HINDI rin sila nagtagal sa ospital dahil gusto ng umuwi ng matanda. At sa buong biyahe ay tahimik lang silang tatlo. Nang makauwi na sa mansyon ay hindi na nagawa ni Rosita na makausap pa ang matanda, dahil ayaw pa nito ng makausap at gusto lamang na mapag-isa. Tulala lang ito sa buong biyahe nila, at naiintindihan naman nila ‘yon. Mahirap ang mawalan ng mahal sa buhay, lalo pa’t nawala ang anak ng matanda sa brutal na paraan. Lahat ng tao sa mansyon ay nagluluksa rin, dahil sa balita na kanilang nalaman. Hindi rin mapigilan ni Rosita ang malungkot, at katulad nila ay nagluluksa rin siya. Mahal niya si Anne at lumaki siya kasama ito.Kaya grabi din ang sakit na kanyang nararamdaman. Hindi pa rin mag-sink in sa utak niya ang pangyayari. Pagpasok nila sa kwarto ay nadatnan nila ang mga bata na natutulog. “Shhh..Tahan na, magpahinga ka na muna,okay. Kukuha muna ako ng makakain mo,” mahinahon na salita ni Raven at inalalayan siyang makaupo. “Pahinga ka muna.Babalik ako agad,” salita p
Magbasa pa