CHAPTER 102Dumating ang doctor. Pinalabas kami ni Rave para maeksamin pa daw si Dindo ng maigi. Sila man ay hindi makapaniwala sa nangyari. Kakausapin na dapat nila kami para taggalin ang life support ni Dindo ngunit heto’t nangyari ang isang himala. Naka-recover si Dindo sa hindi nila malaman na kadahilanan.Masaya kami ni Rave sa labas ng kuwarto ni Dindo. Yumakap siya sa akin. Hindi nga lang mahigpit dahil ayaw niyang magalaw ang sugat ko. Sunod naming pinuntahan si Dame sa kaniyang kuwarto. Mahina man si Dame nguni ligtas na siya. Nagawa na nitong itaas ang kamay niya para sumaludo sa akin nang makita kami ni Rave na pumasok sa kuwarto niya. Bakas sa mukha nina Rave at Dame ang kakaibang saya. At sa harap ko, nakita kong hinagkan ni Rave ang labi ni Dame. Tanda na iyon ng isang simula ng tapat at magtatagal na pagmamahalan.Ilang araw pa ay tuluyan ng lumakas si Dindo. Ako man din ay halos bumalik na sa normal ang aking katawan. Ako na ang matiyagang nagbabantay sa kaniya. Masaya
FINAL CHAPTER“Go Mama.” Sigaw ng kinikilig na si Shantel."Of course! Yes!" sagot ko. Yumuko din ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sabay kaming tumayo. Nagyakapan at binuhat niya ako. Ipinaikot niya ako habang nakayakap sa kaniya. Ibinaba niya ako at pinunasan niya ang aking luha. Hinalikan niya ako sa labi. Sumabay iyon sa isang masigabong palakpakan."Tuloy na ang kasal. Double wedding!" wika niya at nag-apir sila ni Rave. Halatang planodo na pala nila ang lahat.Muling itinuloy ni Shantel at Miley ang kanilang pagkanta. Bumalik kami ni Dame sa likod para muling simulan ang aming paglalakad palapit sa aming mga minamahal.On this dayI promise foreverOn this dayI surrender my heartAko ang unang naglakad. Sumunod si Dame. Dama ko ang bawat linya ng kanta. Para akong dinuduyan sa langit. Tanging si Dindo ang nasa paningin ko habang naglalakad ako. Napakaguwapo ng aking magiging asawa sa suot niya. Idagdag pa ang kaniyang nakakikilig na ngiti. Hawig na hawig niya talaga si Ejay Fal
Madaling Araw ng Sabado, maaga kaming ginising ni Daddy para daw mamasyal sa bahay nina Lola sa Diadi, Nueva Vizcaya. Bukod sa humigit kumulang pitong oras na biyahe mula Manila hanggang sa Diadi, idagdag pa ang nakakatakot na daan sa Santa Fe dahil sa matarik na bundok na dinadaanan ay alam kong mabobored lang ako sa bakasyon dahil hindi pa umaabot ang kuryente sa bahaging iyon ng lugar ng mga magulang ni Daddy. Minsan lang naman sa isang taon kami magbakasyon doon dahil bihira rin naman mabigyan ng bakasyon ang may mataas na ranggo na sundalo kong ama ngunit sadyang hindi ko talaga magugustuhan ang lugar na may kalayuan sa kabihasnan. Kung sana pinayagan na lang ako ni Daddy na maiwan sa bahay at maglaro sa bago naming computer ng mga war games, sana hindi ako mababadtrip ng ganito. Idagdag pa ang ingay nina Mommy na nakaupo sa harap ng aming sasakyan at ang bunso kong kapatid na kumakanta sa tabi ko. "Psst! Ate Aya! Ayos ka lang?" tanong ni Daddy sabay tingin niya s
