TAHIMIK na kumakain sila Luna sa hapagkainan at tanging si Celine lang ang nagsasalita sa kanila. Panay ‘din tingin ni Luna, Riri at Lisa kay Selene na pansin na pansin ng dalaga. Noong una ay hindi niya iyon pinapansin hanggang sa mapairap siya at magsalita na. “Guys, totoo ako hindi ako multo okay?!” Alam kasi ni Selene ang tumatakbo sa isip ng mga ito lalo na’t unang tanong ni Riri sa kaniya kung hindi ba siya multo. Dahil gumawa na siya ng research tungkol sa mga ito ay alam niya na ganoon ang maiisip ng mga ito. “*Ehem* Naninigurado lang kami,” upong deretsyo na sabi ni Lisa na ikinatawa ni Celine kaya maging si Selene ay nahawa sa kaniyang pamangkin. “Tita ‘wag mo na po sila pansinin, mga OA po ‘yan.” Natawa lalo si Selene dahil sa sinabi nito at tumango. Nang matapos silang kumain at nagpunta sila sa sala’s para doon mag-usap. “Unang-una sa lahat, buhay ako okay? Hindi ako namatvy dahil palabas lang ang lahat ng iyon. Kinailangan kong gawin ‘yun para hindi mag-alala
Magbasa pa