Share

CHAPTER 72

CHAPTER 72

Nagsaludo siya sa akin. Mabilis ko ding sinaluduhan siya at kinamayan.

"Congratulations! Ganap ka na din palang sundalo! Kumusta?"

"Ayos lang Ma’am. Nalaman ko kasi na baka magiging tauhan ninyo ako sa Cagayan. Kaya hindi ko na hinintay na mag-umaga para bisitahin ko kayo dito sa tinitirhan ninyo."

"Talaga? Sinabi ba sa’yo?”

“Hindi ba ninyo nakita sa listahang ibinigay sa inyo Lieutenant?”

“Hindi pa e. Inabot sa akin pero hindi ko pa nababasa. So, isa ka sa mga magiging tauhan ko sa Cagayan?”

“Yes Lieutenant.”

“Ayos! Ayos na ayos tayo diyan. Kahit papaano may makakasama ako doon. Medyo hindi lang pinalad si Rave na makasama ko dito. Kaya alam mo na nakakalungkot din talaga."

"Ganoon nga talaga siguro Ma’am. Malay ninyo sa susunod na taon madestino na rin siya dito. Sino pa ba ang iba nating makakasama sa Cagayan ma’am?" tanong niya.

"Wala e, hindi ko pa talaga pinasadahan yung listahan. Inabot lang kaninang umaga at hindi ko pa inisa-isang tinignan kasi. Sa susunod na araw
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status