"Argh damn it!" Patungo sana ulit ako sa kusina para kumuha ng maiinom ng mapahinto ako sa harap ng kwartong inoukopa ni seb nang marinig kong nayayamot na napamura siya.Curious na napasilip ako sa loob ng silid niya para alamin kung anong ginagawa niya para mainis siya ng ganoon.Kasalukuyan siyang nakaupo ngayon sa harap ng salamin habang nag kalat naman sa harapan niya ang mga gamit na ipinang gagamot niya sa mga sugat niya.Kalahating oras na siyang tapos sa paliligo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nagagamot ang mga sugat niya... I'm supposed to help him pero nakaligtaan ko na nang napadpad ako sa kusina dahil sa gutom.he's obviously having a hard time treating his wounds, kitang kita kasi ang nakabusangot na repleksyon niya sa salamin habang ginagawa iyon.kunot ang noo na halatang inis na inis nang hindi niya magawa ng tama ang gusto niyang gawin. Gusto ko nang matawa sa hitsura niya ngayon pero at the same time naaawa rin ako."Anong ginagawa mo?" Tinaas ko ang kila
"Now that you mentioned it... Ano nga bang nangyari sayo at napadpad ka rito ng ganito ang lagay mo?" Pang uusisa ko sa pag asang malalaman ko na rin ang dahilan kung bakit siya napunta rito.Marahil ay pagkakataon na ito para mag ungkat ng mga bagay tungkol sa kanya... You know, mag bigay ng kasagutan sa mga bagay na hindi ko maunawaan tungkol sa kanya.Kagaya ng kung bakit siya napunta rito ng tadtad ng bala ng baril at halos wala nang buhay na humandusay sa harap ng bahay ko.Kung sasabihin niya iyon sa akin baka sakaling magbago pa ang pananaw ko tungkol sa kanya. Baka mali pala ako ng paghuhusga sa kanya. "You showed up here with multiple gunshot wounds... Muntik ka nang mamatay, ano bang nangyari sayo?Kabisado ko ang mga tao rito maging sa bayan kaya nasisiguro kong hindi ka rin taga rito...San kaba galing?" Tanong ko ulit nang nag iwas lang siya ng tingin kanina at hindi sumagot.Tumikhim muna siya at sa pag kakataong ito ay tumayo na siya at lumayo sa akiin ng bahagya... I t
Hindi pa rin ako makapaniwala sa lakas ng loob niyang hingin ang mga pabor na hinihingi niya pero pumayag na rin ako nang mapagtanto kong hindi siya nag bibiro.Noong una kasi ay medyo natatawa pa ako sa sinasabi niya pero nang tignan ko ang mata niya ay puno ang pag asa at desperasyon ang mga iyon na tila nga kailangang kailangan talaga niya ang hinihingi niya.tinitigan ko siyang mabuti sa mga mata at doon ko napagtantong walang halong biro ang sinasabi niya. "Okay fine, I'll lend you the money," pag payag ko sa pakiusap niya, "but make sure na babayaran mo ah! Hindi madaling kitain ang ganung halaga,siguro naman alam mo iyon diba?" Sabi ko sa kanya na nandidalat ang mga mata kahit hindi ko naman talaga kailangan ang pera at wala naman talaga akong pakialam kung babayaran niya iyon o hindi. "I will! Promise! Thank you!" Muli nanamang bumalik ang kislap sa mga mata niya dahil sa pag payag ko.akmang yayakapin pa sana niya ako sa sobrang tuwa pero agad kong itinaas ang kamay ko para
