kasabay ng panginginig ng mga laman ko.Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon... Pero maihalintulad ko iyon sa pakiramdam kapag galit ka at may kaaway kaya nanginginig ang kalamnan mo at halos sasabog ka sa galit at puno ka ng adrenaline sa katawan... Ganun ang nagiging reaksyon ng katawan ko ngayon pero hindi ko sigurado kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa puso ko.Hindi ko maapuhap kung galit ba o takot o ewan ang kabog ng dibdib kong ito!I just can't believe that this is happening!Ilang Segundo lang ang lumipas pero heto ako ngayon at nanlalamig na nakatingin sa nakahandusay na pinakamamahal

  • Coincidentally Fated   Chapter 38

    "So?" Untag niya sa akin nang makapasok kami sa silid niya at napansin niyang nililibot ko ng tingin ang kabuuan ng silid niya.Hindi kalakihan iyon pero maayos at mabango ang loob.Maayos na nakasalansan ang mga gamit at libro niya sa shelf.Maging ang table niya na may laptop na ibabaw ay maimis ring naka arrange."Law books? You're a lawyer?" Takang tanong ko nang makita ko ang makakapal na librong nakasalansan roon.Halatang matagal na iyong hindi babasa dahil may kaunting alikabok na sa ibabaw."Ah hindi yan akin... Kay enzo yan noon, he was a lawyer,A good one." sagot niya na may kaunting pait sa tinig niya.Napatango tango nalang ako sa sinabi niya at hindi na nag ungkat pa.Ayoko nang pabigatin Pa ang loob niya at ipaalala ang nakaraan gayong alam ko naman na gusto na niya iyon ibaon sa limot.Napapabuntong hiningang naupo na siya sa gilid ng kama niya habang patuloy ako sa pag tingin sa mga gamit niya roon.I know it's rude to snoop on others pero wala naman akong narinig na

  • Coincidentally Fated   Chapter 37

    "Sa kwarto mo na muna ikaw matulog ngayon," panukala ko kay ezrah nang nakasandal siya sa pader sa gilid ng lababo habang pinapanood niya akong nag huhugas ako ng mga pinag kainan namin.Gusto kong doon muna siya matulog para hindi ako nag iisip na mapano siya sa labas.Safe naman sa sala matulog pero mas komportable akong nasa kwarto niya siya, bukod sa mas maginhawang magpahinga roon ay mas secured din."Pero alam mo namang matagal na akong hindi natutulog dun," nakangusong sabi niya."I know... Pero mas mapapanatag akong nandun ka, mas secured doon," sagot ko naman habang nag babanlaw ng mga baso."Safe naman sa sala ah," pangangatwiran niya kaya tinignan ko siya ng tingin na nagsasabing huwag na siyang kumontra."Still...bakit ba kasi hindi ka natutulog sa kwarto mo? Malambot ang higaan mo roon at mas malawak kumpara sa sofang hinihigaan mo,hindi ko nga alam kung papaano ka nakakatulog roon ng nakabaluktot araw araw," pananailing na sabi ko at napatawa lang siya ng marahan."Mas k

  • Coincidentally Fated   Chapter 36

    "DON'T KILL ME!" malakas na sigaw niya bago humahangos na napabangon nang yugyugin ko ang balikat niya. "It's just me... Hey hey, it's just a dream," iniharap ko siya sa akin at agad naman siyang napakalma ng marealize niyang ako lang ang tao roon.Parang nalulunod ang pag hinga niya dahil sa napanaginipan niya kaya naman hindi ko maiwasan makaramdam ng magkahalong awa at pag aalala. Ang makita siyang nahihirapan at natatakot ng ganito ay tila matalim na kutsilyong pumipilas sa puso ko! "Papatayin nila ako seb..." Yumakap siya sa akin at umiyak nanaman, pero ngayon ay mas payapa na kumpara sa kanina.Parang masyado na siyang napagod kanina kaya halatang nanghihina na siya."Panaginip lang iyon...don't worry ez,hindi ko alam kung anong nangyari sayo para matakot ka ng ganyan pero diba sabi ko sayo hindi ko hahayaang may makasakit sayo hangga't nandito ako?" Sambit ko sa kanya habang hinahagod ng marahan ang braso niya."How can you say that? Kanina lang muntik na akong mamatay!" Sag

