"Love, hindi ba ako nanaginip lang??" tanong niya sabay kusot ng mga mata. Napaluha siya ng malamang totoong narito nga ito. "Are you alright, love? Hindi ka ba masaya na makita ako?" tanong nito. "Love, totoo nga at hindi ako nanaginip.." wika niya. "Masayang masaya love, teka bakit wala kang pasabi na uuwi ka dito. Hindi tuloy kita nasundo sa aiport." naka simangot na wika nito. "Hmmm! I just want to surprise you love. And hindi mo rin naman ako masusundo sa airport. I was landed on the Laxamana rooftop building. Okay lang 'yon love, miss na miss na kita." ani ni Apollo sabay hawak ng mukha niya at halik sa labi nito. "Ate Sol--" natigilan si Belle nang makita kung sino ang kahalikan ng ate Sol niya kaya bumagsak ang cellphone na hawak niya. Nagulat naman ang dalawa kaya naghiwalay ang mga labi nila. Napalingon sila sa likuran nila at nakita nila si Belle na nakayuko at pinupulot ang cellphone nitong bumagsak sa lapag. "Oh! What happened to your cellphone?" tanong ni
Read more