"AHHHHH!!!!" Isang nakapangilabot na sigaw ang pinakawalan ko ng maramdaman ko ang pag hawak niya sa braso ko kaya naman mabilis akong napabalikwas sa higaan ko at laking gulat ko ng marinig ang isang pamilyar na boses."Offftt!! Arrghh!" Impit na napasigaw si seb na ngayon ay namimilipit na sa sahig habang hawak hawak ang kaniyang ibaba.Ngayon ko lang narealize na nasipa ko pala siya sa kanyang kaselanan ng bigla akong nagising sa bangungot ko kanina."Anong nangyari?! Ezrah ayos ka lang ba?!" Humahangos na tanong ni mang Nolan ng bigla nalang siyang lumitaw mula sa kung saan.May araw na sa labas nang tumingin ako kaya malamang kanina pa siya nag tatrabaho at dali dali lang na tumakbo ng marinig ang sigaw ko."Oh seb anong ginagawa mo Jan hijo?" Baling niya kay seb ng inguso ko ito bilang sagot sa tanong niya.Saglit na namilipit pa ito roon at halatang hindi makapagsalita sa sakit."She... Kicked me!" Pinilit niyang sabihin iyon habang napapasapo pa rin sa kanyang pagkalalaki.Poo
"Mang Nolan..." Mula sa loob ng bahay ay lumabas ako at nakangiting binati si mang Nolan,"Mas maaga yata kayo ngayon? Nag almusal na ho ba kayo?" Tanong ko sa kanya habang itinatali niya ang baka sa isang puno.Maaga siya palaging nag tatrabaho pero mas maaga yata siyang nag simula ngayon."Ah maaga kasing nasiging sina Nora... Luluwas daw sila ng bayan ng nanay niya kaya maaga rin akong bumangon para ihatid sila, Nag almusal na ako kanina pero gutom nanaman nga ako," sagot niya habang nag lalakad sa dako kung nasaan ang kalabaw na pinapasabsab niya sa damuhan.Yun naman ata ang sunod niyang aasikaduhin matapos ang mga baka.Giniginaw na sumunod naman ako sa bawat hakbang niya."Hmm... Kung ganun sumabay na po kayo sa aking mag kape," alok ko sa kanya sabay hatsing, mukhang mag kakasipon pa ata ako ah.Palibhasa'y malamig na ang panahon ngayon at uso nanaman ang magkasipon at trangkaso. "Magandang ideya nga iyan... Sige tatapusin ko lang ito at susunod na rin ako, mauna ka na at baka
Ilang minuto rin akong naiwang nakatayo roon sa damuhan na sinusundan ng tingin ang papalayong pigura ni mang Nolan habang iniisip ang mga sinabi niya sa akin.Hindi ko mapigilang mapangiti habang iniisip kung gaano ako kapalad na merong taong handang makinig sa akin at sabihin sa akin ang mga bagay na kahit ako ay hindi ko mapansin sa sarili ko.Hearing mang Nolan talks like that reminds me of my dad... Kaya hindi nakapagtatakang bukod sa pagiging malayong mag kamag anak nila ay naging matalik rin silang mag kaibigan.They are both loving and full of wisdom.Nag papasalamat talaga ako na kahit wala na si dad ay iniwanan niya naman ako ng isang mapagkakatiwalaang tao... Isang tao na walang pag dadalawang isip na ituring ako bilang sariling anak niya.I'm blessed...I know I am! Napapahid nalang ako ng luhang muling kumawala sa mga mata ko dahil sa tuwa at malapad na napangiti bago ako kumilos at nag lakad sa damuhan patungo sa kinaroroonan ni seb.Malapit lang ang kulungan ng mga manok
"Hmmm..." Ingit ko sa sofa kung saan ako natutulog nang marinig ko ang pamilyar na tunog ng pag bukas sara ng pinto at nang taranghakan namin.Dahan dahan ang pag bukas at sara niyon na halatang ayaw makaistorbo pero humangga pa rin iyon sa pandinig ko kaya't naalimpungatan ako. Masyado nang madilim at tahimik ang paligid dahil kalaliman na ng gabi kaya naman ginapangan ako ng matinding takot nang marinig iyon! Malawak ang farm na ito at malayo sa mga kabahayan kaya nakapagtatakang may ibang taong maliligaw rito nang ganitong oras ng gabi at lalong lalo na wala dapat ibang tao na nag bubukas ng bahay ko.Nang mapagtanto kong baka ibang tao iyon ay agad akong napabalikwas at kinuha ang bakal na tubo na lagi kong itinatabi sa ilalim ng hinihigaan ko... You know? Just in case.Dahan dahan akong nag lakad patungo sa bintana... Maingat na maingat na hindi makagawa ng ano mang ingay at makaagaw ng pansin.Nang marating ko ang bintana ay pasimple at pigil nihinga akong sumilip.Hindi ko al
