Home / Romance / Ang Rebelde at Ang Sundalo / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of Ang Rebelde at Ang Sundalo: Chapter 71 - Chapter 80

102 Chapters

CHAPTER 71

CHAPTER 71Sa Gamu, Isabela ako nadestino bilang 2nd Lieutenant ng 5th Infantry Division ng Philippine Army na kung saan ang pinakauna sa aming misyon ay buwagin ang mga naghahari-hariang NPA sa buong lambak ng Cagayan at sa kalapit probinsiya. Nang una ay hindi ako pinagkakatiwalaang sumabak sa field. Ang gusto ng mga nakatataas ay pamunuan ko ang support team dahil nga sa babae ako. Hindi ako pumayag. Hindi ako nagsawalang-kibo. NIlapitan ko ang mga ninong ko at mga kaibigan ni Daddy na bigyan ako ng pagkakataon na sumabak sa laban dahil iyon naman talaga ang aking inaral. Napakaraming mga pag-uusap at proseso pa ang nangyari bago ako pinayagan. Isa ako kung hindi man unang babaeng pinayagan na mamuno para sa mga digmaan na madalas kung hindi man laging pinamumunuan lang dapat ng mga lalaking sundalo. Girl power. Ano ba ang ginagawa ng mga lalaki na hindi namin kayang gawing mga babae sa panahon ngayon sa trabaho? Gender equality ang ipinaglaban ko rito kahit alam kong dadaan ako sa
last updateLast Updated : 2024-03-07
Read more

CHAPTER 72

CHAPTER 72Nagsaludo siya sa akin. Mabilis ko ding sinaluduhan siya at kinamayan."Congratulations! Ganap ka na din palang sundalo! Kumusta?""Ayos lang Ma’am. Nalaman ko kasi na baka magiging tauhan ninyo ako sa Cagayan. Kaya hindi ko na hinintay na mag-umaga para bisitahin ko kayo dito sa tinitirhan ninyo.""Talaga? Sinabi ba sa’yo?”“Hindi ba ninyo nakita sa listahang ibinigay sa inyo Lieutenant?”“Hindi pa e. Inabot sa akin pero hindi ko pa nababasa. So, isa ka sa mga magiging tauhan ko sa Cagayan?”“Yes Lieutenant.”“Ayos! Ayos na ayos tayo diyan. Kahit papaano may makakasama ako doon. Medyo hindi lang pinalad si Rave na makasama ko dito. Kaya alam mo na nakakalungkot din talaga.""Ganoon nga talaga siguro Ma’am. Malay ninyo sa susunod na taon madestino na rin siya dito. Sino pa ba ang iba nating makakasama sa Cagayan ma’am?" tanong niya."Wala e, hindi ko pa talaga pinasadahan yung listahan. Inabot lang kaninang umaga at hindi ko pa inisa-isang tinignan kasi. Sa susunod na araw
last updateLast Updated : 2024-03-07
Read more

CHAPTER 73

CHAPTER 73Nang matapos ang aming pagkanta ay mahigpit naming niyakap ang isa't isa. Napapikit ako nang magtagpo ang aming mga labi. Pagmulat ko ay nakita ko si Dindo. Nanlaki ang aking mga mata. Paanong nakapasok dito si Dindo? Anong ginagawa niya rito?Tumalikod siya. nasa kabilang bahagi pa ang armas ko. Paano ko ngayon iyon makukuha.“Sandali!” sigaw ko.Tumayo na rin si Rave.Kapwa kami nangangapa kung ano ang gagawin namin dahil alam naming kalaban si Dindo at ang pagpasok niya sa mismong camp ay paniguradong may malalim na dahilan.“Para hindi tayo magkasakitan dito, humarap ka sa amin at itaas moa ng iyong mga kamay bilang pagsuko!” sigaw ko. Mahirap sa akin sabihin iyon ngunit kailangan.Nagpatuloy lang siya sa kanyang paglakad. Hindi man lang siya natinag.“May armas ka?” tanong ko kay Rave.“Wala. Ikaw?”“Nasa hinubad kong damit ko. Anong gagawin natin. Palayo na siya?”“Kunin mo ang baril mo at ako na ang bahala sa kanya.”Hindi na ako sumagot. Mabilis akong tumakbo papun
last updateLast Updated : 2024-03-07
Read more

