Nang bumalik si Apollo sa tabi niya natahimik na si Sol. "Sorry, love ano nga ulit ang gusto mong sabihin sa akin. Tumawag kasi si Uno nakikipag meet-up ulit." ani niya. "Ahmm! W-Wala love, gusto ko lang sabihin sayo na kung pwede ka this weekend. Pero, mukhang may lakad ka na at naka oo ka na rin yata." sagot niya. "Ahmm! Oo love, mapilit kasi si Uno at mukhang problemado ang pinsan ko." sagot niya. "I see. Sige! Akyat na ako love gusto ko na ring magpahinga." pagpapaalam niya at hindi na nasabi ng tuluyan ang gusto niyang sabihin sa fiance' Mabibigat ang naging hakbang ng mga paa nito. Hindi niya kasi masabi ang katotohanan. Pagpasok niya sa loob ng kwarto nahiga na siya at nakatulog. Nagising siya nang makaramdam ng pagkalam ng sikmura at mabangong amoy. Nang imulat niya ang kan'yang mga mata. Napatingin siya kay Apollo. "Gising ka na pala love, heto dinalhan na lang kita ng pagkain. Hindi ka pa kasi kumain mula kanina pa." wika nito kasabay nang pag upo nito sa ka
Read more