Home / Romance / Ang Rebelde at Ang Sundalo / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Ang Rebelde at Ang Sundalo: Chapter 21 - Chapter 30

102 Chapters

CHAPTER 21

CHAPTER 21Sa Campus ay nagpatuloy ang tagisan namin sa talino. Ang pagkakaiba lang ngayon ay hindi ko na siya nilalapitan o kaya ay kinakausap. Kung dati ako ang laging nakatingin sa kaniya, ngayon siya ang nahuhuli kong nakatitig sa akin. Madalas akong puntahan ni Bea para sabay kaming magmiryenda tuwing recess kasama ng iba ko pang mga kaibigan. Madalas din kaming nagkakantahan at ako ang laging naggigitara. Nasip ko, puwede din palang maging masaya kahit tuluyan na akong umiwas kay Dindo. Puwede pa rin akong magkaroon ng ibang mga kaibigan at hindi ko kailangang ipilit ang sarili ko sa ayaw naman sa akin. Hindi ko siya kawalan. Dahil sa madalas na bonding naming nina Bea, nagkaroon tuloy kami ng grupo. Si Bea at isa niyang babaeng pinsan ang 4th year lang sa grupo namin.February. Kailangan kong magbigay ng pera kay Sir Marlo para sa contribution ni Dindo sa parating naming JS Prom at pati na rin ang allowance niya hanggang March. Naisip kong, ako na ang bahala sa isusuot ni Dindo
last updateLast Updated : 2024-02-22
Read more

CHAPTER 22

CHAPTER 22 Dahil nag-improve ang aking mga grades at nalaman ni Daddy na nakikipagcompete na ako sa National, pag-uwi ko sa araw na iyon ay may nakaparada sa bahay na bagong motor ko. Matagal ko na kasing nililigawan siya na bilhan niya ako ng motor. Napalundag ako sa tuwa noon at nayakap siya sa sobrang saya. Alam kong labag sa loob niyang bilhan ako ng motor kahit pa marunong na ako noong Grade 5 pa ako. Nagtatalo sa kaniya ang awa at takot. Awa dahil tuwing umaga ay nalalaman niya kay lolo na nakikipagsiksikan ako sa mga tricycle at kadalasan kailangan kong maglakad hanggang sa highway para lang may masakyan. Takot, dahil baka matulad ako sa mga kabataang nadidisgrasiya ngunit sadyang malambot ang puso sa akin ni Daddy. Umuwi talaga siya para personal na ibigay sa akin ang sorpresa niyang motor sa akin. Paulit-ulit akong nagpasalamat sa kaniya. May mga rules lang siyang dapat sundin. Laging isuot ang helmet, huwag gamitin ang motor sa paglalakwatsa at panatilihing mataas ang aking
last updateLast Updated : 2024-02-22
Read more

CHAPTER 23

CHAPTER 23Nang hinahayag ko na ang aking mensahe ay nakita ko na siyang dumating at umupo sa likod ng aking inuupuan. Pagkatapos ng speech ko ay bumalik na ako. Kunwari nagtatampo ako. Hindi ko siya pinapansin. Ngunit sa totoo lang, kinakabog ang dibdib ko. Sobrang gwapo niya sa suot niyang coat at black tie. Para siyang isang Adonis. Pwede siyang itapat sa mga batang matinee idol. Damn uli!"Psst!" papansin niya.Hindi ko siya nilingon. Kunyari hindi ko narinig dahil sa lakas ng tugtugin.“Dude,” kinalabit niya ang tagiliran ko."Ano!" sagot ko. Malakas ang sound ngunit naririnig ko siya."Happy Valentine. Ang ganda mo sa suot mo ah." Kinilig ako sa sinabi niyang iyon ngunit tuloy lang ang pag-iinarte ko."Ano? Hindi kita marinig. Anlakas kasi ng music." Ngunit ang totoo niyan ay kinilig ako. Ngayon ko lang siya narinig na sabihing maganda ako.Panira lang kahit kahit kailan itong si Bea. Bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinila. "Tara na, susunod ng cotillion natin!"Pagkatapos n
last updateLast Updated : 2024-02-22
Read more