CHAPTER 74

CHAPTER 74Dumating ang araw na pagbiyahe namin papunta sa aming outpost sa Cagayan. Kami ni Rave ang magkatabi sa harap ng aming Army Truck. Nasa likod si Dame kasama ng labin-isa pa naming mga kasamahan. Labin-apat kaming lahat at ito ay sapat na para mabuo ang isang squad. Kami na muna ang pinauna sa bahaging iyon ng Solana Cagayan. Tatlo hanggang apat na oras din ang biyahe mula Gamu, Isabela hanggang sa Solana, Cagayan. Lahat kami ay armado ng M-16 Rifle, may mga dala rin kaming mga iba pang armas na maaring magamit kung magkakagipitan na sa laban. Lahat kami ay naka-comouflage. Nilingon ko ang mga kasamahan ko at napansin kong nawiwili sila sa kanilang mga biruan at tawanan. Panay ang tingin sa amin ni Dame dahil nga hindi pa niya nakikilala ang mga iba ko pang tauhan. Kami palang naman ni Rave ang kaniyang kaututang dila. Nasa bukana na kami ng Tuguegarao sa bahaging Santa Maria, Isabela nang kinalabit ko si Rave na tahimik at naiinip na sa aming biyahe. Nilingon niya ako. Ngin
last updateLast Updated : 2024-03-07
Read more

CHAPTER 75

CHAPTER 75"Rave! Dapa!" sigaw ko.Kasabay iyon ng mabilis kong pagtulak sa kaniya ngunit pumutok na ang hawak na baril ng kalaban. Mabilis ko man inasinta din ng hawak kong baril ang rebelde ngunit huli na, isa na sa amin ang natamaan. Nakita kong natamaan ko sa ulo ang rebelde na siyang sanhi ng daglian niyang pagkatumba ngunit tumama na din ang balang unang pinakawalan nito."Tinamaan ka!"Nagkukumahog na lumapit si Rave sa akin. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkataranta.Nakita kong umagos na ang dugo ko at pumatak sa lupa. Hinawakan ko ang sugat ko. Napaupo ako. Huminga ako ng malalim. Mabuti at naunahan ko ang dapat ay totodas kay Rave. Sa pagtulak ko sa kanya, sa akin tumama ang bala na dapat tatapos sa buhay ng mahal ko. Napapikit ako. Taimtim na nagpasalamat sa Diyos na walang nangyaring masama sa kaniya.Lumuhod si Rave sa likod ko. Inalalayan niya ako ng dahan-dahan na akong napaupo."Buddy! Tulungan mo akong dalhin si Lieutenant sa hospital. Bilisan natin!" tawag ni Rave ka
last updateLast Updated : 2024-03-07
Read more

CHAPTER 76

CHAPTER 76 Pinag-aralan kong maigi ang kilos ng mga rebelde. Sa gawing malapit sa amin ay may isang malaking puno kung saan ay may parang tree house at may dalawang rebelde na nagkakape at nag-uusap. Ganoon din sa bahagi iyon na pinuswetuhan ng troop Charlie, may tree house din doon at tatlo ang nagsisilbing lookout nila. May mga ilang rebelde na nagkukuwentuhan sa malapit sa kanilang mga kuta. Ang ilan ay naghahanda ng almusal. May mga ilan ang nag-eexercise at may mga ilan ding naglilinis ng kanilang mga armas. May mga ilan na armado ng M-16 at ang ilan ay parang bagong gising kaya nakaupo pa at malayo ang tingin. Sa tantiya ko, nasa humigit kumulang singkwenta katao ang naroon maliban pa lang siguro sa ilang natutulog pa. Kinuha ko ang radio ko sa aking baywang.Tinanong ko ang Bravo troop kung ready na sila to engage.“Yes Lt. Ancheta, ready to engage.”“Copy!” sagot ko.Ganoon din ang ginawa ko sa Charlie at Delta Troop.Ready to engage na rin daw sila."Okey, in fifteen seconds
last updateLast Updated : 2024-03-09
Read more

CHAPTER 77

CHAPTER 77 Tinaas niya ang kamay niya."Bakit hindi mo na lang ako patayin? Ganoon din lang naman hindi ba? Kung susuko ako, papatayin niyo din ako!" may luhang bumagtas sa kaniyang pisngi. Nakaramdam ako ng awa."Kung susuko ka, may pag-asa pang mailigtas ko ang buhay mo, mapagaan natin ang kaso mo at makakakuha tayo ng amnesty. Kung hindi ka susuko, maaring hindi ako ang makapatay sa iyo ngunit gagawin iyon ng ibang mga kasamahan ko."Mabilis siyang kumilos para pulutin muli ang baril niya ngunit pinaputukan ko ang bahaging malapit sa kaniyang kamay."Sige, isang maling kilos mo pa, siguraduhin kong wasak ang mga kamay mo at kung magpupumilit ka wasak ang bungo mo!" sigaw ko.Tuluyan ko nang pinagbigyan ang luha sa aking mga mata. Malaya itong bumagtas sa aking pisngi at pumatak sa aking camouflage.Nakita ko din sa kaniyang mukha ang paghihirap ng kaniyang kalooban sa pinagdadaanan namin ngayon. Alam kong katulad ko, hindi niya gustong kami ang nagtutuos ngayon.Biglang may lumaba
last updateLast Updated : 2024-03-09
Read more