"Ehermm..." Pag tikhim ni Nora na muling umagaw sa pansin ko.Kanina pa niya iyan ginagawa pero hindi naman siya nag sasalita.Simula nang mag umpisa kaming maglaba ay panay na ang sulyap siya sa akin at pag tikhim para agawin ang pansin ko pero dahil malalim ang iniisip ko ay hindi ko nalang siya pinapansin. "Spit it out nora," sa wakas ay sabi ko sa kanya kaya itinigil niya ang pag kukusot ng mga damit at naiintrigang humarap sa akin.Sabi ko na nga ba at mayroon siyang gustong sabihin! Sanay kasi siyang lagi akong nag oopen up sa kanya ng problema ko noon at marahil ay naninibago siyang nag lilihim na ako sa kanya. "Anong problema?" Tanong niya na may kunot sa noo.Tinignan niya ako na may halong pagkadismaya at pag aalala. dismayado dahil hindi ako nag kukwento at nag aalala dahil nababakas sa mukha ko ang magkabahala. "Wala naman... Bakit mo natanong?" Pag sisinungaling ko sabay iwas ng tingin pero nilakihan lang niya ako ng mata tanda na hindi siya maniniwala sa sinasabi ko
Continuation..."Dad I think she's awake! She's mumbling something!" Dinig kong sigaw ng boses ng lalaki pero hindi ko pa iyon lubos na maintindihan.May ears are still ringing and my sight are all blurry!Paulit ulit kong ikinurap kurap ang mga mata ko pero hindi pa rin lumilinaw ang paningin ko!Tanging malabong pigura lamang ng isang lalaki ang nakikita kong nakatayo sa gilid ang naaaninag ko mula sa pag kakahiga.Gusto kong itanong kung sino sya at kung nasaan ako at anong nangyari sa akin pero parang walang boses ang gustong lumabas sa bibig ko.Sobrang tuyo ng lalamunan at bibig ko na halos hindi ko man lang magawang lumunok!"Sige na umalis ka na! Dumiretso ka agad sa safe house at wag na wag ka na uling lalabas! Susunod ako kaagad kapag nasiguro ko nang maayos na ang batang ito," utos ng isa pang tinig ng lalaki bago tuluyang umalis ang unang lalaki!Hindi ko maintindihanang pinag uusapan nila pero may kutob akong may kinalaman iyon sa akin.Pero ano nga bang nangyari sa akin?
NAKARAAN"Habulin mo! We can't afford any witness! Papatayin tayo ni boss pag nagkataon!" Sigaw ng isang lalaki sa kasama niya matapos nilang marinig ang nakakabinging pag sigaw ko.Matagal na napako lang ako sa kinatatayuan ko habang nanginginig ang mga kamay na napatutop ako sa bibig ko.May kung anong kilabot ang biglang gumapang sa kabuuan ng katawan ko kasabay ng panginginig ng mga laman ko.Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon... Pero maihalintulad ko iyon sa pakiramdam kapag galit ka at may kaaway kaya nanginginig ang kalamnan mo at halos sasabog ka sa galit at puno ka ng adrenaline sa katawan... Ganun ang nagiging reaksyon ng katawan ko ngayon pero hindi ko sigurado kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa puso ko.Hindi ko maapuhap kung galit ba o takot o ewan ang kabog ng dibdib kong ito!I just can't believe that this is happening!Ilang Segundo lang ang lumipas pero heto ako ngayon at nanlalamig na nakatingin sa nakahandusay na pinakamamahal