CHAPTER 24

CHAPTER 24 Hanggang sa pumunta siya sa likod ng isang malaking puno. May kinuha siya doon. Isang may kalumaan na ring gitara."May gitara ka pa talaga ha,” natawa ako.Naghihintay lang ako kung ano ang mga plano niya. Para akong na-hypnotized na sumusunod lang sa gusto niyang gawin o ipagawa. Hindi ko kasi napaghandaan ang lahat ng mga ginagawa niyang ito. Nagugulat pa rin ako."Kaya ako late kanina kasi galing pa ako dito. Wala akong masakyan kaya naglakad pa ako papunta sa school para puntahan ka." Kunweto niya."Bakit kasi hindi mo ako sinabihan nang pagkatapos ng mga commitments ko sa school ay dumiretso na lang ako rito.""E di hindi na kita na-surprise kung alam mo ang gagawin kong ito."Nagsimula siyang tumugtog ng gitara. Tinimpla niya muna at nang sigurado na siya ay tumingin siya sa akin. Titig na titig."Huh!" pinakawalan niya ang malalim na hininga. "Para sa'yo ang kantang ito dude. Swak na swak ang lyrics sa gusto kong sabihin sa'yo.""Talaga? Sige, pakikinggan ko." pum
last updateLast Updated : 2024-02-22
Read more

CHAPTER 25

CHAPTER 25Naging mas mapusok ang aming mga halikan. Pinagsaluhan ang bawat hininga. Ramdam naming parang kapwa kami ipinaghehele sa alapaap. Hindi ko mabigyan ng tamang paliwanag ang aking naiibang nararamdaman. Naglakbay ang aming mga palad. Nagsimulang hubarin ng kamay ko ang kaniyang suot at ganoon din siya sa akin. Sa unang pagkakataon ay may mga ginagawa kaming tinutulak ng isang likas na pangangailangan. Kailangan naming pagbigyan ang uhaw naming kaluluwa. Kailangan naming sabayan ang nag-uumapoy naming pagnanasa. Sa damuhang iyon naming pinagsaluhan ang unang sarap ng aming pagsinta.Ngunit napapanahon na ba? Hindi ba masyado pang maaga? Anong ibubunga ng kapusukan naming iyon? "I love you" pabulong niyang sinabi sa akin.“Seryoso ka?”“Hindi ako makikipagbiruan sa pag-ibig. Aya, mahal kita. Mahal na mahal kita.”“Sandali lang ha. Ginugulat mo ako e.”“Mahirap bang sabihing mahal mo rin ako?”Huminga ako ng malalim. Para kasi akong nauubusan ng hangin.“Sige naiintindihan kit
last updateLast Updated : 2024-02-22
Read more

CHAPTER 26

CHAPTER 26 Araw ng aming Recognition Day. Dumating muli si Mommy at siya ang nagdrive sa aming sasakyan kasama si Claire. Hindi nakasama si Daddy dahil sa isang operation nila laban sa rebelde sa Northern Luzon. Naiitindihan ko naman ang trabaho ni Daddy at sa tuwing wala silang operation ay ibinubuhos naman niya ang oras niya sa amin. Nasanay na ako na hindi sa lahat ng mga mahahalagang okasyon sa buhay namin ay naroon siya ngunit bawing-bawi naman kapag umuuwi siya sa amin. Kasama na sa serbisyo niya ang isakripisyo ang oras niya sa amin. Nang third year na ang tatawagin ay nagkatinginan kmi ni Dindo. Hindi pa namin alam kung sino sa amin ang Top 1. Alam kong matindi ang aming friendly competition."Kahit sino sa atin ang first honor, sobrang ikasisiya ko ang resulta ng ating pinaghirapan.""Pero mas masaya ako kung ikaw ang first." Sagot ko.“Hindi, handa akong magparaya kung sa’yo mapupunta kasi alam kong you deserve it too.”"Sino pala magsasabit ng medal mo?" Bumuntong-hining
last updateLast Updated : 2024-02-23
Read more

CHAPTER 27

CHAPTER 27"I love you po.""I love you more." Sagot ko. Nakangiti na. Nawala na ang aking pagtatampo."Mamimiss kita" yayakapin niya sana ako pero may padaan na nakasakay sa kalabaw kaya natigilan siya. Napangiti ako sa nakita kong panlalaki ng mga mata niya nang makitang may dumadaan. Nang makalagpas ay mabilis niya akong niyakap at mabilisang halik sa labi.Pagkatapos no'n ay naglakad na siya palayo. Pero alam kong muli iyon lilingon at kakaway kaya hindi muna ako umalis. Ngunit ang inaasahan kong lingon at kaway ay naging mabilis na lakad pabalik sa akin saka ang isang mabilis na yakap na naman at halik."Namimiss na agad kita.""Ako din sobrang mamimiss kita." Sagot ko. Nangilid ang luha sa aking mga mata. Kung tutuusin dalawang buwan lang naman kaming magkakalayo.Hanggang sa minabuti niyang umalis at hindi na muli pang lumingon dahil alam naming mas mabigat ang aming pagkakahiwalay kung lilingon pa siyang muli. Baka hindi ko na siya papayagan pang umalis.Kinabukasan ay wala ak
last updateLast Updated : 2024-02-23
Read more

