One Week Later.. Walang kaalam alam si Apollo sa inihandang surpresa ni Sol para sa kan'ya. Hindi pa naman nila Anniversary ngayon pero, sasalubungin lang nila. Nagtataka man siya kung bakit wala na naman ang fiance' niya rito at tila abala ito sa paglabas labas. Ayaw naman niyang mag-isip ng hindi maganda pero, hindi rin talaga niya maiwasang gayong panay panay ang alis nito. Hanggang sa ngayon nga ay hindi na siya nakatiis at napatanong siya rito. "Love, may lakad ka ulit? Si Carren na naman ba ang kasama mo?" tanong niya. "Yes, love nagpapatulong kasi siya sa akin ulit. Okay lang ba?" balik na tanong ni Sol sa kan'ya. Alangan namang hindi siya pumayag at pag bawalan ito. Ano na lang ang iisipin nito sa kan'ya. "Okay love." sagot niya. Hindi na siya nag isip pa ng iba at lalo lang siyang mapa praning. Nang humalik ito sa labi niya ng mabilisan kahit ayaw pa niya sana pero, mukhang madaling madali na ito sa lakad. Sinundan niya na lamang ng tingin ang bulto nitong papala
Read more