Nang bigla na sana akong tatayo ay saka naman mabilis na gumalaw ang cobra para tuluyan akong tuklawin ngunit mabilis ang ginawa ng estrangherong binatilyo na ihampas ang hawak niyang patpat gamit ang kanang kamay niya at hinila niya ako gamit naman ang kaliwang kamay niya kaya bago pa man ako matuklaw ay nakita kong tumilapon ang cobra sa malayo. Nawalan siya ng panimbang kaya bumagsak kami sa damuhan at nakapatong ako sa kaniya. Sa bilis ng pangyayari ay hindi kaagad kami nakakilos. Yakap niya ang baywang ko. Ang isang kamay ko ay nakapulupot sa kaniyang leeg at ang isa pa ay nakadampi sa matigas-tigas niyang dibdib. Tatlong pulgada lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko kaya amoy ko ang kaniyang hininga at amoy pawis niyang katawan. Ngunit napansin ko kaagad ang mapungay niyang mata na binagayan ng may kakapalang kilay at hindi naman katangusang ilong. Ngunit sandali lang ang tagpong iyon dahil mabilis din niya akong hinawi kaya bumagsak ako sa damuhan at siya nama
Natigilan ako. Hindi ako maaring magkamali. Siya! Siya ang binatilyong nagsabing lampa ako at hambog. Ang gusto kong makita mula pa kaninang umaga na nagligtas sa akin sa cobra. Napakislot ako nang makita ko siyang walang kahit anong saplot sa katawan. Kumikintab ang moreno niyang kutis na basa ng tubig at natatamaan ng sikat ng araw. Alam kong hindi pa siya ganoon kabinata. Maaring nasa 13 o 14 years old lang siya sa tingin ko sa kaniyang mukha ngunit bakit ganoon na kaganda ang hubog ng kaniyang katawan. May kaumbukan na ang kaniyang dibdib, may masel na ang kaniyang mga braso at impis ang kaniyang tiyan. Gusto kong takpan ang mga mata ko. Gusto kong lumayo na lang doon kasi hindi na akma sa aking pagkababae ang nakatambad sa akin. Nang luminga siya ay mabilis akong nakapagtago sa sanga ng nakausling puno. Muli ko siyang palihim na sinilip at nakita kong nagsasabon na siya. Hindi ko man kita ang buong kahubdan niya dahil nakalublob naman siya sa tubig ay pa
Ngunit bago ako tuluyang lumubog ay nakita ko siyang nakatago sa gilid na halos matakpan ng mga nagtatayugang damo. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang bisig niyang nakapaikot sa aking baywang. Suminghap ako ng hangin, napakahalaga ng kahit katiting na oxygen lang habang inilalangoy niya ako sa mababaw na bahagi ng sapa. At nang binuhat niya ako para ipahiga sa may damuhan ay tinuluy-tuloy ko na at pinanindigan ko na ang aking pag-iinarte. Naisip kong gantihan na rin siya dahil sa ginawa niyang pagkukunwariang nalunod kahit marunong din naman pala siyang lumangoy. Sumisid lang naman pala siya at mabilis na pinagtaguan ako. Hindi madali sa aking ibuwis ko ang buhay ko para lang sana iligtas siya. Naramdaman kong inilagay niya ang hintuturo niya sa aking ilong. Siguro pinapakiramdaman niya kung humihinga pa ako. Mabilis kong itinigil ang paghinga kahit pa natatawa na ako. "Hoy!!!" tinatapik-tapik niya ang aking pisngi ngunit desidido talaga akong ar
Nahiya na rin akong humingi pa ng tulong kay Dindo. Naisip kong maaring kapit-bahay lang nila sina lola kaya kung sakaling sundan ko siya at makakalabas kami sa gubat ay mas mabilis ko nang matutunton ang bahay nina lola. Bago siya nilamon ng masukal na gubat ay binilisan ko siyang sinundan. Mabilis ang kaniyang mga hakbang kaya ako naman ay parang tumatakbo na rin. Tumigil siya na parang nakikiramdam at bago siya lumingon ay nakatago na rin ako. Nang pinagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad ay sinundan ko pa rin siya. Malayo-layo na rin ang aming nilakad nang bigla ko na lang siyang hindi makita. Binilisan ko ang lakad ko at baka lang lumiko siya at nakakubli siya sa malalaking puno ngunit wala na talaga siya. Paano na ‘to. Parang lalo pa akong naligaw ne’to e.Gusto kong sumigaw at tawagin siya pero baka sabihin na naman niyang lampa ako o tatanungin ako kug bakit ba ako sunud ng sunod sa kanya. Ngunit paano ako ngayon makakalabas sa gubat? Tagaktak na ako ng pawis. Ninenerbiyos. K