"So?" Untag niya sa akin nang makapasok kami sa silid niya at napansin niyang nililibot ko ng tingin ang kabuuan ng silid niya.Hindi kalakihan iyon pero maayos at mabango ang loob.Maayos na nakasalansan ang mga gamit at libro niya sa shelf.Maging ang table niya na may laptop na ibabaw ay maimis ring naka arrange."Law books? You're a lawyer?" Takang tanong ko nang makita ko ang makakapal na librong nakasalansan roon.Halatang matagal na iyong hindi babasa dahil may kaunting alikabok na sa ibabaw."Ah hindi yan akin... Kay enzo yan noon, he was a lawyer,A good one." sagot niya na may kaunting pait sa tinig niya.Napatango tango nalang ako sa sinabi niya at hindi na nag ungkat pa.Ayoko nang pabigatin Pa ang loob niya at ipaalala ang nakaraan gayong alam ko naman na gusto na niya iyon ibaon sa limot.Napapabuntong hiningang naupo na siya sa gilid ng kama niya habang patuloy ako sa pag tingin sa mga gamit niya roon.I know it's rude to snoop on others pero wala naman akong narinig na
"Sa kwarto mo na muna ikaw matulog ngayon," panukala ko kay ezrah nang nakasandal siya sa pader sa gilid ng lababo habang pinapanood niya akong nag huhugas ako ng mga pinag kainan namin.Gusto kong doon muna siya matulog para hindi ako nag iisip na mapano siya sa labas.Safe naman sa sala matulog pero mas komportable akong nasa kwarto niya siya, bukod sa mas maginhawang magpahinga roon ay mas secured din."Pero alam mo namang matagal na akong hindi natutulog dun," nakangusong sabi niya."I know... Pero mas mapapanatag akong nandun ka, mas secured doon," sagot ko naman habang nag babanlaw ng mga baso."Safe naman sa sala ah," pangangatwiran niya kaya tinignan ko siya ng tingin na nagsasabing huwag na siyang kumontra."Still...bakit ba kasi hindi ka natutulog sa kwarto mo? Malambot ang higaan mo roon at mas malawak kumpara sa sofang hinihigaan mo,hindi ko nga alam kung papaano ka nakakatulog roon ng nakabaluktot araw araw," pananailing na sabi ko at napatawa lang siya ng marahan."Mas k
"DON'T KILL ME!" malakas na sigaw niya bago humahangos na napabangon nang yugyugin ko ang balikat niya. "It's just me... Hey hey, it's just a dream," iniharap ko siya sa akin at agad naman siyang napakalma ng marealize niyang ako lang ang tao roon.Parang nalulunod ang pag hinga niya dahil sa napanaginipan niya kaya naman hindi ko maiwasan makaramdam ng magkahalong awa at pag aalala. Ang makita siyang nahihirapan at natatakot ng ganito ay tila matalim na kutsilyong pumipilas sa puso ko! "Papatayin nila ako seb..." Yumakap siya sa akin at umiyak nanaman, pero ngayon ay mas payapa na kumpara sa kanina.Parang masyado na siyang napagod kanina kaya halatang nanghihina na siya."Panaginip lang iyon...don't worry ez,hindi ko alam kung anong nangyari sayo para matakot ka ng ganyan pero diba sabi ko sayo hindi ko hahayaang may makasakit sayo hangga't nandito ako?" Sambit ko sa kanya habang hinahagod ng marahan ang braso niya."How can you say that? Kanina lang muntik na akong mamatay!" Sag
SEB"Ezrahhhhh!!!" Umalingawngaw ang malakas kong sigaw nang makarinig kami ng putok ng baril. "Get down!" Mabilis ko siyang itinulak nang ilang pulgada nalang ang layo ng bala ng baril mula sa mukha niya.Nilingon ko ang pinanggalingan ng putok ng baril pero tanging kislap ng liwanag lamang ang nakita kong natamaan ng araw bago ito nawala.It's a fucking sniper and he almost shot ezrah!Kuyom ang kamao kong hinila ng mabilis si ezrah papasok ng bahay habang payokong tumatakbo.Sa silid na inuukupa ko siya dinala at inuupo sa kama.Nanlalaki pa rin ang mata niya at tulala dahil sa pagkabigla.Ni hindi niya makuhang kumurap, maging ang namumuo niyang mga luha ay tila nahinto sa pagkasindak!"Are you okay? Are you hurt? Tell me!" Sunod sunod na nag aalalang sabi ko habang sinisipat ko ang kabuuan niya.Ni hindi niya magawang tumingin sa akin dahil sa labis natakot.She was shaking like a leaf and it makes me mad!Kung sino man ang may gawa nun ay mag babayad ng malaki!How dare them try
