Maagap na bumaba si Apollo para tawagin ang dad niya. "Dad ako na po.." tawag niya dito. "Kilala mo anak?" "Yes po dad, neighbor ko po at kapatid ng secretary niyo." sagot niya dito. "I see. Sige maiwan ko na muna kayo at may lakad pa ako. Bye son, see you later." huling bilin ng dad niya bago ito umalis. Nang maka alis na ang daddy niya saka naman niya binalingan si Clarisse. "And you, ano na naman bang ginagawa mo dito? Hindi ba sinabi ko sayo na hindi ko kailangan ng cook o yaya. Kaya ko ang sarili ko kaya pwede ba tantanan muna ako." bulyaw niya dito at talagang nauubos na ang natitirang pasensya niya sa babae. "Apollo, hindi ba sabi ko naman sayo hindi ako basta bastang sumusuko. Gusto kita at lahat gagawin ko para magustuhan mo rin ako." prangkang wika nito. Siya na lang talaga nahihiya sa mga pinagsasabi ng babae sa kan'ya. "Look! Clarisse, ayaw kitang bastusin kasi kapatid mo ang secretary ng dad ko. Pero, hindi ba nakapa desperada mo na yata. Alam mong ma
Read more