Pagdating ko sa bahay ay wala si Daddy.“Oh, saan k aba nagsusuot kang bat aka. PInakaba mo kami,” salubong ni Lola sa akin. Napakamot pa ng ulo. Hindi naman galit pero hindi natutuwa.“Asan po si Daddy ‘La?”“Hayun, umalis. Hinahanap ka kasama pa ng Lolo mo.”Nang narinig ni Mommy ang pag-uusap namin ni Lola ay lumabas si Mommy. Tulad ng nakagawian, bunganga na naman ni Mommy ang sumalubong sa akin. Katulad ng ginagawa niya sa Manila kung late na ako umuwi dahil sa pagco-computer kasama ng mga tropa kong kapit-bahay namin. Sanay na ako doon kaya nilambing-lambing ko siya dahil alam kong kapag ginagawa ko iyon ay nawawala na ng kusa ang galit niya sa akin. "Saan ka ba nagpuntang bata ka! Pinag-alala mo kami ah! Anak naman, babae ka at hindi lalaki!" agad na tanong ni Daddy pag-uwi niya. Halatang galit. "Dad, ang ganda pala doon sa may batis na may maliit na falls.”“Paano ka nakarating doon? Ang layo na no’n dito? O, paano kung natuklaw
FINAL CHAPTER“Go Mama.” Sigaw ng kinikilig na si Shantel."Of course! Yes!" sagot ko. Yumuko din ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sabay kaming tumayo. Nagyakapan at binuhat niya ako. Ipinaikot niya ako habang nakayakap sa kaniya. Ibinaba niya ako at pinunasan niya ang aking luha. Hinalikan niya ako sa labi. Sumabay iyon sa isang masigabong palakpakan."Tuloy na ang kasal. Double wedding!" wika niya at nag-apir sila ni Rave. Halatang planodo na pala nila ang lahat.Muling itinuloy ni Shantel at Miley ang kanilang pagkanta. Bumalik kami ni Dame sa likod para muling simulan ang aming paglalakad palapit sa aming mga minamahal.On this dayI promise foreverOn this dayI surrender my heartAko ang unang naglakad. Sumunod si Dame. Dama ko ang bawat linya ng kanta. Para akong dinuduyan sa langit. Tanging si Dindo ang nasa paningin ko habang naglalakad ako. Napakaguwapo ng aking magiging asawa sa suot niya. Idagdag pa ang kaniyang nakakikilig na ngiti. Hawig na hawig niya talaga si Ejay Fal
CHAPTER 102Dumating ang doctor. Pinalabas kami ni Rave para maeksamin pa daw si Dindo ng maigi. Sila man ay hindi makapaniwala sa nangyari. Kakausapin na dapat nila kami para taggalin ang life support ni Dindo ngunit heto’t nangyari ang isang himala. Naka-recover si Dindo sa hindi nila malaman na kadahilanan.Masaya kami ni Rave sa labas ng kuwarto ni Dindo. Yumakap siya sa akin. Hindi nga lang mahigpit dahil ayaw niyang magalaw ang sugat ko. Sunod naming pinuntahan si Dame sa kaniyang kuwarto. Mahina man si Dame nguni ligtas na siya. Nagawa na nitong itaas ang kamay niya para sumaludo sa akin nang makita kami ni Rave na pumasok sa kuwarto niya. Bakas sa mukha nina Rave at Dame ang kakaibang saya. At sa harap ko, nakita kong hinagkan ni Rave ang labi ni Dame. Tanda na iyon ng isang simula ng tapat at magtatagal na pagmamahalan.Ilang araw pa ay tuluyan ng lumakas si Dindo. Ako man din ay halos bumalik na sa normal ang aking katawan. Ako na ang matiyagang nagbabantay sa kaniya. Masaya