CHAPTER 28

CHAPTER 28 Sinadya kong maaga siyang ihatid sa bus station sa Cubao pauwing Vizcaya para may oras pa kaming gumala. Dahil sa sobrang traffic ay nag MRT na lang kami. Nakapadaming pasahero. Nang sumakay kami sa Magallanes Station ay naka-akbay pa siya sa akin habang nakatayo na kami dahil punuan na. Yakap niya ako. nasa likod ko siya at ramdam ko ang kanyang katawan na nakalapat sa aking katawan. Nararamdaman ko ang hininga niya sa aking leeg na nagbibigay ng kakaibang sensasyon. Gusto ko yung pagagakayakap niya sa akin ng mahigpit.Pagdating naming sa Shaw Boulevard Station ay may babaeng dumaan.“Pwede, maghiwalay na muna? Lalabas ako e!” maldita niyang sinabi sa amin.Wala kaming nagawa kundi ang maghiwalay kaya lang biglang nagdagsaan ang mga tao. Tuluyan na siyang napalayo sa akin. Naitulak siya ng naitulak ng mga pasahero hanggang halos hindi ko na siya makita kung saan. Dahil siguro nahihiya siyang makipagsiksikan o ibunggo ang sarili para hindi siya maitulak sa gitna ay tuluya
last updateLast Updated : 2024-02-23
Read more

CHAPTER 28

CHAPTER 29Mahalaga si Daddy sa buhay namin. Mahal na mahal ko siya dahil mula paslit ako ay pinaramdam niya sa akin kung paano magmahal ang isang tunay na dakilang ama. Tumunog ang cellphone ni Mommy. Mabilis niyang sinagot."Dad! Oh my God! Napanood ko kasi ang balita. Salamat sa Diyos ligtas ka. Alam mo naman na sa tuwing may operation kayong ganito e kinakabahan ako.""Mommy pakausap nga din ho ako kay Daddy." Lumapit ako sa kaniya."O, heto si ate kakausapin ka daw."Kinuha ko kay Mommy ang cellphone. Namimiss ko na si Daddy kaya naman bakas sa mukha ko ang pagkasabik na marinig ang kanyang boses."Kailan ka uuwi Dad?" tanong ko agad nang hawak ko na ang cellphone."Bukas anak.”“Talaga ho? Sige hihintayin ka namin dito bukas.”“Pasensiya na anak ha? Hindi na kita nasabitan ng medalya.”“Ayos lang ‘yon Dad, naiintindihan ko po. Nandito naman si Mommy e.”“Ang galing talaga ng ate ko ah. Mana lang sa Daddy!""Oo naman, pero Dad, dapat sa graduation ko, andun ka ha.""Oo naman. Pan
last updateLast Updated : 2024-02-23
Read more

CHAPTER 29

CHAPTER 29“I’m sorry. Kailangan na talaga nating palayain ang isa’t isa.”Nasaktan ako sa kanyang pakiusap. Palayain? Hindi ako makapagsalita na para bang nagulat ako sa bilis ng mga pangyayari. Ni hindi ko nga alam kung tama ba ang mga naririnig kong sinasabi niya ngayon sa akin. Nauna pa nga akong naluha kaysa sa makapagsabi ng kahit na anong kataga. Naramdaman ko ang nanginginig niyang kamay na humawak sa aking mga kamay. Tinignan ko siya. Katulad ko, lumuluha din siya."Bakit? May kasalanan ba akong nagawa sa'yo?" garalgal kong tanong."Wala kang kasalanan, Aya.”“Pero bakit? Akala ko okey natayo. Bakit bumaik na naman tayo dati? Bakit ba lagi mo akong sinasaktan ng ganito. Kung may kasalanan ako, sabihin mo, nang maayos ko.”“Tulad ng sinabi ko, wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan ang kasalanan nila ngunit dito lang din mauuwi ang binubuo nating ugnayan. Hindi ko alam kung hanggang kailan magiging tama para sa akin ang gagawin kong ito ngunit sa ngayon, ito ang binubulong ng
last updateLast Updated : 2024-02-24
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status