Share

CHAPTER 78

CHAPTER 78

Tumigil ang ikot ng aking mundo. Nagdilim ang aking paningin at nahirapan akong huminga.

Sa nasaksihan ko ay parang nanikip ang dibdib ko at hirap akong huminga. Ngunit sandali lang iyon. Mabilis akong nahimasmasan. Agad akong lumapit sa bangin na kinabagsakan ni Rave. Nakita kong nakahandusay na siya sa mabatong bahagi na iyon ng bangin. Sumama ang dugo sa umaagos na tubig. Bago ako tuluyang makababa palapit sana kay Rave ay nasukol na ako ng isa pang rebelde. Nagsisigaw ako. Nagwawala. Paulit-ulit kong tinawag ang pangalan ni Rave. Puno ng luha ang aking mukha.

Tumingin ako kay Dindo. Humuhugot ako sa kaniya ng awa para tulungan niya akong iligtas si Rave kahit alam kong hindi na siya mabubuhay pa sa natamo niyang tama ng baril at ang maaring pagbagsak ng kaniyang katawan at ulo sa mabatong bahaging iyon ng bangin.

Yumuko siya. Tanda ng walang magawa. Simbolo ng di pagtulong. Senyales ng pagsuko.

"Dindo! Tulungan natin si Rave. Parang awa na ninyo, tulungan natin siya."
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
GIRLY DE TOMAS
akala ko pa nman si rave ang forever ni aya ang sakit ganon kadali syang nawla...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status