  • Coincidentally Fated   Chapter 35

    SEB"Ezrahhhhh!!!" Umalingawngaw ang malakas kong sigaw nang makarinig kami ng putok ng baril. "Get down!" Mabilis ko siyang itinulak nang ilang pulgada nalang ang layo ng bala ng baril mula sa mukha niya.Nilingon ko ang pinanggalingan ng putok ng baril pero tanging kislap ng liwanag lamang ang nakita kong natamaan ng araw bago ito nawala.It's a fucking sniper and he almost shot ezrah!Kuyom ang kamao kong hinila ng mabilis si ezrah papasok ng bahay habang payokong tumatakbo.Sa silid na inuukupa ko siya dinala at inuupo sa kama.Nanlalaki pa rin ang mata niya at tulala dahil sa pagkabigla.Ni hindi niya makuhang kumurap, maging ang namumuo niyang mga luha ay tila nahinto sa pagkasindak!"Are you okay? Are you hurt? Tell me!" Sunod sunod na nag aalalang sabi ko habang sinisipat ko ang kabuuan niya.Ni hindi niya magawang tumingin sa akin dahil sa labis natakot.She was shaking like a leaf and it makes me mad!Kung sino man ang may gawa nun ay mag babayad ng malaki!How dare them try

  • Coincidentally Fated   Chapter 34

    "Okay what is it?!" Sa wakas ay nag salita siya nang tumigil na ang sasakyan sa harap ng bahay namin.Nakabalik na kami mula sa bayan at ito ang unang beses na kinibo niya ako. finally! Hindi ko siya pinansin bagkus ay pabalibag ko lang na isinara ang pinto nang sasakyan pagkababa ko.Ilang araw niya akong pinag isip kung anong mali sa amin kaya bahala rin siyang mag overthink ngayon! "Hey!" Napawisik ako ng braso ko at napatigil sa pag lalakad ng mahawakan niya ako at iniharap sa kanya.Galit ang mukhang ipinakita ko sa kanya at nakasalubong ang kilay.Hindi ako nag salita pero nanatiling inis at nag tatanong ang hitsura ko."What is wrong with you?!" May himig ng pag kainis ang tinig niya kaya mas lalo pa akong naiirita.Siya pa talaga ang may ganang mainis?! "What do you mean?" Maang na balik ko para mas inisin pa siya.The nerve right?!Ako dapat ang nag tatanong sa kanya niyan! But he makes it sound like I was in the wrong here!"This! Bakit ganito ka na naman? Ano bang prob

  • Coincidentally Fated   Chapter 33

    "Naku po mang Nolan, parang malaki yata yan!" Natatarantang sambit ko kay mang Nolan ng makita ko ang malakas na pag agos ng dugo mula sa putikan niyang paa.Hindi ko mapigilang mapangiwi at mapasinghap ng malakas nang nakita kung gaano kalaki ang sugat na natamo niya. Nakaupo siya ngayon sa pilapil ng palayan ay sinusuri ang paa niya.Mag tatanggal kasi siya ng kuhol sa palayan habang nanunuod ako sa kanya at nakikipag kwentuhan ng bigla nalang siyang mapasigaw sa sakit nang makaapak siya ng kung anong matalim sa ilalim ng putik.Hindi ko alam kung bubog ba iyon o shell dahil sa dami ng dugong humahalo sa putik at sa paa niya ay mukhang malaking sugat iyon."Argh... Ayos lang ako iha," sagot niya nang mapaupo ulit sa pilapil dahil hindi ko siya kayang buhatin na makatayo.Parang ako ang nasasaktan sa sugat niya kaya tinawag ko nalang si seb para matulungan siyang makatayo."Seb! Help us!" Sigaw ko kay seb na nag tatali ngayon ng mga baka sa puno.Wala namang pag aatubili na tumakbo

  • Coincidentally Fated   Chapter 32

    "Did you hear that?" Muli akong napatigil sa pag lakad nang makarinig uli ako nang kaluskos kaya kunot noo siyang napatigil rin siya at nakinig."Hear what?" He raised his eyebrow in confusion. marahil ay iniisip niyang nag hahallucinate lang ako, but I'm quite sure! someone's out there! "That!" Sagot ko sabay lingon muli sa bintana."Wala naman akong naririnig eh, ano ba yun?" He said shrugging his shoulders kaya napakamot ako ng ulo. "Someone's out there! Kung wala si mang nolan sino yun?" Halos pabulong na sabi ko sa kanya kaya napalingon rin siya sa bintana."Wala n-" naputol ang sinasabi niya nang pareho na kaming nakarinig ng ingay at yabag ng paa na nag mumula sa labas.Binitawan niya ang kamay kong hawak niya sabay nag tungo siya sa bintana at sumilip roon.Mabilis rin akong sumunod sa kanya pero wala na akong makita nang sumilip ako sa labas bukod sa liwanag ng sasakyan ng until unti nang papalayo.Tanging tunog nalang ng maingay na makina ang until unting naparam sa pand

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status