CHAPTER 101Paggising ko. Huminga ako ng malalim. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nakatulog. Mabilis kong nilingon ang kama na kung saan nakahiga si Dindo ngunit wala na ang kama niya doon. Pinanghinaan na ako ng loob. Alam kong mahaba ang tulog ko. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kinalalagyan ng kama ni Dindo. Umagos ang aking luha. Sumisikip ang aking dibdib. Ang tahimik na pagluha ay naging hagulgol. Hangga’t hindi ko na napigilan pa ang pagsigaw sa pangalan ni Dindo. Awang-awa ako sa kanya na kahit sahuling sandali ng kanyang buhay ay hindi man lang siya nakaramdam ng kaginhawaan. Buong buhay niya ay puro pasakit at hirap kasama na doon yung mga panahong dumating si Rave sa buhay ko. lalong nadagdagan yung sakit na kanyang dala-dalawa. Sa buong buhay niya, ako lang ang tanging niyang minahal. Ako rin pala ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Nahihirapan akong huminga. Para akong nalulunod sa matinding emosyon ng pagkawala sa akin ni Dindo.May humawak sa kamay ko. Pinisi
CHAPTER 100Nang una ay wala pa akong naririnig hanggang sa lumakas ng lumakas ang kanilang mga sinasabi.“Tita! Tita gising na siya. Gising na si chief!” masayang nasambit iyon ni Rave.Nakita ko si Mommy sa kabilang bahagi ng kama. Hinawakan niya ang palad ko. Naroon din sa paanan ko si Claire. May luha sa kanilang mga mata ngunit nang makita ni Mommy na nagbukas ako ng aking mga mata ay napalitan iyon ng ngiti at tawa.“Sandali lang, tatawag ako ng doktor tita.” Mabilis na lumabas si Rave."Salamat sa Diyos. Salamat anak at buhay ka. Dalawang araw kang walang malay. Salamat anak at lumaban ka para sa amin ni bunso."Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. Ngumiti ako. Hinalikan niya ako sa noo."Anak laban lang ha. Tinawag na ni Rave ang anak. Gagaling ka. Hinidi mo kami iiwan. Hindi ko na kakayanin pang pati ikaw ay mawala sa amin ni bunso!"Noon ko lang din naisip ang lahat mula nang nabaril ako at tuluyan na akong ginapi ng kawalang pag-asa. Buhay ako. Buhay na buhay ako.Mabilis na pu
CHAPTER 99Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Sandali akong nagising. Pinilit kong ibukas ang aking mga mata. Wala ako naririnig sa paligid ngunit malinaw kong nakita ang pagbukas din ng mga mata ni Dindo. Nahihirapan niyang inaabot ang kamay ko habang nakahiga kami magkatabing stretcher. Pilit ko ding inabot ang kaniyang kamay. Ginamit ko ang natitira kong lakas para pisilin iyon ngunit hindi ko kayang gawin. Sandaling nakita ko ang ngiti sa labi ni Dindo hanggang sa tuluyang unti-unting pumikit ang kaniyang mga mata. Hindi ko nagawang mapanatili ang kaniyang mga palad sa akin dahil sa sobrang kahinaan. Nahulog ang kamay niya kasabay ng kaniyang pagpikit. Tinawag ko siya. Pinilit kong may lumabas na tinig sa aking labi ngunit walang kahit anong tunog akong mailikha. Gusto kong sabihin sa kanya na lumaban kami. Kailangan naming magpakatatag. Na nandito lang ako para sa kanya ngunit hanggang sa isip ko lang ang lahat. Hanggang sa itunulak na ng isang nakaputi ang kaniyang stretc
CHAPTER 98Ang kanina'y makulimlim na kalangitan ay tuluyan nang bumigay. Pumatak ang ulan. Sabay ang madamdaming paggapang namin palapit sa isa't isa ang pagtawag ng pangalan ng bawat isa sa amin. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang luha. Umiiyak siya. Ganoon din ako. Hirap akong huminga dahil sa mga tama ko sa katawan. Nagsalubong ang aming mga palad. Hindi ko na iyon binitiwan. Gusto kong maramdaman siya. Sa kabila ng nararamdaman kong hapdi ng tama ng bala ay mas gusto kong mayakap siya hanggang sa lumalaban pa kami para sa aming mga buhay. Pinilit pa rin niyang gumapang palapit sa akin. Sinikap niyang maigapang ang sugatang katawan.“Hindi, hindi tayo susuko dude ko. Hindi tayo mamatay di ba?” bulong niya. Nakita kong pinilit niya talagang tumayo pagkatapos niyang huminga ng malalim. Nang nakatayo na siya kahit pa duguan na siya ay nagawa niya akong buhatin. “Aya, dude ko… Aya. Huwag kang pipikit ha? Huwag kang bibigay dude ko.” Ang madamdamin niyang pagtawag sa aking pangalan ay