"Okay what is it?!" Sa wakas ay nag salita siya nang tumigil na ang sasakyan sa harap ng bahay namin.Nakabalik na kami mula sa bayan at ito ang unang beses na kinibo niya ako. finally! Hindi ko siya pinansin bagkus ay pabalibag ko lang na isinara ang pinto nang sasakyan pagkababa ko.Ilang araw niya akong pinag isip kung anong mali sa amin kaya bahala rin siyang mag overthink ngayon! "Hey!" Napawisik ako ng braso ko at napatigil sa pag lalakad ng mahawakan niya ako at iniharap sa kanya.Galit ang mukhang ipinakita ko sa kanya at nakasalubong ang kilay.Hindi ako nag salita pero nanatiling inis at nag tatanong ang hitsura ko."What is wrong with you?!" May himig ng pag kainis ang tinig niya kaya mas lalo pa akong naiirita.Siya pa talaga ang may ganang mainis?! "What do you mean?" Maang na balik ko para mas inisin pa siya.The nerve right?!Ako dapat ang nag tatanong sa kanya niyan! But he makes it sound like I was in the wrong here!"This! Bakit ganito ka na naman? Ano bang prob
"Naku po mang Nolan, parang malaki yata yan!" Natatarantang sambit ko kay mang Nolan ng makita ko ang malakas na pag agos ng dugo mula sa putikan niyang paa.Hindi ko mapigilang mapangiwi at mapasinghap ng malakas nang nakita kung gaano kalaki ang sugat na natamo niya. Nakaupo siya ngayon sa pilapil ng palayan ay sinusuri ang paa niya.Mag tatanggal kasi siya ng kuhol sa palayan habang nanunuod ako sa kanya at nakikipag kwentuhan ng bigla nalang siyang mapasigaw sa sakit nang makaapak siya ng kung anong matalim sa ilalim ng putik.Hindi ko alam kung bubog ba iyon o shell dahil sa dami ng dugong humahalo sa putik at sa paa niya ay mukhang malaking sugat iyon."Argh... Ayos lang ako iha," sagot niya nang mapaupo ulit sa pilapil dahil hindi ko siya kayang buhatin na makatayo.Parang ako ang nasasaktan sa sugat niya kaya tinawag ko nalang si seb para matulungan siyang makatayo."Seb! Help us!" Sigaw ko kay seb na nag tatali ngayon ng mga baka sa puno.Wala namang pag aatubili na tumakbo
"Did you hear that?" Muli akong napatigil sa pag lakad nang makarinig uli ako nang kaluskos kaya kunot noo siyang napatigil rin siya at nakinig."Hear what?" He raised his eyebrow in confusion. marahil ay iniisip niyang nag hahallucinate lang ako, but I'm quite sure! someone's out there! "That!" Sagot ko sabay lingon muli sa bintana."Wala naman akong naririnig eh, ano ba yun?" He said shrugging his shoulders kaya napakamot ako ng ulo. "Someone's out there! Kung wala si mang nolan sino yun?" Halos pabulong na sabi ko sa kanya kaya napalingon rin siya sa bintana."Wala n-" naputol ang sinasabi niya nang pareho na kaming nakarinig ng ingay at yabag ng paa na nag mumula sa labas.Binitawan niya ang kamay kong hawak niya sabay nag tungo siya sa bintana at sumilip roon.Mabilis rin akong sumunod sa kanya pero wala na akong makita nang sumilip ako sa labas bukod sa liwanag ng sasakyan ng until unti nang papalayo.Tanging tunog nalang ng maingay na makina ang until unting naparam sa pand