CHAPTER 78

CHAPTER 78 Tumigil ang ikot ng aking mundo. Nagdilim ang aking paningin at nahirapan akong huminga.Sa nasaksihan ko ay parang nanikip ang dibdib ko at hirap akong huminga. Ngunit sandali lang iyon. Mabilis akong nahimasmasan. Agad akong lumapit sa bangin na kinabagsakan ni Rave. Nakita kong nakahandusay na siya sa mabatong bahagi na iyon ng bangin. Sumama ang dugo sa umaagos na tubig. Bago ako tuluyang makababa palapit sana kay Rave ay nasukol na ako ng isa pang rebelde. Nagsisigaw ako. Nagwawala. Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan ni Rave. Puno ng luha ang aking mukha.Tumingin ako kay Dindo. Humuhugot ako sa kaniya ng awa para tulungan niya akong iligtas si Rave kahit alam kong hindi na siya mabubuhay pa sa natamo niyang tama ng baril at ang maaring pagbagsak ng kaniyang katawan at ulo sa mabatong bahaging iyon ng bangin.Yumuko siya. Tanda ng walang magawa. Simbolo ng di pagtulong. Senyales ng pagsuko."Dindo! Tulungan natin si Rave. Parang awa na ninyo, tulungan natin siya."
last updateLast Updated : 2024-03-09
Read more

CHAPTER 79

CHAPTER 79Nang umalis ang bata ay hinawakan niya ang palad ko. Tumingin ako sa kaniya. Hinalikan niya ang mga iyon. Muli siyang humagulgol. Ibinubuhos niya lahat ang kaniyang sama ng loob."Kasalanan ko ang lahat e, kaya nangyayari ito sa'yo ngayon. Hindi ko alam kung paano ko patatawarin ang aking sarili kung may hindi magandang mangyari sa’yo. Sa tuwing paghampas at pagsuntok sa'yo ni Uncle kanina ay parang dobleng sakit ang nararamdaman ko. Hirap na hirap akong makita kang ganyan, dude. Sana ako na lang. Sana sumama na agad ako sa'yo kanina at ako na lang ang pinahirapan ninyo ng ganito at hindi ikaw."Hinila ko ang kamay kong hawak niya. Tanda ng galit. Hindi rin ako sumagot. Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata. Tigib ng luha ang mga mata kong nakatitig sa kanya.“Naiipit na ako ngayon. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Kung makikinig ba ako sa isinisigaw ng aking puso o sa palahaw ng aking utak. Katulad mo, hirap na hirap na rin ako.”"Hindi na maibabalik ang b
last updateLast Updated : 2024-03-09
Read more

CHAPTER 80

CHAPTER 80Tumulo muli ang aking luha. Doon na nagsimula ang tunay naming pakikibaka ngunit hindi pala ganoon kadali iyon."Sigurado ka na ba sa sinasabi mo ngayon?" tanong ko sa kaniya. “Hindi ko pa rin siya kayang pagkatiwalaan ng buo.Ayaw kong nagdedesisyon siya dahil lang sa awang nararamdaman niya ngayong nakikita niyang pinahihirapan ako ng kanyang mga kasamahan. Gusto kong magdesisyon siya naaayon sa kaniyang kagustuhan. Yung desisyon na hindi dala ng matinding emosyon."Sigurado na ako. Wala nang atrasan pa talaga ito.”Bumunot ako ng malalim na hininga. Pilit kong inaninag ang kanyang mukha sa tuwing malakas ang kidlat. Sinusuri ko ang totoong nilalaman ng kanyang isip at puso. Mukhang desidido na nga talaga siya.“Sana noon pa ako nakinig sa'yo dude. Sana hindi na dumating pa sa puntong nawala si Rave at nasaktan ka ng ganiyan. Sana ako na lang. Hindi kasi ganoon kadaling tumiwalag sa aming grupo. Maaring kapalit nito ay ang buhay namin o ang buhay ng mga taong gustong tumu
last updateLast Updated : 2024-03-09
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status