CHAPTER 97Mga putok ng baril ang siyang hudyat para ituloy ang laban dahil nasa paligid na namin ang mga kaaaway.Kasunod iyon ng isa pang putok hanggang sa natumba ang isang rebelde na malapit sa amin."Kung ayaw ninyong umalis dito, utang na loob, gamitin ninyo ang hawak ninyong baril!" si Rave. Siya ang bumaril sa rebeldeng dapat kikitil na sa aming buhay.Ikinasa ni Dindo ang hawak niyang armas. Ganoon din ako. Nagkatinginan kami."Sigurado ka, kaya mo talaga?""Kaya ko. Ako na lang ang magsisilbing back up ninyo. Dito lang ako.”“Kahit anong mangyari ngayon, lagi mo lang tandaan na nandito ako para sa’yo. Wala akong hindi kayang gawin para sa’yo dahil mahal na mahal kita.”“Sige na, dude. Tulungan mo na sina Dame at Rave."Gumapang siya at umasinta. Alam kong hirap ang kalooban niyang kalabanin at barilin ang dati niyang mga kasamahan ngunit ginagawa na niya iyon dahil sa pagmamahal niya sa akin. Noon ko lalong napatunayan kung gaano niya ako kamahal.Nakita kong maraming inasint
CHAPTER 96“Katapusan mo na! Papatayin kita hayop ka!” sigaw ko kasabay ng kaagad kong pagkalabit sa gatilyo...Inulit ko pa, inulit ng inulit ng inulit...Ngunit walang putok...Walang bala ang lumabas. Nanlumo ako.Walang bala ang naagaw kong baril.Nagtawanan silang lahat. Lalo akong kinabahan."Ano ha? Akala mo mauutakan mo pa kami gaga!" singhal ng kumander nila.Hindi ko kailangan sagutin iyon. Hindi ko kagustuhang magkamali sa aking diskarte."Sige Jacko. Dalhin mo ang mainit na tubig na iyan at ibuhos mo sa kaniya para malapnos siyang buhay!"“Pero kumander paano naman yung usapan. Mas masarap ‘yang kainin na hindi luto. Pwede bang matikman na muna bago lutuin ng buhay?” paningit ng dumidila-dila pang isang rebelde.“Oo nga kumander. Tirahin na muna kaya namin ‘yan.”“Tumahimik nga kayo. Kahit naman lapnos na ang balat niyan ay titirahin niyo pa rin. Mamayang gabi na lang ‘yan tirahin kapag hindi pa dumating ang kanyang tagapagligtas para bukas ng umaga, hindi na ito sisikata
CHAPTER 95Madaling araw nang kumulog at kumidlat. Bumuhos ang ulan. Naging dobleng pasanin ang ibinigay niyon sa akin. Malamig at tuluyan nang parang walang pakiramdam ang aking mga paa. Namamanhid na ang aking katawan. Dahil sa pagod, hirap at hapdi ng natalian kong kamay at paa, idagdag pa ang mga suntok at sipa nila sa akin ay hindi ko na kaya pang pigilan ang aking pagluha. Gusto kong ilabas ang sakit na aking nararamdaman. Ganito ba kahirap ang kailangan kong pagdaanan? Paano kung bukas nga ay hindi na ako sisikatan ng araw? Paano kung hanggang bukas wala pa rin ang aking tagapagligtas? Ngayon palang naiisip ko na ang gagawin ng lahat sa akin. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang kaysa babuyin ako’t pagpapasa-pasaan.Isa pang nakakapagbagabag sa akin ay ang takot na maaring nasa hospital si Dindo ngayon kung hindi man siya natuluyan kanina ng mga rebelde. Bakit laging ganoon? Bakit lagi akong walang magawa kung nasa kapahamakan ang taong mahal ko? Lagi bang kailangang ako ang